logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2

"Hindi. Hindi na puwede. Kung ano ang sinimulan mo, dapat tapusin mo."
SAMANTHA’S POV
"ANO BA 'YAN, Sammy. Bakit ba lutang ka?" iritadong tanong sa akin ni Mich habang sino-solve niya ‘yong assignment namin sa math.
Kokopya na lang ako sa kan’ya ng assignment. Tinyatamad na akong magpaturo eh. Hays. Kahit naman kasi ituro pa niya sa akin kung paano niya ‘yon nakuha ay hindi ko rin ‘yon maiintindihan kaagad. Wala na rin kasi talaga ako sa wisyo.
"Ewan ko. Nakalaklak yata ako ng Shampoo," sabi ko na lang habang nakatingin sa kawalan.
Bahala na kung tawagin ako ni ma’am. Magso-sorry na lang siguro ako.
Breaktime namin ngayon at nandito lang kaming dalawa ni Mich sa room ngayon. Ni hindi ako nakapag-concentrate sa unang klase namin kanina dahil sa presensiya ng Chester na ‘yon sa likod ko kanina.
Kaya nga hiniram ko na lang ‘yong notebook ni Mich sa Science dahil hindi ako nakakopya kanina. Ang bagal ko kasi magsulat, eh. Wala ako sa concentration. Tinatamad din ang kamay kong gumalaw dahil sa kakaisip.
Tama nga si Icia, naging kaklase nga namin si Chester the transferee. At habang nagpapakilala siya sa harapan kanina, hindi ko maialis ang tingin ko sa kan’ya.
At ganoon din naman siya sa akin.
Nagtitinginan kaming dalawa at no’ng napansin iyon ng mga kaklase ko ay bigla kaming naging sentro ng atensyon at naging tampulan ng pang-aasar. Sa inis ko ay pinagbabato ko ng eraser ang iba pero hindi naman sila tumigil sa panunukso sa amin.
Nakakainis. Kasi pati ako ay nakakaramdam na para bang may mga kung anoong nilalang na nag-iikot ikot sa tiyan ko. Alam kong baliw ako, pero alam kong hindi ‘yon dahil sa gutom, kun’di sa presensiya ni transferee.
Uminom na lang ako ng juice para mawala na ‘yong mga bumabagabag sa utak ko.
"Aha! Alam ko na!” biglaang sigaw ni Mich kaya napataas ang kilay ko. “Kaya ka lutang dahil sa bagong transferee, ‘no?"
Sa sobrang gulat ko sa tanong niya, bigla kong naibuga ‘yong iniinom kong juice. Mabuti na lang at sa may bintana ko naibuga ‘yong juice at hindi mismo kay Mich.
"Sammy, bakit ka naman nag-fountain doon sa labas ng bintana?” tanong niya pa habang halata na nadudugyutan ito dahil sa ginawa ko. “Hala ka, baka may nabasa ka doon sa labas! Lagot ka Sammy!" dagdag niya pang pananakot pero inirapan ko lang siya habang pinupunasan ko ‘yong labi ko.
"Kasalanan mo kaya 'to, Mich!” singhal ko. “Ano’ng klaseng tanong ba naman kasi ‘yon ‘di ba? Ano’ng dahil kay Chester kaya ako lutang?" maang-maangan ko pa.
Buti na lang at hidden talent ko na ang umarte kaya hindi napansin ni Mich na nagmamaang-maangan lang ako. Sadyang shy type lang talaga ako kaya hindi ako sumasali sa theater club kahit alam kong kaya ko naman, eh.
"Kasi nga ‘di ba, inaasar kayo kaninang dalawa?” aniya bago sinundot-sundot ang braso ko na nagpangiwi sa akin. “Don't tell me na naapektuhan ka na sa isang lalaki ngayon, Sammy? Pinapatibok na ba niya ang virgin mong puso?" pang-aasar niya pa.
Well, NBSB kasi ako unlike Mich na nakakadalawang boyfriend na. Wala rin akong pakialam sa mga lalaki dito sa paligid, gaano man sila kaguwapo, dahil bukod sa sesermunan ako ng napakagaling kong kapatid ay wala talaga akong interes sa kanila.
Nakakapagtaka nga, eh. Bakit kaya hindi ako sinermunan ni kuya kanina, eh may kahalikan nga ako? Parang natuwa pa ang tukmol at inaasar-asar pa ako. Bata pa naman ako, ah. Bakit parang mas atat pa silang magkadyowa ako kaysa sa akin mismo? Change of heart na kaya siya? Parang dati lang ay ayaw niyang may umaaligid na lalaki sa akin, eh!
“Sinasabi mo?” tanong ko. Hindi ko itinago sa kan’ya ang inis sa boses ko.
“Weh?”
"Hindi, ‘no! Pakialam ko sa Chester na ‘yon? Psh!" pagtataray ko na lang sa kan’ya at uminom na ulit ako ng juice.
This time, hindi ko na ito ibinuga kun’di nilunok ko na.
"Pakopya nga ako," sabi ko sa kan’ya at kahit hindi pa siya pumapayag ay kinuha ko na ‘yong libro niya at kinopya ko na ang solutions nito.
Ganoon ako kasiga, at ganoon din naman niya ako kamahal dahil kahit madalas ko siyang kopyahan ay hindi naman niya ako tinatakwil. Give and take rin naman kasi kami minsan.
"May magagawa pa ba ako?" sagot niya sa akin at inirapan ako.
Nag-peace sign na lang ako sa kan’ya at nagsulat na ako. Trivia about myself: Mabilis akong magsulat kapag nangongopya. Matawa na lang tuloy ako sa naiisip kong fact tungkol sa sarili ko. Minsan na nga lang makaisip ng fact, kalokohan pa.
"Salamat Mich! Ang bait-bait mo talaga, hoho!" masayang sabi ko kay Mich at ibinalik ko na ‘yong libro niya.
"Aba, ang bilis mo magsulat, ah?" mangha niyang sabi sa akin.
"Syempre ako pa! Hohoho," proud na proud ko pang sabi habang nagpo-pogi sign ako.
Natawa na lang siya sa ginawa ko. Pakiramdam ko tuloy ay nakukuha ko na rin ang iilang mannerism ni Kristoff. Yikes! Bigla ko tuloy tinigil ang ginagawa ko nang ma-realize ko ‘yon.
"Anyway, Mich,” pagkausap ko sa kan’ya sa isang seryosong tono. Tumingin naman siya sa akin nang may pagtataka. “Sa tingin mo ba may pag-asa na makuha ako sa theater club?"
Kita ko ang pagkagulat niya sa tinanong ko. Napanganga pa nga ang bibig nito at hindi kaagad nakapagsalita.
At maya-maya lang, bigla niya nang niyugyog ang buong katawan ko habang sumisigaw.
"Of course, Sammy! You have the beauty, the brain, the potential, oh my gosh! Sasali ka na sa theater club?!" tuwang-tuwa na sabi niya sa akin habang nakangiti ng malapad.
Napatakip ako sa tainga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya. Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa mala-microphone niyang boses, eh! Jusko, hindi na tuloy nawala ang pagkakangiwi ko.
Hindi ko sinagot ang tanong niya at kinuha ko ‘yong form na hiningi ko kay Icia kanina. Kumislap ang mga mata ni Mich ng makita niya na hawak ko ‘yong form. Sigurado kasi ako na alam niya ‘yon dahil medyo matagal na rin mula nang pinilit niya akong sumali sa theater club.
Sayang daw kasi ang talent ko, pero wala naman siyang magagawa dahil hindi rin naman niya ako mapilit.
"Oh my gosh, kung kanino mang medyas ang nasinghot mo ngayong araw, sana ibigay niya na lang sa ‘kin para lagi na lang kitang mapasinghot no’n araw-araw," bulong niya sa kasiyahan pero narinig ko naman.
Natawa na lang tuloy ako.
Well, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit ang OA ng reaksyon niya no’ng sinabi ko na sa kan’ya na sasali ako sa theater club. Wala kasi akong self-confidence at wala rin akong sinasalihan na mga extra-curricular activities (ECA).
Top five ako sa school namin pero lahat ng grade ko doon ay sa academics lahat. Wala akong grades sa ECA kahit isa. Isa rin ‘yon sa dahilan bakit g na g siyang pasalihin ako; para tumaas ang ranking ko.
Pero hindi ‘yon ang pakay ko ngayon. Gusto kong malaman kung sino ba talaga ang Chester na iyon. Hangga’t hindi ko kasi nasasagot ang tanong sa utak ko ay mananatiling palaisipan ‘yon para sa akin. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang mga riddle na hindi nasasagot!
Nakakainis talaga, bakit kasi napakapamilyar niya sa akin? Aish! Tama na nga Samantha!
Kinuha ko ‘yong ballpen ko at f-in-ill up-an ko na ‘yong form. Nang matapos ko na ‘yong pag-fill up ay iwinagayway ko na ito sa mukha ni Mich. Ngumiwi siya noong una pero tinawanan lang din niya ako pagkatapos.
"Tadaaaaa! Tapos na!"
"Sana makuha ka, Sammy! Galingan mo ah? Para magkasama na tayo!" pagc-cheer sa akin ni Mich habang nakangiti nang malapad at tumatalon-talon pa.
"Kaya nga, eh,” sabi ko na lang. “Sana makapasa ako sa theater club. Aja!"
Nag-hand shake pa kami ni Mich bilang tanda ng pagkakaibigan namin. Well, pauso namin ‘yan. Hoho.
At pagkatapos no’n, naglaro na lang kami ng bato bato pick habang nagpapalipas ng oras. Kahit tumanda man kami ni Mich ay mananatiling bata ang puso’t-isipan naming dalawa, at wala ring makakatibag sa amin!
"Talo na naman ako? Dinadaya mo yata ako eh!" pagmamaktol ko habang nakasimangot.
"Hohoho!" tawa ni Mich at pinitik ang noo ko. “Paparatangan mo pa akong mandaraya, eh bano ka lang maglaro!” dagdag niya pang saad bago humalakhak.
Inirapan ko na lang tuloy siya.
Habang naglalaro kami ay biglang nilipad ng hangin ‘yong form ko papunta sa may pintuan. Sa sobrang pagkataranta ko ay bigla ko pang nasapak si Mich dahil sakto ay bato rin ang ginamit kong pantira sa laban namin.
“Aray!” reklamo niya.
"’Yong form, buwisit ka, nilipad!”
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo papunta sa may pintuan, pero napatigil ako nang may lalaking pumasok sa loob ng room namin… at walang iba iyon kung hindi si Chester.
“Shet…” halos hilingin ko na sa mga santo na sana ay bigla na lang bumuka ang lupa at lamunin ako nang biglang lumanding sa mukha niya ang papel, katulad ng mga napapanood ko sa tv.
Imbes na magalit ay nakakunot-noo lang ito bago inalis ang form sa mukha niya at hinawakan ‘yon nang mahigpit.
Seryoso lang din ang itsura niya habang binabasa ang nakasulat doon, habang ako naman ay hindi mapakali dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para kunin sa kan’ya ang papel na ‘yon.
"Sasali ka sa theater club, Miss De Jesus?" tanong niya sa akin bago tumaas ang kilay nito.
What? Kilala niya ako?
Ay teka, shonga. Binasa nga pala niya ‘yong form ko.
"Opo," tipid na sagot ko.
Binigyan niya lang ako ng isang nakakalokong tingin nang marinig ang sinabi ko. Lecheng Chester 'to, ah! Anoong meron sa tingin niya? Minamaliit niya ba ang kakayahan ko?! Hindi niya ba alam na magaling akong kumanta, sumayaw, at um-acting!
Ah, oo. Hindi niya alam dahil bukod sa transferee siya ay tinago ko rin ang mga talento kong iyon.
Nakasandal lang siya sa pader habang hinahawi niya ang buhok niya gamit ang kaliwang kamay niya at hawak naman niya ang form ko sa kanang kamay niya.
He looks cool.. yet hot.
"I’m the president of the theater club, miss Samantha,” aniya habang nakangisi. “Biyernes. Alas-nuwebe nang umaga. Ipakita mo kung ano ang talento mo,” makahulugan niyang sabi sa akin at naglakad na papunta sa upuan niya, which is sa likuran ko lang.
Kinuha na niya ang papel ko at sa panahong ‘to ay isa na talaga ako sa mga mag-aaudition!
Napanganga na lang ako.
What the- president? ‘Di ba transferee lang siya? What the heck? Paano nangyari ‘yon?
Bigla akong tinamaan ng kaba habang nakatingin kay Chester. Parang ayoko na pala. Gusto ko nang magback-out. Paano naman ako makakapag-perform sa harapan niya?
"Uhm, puwede magback-out? Sa iba na lang siguro ako sasali," sabi ko sa nakaub-ob sa armchair niya na si Chester.
Nakaupo na ako sa upuan ko ngayon kaya nangangawit na rin ako sa kakalingon sa kan’ya. Si Mich naman ay panaka-naka lang ang tingin sa aming dalawa pero kita ko ang pagngisi nito habang kunwari ay may ginagawa siya. Sinipa ko tuloy siya sa ilalim ng lamesa, dahilan kung bakit napa-aray ito at tiningnan ako nang masama.
Pero nawala na ang atensiyon ko kay Mich nang biglang inangat ni Chester ang ulo niya. Napalingon ako ulit sa kan’ya at halos mahugot ko ang hininga ko nang makitang sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa.
‘Yong tibok ng puso ko… sobrang pamilyar nito sa akin. Parang naramdaman ko na ito dati.
Binigyan niya na naman ako ng isang nakakalokong ngiti.
"Hindi. Hindi na puwede. Kung ano ang nasimulan mo, dapat tapusin mo." seryosong sabi niya sa akin.
Hala, paano na 'to?
"Alam kong kaya mo ‘yan. Good luck," pagc-cheer niya sa akin at... kinindatan niya ako.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito?

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Theson Ofalegent

    wow

    09/07

      0
  • avatar

    fffffff

    07/06

      0
  • avatar
    erlDalman

    napaka ganda Ng story Nito solid

    04/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata