logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

No Distance

No Distance

Alya Solaris


I'm Home

Tahimik na nakatanaw si Maki sa puntod ng mommy niya. It's been two years since her mom passed away. And for that two years it's been like yesterday. Naroon pa rin ang sakit na dulot ng pagkawala ng kanyang ina. Gabi gabi siyang umiiyak, wishing it was just a nightmare. That her mom would come back and tell her it was just a prank. That she was being tested.
Napabuntong hininga siya. She hated everything. Pakiramdam niya, pinagtaksilan siya ng buong mundo. Wala siyang masandalan. Her mom was her one and only true friend.
"Come back, Ma. Yakapin mo ako. Hindi ko na kaya." Nagsisimula na namang tumulo ang mga luha niya. Kahit anong pigil niya sa pagpatak ng luha niya, hindi iyon tumitigil sa pag-agos.
She's broken. Akala ng iba ang lakas lakas niya. Nang namatay ang mommy niya, siya na ang tumayong ina sa tatlo niyang kapatid na lalaki. Madalas wala ang daddy nila sa bahay. Mas sumubsob ito sa pagtatrabaho, marahil para makalimutan ang mommy nila. Hindi siya nagpakita ng kahinaan sa pamilya niya dahil sa kanya sumasandal ang mga ito.
"Ang duga duga mo. We have plans together. Paano na ako? I don't have anyone." Napahagulgol na siya ng malakas.
"Anong you don't have anyone? Ano ako?" Sabi ng isang tinig sa likuran niya.
Kahit hindi niya ligunin kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon, kilala niya kung sino ito.
Narinig niyang bumuntong hininga ito at naupo sa tabi niya.
"Hi tita. I'm sorry. I took too much time to visit you. Sana hindi ka nagtatampo sakin. I missed you." Naglapag ito ng puting rosas sa puntod ng kanyang ina na paborito nito.
Namayapa ang katahimikan sa kanilang dalawa. Tanging ang mga hikbi lang niya ang naririnig.
Hindi niya inaasahan na maabutan siya nito sa ganoong sitwasyon. Sa dami ng pwedeng maging tagpo nila, ganito pang umiiyak siya.
"Kumusta ka, Maki?" Mayamaya'y basag nito sa katahimikan. Nanatiling sa puntod ng mommy niya ang tingin nito.
"Napakagaling talaga ng timing mo, Kuya." Pinunasan na niya ang mga luhang lumandas sa kanyang mga pisnge. "Sa tuwing makikita mo 'ko, lagi na lang ako umiiyak."
Doon na ito tumingin sa kanya. Masuyong nginitian siya ni Austin at pinunasan ang mga natitirang luha niya.
"May pakiramdam kasi ako na nasasaktan ka na naman e. Hindi ko rin inaasahan na nandito ka. Anong problema, Maki?"
Marahan siyang umiling. Hindi niya kayang sabihin dito ang problema niya, ang mga pinagdadaanan niya ngayon.
Bumuntong hininga ito at binalik ang tingin sa puntod ng mommy niya. "Tita, ang tigas talaga ng ulo ng anak mo. Mana sayo."
Natawa siya sa sinabi nito. Totoo iyon. Kung anong katigasan ng ulo ng mommy niya, iyon din ang katigasan ng ulo niya. Lahat ng ugali nito ay nakuha niya. Kaya siguro magkasundong magkasundo silang mag-ina sa lahat ng kalokohan.
"Kailan ka pa nakabalik ng bansa?" Pag-iiba niya.
"Kanina lang." Tugon nito habang naghuhugot ng ilang damo sa inuupuan nila. "Dumiretso ako sa inyo, sabi ng mga kapatid mo, kaninang umaga ka pa umalis. Kaya naisipan kong si tita na lang muna dadalawin ko."
Napatango siya. Hindi niya alam na uuwi na pala ito. Sabagay. Mahigit isang taon na rin simula nang maputol ang komunikasyon nila ng lalaki.
Muli, natahimik na naman silang dalawa. Tila nagpapakiramdaman. Marami siyang gustong isumbong dito. Pero hindi niya kayang ipaalam lahat dito. Sa sampung taon nilang magkakilala ni Austin, ito ang nagsilbing walking diary niya. Dito siya tumatakbo tuwing may hindi sila pagkakaunawaang mag-ina. Ito rin ang gumagawa ng paraan magkaayos sila.
Halos buong talambuhay niya, alam ng lalaking katabi niya. Maging ang mga kagagahan niya. Isa ito sa unang nakakaalam ng mga nararamdaman niya. Tinuring niya rin itong isang matalik na kaibigan.
"Halika na. Dumidilim na." Sabi nito at tumayo na sa pagkakaupo sa damuhan. Nagpagpag na rin ito ng pantalon.
Tumingala siya para tignan ito. Marami nang nagbago sa pisikal na anyo nito. Mas lalong nagmature na itong tignan. Pero naroon pa rin ang taglay nitong kutis mala-porselana. Sa mga hindi nakakakilala rito, pag-iisipan itong bakla sa pagiging makinis nito. Maging siya nahihiya tumabi dito. Kung kutis gatas ito, kutis champorado naman siya na hinaluaan ng gatas.
Nilahad ni Austin ang kamay para alalayan siyang tumayo. Hindi niya iyon tinanggap bagkus ay mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili. Tinignan niya muli ang puntod ng ina. Lihim na nagpaalam muna siya sa ina at nangakong babalik uli roon.
"May dala ka bang sasakyan?" tanong ni Austin ng palabas na sila ng damuhan.
Umiling siya. Wala talaga siyang gana pagkakausapin ito ngayon. Kung noong kabataan nila, siya ang gumagawa ng paraan mapansin ito, tila nawala lahat ng iyon ngayon. Isa lang ang nararamdaman niya ngayon. Ang kirot na dulot sa kanya ng taong mga pinagkatiwalaan niya.
"Dala ko kotse ko. Sabay ka na sakin."
"Huwag na, Kuya." matipid na sagot na. Akmang maglalakad na siya patungo sa gate ng sementeryo nang pigilan siya nito sa braso.
"Maki, magkatabi lang ang bahay natin. Alam mong hindi mapapanatag loob ko kung hindi ako nakakasigurado na ligtas ka."
Napabuntong hininga siya. May punto ito. Anong saysay ng pagmamatigas niya kung iisang direksyon lang ang patutunguhan nila?
Wala siyang nagawa kundi sumakay sa sasakyan nito.
Mataman siyang tinignan nito bago buhayin ang makina ng sasakyan at paandarin iyon.
"Kumain ka na ba?" tanong nito nang makalabas sila sa gate ng sementeryo.
Isang iling uli ang tanging sagot niya sa lalaki.
"Anong oras ka pa nandoon?" tanong uli nito. Mukhang wala itong balak tumigil sa pagtatanong sa kanya hangga't hindi siya nag-oopen up dito.
"Simula pa kaninang umaga."
"What? Buong hapon, hindi ka pa kumain?"
Isang marahang tango lang ang sinagot niya habang nakatingin sa labas ng bintana.
Napamura ito at napahampas sa manubela. "For crying out loud, Maki! Are you trying to kill yourself?"
She shrugged. "Maybe. Maybe it's better to do it sooner."
Muling napamura si Austin. Halata na ang inis sa tono ng pananalita nito. Mabilis na inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hinawakan nito ang balikat niya at pinihit siya nito paharap dito.
"Do you think your mom will like your stupid idea, Macaria? Do you even think she will accept your state right now?" Punong puno ng pag-aalala at inis ang nakikita niya sa mga mata nito.
Alam niyang hindi iyon magugustuhan ng mommy niya. Never naging gusto ng mommy niya na maging miserable ang buhay niya.
Unti-unting bumuhos uli ang mga luha niya. Thinking what her mom might tell her ringing inside her head.
Kinabig siya ni Austin at pinulupot nito ang mga bisig sa maliit niyang katawan. Marahan rin nitong hinahagod ang likod paraan ng pag-aalo nito sa kanya.
"Sshhh. It's okay, Maki. It's okay." Paulit ulit nitong binubulong sa ibabaw ng ulo niya. Ramdam din niya ang magaang halik na ginawad nito sa tuktok ng ulo niya. "It's okay. I'm home."

Komento sa Aklat (163)

  • avatar
    De RoxasAngeline

    at nag Good morning siya sa

    03/06

      0
  • avatar
    Onilemed Puzla Horej

    subrang sayang basahin kaya Naman ako ay natuwa

    10/04

      0
  • avatar
    BaluyutJoy

    Yes

    10/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata