logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Best Friend

"Thank you, kuya." Kahit papaano, gumaan ang nararamdaman niyang sakit. Sobra siyang nagpapasalamat sa presensya ni Austin.
Hindi ito nagtanong ng kung ano ano. Tahimik lang ito. Bago sila tuluyang umuwi, dumaan muna sila sa hilig nilang kainan. Namiss raw nito kumain doon.
Tila naawa rin siya dahil alam niyang pagod ito at kagagaling lang sa flight. Paniguradong may jet lag pa ito.
"I'm not gonna ask you anything. But I'm willing to wait for the right time to tell me what's bothering you, Maki." sinserong sabi nito sa kanya bago sila tuluyang bumaba ng sasakyan nito.
"I will, kuya. Thank you." tumakbo siya sa tabi nito para yakapin ito. "Welcome back, kuya Austin."
Bahagyang ginulo nito ang buhok niya. "Anything for our little Princess."
Isang totoong ngiti ang ibinigay niya dito. Oh, how she missed this guy. She grew up as one of the boys. Akala ng mommy niya noon, isa siyang tomboy dahil sa kilos at pananamit niya. No one treated her like Austin did. Parang isang babasagin na gamit siya sa paningin nito.
Marahil dahil na rin sa mga nalaman nitong nakaraan niya. Tinrato siya ni Austin bilang nakababatang kapatid. Dahil namatay ang nakababatang kapatid nitong babae, sa kanya itinuon ang buong atensyon nito.
"Alam kong pagod ka. Magpahinga ka na." Lumayo na siya dito dahil hindi naman ito gumanti ng yakap sa kanya.
She and Austin doesn't mind being clingy to each other. Maraming nag-aakala noon na may relasyon sila ng binata dahil sa sobrang lapit nila. But no, to Austin she was just a little sister. Oh, how she wished na magkaroon ng pagtingin ito sa kanya. Pero alam niyang hindi iyon mangyayari. Ilang beses na rin siya noon nagpahiwatig ng nararamdaman dito, madalas lang siya nito tawanan at mas piniling huwag pansinin ang mga sinasabi at pinapakita niya.
Bigla niyang naalala ang tagpo kung saan una niyang nakilala ang lalaki..
Umiiyak siya sa isang sulok ng parke ng subdivision nila. Hindi niya talaga matanggap na mapapahiya siya ng lalaking balak niyang saktan dahil sa pananakit nito sa kaibigan niya.
James was such a jerk. Inis na inis siya dito. Magkakasama silang mga kabataan sa isang community sa subdivision nila. Nalaman niyang niloko at pinaiyak nito ang kaibigan niyang si Rhea. Hindi niya maatim na may mga babaeng iiyak dahil sa isang lalaki. She really hate that idea.
Kaya gumawa siya ng plano mapalapit kay James. Hindi naman siya nabigo. Dahil nakuha niya ang loob nito at naging nobyo niya ang lalaki. Kung kailan akala niya hulog na hulog na sa kanya si James, napagplanuhan niyang sasaktan na niya ito. Pero nagkamali siya. Dahil kung ano anong hindi magagandang sinabi ni James sa community tungkol sa kanya para lang makipaghiwalay sa kanya. Doon din niya nalaman na nobya na nito ang bagong lipat na babae sa subdivision nila.
Pakiramdam niya nanliit siya nang tignan siya ng mga kabataan doon. Marami siyang nagagawang kagagahan pero kahit minsan hindi pa siya napahiya ng ganoon.
"Here." Nagulat siya nang may nag-abot sa kanya ng isang panyo.
Hindi nahihiyang kinuha niya iyon at siningahan. Ang tanga tanga niya mag-iiyak sa labas pero hindi siya nagdadala ng pamunas o panyo. Hindi naman kasi niya ugali magdala ng panyo. Hindi naman siya pawisin at kilos lalaki siya.
"Salamat ha." sabi niya nang makahinga siya ng maayos dahil sa sipon. Pinunasan na rin niya ang mga luhang naglalandas sa kanyang pisnge.
Naramdaman niyang umupo sa tabi niya ang lalaki. Hindi ito nagsasalita. Nakatingin lang ito sa malayo at mukhang malalim ang iniisip.
"Lalabhan ko na lang 'tong panyo mo. Isasauli ko sayo bukas." Tinignan niya ito. Hindi niya ito kilala at mukhang bagong lipat lang rin nito sa subdivision nila. O maaaring dayo ito sa kanila. "Taga saan ka pala? Para maabot ko sayo bukas 'tong panyo?"
"He shouldn't do that to you." pagkuwan ay sabi nito. Nasa malayo pa rin ang tingin nito.
"Ha?" Naguguluhan niyang tanong. Ano pinagsasabi nito?
"That bastard. He shouldn't humiliate you in public." Nagtiim bagang ito ang kitang kita ang pagkuyom ng mga kamao.
"Ah. Nakita mo pala 'yon." Tinignan rin niya kung anong tinitignan nito. Pero wala naman dapat tignan doon kundi puro damo lang. "Kasalanan ko rin naman e. Binoyfriend ko siya para saktan din. Nanakit siya ng babae . Ayokong may makitang babae na nasasaktan."
"Masyado kang mabait para tratuhin ng ganoon. Hindi ka dapat pumayag." Doon na ito tumingin sa kanya.
Malungkot na ngumiti siya. "We can't dictate to others. You know?"
Tumango ito. Binalingan niya ang lalaki. Bahagyang itinaas ang panyo nito na basang basa na sa sipon at luha niya. "Thank you dito ha. Lalabhan ko na lang mamaya. Ibigay mo sakin address mo para maabot ko bukas."
Nilahad nito ang kamay sa kanya. Nagtatakang tinignan niya ito.
"Cell phone mo. Akina." sabi nito nang hindi niya makuha ang kung anong gusto nito ipahiwatig.
Kulang na lang ay tampalin niya ang noo niya. Minsan talaga slow siya sa mga bagay bagay. Agad niyang inabot dito ang cell phone niya. Tumipa ito ng kung ano doon. Gusto niyang sumilip kung ano ginagawa nito pero mas umiral ang pagkamahiyain niya. Baka sabihin nito masyado siyang chismosa.
Pagkatapos nito magtitipa sa cell phone niya, tumunog naman ang cell phone nito. Binalik na sa kanya nito ang kanyang aparato. Nang tignan niya iyon, nilagay pala nito ang number nito. 'Austin' ang nakasave sa doon. Austin pala ang pangalan nito.
"Anong pangalan mo?" Tanong nito habang nakatutok ang tingin sa cell phone.
"Maki."
Tumango ito at nagtipa ulit sa cell phone nito. Bigla siyang nakatanggap ng text message. Nang buksan niya iyon, ito pala ang nag-text sa kanya.
'Hi Maki. Ako pala si Austin.' sabi nito sa text.
Tinignan niya ito. Nakangiti na ito ngayon.
"Hello Austin." Nakangiti na rin niyang sabi.
Hindi agad sila umalis doon. Nagkwentuhan pa sila ng lalaki. Napag-alaman niya na tapos na pala itong mag-aral at kasalukuyang nagtatrabaho bilang IT. Namangha siya. IT rin ang kursong kinuha niya at nasa palawang taon na siya sa kolehiyo. Ibig sabihin mas matanda ito sa kanya. At bukas rin pala ang ika-lambing dalawampu't tatlong kaarawan nito.
Naging palagay na rin ang loob niya dito. Parang ang gaan gaan ng loob niya habang kausap ito. Mabait ito at mukhang gentleman.
"Can you be my best friend?" Tanong niya dito bago tuluyang magpaalam kay Austin.
Isang matamis na ngiti ang binigay nito sa kanya, "Of course, who am I to refuse?"
Doon na nagsimula ang magandang samahan nila ng lalaki. Napag-alaman niyang bagong lipat lang rin ito sa subdivision nila at sa mismong tabi ng bahay pa nila ang nakuhang bahay ng mama nito.
Halos araw-araw sila magkausap sa text o magkatawagan. Walang araw na lumipas na hindi sila nag-uusap ni Austin.
"Hindi mo ba kukunin mga pasalubong ko sayo?" tanong ng lalaki na nagpanumbalik sa kanyang pagbabalik tanaw.
Marahan siyang umiling, "Bukas na, kuya. Kailangan mo magpahinga. Alam kong pagod ka."
Isang nakakaintinding ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Thank you, Maki. Good night." Paalam nito at ginawaran siya ng magaang halik sa noo bago ito magpaalam sa kanya at pumasok sa loob ng bahay nito.
Tinatanaw niya ito hanggang sa masarado nito ang pinto. Doon na lang niya napagpasyahang pumasok sa kanilang bahay na may bigat na nanumbalik sa kanyang puso.

Komento sa Aklat (163)

  • avatar
    De RoxasAngeline

    at nag Good morning siya sa

    03/06

      0
  • avatar
    Onilemed Puzla Horej

    subrang sayang basahin kaya Naman ako ay natuwa

    10/04

      0
  • avatar
    BaluyutJoy

    Yes

    10/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata