Halos magpalamon na ako sa lupa dahil sa nangyari kanina. Yung kapatid ko naman heto tawa nang tawa. Nakakairita!! Hindi ko alam kumabakit pa kami tumuloy ron. Padabog akong umupo sa sahig at binitawan ang hawak kong bag. "Sana hindi ko nalang pinirmahan yung kontrata. Napakayabang!!" Bulong ko sa hangin. "Sya nga yung mukhang aso!" bulong ko. "Mukha pang lolo." Call me childish, okay lang. Basta't magantihan ko lang ang batang 'yon. Lately, parang ambilis ng mga pangyayari. At ipinagpasasalamat kong mabilis lang ang mga nangyari. Sa sobrang bilis, ni hindi ko namalayang nakauwi na kami. Tinanong ko pa nga si Mortala kung paano kami nakauwi. Ang sabi niya, sumakay raw kami sa kabayo. Pero walang kabayo sa syudad? Hindi sana ako maniniwala, pero may picture siyang pinakita. Pambihira! Napakalupet mag-edit. Pero madalas napapaisip ako kung bumabalik ba kami sa sinaunang panahon o nasa mismong unang panahon kami. May mga bagay na parang ambilis nangyayari tapos malalaman kong ang nangyari pala ay tila noong unang panahon pa. At palagi ring iba ang pakiramdam ko kay Mortala. Para bang hindi naman siya itong kasama ko. Lumapit si Mortala habang patawa-tawa pa at tila kulang pa ang kahihiyan ko kanina "Ano, musta?" "Kaawa-awa naman ang ate ko!" Araw-araw na lang sinusubok ang pasensya ko. Kasama mo ba naman kapatid mong mukhang sadness na kulay joy. Kauuwi lang namin galing sa restaurant na iyon. Akala ko pagtapos kong mapahiya nung oras na 'yon ay makakauwi na kami. Hindi pa pala. Bigla kaming hinila ni sir Kyle sa loob at gumamit pa ng microphone para sabihing ako raw yung nawawala niyang Ina. Hindi ko pinangarap maging Ina. Kanina, habang nandoon kami, bumukas 'yong tv. Saktong tinanong pa ng ibang mga nandoon kung ano ang pangalan ni Mortala. Sinabi niya naman nang walang pag-aalinlangan. Ngunit, saktong binalita ang tungkol sa kambal ko at sa anak nito. Tuwang-tuwa si sir Kyle. Akala niya, may koneksyon pa ako sa kambal ko. Magic nga raw na magkamukha kami, tapos magkapangalan ang anak namin. Hindi pa rin tumatatak sa utak niya na kapatid ko lang si Mortala. Halos magwala na ako sa galit nung pag-uwi. Hindi ko na sinubukan pang sumagot kanina doon sa lalaking 'yon. Ngumiti nalang ako sa lahat ng empliyado. Baka masira ang kontrata. Sa panahon ngayon, mahirap mabuhay nang walang trabaho at pera. Okay na sana eh. Kaya ko nang magpanggap bilang nanay niya eh, kasi, maganda ang lahi? Tsk tsk!! Kaso.." Show her some respect, magmano naman kayo!" Pagmamakaawa pa nito sa mga tao ron. Kaya siguro 'to iniwan ng Ina. Ganoon ba ako ka-mukhang matanda para hindi nila mahalatang mas bata pa ako kaysa sa kanila? Padabog kong iniwan ang kapatid ko sa sala, patawa-tawa pa. Hindi naman kasi nakakatawa yon? Lumabas ako saglit para kunin yung mga naiwang tupiin sa sala. Sa kakamadali ko kanina, iniwan ko nalang muna ang mga ito. Nilagay ko lang sa magkaibang basket ang damit ko at damit ni Mortala. "Tulungan kita, ate?" Inilingan ko ito. "Gumawa ka ng assignment mo, kung meron man." Parang pinagbagsakan ng langit at lupa tong si Mortala. "Tinatamad ka gumawa ano?" "Tinatawanan mo ako dahil sa kahihiyan ko, mas nakakahiya ka pala. Tamad gumawa ng assignment hay! Sabihin ko sa manliligaw mo yan." Nag-angat ito ng tingin at binigyan ako ng isang nakakalokong ngiti sabay tumango at tumakbo palapit sa'kin. Hinawi-hawi niya ang buhok ko. Maya-maya lang ay bigla niya itong hinablot. Tinignan ko siya ng masama habang siya ay nakangiti. Hindi niya pa rin binibitawan ang buhok ko. "Gusto ko lang ipaalam sa'yo ate, wala akong manliligaw hm?" Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa buhok ko at tumayo. Kinuha nya yung basket na may lamang mga damit niya. Isa-isa niyang isinalansan ito at tinupi. Tinignan ko lang sya saglit "Kung patigasan ng ulo, Walang makakatalo sa'yo!" Nakasanayan naming magtrabaho at kumilos sa bahay nang tahimik lang para mas mabilis kaming matapos. "Miss ko na si mama, ate." Napatingin ako sakaniya. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. "Andito naman ako?" Bigla kong wika. Ewan ko ba, mayroong parte sa akin na pakiramdam ko, pagmamay-ari ko na si Mortala. "Alam ko yon ate, pero, iba si mama. Iba ang pakiramdam kapag andyan si mama." Huminga akong malalim. Iba nga naman talaga kapag andyan ang kinikilala mong ina. Niyakap ko na lang siya—kaysa naman sumabat pa ako sa kalungkutan nitong bruha. Bumitaw siyang muli sa pagkakayakap. "Ate" Tawag niya. "hmm?" "Tungkol don sa kanina" Dahan-dahan, ngunit may kirot 'yon sa puso ko. Parang ang laking kasalanan ng nagawa ko. "A-anong meron don? Aling kanina?" "Huwag ka nang magkunwari, ate. Alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko." Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lamang syang maghintay. Nagtutupi lang ako. Hindi ko pa ata kaya. "Ah, sige na. Matulog ka na muna. Tapos na rin naman 'tong tupiin." Tanging nasabi ko. Kaunti lang naman yung damit namin, mabilis din kaming natapos. Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero hindi ko na nais marinig. Pakiramdam ko, iba ang magiging takbo ng utak ko. Nauna na akong tumayo at nagpagpag ng suot ko. "O sya! gusto mo naman akong tulungan, ikaw na magligpit nung basket na yan. Maliligo muna ako para komportable pag natulog." "Ge" Tumungo ako deretso sa banyo. Sa panahon ngayon, kahit tubig sa gripo mainit na rin. Hindi pa man din ako nakakapagbuhos ay sunod-sunod na katok na ang narinig ko. "Ano!!" Galit na sigaw ko at pinagbuksan pa ito. Parang wala lang nangyari. Tinulak ako nito palabas at saka siya pumasok. "Ayon! tinatawag ni mother earth." Napailing na lamang ako at saglit na napatawa. Ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin siya nalabas. "Napakatagal naman niyan!" Pagrereklamo ko at sumandal pa ako ng bahagya sa pinto ng banyo. Habang pinapakinggan kung ano ang ginagawa niya, bigla namang bumukas ang pintuan dahilan ng bahagya kong pagkakalaglag sa sahig. Napahawak ako sa balakang kong napabagsak ng bahagya. "Hala ka ate! Ano ba kasing ginagawa mo riyan?" Lagi na lang ba akong matutumba nang dahil sa pintuan na ire? Tarantang-taranta niya akong tinulungan makatayo at mahina ko naman siyang hinampas. Ramdam ko ang pamumula sa mukha ko dahil sa pigil kong pag-iyak. "Ay kawawa naman yan, paiyak na o. Ganyan pala napapala ng chismosa?" Muli ko siyang nahampas. "Napakatagal mo kasi!" Pabagsak kong sinarado ang pinto. Ang bubwita, rinig na rinig ang tawa rito sa banyo. Nang maramdaman kong wala na siya sa harap ng banyo, nagbuhos na ako ng katawan ko. Hindi ko namalayang unti-unting bumabagsak ang mga luhang sumasabay sa pag-agos ng tubig na binubuhos ko sa aking sarili. Yung mother's days letter. Yung bulaklak, yung cake. Deserve ko ba lahat ng 'yon? Yung mahalin ng tinuturing kong kapatid, deserve ko ba yon? Parang hindi. Dapat hindi! Yung mga hikbi ko na nagbunga ng luha at ngayo'y naging hagulgol. Hindi naman ako karapatdapat mahalin? Bakit ganito?
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
good plot
20/05
0Tingnan Lahat