logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Six

Jane's Pov
Nangibabaw pa rin sa isip at puso ko si Vince. Masama bang maging selfish? Hindi ko na alam ang gagawin ko at hinayaan ko nalang ang sarili ko na sundin ang tinitibok ng puso ko.
Mas naging malalim ang bawat pag halik ni Vince sakin. Siguro nagagawa ko to dahil din sa alak. Parang nag karoon ako ng lakas ng loob para gawin ito.
- isang iglap at parehas na kaming walang suot ni Vince.
Bigla akong nakaramdam ng hiya, tama ba to? Kailangan bang mauwi kami agad sa ganito?
Hinaplos ni Vince ang muka ko, napapikit ako dahil sa pag dampi ng kamay nito sa balat ko.
Pakiramdam ko nilalagnat ako dahil sa init ng katawan ko.
Huminga ako ng malalim at nag disisyon na ipaubaya nalang kay Vince ang lahat.
Dahan dahan itong pumaibabaw sakin at inalalayan ako hangang sa makahiga.
Wala na ito na yun, isusuko ko na ang lahat sa lalaking una kong minamahal, at sana sya na rin ang huli.
** Kinabukasan **
( Wala ako sa wisyo na mag sulat ng bed scene guys, rated PG lang Tayo 🤣)
Kinaumagahan, nagising akong masakit ang pagkababae ko. Ganito pala yung feeling ng ma virginan. Napansin ko din ang dugo sa kama namin ni Vince. Napabuntong hininga nalang ako.
Pinauwi ko na muna si Vince dahil ayukong marinig nya ang pag uusapan namin ni Tiff. Kilala nyo naman si Tiff, baka ratratin ako nun.
Sa pag alis ni Vince kanina, wala akong narinig na salitang I love you. Bigla tuloy akong napaisip, totoo kaya yung mga sinabi nya kagabi?
Paano kung nag sisinungaling lang sya? Paano kung si Andrea pa rin talaga yung mahal nya. Then nag take advantage lang sya sakin.
Haist, ayuko na munang isipin yung saming dalawa, sa ngayon si Tiff muna.
Naabutan ko si Tiff na pakurap kurap ang mata sa kwarto nya. Mukang kagigising lang din nito.
"San ka natulog?" Agad na tanong nito.
"Best i need something to tell you".
"What! Ano! Sinuko mo na ang bataan! My Gad Jane nag pa chossy ka muna dapat!  Ok joke lang so ano yung sasabihin mo?" Nakangiting tanong nito.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanya dahil nasabi nya na. Kahit alam kong nag bibiro lang ito, pero yun talaga ang nangyare diba?
Huminga ako ng malalim at nag salita na.
"Nasabi mo na lahat, ano pang sasabihin ko." Wika ko dito kaya nang laki ang mata nito.
"Di nga? Seryoso ka? May nangyare sa inyo? So anong pakiramdam ng mabutas? Masakit ba?" Excited na tanong nito.
Napanganga ako dahil sa naging reaksyon nito.
 
Alam nyo ba yung expectation vz reality? Akala ko naman papagalitan nya ko dahil sinuko ko yung bataan kahit hindi pa kami ni Vince.
"So bess may dahilan kana para hindi sila mag katuluyan ni Andrea. Nakuha ka nya ng buo kaya may karapatan ka ng panagutan nya!"
Yun ang nasa isip ni Tiff dahil alam nyang mahal ko si Vince.
"P-pero bess, paano si Andrea? Paano kung naguguluhan lang pala si Vince sa nararamdaman nya over me and Andrea?" Naiiyak na wika ko dito.
"Gaga neto! hampasin kita ng unan sa lungs eh. Ano ba ang sinabi nya sayo kagabi at nauwi kayo sa yugyugan".
Hndi ko alam kung mauuna ba yung tawa o inis dahil sa babaeng ito.
"Tinanong nya ko kung may nararamdaman ba ko sa kanya. Baka nga lasing lang yun bess eh" sagot ko dito at napasandal naman itong si Tiff sa kama nya at tila nag isip.
"Hindi kaya bess nag take advantage lang si Vince kasi alam nya na may gusto ka sa kanya? Pero joke lang yun. Nasan na ba kasi si Vince? Pag usapan nyo kaya para di ka sakin nag tatanong ng ganyan. Malay ko ba kung ano nararamdaman ng tao na yun sayo".
"Sinabi nya din sakin na ako na daw ang mahal nya ay hindi na si Andrea." Wika ko dito kaya napasigaw ng malakas si Tiff.
"What!!! So Ikaw na nga? Oh my gosh Ikaw na ang panalo girl!" Wika nito at umakting pa na may nilagay na korona sa ulo ko.
Hays, hindi ako mababaliw sa sitwasyon namin ni Vince, kundi dito kay Tiff.
--
Nandito na ko ngayon sa bahay, nakakulong lang ako sa kwarto dahil masakit yung katawan at ano ko. Sobrang nanglalambot ako.
Napabalikwas ako sa pag kakahiga ng mag ring ang phone ko. Akala ko si Vince yung tumatawag pero unknown number pala. Sinagot ko naman ito baka kasi Emergency.
"Hello". Wika ko sa kabilang linya.
"Hi Jane, si Andrea to".
Napalunok ako ng marinig ang boses nya. Gising na pala sya.
"Ikaw pala, kamusta kana? Nakalabas kana ba ng hospital?" May pag aalalang tanong ko.
"Oo Jane, may gusto sana akong hilingin sayo kung maaari lang." Wika nito kaya bigla akong kinabahan.
"Sige ano ba yun?"
"Pasensya na Jane pero sana pag bigyan mo ko. Puntahan mo naman ako dito sa bahay, and please wag mo sasabihin kay Vince na mag kikita tayo." Wika nito.
Mukang kailangan ko ata talagang puntahan si Andrea. Hindi naman ito tatawag at makikiusap sakin kung hindi ito importante.
"Sige, mag aasikaso na ko. Itxt mo nalang ang address ng bahay nyo". wika ko dito.
"salamat Jane"
end call--
  Bumangon na ko sa kama para mag asikaso. Naka White pants at Black tshirt lang ako. Pag labas ko ng gate may nakita agad akong taxi kaya pinara ko to.
Pag dating ko sa address na binigay ni Andrea agad akong nag doorbell. Pinag buksan naman ako ng Guard ng gate.
Kung titingnan wala sa kalahati ang yaman na meron kami kung ikukumpara kela Andrea.
"Ikaw ba yung Bisita ni Mam.Andrea?" tanong nung Lady Guard sakin.
"Yes po" magalang na sagot ko. Pinapasok agad ako nito at hinatid nya hangang sa pinto ng mala mansion na bahay nila Andrea.
May sumalubong na babae sakin ,yung mama ni Andrea.
"Kanina ka pa nya hinihintay iha" nakangiting wika nito.
"Magandang araw po" bati ko dito.
"Puntahan na natin si Andrea" wika ng mama nya kaya sumama ako dito. Pag dating namin sa isang silid, huminga muna ako ng malalim.
Pag bukas nito ng pinto nagulat ako ng makita ang kalagayan ni Andrea.
May ilang aparato sa kwarto nya. Hindi naman siguro malubha ang sakit nya diba?
"Salamat at dumating ka" nakangiting wika nito. Umupo ako sa silya sa tabi ng kama nya.
"Andrea okey ka lang ba? B-bakit may mga ganito?" Pag tataka ko.
"Yeah i'm ok, don't worry about me dahil malapit na din naman akong mamatay hahaha." Wika nito at yung tawa nya hindi mo ito masasabing isang biro lang.
"Andrea."  Nag aalalang tawag ko dito.
"High school ng malaman kong may sakit ako. Hindi matukoy ng mga doctor kung ano yun. Sinubukan ng mga magulang kong dalhin ako sa ibang bansa at dun ipagamot pero wala, hindi din nila matukoy ang sakit ko. Madalas nahihimatay nalang ako, pero wala naman akong nararamdaman na masakit sa katawan ko. Ni hindi ako nakakramdam ng pang hihina or sakit." Kwento nito.
"Alam ba to ni Vince at ng mga kaibigan mo?"
umiling ito bilang sagot.
"S-si Lucas sya palang ang napag sasabihan ko.  Natatakot ako Jane, natatakot akong malaman ni Vince ang lahat kaya inilihim ko to sa kanya.  Nakakahiya man aminin to sayo pero matagal ko na talagang mahal si Vince. Kaso nung nalaman ko yung sakit ko, kailangan ko yung kalagayan ko, ipinasawalang bahala ko yung nararamdaman ko." Kwento nito.
Tila naiiyak ito habang nag kukwento.
"Ginawa ko ang lahat Jane para iwasan nya na ko. Para mawala na ang pag mamahal nya sakin. Sinira ko ang sarili ko sa mata ng mga tao kahit hindi naman talaga yun ang tunay na ako." Wika nito at tuluyan ng tumulo ang luha nya. Maging ako ay naiiyak na din.
"Pumayag ako na ligawan nya ko, at sa pag balik nya dun ko plinano na ipamuka sa kanya na wala syang pag asa sakin para tuluyan na syang lumayo. Pero na realized ko na hindi ko pala dapat ginawa yun dahil mas lalo akong nasasaktan sa tuwing sinasaktan ko sya."
Bakit ganun, bakit tila sinasampal ako ng katotohanan na hindi kami pwede ni Vince. Na isa akong balakid sa kanila ni Andrea.
"Mas natauhan ako nung naging malapit kayo sa isat isa" pinunasan nito ang luha nya.
"N-nung una naisip ko na mas makakabuti kung mapunta sa iba ang atensyon ni Vince, dahil alam kung hindi mo sya sasaktan. Samantalang ako Jane, hindi ko alam kung ilang araw, ilang buwan, ilang taon ang itatagal ko sa mundong ito." Nakangiting wika nito pero nandun sa mga mata nya ang kalungkutan.
"Wag ka ngang mag salita ng ganyan Andrea! Hindi ka mamatay ng dahil sa sakit mo na yan. Lumaban ka please." Pag mamakaawa ko Dito.
"Dapat pala nakilala na kita dati palang, siguro ang sarap mong maging kaibigan." Wika nito.
Hinawakan ko ang kamay nito.
"Hindi pa naman huli ang lahat Jane, may oras pa tayo para bumuo ng mga alaala. From now on kaibigan mo na ko" nakangiting wika ko dito.
Nasilayan ko ang ngiti sa mga labi ni Andrea kasabay ang pag tulo ng luha nito.
"S-salamat Jane" wika nyan
"Ano ng balak mo ngayon? " tanong ko dito.
"Mag papalakas muna ako ng ilang araw bago pumasok. Ayukong malaman ng ibang tao ang kalagayan ko,ayaw kong kaawaan nila ako".
"P-paano si Vince? Ano ng balak mo?"
"Kaya nga pinapunta kita dito Jane, P-Pwede bang tulungan mo kong mahalin ulit ni Vince? Alam kong mali to pero wala na kong pag asa para maging kami. Kahit sa huling pag kakataon Jane sana pag bigyan mo ko." Wika nito dahilan para tuluyan ng bumigay ang puso ko.
Sobrang sakit pala kapag kaibigan mo na yung humiling sayo. Wala naman talaga akong karapatan kay Vince simula palang nung una. Sadyang makulit lang ang puso ko. Sila talaga ni Andrea ang nararapat sa isat-isa.
"Sige Andrea, tutulungan kitang maibalik ang lahat sa dati. Basta ipangako mo sakin na mag papagaling ka. Huwag kang mag papagod. Palagi kang pupunta sa doctor. Malalaman din nila ang sakit mo, wala silang karapatan na bigyan ng taning ang buhay mo." Wika ko Dito.
"Salamat Jane, Salamat at nandyan ka " naiiyak nanaman na wika nito.
"Hihintayin ko ang pag babalik mo sa University, Magiging maayos na ang lahat." Wika ko dito at niyakap ko to.
"Salamat Jane, Salamat".

Komento sa Aklat (420)

  • avatar
    Ramil Ngitngit

    Kainis ka author.Nakakahook mga stories mo.From nakakainis to super kilig.Highly recommended po.

    25/07

      0
  • avatar
    Remely Surila Lombreno Colina

    nice story but pls update for Mr. Very Wrong Man👃

    14/06

      0
  • avatar
    CasangLiza

    I like the story

    10/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata