logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

Mag-aalas dose na ng hating gabi nang makauwi ako galing sa night shift ko sa 7/11. Naabutan kong may ginagawa ang kapatid ko. Paniguradong hindi pa ito nakain. Sin'tigas ng ulo nito yung bato. 
Saglit ko siyang pinagmasdan. Iniisip, kung karapat-dapat ba sa tulad niya ang makaranas ng ganito? Yung magtitiis siya ng gutom para maitabi ang pera, para hindi na humingi sa'kin. Yung maagang mawalan ng ina? Yung...yung umiyak gabi-gabi sa kwarto niya nang tahimik. Alam kong pinipilit niyang hindi iparinig at hindi ipahalata, pero gabi-gabi, naririnig ko ang mga hikbi niya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. 
Hindi ko kaya. 
Nilapitan ko siya at sinilip kung ano ang ginagawa . May pakamot-kamot pa sa ulo. 
"stress na stress ka riyan ah? Ano ba 'yan?" Tanong ko sabay tumabi sakaniya. Gulat siyang napatingin.  "Baka may maitulong ako." Ngiting sambit ko pa. 
"Math kasi ate" Napalunok laway nalang ako. Hindi masyadong gamay ang math pero try ko. 
"Patingin nga" Hinablot ko sakaniya ang notebook na hawak niya. 
 "Kaya mo ba?" Aba! minamaliit ata ako? 
 Pangisi-ngisi kong sinagutan ang nasa notebook niya. Wala pang sampung minuto tapos ko na. 
Nagmamayabang akong tumayo at inaya siyang kumain. Sa totoo lang, inaya ko siyang kumain kasi hindi ko sigurado kung tama ba yung ginawa ko.
Basta may gawa!
Bumili nalang ako ng lutong ulam. Alas dose na rin kasi. Buti may itinabing ulam si aling Rosa.  Baka kasi anong oras pa kami makakain kung magluluto pa ako. 
Naghain lang ako ng para sa aming dalawa. Habang nasa lababo, biglang sumakit ang ulo ko. May biglang malakas na ugong sa paligid. Gusto kong sumigaw pero'di  ko magawa. Tila rin hindi ko magalaw ang aking katawan. Ultimo pagdilat ay hindi ko magawa. Napapikit na kasi ako dahil sa sobrang sakit. Pakiramdam ko, nakahiga ako. Pero liwanag lang ang nakikita ko.
"Anak ko"
"Mama"
"Nagalaw na s-"
"Nasaan"
"Huwag ninyong bubuhayin 'yan!"
"Anong karapatan mo?"
"Teka! Tama na!" 
Boses ni mama 'yon? Nahihibang na ba ako? Bakit nag-aaway-away sila?
Maya-maya lang, nawala na rin ang ugong. Sobrang tahimik naman ng paligid. Tinuwid ko ang aking pagkakatayo at lumakad na parang walang nangyayari. Nakaupo na si Mortala sa lamesa. Hindi naman siguro niya nahalata.  
"Antagal mo, miss na kita." Wika niya. Para siyang batang nangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang Ina. Nakangiti siya sa'kin. May kung anong kirot akong naramdaman nang dahil sa ngiting 'yon. 
Tumabi ako sa kaniya. 
"Malapit na graduation ko ate ah! Kailangan nandoon ka." Busangot niyang pagpapaalala. 
"Makakalimutan ko ba yan? Hinding-hindi ako mawawala sa araw na alam kong mas lalo kang maghihirap sa math!!" Pang-aasar ko pa sakaniya. 
"Paalala ko lang, kapag nakita mo score mo bukas sa math, alalahanin mong grades is just a number...hmm?" Tinapik-tapik ko pa siya sa balikat at hinagod ang likod niya.
"It doesn't define you, and your personality." 
"HA?" Si Mortala. 
Napakamot na lang ako sa ulo. "H-hindi ko kasi sigurado kung tama ba yung sagot ko." Sabi ko at nginitian siya. The awkward smile. 
Hinampas ako nito sa balikat. "At nagtampo pa nga".
Pumasok siya sakaniyang silid. Sinundan ko ito at nakitang may kinukuha siya sakaniyang bag. Kulay pula 'yon na pabilog tapos may papel eh. Hindi ko lang mawari kung ano. 
Mas nilapitan ko pa, para makita kung ano 'yon. 
Nanlaki na lang ang mata ko nang makita kung ano 'yon. Aba! may uwing bulaklak ang bata. Tatalon  na sana ako para agawin at tignan ang letter na hawak niya kasama ng isang bulaklak at cake, nang bigla itong humarap at gulat na pinaalis ako. 
"Ate! you're not uhm not give give me the private life. Go over there. You not looking." 
Tinawanan ko siya at lumayo, gaya ng sabi nya. Dumikit ako sakaniyang pinto at sinabing "aba! dalaga na kapatid ko ah! Tanong, sarcasm pa yang english mo, o talagang wrong grammar na ang peg ng english spokeingdollar mo?" 
Hindi ko siya tinitigilan. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang pisong pasensya niya! 
At nang mapikon, sinaraduhan ako nito ng pinto. Napakagaling na bata. Hindi naman ako umalis. Sumandal lang ako sa mismong pinto niya. 
Nakikinig ako sa kung anong gagawin niya. Maya-maya lang, may narinig akong pumipihit. May iba pa atang- 
¥\€^&$BOOM!*%\£¥\
Bigla nalang akong napahandusay sa lapag. Bukas na ang pinto. Nakita ko ang nakatayong kapatid ko sa mismong pintuan niya.  Malakas siyang humalakhak. "akala mo wala ng bukas, kung makatawa. Che!" 
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Iika-ika akong lumakad habang hawak ang balakang ko. 
"Babawian kita!" Sigaw ko. 
Kahit papaano naman, may mga ngiti pa rin kaming hindi namin pinepeke. 
"Kakain na" pahabol kong salita at saka umupo sa lamesa. Inabot na kami ng anong oras. 
Sumunod siya dala-dala ang bulaklak, letter at cake na kinuha niya mula sakaniyang bag. 
Nilagyan ko na siya ng kanin at ulam. Senyorita ko eh. Inilapag lang niya sakaniyang tabi yung mga dala niya atsaka nagdasal bago kumain. 
Tahimik lang kami habang nakain. Ewan ko kung ano ang iniisip niya. Pero pansin ko, wala siyang gana. 
"Lalim ng iniisip natin ah?" Pagputol ko sa katahimikan. Tinignan niya lang ako. Ang weird. Nang hindi talaga sya sumagot, nanahimik na lamang muli ako. Sa totoo lang, nakakalunod ang iniisip ko ngayon. Iisang bagay ang paulit-ulit na nangyayari sa'kin. Yung mga taong nagsaalita. YUng kaboses ni mama. Yung madalas kong pakiramdam na ako ay ang kambal ko. Parang, hindi ko katawan ito. Tila ba nais kong bumalik sa kung saan ako mismo nang galing. Pakiramdam ko, madaming naghihintay sa akin. At alam ko, alam ko sa sarili ko na hindi ko lubusang kilala si Mortala. 
Nang matapos kami kumain, tinulungan niya na rin akong magligpit. Ako ang toka ngayon sa paghuhugas kaya heto ako nakaharap sa lababo. 
  Saglit lang naman maghugas. Nasa lamesa pa rin si  Tala hawak-hawak  ang mga dala niya kanina. 
  "Ano bang meron diyan at ayaw mo iyang bitawan?" Tanong ko.Tulala pa rin talaga sya. 
"O sya, dahil sabado bukas, at mothers day bukas, gumising ka ng maaga. Pakilinis muna rito sa bahay. Papasok lang ako saglit tapos dadalaw na tayo kay mama, baka magtampo yon sa'tin." 
  Nagpunas-punas muna ako ng kamay kong nabasa dahil sa paghuhugas ng mga pinggan. At nang papasok na sana ako sa aking silid ay bigla siyang tumayo. 
  "Ate!" Tawag pa nito. 
  Lumingon ako sakaniya. Tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakayuko ito at parang may gustong sabihin. Ito ba yung oras para ipagtapat niya kung ano ang iniisip niya? 
  "Ano? buntis ka? ganyan ang balak mo sa buhay mo? sige! lumayas ka! sige!"  Bulyaw ko. 
  "Ate!" Sigaw rin niya. 
  Napatigil naman ako. 
  "A-ano po kasi ate" 
  "O ano ha?" Nakaamba pa ako sakaniya. 
  "ate kasi naman! patapusin mo muna ako." Iretableng sabi niya. 
  "Aba! ginaganyan mo ako? Sige! Ano 'yang sasabihin mo? Siguraduhin mong hindi ka buntis! Ikaw kang bata ka!" 
  "Deserve mo nga talaga ng gift for mothers day" Patawa-tawa nitong wika. Aba! ginawa pa akong nanay.
  "Mukha na ba akong nanay?" Bulong ko. 
  "Hindi sa ganon ate." 
  "Huh?" Nakakapagtaka. Hindi pa ako handang maging nanay. 
  "Narinig kita. Ano lang advance mothers day gift." Sabay abot niya sa'kin nung kanina pa niya hawak. 
  "Anong mothers day gift? Hoy wala akong balak mag-anak! At kung ikaw ang tinutukoy mong anak ko, aba mas lalong aayawan kong mag-anak!" 
  "Ate naman! basahin mo nalang yung nakasulat dyan. Medyo dalian mo lang" 
  "at bakit naman?" Hindi siya sumagot kaya naman kahit pagbubukas ng letter ay tinagalan ko. 
  "Ate, dalianmonagustokonangkaining yungcake!" Sigaw nito. Wala akong maintindihan. 
  "Ano?" Tanong ko. 
  "Kako...dalian..mo..na..gusto ko..nang..kumain..ng..cake!!!!!!!!!!!" 
  Natawa nalang ako at hindi ko paman nababasa ang sulat, inaya ko na siyang kumain ng cake. Kawawa naman, mukhang gutom
na gutom yung bata sa lansangan eh. 
  Napakadungis kumain. 
  Habang busy sya sa pagkain, palihim kong binasa ang kaniyang sulat. 
  "Ate, maraming maraming salamat!! Hindi ako pasaway kaya hindi ako magsosorry tungkol dyan. Gusto ko lang sabihin na, antibay-tibay mo. Bakal ka ba?"
  Habang nagbabasa ay napaptawa nalang ako. Wala ka talagang matinong sulat na matatanggap eh. 
  "Ate, sana pagdating ng araw, makamit mo ang mithiing ninanais mo.  Bilang kapatid at parang anak mo na rin, handa akong huminto sa pag-aaral para ikaw naman ang makapag-aral at ako naman ang magtrabaho. Ate, ayokong napapagod ka. Ayaw ni mama na napapagod ka. Ate, alagaan mo sarili mo, huwag palaging ako. Paano pag napagod ka? Tapos hindi mo kayanin tapos matulad ka kay mama? Paano naman ako? Iiwan niyo ako? Ate, alagaan mo sarili mo. Ayokong sabihin ito sa personal, baka tawanan mo lang ako." 
  Isang malakas na hampas ang tumama sa aking braso. 
  "Ate sabi na nga ba eh!!" nakabusangot ito. 
  "o?"
  "wag mo kasing tawanan!" Reklamo pa niya. Tumango-tango lang ako at naglakad papasok sa aking silid. Hindi pa ako tapos magbasa. 
  "Ate, simula nung nawala si mama, hindi ko alam kung kakayanin natin. Pero heto tayo, buhay na buhay dahil sa sipag mo. Balang-araw, ako naman ang mag-aalaga at magpapaaral sa'yo. Ate, ikaw ang tumayong nanay at tatay ko. Kamukha mo naman sila. Ate maraming maraming maraming salamat!!! Madalas naiinggit ako sa iba kasi may kumpletong pamilya sila, pero naiisip kita. Wala man akong nanay at tatay, mayroon nga naman pala akong ate na napakasipag at handang gawin ang lahat para sa'kin. Mahal na mahal kita! "
                                    from: Your dear            
                                      Mortala 
  Nagpupunas ako ng luha. Akala ko naman tatawa lang ako. Pipigain at tatagain pala ng pinong-pino ang puso ko rito. Dapat sa labas nalang ako nagbasa para hindi masyadong emosyonal eh. 
  Sana sa sunod, totoo na. 
  Hindi ko nalamayan na sa kakamadali kong basahin ang liham, hindi ko na naisara ang pinto. Malakas na tawa ang narinig ko. Tawang kada naririnig ko, kinikiliti ang buong kalamnan ko. 
  "Aminin ate, naiyak ka no? Kaplastikan ko lang yan. Tignan mo 100 grade ko dyan"  Patawa-tawa niyang wika at lumapit para ipakita ang score na binigay sakaniya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. 
  "Naiyak na sana ako eh. May reward na 5k pa naman sana pag napaiyak ako. Buti nalang binawi mo." Sabi ko. May ipon talaga ako sa kaniya, inipon ko 'yon noong buhay pa si mama. 
  Nabawasan na rin yon—pinambili ng gamot ni nanay at mga kailangan sa hospital. Umabot din yon ng bente mil pero dahil nabawasan, limanlibo na lang ang natira at hindi na kumasya para sa pampaopera ni mama. 
  Parang bigla siyang nanlumo. 
  "May luha pa rin naman ah? Dapat meron pa rin! andaya ate! Ate alam mo ba? Sobrang sira na yung sapatos ko" Pagpapaawa pa niya. 
  "Yakap nalang" 
  Binigyan ko nalang sya ng isang mahigpit na yakap. Akala ko yakap lang, bigla ba namang nangiliti at pinagpapalo pa ako ng unan. 
  Ang sarap mabuhay kahit pagod kana. Ang sarap mabuhay kung nandyan ang nag-iisang Mortala ng buhay ko—  naging inspirasyon ko para ituloy ang buhay na matagal na sanang nagwakas. Si Mortalang pinakamamahal ko. Si Mortalang tanging kakampi, at tanging kakampihan ko. Si Mortala na sana hanggang sa huli, kasama ko. 

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    TuyadoMialy Claire

    good plot

    20/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata