Bumili lang ako saglit ng bulaklak para kay mama. Yung paborito niyang bulaklak. Sabay tumungo na kami kung saan siya nakapwesto. Antaas pala ng pinaglagyan ni mama. Ngayon ko lang narealize. Actually, hindi ko talaga napansin kung saan nilagay si mama. Kaya heto, hingal na hingal kami kakahanap kay mama. At ngayon, kailangan pa naming manghiram ng hagdan, kaya lumapit ako sa isang bantay rito. Agad din naman niya kaming pinahiram, tinulungan pa nga kaming ipwesto iyon sa hagdanan. Maingat kong nilagay ang bulaklak na binili namin para sa kaniya. Wala na si mama kung kailan pwede ko na siyang mabilhan ng bulaklak na paborito niya. Kinausap ko na rin muna si mama. Hindi ko na hiniling ang imposible. TInanong ko na rin kumbakit pilit niya akong pinapagising. Isa na rin kasi si mama sa mga gumugulo sa'kin. Hindi na naging malinaw ang lahat simula nung nawala si mama. YUng mga nangyayari, parang ang imposible na. Kanina lang, habang hinahanap namin si mama, may biglang dumaan na lalaki. Nagsalita 'yon sa likod ko. At alam ko kung saan ko unang narinig ang boses na 'yon. "Ma, we're doing great naman diba? Kinakaya namin ma. Mama baka after 3 years matupad ko na yung gusto kong kurso. Isang taon nalang sa med-school mama tapos residency naman tapos psychiatrist na ako. Mahaba pa ang proseso pero kaya yan! Gabayan mo kami ma ha?" "Mama, miss na kita. Minsan inaaway ako ni ate." Bigla ko siyang hinampas sa braso. Nagsumbong agad kay mama. "See? mama sinasaktan niya ako dito." Tinawanan ko na lang sya sa kalokohan niya. Ganoon lang kami. Ito ang unang beses na nakadalaw kami kay mama. Pakiramdam ko kasi, kapag pumunta kami rito ay baka hindi na ako umuwi. Pinasalamatan ko si mama dahil kahit maaga niya kaming iniwan, pinalaki naman niya kaming matatag bago sya lumisan. Ang kaso lang, bibigay na ata ako. Ayaw kong iwan si Mortala, pero parang gusto ko nang sumama sa mga boses na tumatawag sa akin. Alas quatro na ng naisipan naming umalis. Kahit gutom na gutom na kami ay mas pinili naming makipag-kwentuhan at magsumbong kay mama. Namiss din naming makipagkulitan kay mama. Nagsisisi ako nung panahong nawala si mama. Isanlinggo kong hindi nakausap si mama noon dahil sa sobrang busy sa paghahanap ko nang trabaho. Dumagdag pa yung nagkaroon kami ng alitan dahil sa pinipilit niyang patigilin sa pag-aaral si Mortala. I tried reaching for my twin sister. Pero wala. Hindi siya sumasagot. Her fame was all around the country. Mabuti pa siya, kahit may sakit sa pag-iisip ay maayos pa rin naman ang buhay. Balita ko nga, mayroon na siyang asawa't anak. Nakita ko 'yon sa isang newspaper. Tinanong ko si Mortala kung gusto na ba niyang kumain. Ang sabi niya naman ay pag-uwi nalang dahil nawala na ang gutom niya. Pinilit ko pa siyang kumain muna kaso mas nanaig ang kagustuhan niya. Nagpasya nalang ako na pumunta muna sa pinapasukan kong branch ng 7/11. Magpapaalam na muna ako doon. Marami rin naman kaming pinagsamahan nung mga katrabaho ko ron kahit na maikling panahong pa lang akong nagtatrabaho doon. Kanina nakausap ko na through text yung may-ari. Pero siguro pupunta rin ako sa mismong office nila para makapagpaalam ng maayos. Malaki din ang naitulong sa'kin nito nang kunin nila ako bilang kahera dito. Pagkabukas, bumungad sa'kin ang mahabang pila rito. May nagrereklamo pa atang customer sa unahan. Agad akong pumunta sa cashier. Naabutan ko ang kawork-mate ko na halos maiyak na dahil sa bunganga ng customer. Pinaupo ko muna yung kawork-mate ko atsaka mahinahon kong tinanong yung customer. "Ahm ma'am, kalma po muna. Isa lang ho ang kalaban. Ano po bang probl-" Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay sumagot na sya. "Ayan kasi! Bumili ako ng isang tubig. Yung tig 15? Ayun oo! Chinarge banaman sa akin ay 45? Palitan niyo yang cashier niyo! Basura!" Sigaw pa nito. Tinignan ko yung binili niyang tubig. 2 liters na tubig ang nasa counter. Pumunta rin ako kung saan nakalagay ang mga tubig, tinignan ko kung magkano ang 2 liters ng tubig. Kinse ang nakatapat, pero kung babasahin ang code, doon pala dapat yon sa kabilang side. Bumalik ako at ipinaliwanag kung bakit ganoon ang naging presyo. Ngayon naman, nagagalit siya doon sa nag-ayos. Hindi ko rin naman siya masisisi, nakatapat nga naman sa product ang presyo tapos pagdating sa counter iba pala. Hindi pa rin sya tumitigil. Ibinibigay ko na nga sakaniya ng kinse pesos pero ayaw niya. Gusto raw makausap yung manager o kaya yung mismong owner na. Ayokong ipatawag ang kahit isa sa kanila dahil tiyak ang sasabihin lang sakaniya ay: Kunin niyo nalang ho ng kinse pesos itong tubig. Hindi pa ako ganoon katagal sa trabaho, pero parang kilalang-kilala ko na ang ang lahat ng nandito. Siguro dahil sabi ni mama ay magaling ako mangilatis ng tao. Andali ko nga lang silang napagkatiwalaan. Nang biglang may pumasok na isang customer. Nakasuot ito ng black polo at slacks. Dire-diretsong pumunta siya sa counter. "Gwapo" Bulong nung babae. Gwapo talaga! Nasa 6 flat ang height nito panigurado. Masungit ang datingan pero...pwede na. Papasa bilang model sa iba't-ibang modeling agencies. Ang kapal ng kilay, yun yung tipo ko eh. Napansin ko ring kulay asul yung mata niya hm? Nakapamulsa pa ito at deretsong nakatingin sa'min. "What's the problem here?" Natahimik yung babaeng kanina galit na galit. Namula pa ang pisngi noong nagtanggal ito ng facemask. Ako naman ay napatulala at napatanong pa sa ako sa isip ko kung sya ba yung kapatid ng may-ari nitong branch? O customer lang talaga siya? Gwapo nga kasi! Pero hanggang salita lang ako. Hindi ako napatol sa kaedad lang ng kapatid ko. At wala rin naman akong balak humanap ng lovelife. Pakiramdam ko, nasa kabilang buhay ang mamahalin ko ng totoo. Mas lumapit pa ito sa'min kaya naman napahawak ako sa braso nung isa kong kawork-mate. Ang intimidating kasi nung itsura. Parang kahit anong oras eh patatalsikin kaming lahat dito. Pero nilakasan ko ang loob ko. "U-uhm sir, yung boss po ba namin? Ah nasa office ho" Pangunguna ko. Hinablot niyang biglang ang tubig na hawak ko at inabot yon sa babaeng simula nung pumasok siya, naging tocino na. Agad umalis yung babae tapos may papikit-pikit pa. Yun lang yon? Lumapit siya sa'kin at hinila ako paalis sa counter. Sinabihan niya naman yung kawork-mate ko na ituloy na ang pagt-trabaho. Hinila ko rin ang kapatid kong tulala. " Are you okay, guys? Isasabay ko na kayo pauwi. " Wika nito. Binuksan niya ang kaniyang sasakyan at pilit kaming pinapapasok. Pinipigilan ko ang kapatid kong pumasok dahil hindi namin alam kung ano ba ang balak nito. "Don't be shy. Nakita ko sa resume mo yung address mo. Sakto kasing may pupuntahan ako malapit doon. Nagbabakasali lang na gusto niyong sumabay. " Dagdag pa nito sa'min. Wala akong ibang naging reaksyon. . "Magiging boss palang ho kita bukas.Hindi ho ba nakakahiya na isasakay niyo kami sa sasakyan niyo?" Nilibot ko pa ang pagtingin ko sa sasakyan. "Mukhang mamahalin pa ho. Hindi nalang po." Nagulantang sya sa bigla kong paghila sa kapatid ko paalis. Napasinghap naman ang kapatid ko. At ako ay napatigil sa paglalakad at palihim na nagdadasal na sana hindi agad matanggal sa trabaho. Kahit pa sabihing may kontrata, anong laban ko kung gusto niyang bawiin yon, diba? Sino bang boss ang gugustuhing talikuran na lang ng (Future) sekretarya niya. "Hmm sige, ingat kayo. " Wika niya atsaka pumasok sa sasakyan niya. Agad niya itong pinaandar at wala pang ilang segundo ay wala na siya sa harap namin. Nakaramdam ako ng sakit sa aking tagiliran. "Ate! bumalik kana sa mga trabaho mo. Hindi ka pa nakakapagsimula paniguradong tanggal kana eh!" Bulong ni Mortala sa'kin. Napalunok laway naman ako at inaya ko na lamang siyang pumasok ulit sa loob. Sobrang init pero yung pawis ko natutuyo dahil sa sobrang kaba. Sinusubukan kong kontakin si ma'am Clara pero cannot be reached. "Paano na gagawin ko bukas nito?" Yung kapatid ko, imbis na tulungan ako, andoon nakikipagchikahan sa kawork-mate ko. "Oy bakla ka!" Tawag nito sa'kin at saka lumapit kasama ang kapatid ko. "Bakit mo tinalikuran?" Patawa-tawang tanong nito. Inismiran ko lang silang dalawa. Nakakainis talaga tong mga to. "O sya! kung sakaling matanggal ka kaagad-" Hindi pa natatapos ang sasabihin tumatawa na! "Ano?" inis kong tanong. "Kako pwede ka namang bumalik dito. Sa susunod huwag pairalin ang kamalditahan ha?" Paseryosong wika pa nito. "Ayst! nakakainis! Hindi ko naman minalditahan ah?" "O sya, hindi mo minalditahan, eh yung pride mo? Nag mamagandang-loob lang yung tao girl!" "mauuna na nga kami. Bigla akong nakaramdam ng gutom." Wika ko sabay hila sa kapatid ko palabas ng store. Bakit ba kasi gusto niya kaming isakay doon? Hindi naman kasi pwedeng sasakay kami ron; hindi pa namin siya lubos na kilala. Kasalanan niya naman kumbakit ko sya tinalikuran diba? Atsaka "i'm the man of my words" nga raw sabi niya kanina. O bakit ko iniisip na matatanggal ako? Tsk, kasalanan niya yon, i swear! Binaybay lang namin ang daan papunta doon sa sinasabi nitong kapatid ko na fastfood. Ayaw raw kumain pero look at her—hinihila ako papunta sa gusto niyang kainan. Ngayon ko lang nalaman na may ganito rito sa lugar namin. Mukhang pang mayaman. Pero saks lang ang presyo. Pagpasok ko parang hihimatayin ako sa nakita ko. Agad kong hinila ang kapatid ko palabas. "Neng, humanap ka ng iba. Huwag dito, mahal" Bulong ko pa. Tumawa naman ito. "Mahal o nandyan yung tinalikuran mo? Ayun o" Kasabay ng pagturo niya ay ang paglingon naman ng lalaking pinag-uusapan namin sa dereksyon kung nasaan kami. Bigla nalang napatakip ng mukha itong si Mortala na ikinatawa ko. Anlakas-lakas pa ng tawa ko nang biglang may naramdaman akong kamay sa balikat ko. Napahinto ako at yumuko pa para silipin yung kamay ng kapatid kong nakalagay sa likod niya. "Parang-parang gusto ko ng umuwi. Tara Tal, uwi." Aalis na sana kami ni Mortala nang biglang may kamay na pumigil sa'min. "Saan kayo pupunta? Kakain kayo? Hm welcome kayo. " Boses na nagmula sa likod namin. Kinakabahan pa kaming nagkatitigan ng kapatid ko atsaka unti-unting nilingon kung sino mang nasa likod namin ngayon. Para akong lalagutan ng hininga. "a e hello ho!" Unang bati ng kapatid ko. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob. Hindi naman ganyan kakapal mukha ko noong bata pa ako. Hindi siya nito sinagot kaya naman kinurot ko ito sa tagiliran. Naging mahina lang ang daing nito. Parang nagtataka naman ang lalaking nasa harap namin, sa kung anong ginagawa ng kapatid ko at bigla na lamang itong napadaing. "Sinusundan niyo ba ako? Don't worry, wala lang sa'kin yung pagtalikod mo sa'kin kanina. Huwag kana magsorry. It's fine. Pasok na ka-" Hindi pa siya natatapos ay sumabat NANAMAN ako. "Ang kapaaaaaal-kapal talaga ng mukha?Totoo! Andito kami para kumain kaso parang bigla akong nasuka nung nakita kitang nandoon sa loob. Pwede pala sa loob niyan yung makakapal mukha?" Rinig kong napalunok-laway ang kapatid ko. "Pwede talaga, pinapapasok nga kita eh. Pasok ka na, doggo." Pang-aasar nito. Ang kasamaan ng ugali niya ay naabot ang kaibuturan ng maitim kong budhi. Rinig ko ang pigil na tawa ng kapatid ko, kaya hinampas ko siya. Inismiran ko lang sila. Parang gusto kong lumubog.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
good plot
20/05
0Tingnan Lahat