logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Pangarap Lang Kita By Taong Sorbetes

Pangarap Lang Kita By Taong Sorbetes

Taong Sorbetes


Chapter 1 - 2

Pangarap Lang Kita
Genre: Romance, Slice of Life, Inspirational
(Mellard)
ISA akong estudyante sa isang sikat na unibersidad dito sa Maynila. Napakaswerte ko kasi kahit mahirap lang ako ay heto, nakapasok pa rin ako ng college.
Scholar ako rito at para naman matustusan ang gastusin ko rito sa araw-araw ay suma-sideline ako ng trabaho rito sa campus. Minsan ay gabi ang class ko... minsan ay regular class naman, kaya 'yong natitirang oras ko ay doon na ako nagtatrabaho.
Minsan isa akong janitor, minsan ay tindero, o kaya assistant ng mga prof' at madami pang iba. Basta kung ano'ng ibinigay na trabaho sa akin dito sa campus ay ginagawa ko.
Laki ako sa hirap at ako ang panganay sa pamilya kaya dapat akong mag-ayos dito. Dito na rin ako nakatira sa Campus.
Ngayon, nasa 3rd year college na ako at Civil Engineering ang course ko. Kaya ko naman 'yon kasi hindi man ako gwapo ay nabiyayaan naman ako ng gwapong utak. Kaya heto, retained ang scholarship ko rito dahil sa sobrang pagtitiyaga ko.
Unang araw nga ng pasukan ngayong araw.
"Kailangang bilisan ko, unang klase ko pa naman 'to."
Nagmamadali ako dahil masyadong marami ang aking ginawa kaninang umaga. Naglinis pa kasi ako ng gymnasium.
Sa pagmamadali ko ay bigla na lang akong may nabangga. Napaupo ako sa sahig at ang ilang aklat at xerox na dala ko ay naglaglagan sa baba.
"Fuck! Sino naman ang walang modong bumangga sa akin? Fuck shit!" iyon ang winika ng lalaking nakabunggo ko. Nakaupo na rin ito at iiling-iling dahil sa mga nangyari.
Halos marinig nga ng lahat ng nakakita ang mga salitang iyon dahil sa lakas ng boses nito. Itinayo agad siya ng dalawa niyang kasama. Pupulutin ko na nga sana ang mga gamit ko nang biglang napatingin ako sa nabunggo ko.
"Patay... 'pag minamalas nga naman. Si Andrew Lawton pa ang nabangga ko," sabi ko sa isip ko.
Si Andrew Lawton, isa siyang 4th year student. Isa sa mayaman at sikat dito. Siya rin ang Mr. Campus sa loob ng apat na taon at tinitilian ng napakaraming babae. Matalino, gwapo, maginoo at mabait... Ito ang sabi ng mga babae sa campus tungkol sa taong ito. Pero ako?
Nayayabangan ako rito.
"Are you blind? Hindi mo ba nakita na dumadaan ako? Tingnan mo ang ginawa mo! Nagdumi ang damit ko!" wika ni Andrew habang dinuduro ako. Ramdam ko ang inis nito at napayuko naman ako habang nagsasalita siya. Hindi ako makatingin sa kanya kasi natatakot akong magkaroon ng masamang record dito sa campus.
Nakuha ko na lahat ng gamit ko at nag-sorry ako sa kanya. Hindi ko na lamang inintindi ang mga sinasabi niya. Dito na nga ako umalis ngunit sa paglampas ko sa kanya...
Bigla akong nadapa.
Tinakid ako ni Andrew Lawton at narinig kong tumatawa siya at ang kanyang mga kasama.
"'Yan ang mapapala mo, kinakausap pa kita, tapos aalis ka na agad? Kabastusan 'yan!" sabi pa niya.
"Brad, tingnan mo! 'Yan pala ang trabahador ng campus," pasingit na sinabi naman ng isa niyang kasama.
"Oo nga! Ang hearthrob ng mga kubeta," sabi ni Andrew at napatawa din lahat ng nanonood sa amin.
Pero...
Sanay na ako sa ganito, kaya okay lang sa akin. Sanay na akong pagtawanan at kutyain. Kahit na masakit ay pinapalampas ko na lang ang lahat ng iyon.
"Pasalamat ka at hindi kita kalevel, kung hindi ay baka lalo kang pumanget!" dagdag pa ni Lawton habang inilapit ang boses sa akin.
Umalis na rin sila pagkatapos akong pagtawanan. Sinipa pa nga nila ang isa kong aklat palayo. Kinuha ko naman iyon at dali-daling inayos ang aking sarili. Umalis ako nang nakayuko dahil sa kahihiyan nang oras na iyon.
"Napakamalas ng araw na ito!"
Madaming mata ang nakatingin sa akin at tiyak na pinagtatawanan na nila ako.
Pagdating ko nga sa room ay 10 minutes late na ako. Pinagsabihan ako ng Professor namin pero parang wala lang sa akin iyon dahil sa mga nangyari.
Chapter 2
NATAPOS lahat ng klase ko nang araw na 'yun. Mabuti na lang at walang pinagawa sa akin ang management ng campus. Binigyan kasi nila ako ng rest day, Lunes.
Habang ako ay naglalakad papunta sa dorm ko ay biglang may kumuha ng atensyon ko. Isang litrato sa bulletin board na biglang napansin ng paningin ko.
"Nandito pa pala ang picture niya. Ang ganda niya talaga."
Napangiti na lang ako habang tinitingnan ko ang litrato ng isang babae. Siya si Lorraine Gonzales, 18 years old, at kumukuha ng kursong Tourism. Siya ang Ms. Campus last year kaya nandito pa rin sa bulletin board ang picture niya. Siya rin ang crush ko magmula nang makita ko siya rito. Habang tinitingnan ko nga ang litrato niya ay bigla kong naalala ang unang beses na nakita't nakilala ko siya...
ARAW ng entrance examination namin noon. Doon ko siya unang nakita. Naging katabi ko kasi siya at unang kita ko pa lang sa kanya ay nabighani na agad ako. Ewan ko nga ba, pakiramdam ko kasi ay nakita ko na siya kung saan pero wala naman akong maalala.
Balisang-balisa siya nang magsisimula pa lang ang exam. Iyon pala ay dahil naiwan niya ang kanyang ballpen. Bibili na nga sana siya pero napansin ko at nalaman ko ang pangangailangan niya.
"M-miss... 'E-eto oh, ballpen," wika ko. Lakas-loob ko ngang iniabot sa kanya ang isa kong ballpen habang nakatingin sa papel ko. Nahihiya kasi ako sa kanya.
"K-kuya, sigurado ka? Ang galing mo naman at nalaman mong wala akong dalang bolpen... Pasensya ka na huh, nakalimutan ko palang ilagay sa bag 'yong sa 'kin," sabi naman niya.
"A-ayos lang, gamitin mo 'yan. Kaysa lalabas ka pa para bumili. Mabuti na lang at ako katabi mo," sabi ko naman.
"Salamat kuya ha..." Nginitian pa niya ako pagkatapos.
NAPAKA-MEMORABLE para sa akin ng araw na iyon. Sa araw-araw na pagpasok ko nga rito sa campus ay isa siya sa inspirasyon ko (bukod sa pamilya ko). Palagi ko siyang pinagmamasdan nang hindi niya alam at makita ko lang siya ay buo na agad ang araw ko.
Marami siyang manliligaw. S'yempre hindi siya mawawalan noon. Naba-badtrip nga ako 'pag nakikita kong may umaaligid sa kanyang manliligaw. Isa na rin nga roon si Andrew. Pero, ano ba ang magagawa ko? Ano bang laban ko?
Imposible namang mapansin ako ni Lorraine lalo pa't hindi ako kagandahang lalaki.
Ang totoo nga ay dalawang beses na kaming nagkatagpo rito sa campus. Ang pangalawa naman ay noong second year ako. Biyernes yata no'n at wala nang gaanong estudyante nang mga sandaling iyon. Maglilinis ako ng C.R. sa 4th floor ng isa sa mga building dito sa campus nang biglang makarinig ako ng humihingi ng tulong sa loob nito.
"Tulong, please!"
Ito ang narinig ko sa kabilang pinto ng C.R. at halatang umiiyak siya base sa kanyang pagsasalita.
"B-bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ko naman.
"Hindi ko ka-kasi mabuksan 'tong pinto. Nasira yata 'yong knob. K-kanina pa nga ako rito kaya please Kuya, tulungan mo ako," pagmamakaawa niya sa akin.
"A-ah, wait kukuha lang ako ng pambaklas sa door knob."
"K-kuya, 'wag mo na akong iwanan dito," tila humihikbi naman niyang sinabi. Naawa ako sa kanya, kaya nag-desisyon akong gamitin ang aking lakas para buksan ang pinto ng C.R.. Sana nga ay umubra ito.
"S-sige. Lumayo ka muna d'yan sa pinto at gagawin ko ang lahat, makalabas ka lang d'yan. Pangako."
Umatras muna ako para may bwelo at pagkatapos ay mabilis akong tumakbo papunta sa pinto. Binunggo ko ito subalit walang nangyari. Hindi ako sumuko at sa ika-siyam kong subok ay sa wakas, nagawa kong buksan ang pinto ng C.R.
Medyo nanakit nga lang ang braso ko at sa pagpasok ko rito...
Bigla na lang akong niyakap ng babaeng nandoon at umiyak siya sa dibdib ko... Nakaramdam ako ng munting saya dahil nailigtas ko siya.
"Huwag ka nang umiyak. Okey na. Makakauwi ka na," mahina kong sinabi sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin pagkatapos noon at nang nakita niya ako ay bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap.
"A-ay, sorry kuya. Mabuti na lang at dumating ka. H-hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Natakot kaagad ako," sabi naman niya sa akin pero ako, natulala ako nang makita ko siya.
Lorraine. Ito ang pangalang umalingawngaw sa utak ko nang mga oras na iyon. Hindi ako makapaniwala. Siya nga talaga, ang crush kong babae rito sa campus.
NANATILI akong nakatayo. Hindi ko alam ang aking gagawin. Nanatili akong walang kibo. Siguro'y dahil kanina ay niyakap niya ako. Wala na akong nasabi hanggang sa 'di ko namalayang lumakad na pala siya papalayo. Hindi pa man siya nakakalayo ay nabigla ako nang lumingon pa siya sa akin.
"Salamat... Mister."
Ngumiti pa siya sa akin habang ako naman ay natulala na lang dahil sa mga nangyari...
Parang kailan lang ang mga sandaling iyon, at hindi ko makakalimutan ang mga nangyaring iyon sa aming dalawa.

Komento sa Aklat (0)

    Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata