logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 3

Talaga bang hindi mo ako natatandaan, Samsam?
SAMANTHA’S POV
"Itigil mo nga ‘yan, Mich! Ang creepy mo, alam mo ‘yon?!" naiinis na sita ko kay Mich bago ko siya inirapan.
Paano ba naman kasi, kanina niya pa ako tinititigan. And hindi lang basta-basta titig, ha.‘Yong tingin niya talaga sa akin ay ‘yong tingin na hindi talaga kumukurap ang mata. Literal na nakatitig!
"Geez. Alam kong ang creepy ko pero hindi ko talaga maiwasang isipin, eh! Talagang nag eye-to-eye contact kayo ni Chester? Nagkalapit pa kayo ng mukha at... namula ‘yong cute na cute mong cheeks!" exaggerated na sigaw niya sa akin habang tumatalon-talon pa siya sa kama ko.
Tapos na kasi ang klase at nandito kami ngayon ni Mich sa kuwarto ko. Nakitambay kasi muna siya sa bahay namin at wala pang tao sa bahay nila. Ayaw daw niyang mag-isa at natatakot siya. Ewan ko ba sa babaeng 'to! Malapit na sa legal age pero ang duwag pa rin!
"Hoy babae, ‘yong kama ko kapag nasira sasamain ka sa ‘kin," pagbabanta ko sa kan’ya kaya naman agad siyang tumigil sa pagtalon pero halatang-halata pa rin sa mukha niya na kinikilig siya.
"Hehe. Sorry," nag-peace sign pa siya sa akin pero isang irap lang ang natanggap niya.
Umupo na ako roon sa dulo ng kama ko at napatingin na lang ako sa kawalan.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kada pipikit ako, laging si Chester ang pumapasok sa utak ko. Nakakainis!
Ginugulo niya ‘yong utak ko!
"Hoy Sammy, okay ka lang? Sabog ka na naman, ah," tanong ni Mich habang nagdududutdot sa cellphone niya. Mas okay na 'yan kaysa naman magtatatalon siya sa kama ko.
"Psh. Okay lang ako, 'no," sagot ko naman. "Pero ano kayang magandang talent para roon sa theater club sa friday?" dagdag ko pang tanong sa kan'ya habang inii-stretch ang braso ko. Puwede kasi akong sumayaw, kumanta, o um-acting. Pero alin kaya roon ang mas magandang gawin?
"Singing, siyempre! Maganda ang boses mo kaya kumanta ka na lang!" pasigaw niyang sagot kaya napangiwi ako.
Para talagang loudspeaker ang babaeng 'to!
"Huwag ka nga lang sasayaw kasi matigas ang katawan mo— aray naman! Masama na bang magsabi ng totoo— Aray! Oo na oo na ang galing mong sumayaw!" paulit-ulit na pagdaing ni Mich habang hinahampas ko siya ng unan na hawak ko.
"Magaling ako sumayaw, huwag ka nga!" pagmamaktol ko. Mabilis naman akong kumuha ng steps, eh!
"In your dreams— Joke lang!" pagtigil niya sa pagsasalita nang ambahan ko ulit siya ng unan.
Ang sadista ko yata ngayon, ah. Tsk.
Nanahimik na lang ako at sumandal ako sa headboard ng kama ko. Napag-isip isip ko lang, bakit kaya napaka-feeling close ng Chester na ‘yon?
At bakit feeling ko matagal ko na rin siyang kilala? Nagkita na ba kami dati? Weird, ah. Pero... parang kaparehas niya ng tangkad 'yong lalaking humalik sa akin noon. Pero hindi, imposible!
"Oy, Sammy. Ano'ng password ng wifi n'yo? Bagong wifi 'tong bananababa no?" tanong ni Mich at ipinakita sa akin ang cellphone niya.
Inirapan ko na lang siya bago kinuha ang phone sa kamay niya at t-in-ype ang password doon. Tuwang-tuwa naman ang bruha.
Napailing na lang ako sa reaksyon ng best friend ko at kinuha ko na lang ‘yong cellphone ko at naglaro ng GTA, habang siya naman ay nags-social media dahil wala namang hilig sa laro ang babaeng 'yan.
"Ay gosh! OMG! Siomai!" biglang sigaw ni Mich na ikinagulat ko. Muntik pa akong mamatay sa laro!
"What? Bakit?" tanong ko pero ang gaga, nakatingin lang sa cellphone niya habang tumitili. Hindi ko na lang siya pinansin dahil nakapokus lang ako sa misyon ko, pero napangiwi ako nang bigla niya akong sinabunutan.
"OMG. OMG. Shocks! Ang haba ng hair mo, Sammy!"
"Aray, bruha- 'Yan, patay na tuloy ako!" pagmamaktol ko sa kan'ya nang mamatay ako sa laro. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung bigla na lang may sasabunot sa 'yo?
"Wala akong paki sa laro mo. Tingnan mo 'to, bilis!"
"Ano ba 'yan?" nakasimangot kong tanong pero hinila lang ako ni Mich papalapit sa kan'ya at ipinakita ang screen nito.
Hinila ako ni Mich papalapit sa kan’ya at ipinakita sa akin ang cellphone niya.
Nag-init ang pisngi ko sa nabasa ko.
Chester Natividad: Best friend ka ni Samantha ko, ‘di ba? Sabihin mo nga sa kan’ya na i-accept na ang friend request ko.
"Tama ba 'yong nababasa ko?" tanong ko bago pumikit nang dalawang beses, pero nang basahin ko ang message niya ay ganoon pa rin ang nakita ko.
"Oo, Sammy! Inaangkin ka na niya, gagi!" aniya.
Natawa na lang ako sa mga pinagsasasabi ni Mich.
Agad akong nag-online at inaccept ko na ‘yong friend request ni Chester. Mabilis namang tumunog ang chat ko pagka-accept ko sa kan'ya.
Chester: Bakit ngayon mo lang ako in-accept?
Samantha: Ngayon lang kita nakilala. Duh.
Baliw yata 'tong isang 'to, eh. Akala niya ba ay nag-aaccept ako ng strangers? Hindi, 'no!
Chester: Talaga bang hindi mo ako natatandaan, Samsam?
Natulala ako saglit. Na para bang may biglang pumasok na hangin sa utak ko.
"Samsam, babalikan kita. Tandaan mo ‘yan. Huwag na huwag mo akong kakalimutan, ha?"
"Hindi kita kakalimutan, promise. At hihintayin kita kahit hanggang kabilang buhay."
"Pangako?"
"Pangako."
"What the hell?" bulalas ko. Napahawak ako sa ulo ko nang bahagya itong sumakit na para bang pinupukpok ang ulo ko. Makirot man ang ulo ko pero nagawa ko pa ring basahin ang chat niya.
Chester: Sorry. Huwag mo na lang isipin ‘yong sinabi ko.
Iyan na ang huling reply niya sa ‘kin at pagkatapos no’n ay naglog-out na siya. Hinagis ko ang phone ko sa kama habang hawak ng isa kong kamay ang ulo ko. Pinilit kong tumayo nang maayos pero hindi ko talaga kaya.
Argh. Mababaliw na yata ako sa sakit.
"Bakit, Sammy?" tanong ni Mich sa ‘kin at kaagad akong inalalayan. "Ano'ng masakit sa 'yo?"
"Wala. Pagod lang 'to," mahina kong sabi kahit na iniinda ko 'yong ulo ko. Ayokong mag-alala pa siya sa akin.
"Okay lang ako." mahina kong sabi habang pilit kong iniinda ang sakit ng ulo ko.
"Humiga ka na lang muna. Magsisinungaling ka pa sa akin, eh. Akala mo ba mapaglilihiman mo ako?" nakangisi itong umirap sa akin bago niya ako inihiga.
Maya maya lang ay mayroong kumatok sa pinto. Siguradong si kuya 'yon kaya mabilis ko ring inayos ang sarili ko. Si Mich na ang nagbukas ng pinto para sa akin.
Pumasok si kuya sa loob at nagtaka siya nang makita niya na hawak-hawak ko ang noo ko. Hindi ko kasi maalis 'yon at parang binibiyak ang buong ulo ko.
"Masakit ang ulo mo?"
Tumango ako at hindi na nakapagsalita.
"Magpahinga ka na," saad niya bago humarap kay Mich. "At ikaw, Miasse Chynne Alvarez, may kasalanan ka sa ‘kin. Mag-usap tayo."
"Fine- Aray ko hayop ka bakit ka nangkakaladkad?!" angil ng best friend ko nang bigla siyang hinawakan ni Kristoff at hinila palabas.
"Bye, Sammy!" pagpapaalam niya sa akin bago tuluyang sumara ang pintuan.
Napapikit na lang ako. Tss, makatulog na nga lang. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko kapag nag-iisip ako.
Chester.
SamSam.
Ano ba ‘yong mga ‘yon?
"MICH, KINAKABAHAN ako. Puwedeng magback-out?" reklamo ko kay Mich habang palakad-lakad ako.
"Bawal nga, ‘di ba? Saka memorize mo naman na ‘yong kakantahin mo, eh," sagot niya. "And puwede ba, Sammy? Itigil mo ‘yang kakalakad mo at nahihilo ako!"
Agad naman akong tumigil sa paglalakad ko at umupo na lang sa tabi niya. Ganoon pa man ay nanlalamig pa rin ang mga kamay ko.
Friday na kasi ngayon, at araw na ng audition kaya kinakabahan ako. Isang simpleng dress na color blue lang naman ang suot ko kaya medyo komportable ako. Memorize ko na rin ‘yong kakantahin ko pero anak ng- bakit kinakabahan pa rin ako? Kapag nagre-report sa klase ay hindi naman ako ganito.
"Leche. Kung bakit ba naman kasi naisipan ko pa na sumali sa lecheng theater club na 'to- aray!" reklamo ko nang bigla niya akong suntukin sa braso.
"Huwag ka na ngang madaldal! Malapit ka ng tawagin, oh!" sita niya ulit habang nakasimangot.
Tumahimik na lang ako at hinintay ko na tawagin ng isa sa miyembro ng theater club ‘yong pangalan ko.
"Samantha Colline De Jesus?" pagtawag ng isang lalaki kaya kaagad na itinaas ni Mich ang kamay ko. "Get in."
"Kaya mo ‘yan, Sammy! Fighting!" pag-cheer ni Mich bago ako tumayo paakyat ng stage.
Tumahimik ang lahat kaya bigla akong na-awkward-an sa sarili ko.
"Si Samantha ‘yan, ‘di ba?"
"OMG, sasali siya?"
"Gusto kong makita kung ano'ng gagawin niya."
Ilan lang iyan sa mga narinig kong bulungan ng mga ka-schoolmate ko.
Napatingin ako sa tatlong judge habang nakikinig. 'Yong isa, si Kayleigh Fujimoto na guest dito sa school. Ang alam ko ay sa ibang school siya nag-aaral. Pangalawa, si Diane Alquisola na queen bee rito sa Domino High. And lastly, sino pa ba? E'di si Chester the transferee.
Napaiwas ako ng tingin nang makita ko na napatingin si Chester sa ‘kin. Argh! Bakit ako naiilang? Naiinis na ako sa kinikilos ko, ah!

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Theson Ofalegent

    wow

    09/07

      0
  • avatar

    fffffff

    07/06

      0
  • avatar
    erlDalman

    napaka ganda Ng story Nito solid

    04/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata