logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

STOLEN KISS

"Nasa clinic daw si Laurent Baider ngayon."
"Bakit daw?"
"Gusto niyang i-train ang mga nurse roon."
Lumaki ang tainga ko nang marinig ang usap-usapan sa hallway.
Si Laurent nasa clinic?
Napabuntong hininga ako. Gusto kong mag-cutting classes para puntahan siya at muling masulyapan ang mukha niya. Tinamaan yata talaga ako sa kaniya. Lahat naman ng babae gusto siya kaya dapat hindi na ako magtaka.
Akalain mo 'yon unang beses ko pa lang siyang nakita gusto ko na siya?
Pag-ibig nga naman walang pinipiling lugar, oras o panahon basta kapag tumama saiyo wala ka nang magagawa.
"Anm! Hoy!" Nagising lang ako sa pagkakatulala nang yugyugin ni Alem ang balikat ko.
"Huh?" Nakanganga ko siyang tiningnan.
"What is happening to you?"
"Alem kasi.." Naghanap ako ng maisasagot pero wala akong makapa.
Hays.
"In love ka kay Laurent Baider?" Nakangisi niyang sabi sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko. Halos hindi ako mapakali sa titig ni Alem na iyon pero natigilan din ako nang tumawa siya.
"Okay lang 'yan! Ano ka ba natural lang 'yan!"
"Eh, 'di ba may gusto ka rin sa kaniya?" paninigurado ko.
"Duh! Every girl would fall in love with the hotties man on earth!"
"Hindi ka nagagalit?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Why would I?" Tatawa-tawa niyang sabi.
"Eh?"
"Alam mo kung gusto mo siya ligawan mo!" Natatawa niyang sabi.
Akala ko ba lalaki ang nanliligaw?
"Huh?"
"Sa hirap abutin ng Baider na 'yon dapat babae ang nanliligaw. Try mo kaya, Anm?"
"Try? Ano ka ba! Sa dami ng nagkakandarapa roon edi napatay ako. Ikaw na rin ang nagsabi na mahirap siyang abutin."
"Edi sungkitin mo!"
Eh, kung subukan ko nga kaya?
Hindi ba 'yon makaka-apekto sa pag-aaral ko?
"Susuportahan kita! Wala namang masama kung susubukan.” Ngumiti siya, “Lahat ng mataas naaabot basta may panungkit,” tumawa pa siya na halos hindi na makita ang mata bago nagtitili, kinikilig nanaman.” Mamayang uwian puntahan natin sa clinic," masiglang sabi pa niya...
"Hindi ba nakakahiya?"
"Walang nakakahiya sa umiibig," tumutok na siya ngayon sa librong binabasa.
"Hi, girls!" Napalingon kami sa boses na iyon.
Sabay kaming nanlaki ng mata ni Alem at lumapad ang ngiti sa lalaking nasa likod namin.
"Ardent!" Tumakbo kami at yumakap sa kaniya.
Kaibigan namin siya ni Alem tuwing pumupunta siya ay may dalang pagkain kaya gano'n na lang kami ka-excited tuwing dinadalaw niya kami.
Siya si Ardent Niko Laborte kumukuha siya ng kursong architecture kaya hindi namin siya madalas kasama pero ewan ko riyan kahit palaging subsob din sa pag-aaral ay nagagawa pang pumunta sa amin kahit pa sa kabilang building ang kanila.
"What's that?" Walang paalam na kinuha ni Alem ang paper bag na dala niya.
"Kumain na muna kayo alam kong gutom na kayo," nakangiting sabi ni Ardent. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti ako sa kaniya.
"Salamat."
Kumain kaming tatlo nang masaya. Ang dala niya ay burger, spaghetti at cola.
"Aren't you busy, Ardent?" Sabi ni Alem habang ngumunguya.
"Walang busy when it comes to the both of you," nakangiti niyang sabi sa akin.
Nailang ako nang mapansing nakangiti siya habang nakatingin sa mukha ko. Hindi tuloy ako makakagat nang maayos.
"Ahm, Ardent, bakit?" Tanong ko kasi wala na siyang balak tanggalin ang mata sa akin.
"Ah—wala," sa wakas ay nag-iwas siya ng tingin. "Aalis na rin ako may klase pa ako, ingat kayo," baling niya sa amin ni Alem. "Lalo ka na," mahina niyang sabi at saka ngumiti sa akin.
Tiningnan ko si Alem kung narinig niya iyon pero mukhang hindi dahil ang atensyon niya ay nasa kinakain lang.
"Sige, ingat ka rin," masigla kong sabi sa kaniya.
Minsan okay naman kami ni Ardent pero minsan naiilang lang talaga ako sa titig niya. May kung ano sa titig niya ang hindi ko maintindihan.
Nang uwian ay excited kong tinahak ang daan papuntang clinic pero hindi ko 'yon pinahalata kay Alem.
"Ganito gagawin natin kunwari masakit ulo mo dadalhin kita roon."
Halos matawa ako dahil sa sinabing iyon ni Alem. Napaka-supportive niya, oyong tipong gagawa pa talaga kami ng eksena para lang mapansin ako ni Laurent.
"Galingan mo umarte para sa lovelife mo ito para hindi ka na NBSB naka-ilang heartbroken na ako ikaw wala pa rin galaw-galaw!" Sermon niya sa akin habang inaayos ang buhok ko. Napangiwi naman ako.
Kailangan ko ba talagang gawin ito?
"Malapit na tayo dapat 'yong acting skills mo lumabas," sabi niya pa at sumilip-silip kami kung may tao pero nang walang makita ay dumiretso na.
Umarte akong nahihilo at humawak sa noo ko.
"Doc!" Tawag ni Alem kay Laurent. Naka-alalay sa akin si Alem at ako naman ay todo acting na masakit ang ulo.
"Ang.. sakit ng ulo ko," sabi ko at kunwaring hihimatayin pa. Ang galing mo Anm! Hindi ako makapaniwalang ginagawa ko ito para sa uhaw na uhaw na magka-lovelife.
"What happened?" Nakita ko ang pag-aalala ni Laurent at mabilis na umalalay sa akin.
Paghawak niya pa lang sa braso ko ay awtomatikong gumapang ang kuryente roon pero hindi ko pinahalata. Mukhang lalagnatin ako sa kilig nito at tuluyang magkasakit.
"Kanina pa masakit ang ulo niya. Mamamatay ka na ba, huh?" Nagkunwaring umiiyak pa sya kaya kinurot ko dahil nasobrahan na ng acting. Wala namang lumalabas na luha.
"OA mo na," bulong ko sa kaniya kaya tumigil siya.
Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Laurent.
Woah!
Ang sarap sa pakiramdam. Napatitig ako sa mukha niya. Diretso ang tingin niya sa unahan habang karga niya ako nang pangkasal. Nang masulyapan ko si Alem ay pigil na pigil niya ang pagtili niya. Parang sinisilihan ang pwet niya, kagat labi at kumikislot na hindi na mapakali sa kilig.
Woah! You will be the cause of my death.
Gusto kong isigaw iyon pero hindi ko magawa. Nang mailapag niya ako sa kama ay tulala pa rin ako sa mukha niya.
Ang pogi niya talaga!
Nababaliw na yata ako!
"Doc, may emergency aalis na ako kayo na bahala sa kaibigan ko," sabi ni Alem at nang mapasulyap sa akin ay kumindat pa.
Hala? Wala naman sa usapang iiwan niya ako!
Wala nang masyadong tao rito sa clinic dahil uwian na nga sana kung hindi lang ako dumating.
"Anong klase ang sakit? Kumikirot ba or gumagapang?" Tanong ni Laurent habang nakatingin sa mukha ko.
Natulala nanaman ako sa kagwapuhan niya. Siya lang ang nag-iisang lalaking nakakapag-pawala ng katinuan ko. Ang boses niya ang sarap sa tainga. Ang presensya niya ay parang may mahika na nanunuot sa katawan ko iyong tipong makita ko lang siya hindi ko na maidepina ang sayang nararamdaman ko.
"What are you doing here?" Bigla ay natauhan ako sa tanong niyang iyon. "Wala naman talagang masakit ‘di ba?" Nakakunot-noo niyang tanong.
Wah! Nahulaan niya!
Agad akong naghagilap ng isasagot pero wala akong makapa kaya nahihiya na lang akong nag-iwas ng tingin.
"If I were you go home," masungit niyang sabi at saka tumalikod na.
Mabilis akong tumayo at hinawakan siya sa braso. Natigilan kami pareho at napatitig sa kamay kong nasa braso niya.
"Sorry," tinanggal ko iyon at nag-iwas ng tingin.
"Tell me, what do you want?" Nilingon ko ulit siya at nakita ko ang mukha niyang iritado.
Ayaw niya ba talaga sa akin?
"I want you," napatakip ako sa bibig ko nang wala sa sariling nasabi ko iyon.
Hala! Anmela naman!
"Tsk," ngumisi siya pero napalitan din agad ng masamang tingin. "You don't know what you're talking about."
"Ahm," nahihiya akong nagbaba ng tingin. "Pwede ba akong manligaw, Laurent?" nanginig ang buo kong katawan sa sinabi kong iyon at agad na nag-init ang pisngi ko.
Hindi ko alam saan ako humugot ng lakas ng loob. Alam kong ako ang babae pero wala namang masama kung minsan maiba ang takbo ng kultura. Kapag gusto mo gagawin mo lahat para makuha ‘yon.
Gano'n ba 'yon? Tama naman ‘di ba? Kapag manliligaw ka dapat itanong mo.
"Seriously?" Nakakunot niya pa ring sabi.
"Basta liligawan kita," nahihiya akong nag-iwas ng tingin at napaatras nang lumapit siya sa akin. Lapit siya nang lapit hanggang sa semento na ang maatrasan ko.
"Back off," madiin at matapang niyang sabi kaya nanlumo ako sa kirot.
Ayaw niya talaga sa akin! Siguro ayaw niya sa mahirap pero wala akong pakialam.
Unang beses kong magkagusto sa lalaki bakit ko pagbabawalan ang sarili ko?
Nanginginig man ay nagsalita ako."Wala akong pakialam basta liligawan kita," nagugulat nanaman ako sa sarili ko.
Napatitig ako sa mukha niya hanggang bumaba ang tingin ko sa labi niya. Inaakit ako no'n. Gusto kong matikman kahit isa lang.
Eh, kung halikan ko kaya siya? This will be my first kiss!
Bahala na!
Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at mabilis na dinampian ang labi niya.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya at ang pagkatulala niya. Bago pa siya makapag-react ay tumakbo na ako palabas ng clinic na iyon. Malapad ang ngiti ko at sobrang lakas ng kalabog ng puso ko.
"See you tomorrow, Mr. Baider!"

Komento sa Aklat (294)

  • avatar
    Roselyn Oco Mejia

    Wow! This story is very nice. complete package have a romance, action, comedy, tragic, suspense and drama. May maga dang lesson na mapupulot ka talaga. Dami ko ring nailuha s story na ito lalo n s last part but so sad the story of laurence.😭😭😭. Thank you so much author and keep up the good work. May the Lord always bless you. keep safe

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Nion Rey Berco Berco

    ang ganda

    08/08

      0
  • avatar
    AmaroCatelyn

    sobrang Ganda ng story

    27/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata