Definitions are important. Sa graphic design, kailangan alam mo ang difference ng kerning sa tracking. Sa buhay, kailangan alam mo ang difference ng gutom sa boredom. At sa sitwasyon ko ngayon, kailangan kong ma-define nang malinaw ang difference ng flirting sa friendly banter. Kasi 'yung nangyari kagabi? 'Yung "Goodnight, Mr. Wrong Send"? That was friendly. Friendly na may konting asaran. That’s normal. Ginagawa ko 'yan kay Jap. Ginagawa ko 'yan kay Luna. So, bakit paggising ko ng umaga, 'yung pangalan agad ni Mika ang hinahanap ko sa notifications ko? "Pavlovian response," bulong ko sa sarili ko habang nagtutussle ng buhok sa harap ng salamin. "Sanay lang ako na may ka-chat kagabi, kaya hinahanap ko ngayong umaga. Scientific 'yon. Hindi emotional." Bumaba ako sa kusina na bitbit ang conviction na 'yon. I am a man of science and logic. I am not a marupok creature driven by hormones. "Good morning, Sunshine," bati ni Luna, na kumakain ng cereals habang nanonood ng TikTok sa phone niya. "Bakit parang ang ganda ng gising mo? Nanalo ka ba sa lotto o nag-reply na 'yung crush mo?" "Wala akong crush," mabilis kong sagot, binuksan ang ref para kumuha ng tubig. "At hindi maganda ang gising ko. Kulang ako sa tulog." "Kulang sa tulog pero nakangiti?" Luna smirked without looking away from her phone. "Suspicious behavior. Sabi sa psychology, kapag ang tao defensive, guilty." "Sabi sa psychology, kapag ang kapatid pakialamera, dapat binabawasan ng allowance," ganti ko. "Mama oh! Si Kuya nananakot!" sigaw ni Luna. Umirap ako at kumuha ng kape. I sat down and unlocked my phone. Walang message galing kay Mika. Good. Great. Fantastic. Ibig sabihin, busy siya. At dapat busy din ako. Hindi kami mag-jowa para mag-good morning sa isa’t isa. We are just... acquaintances. Victims of a clumsy accident turned into a reluctant digital friendship. Friendship. Tama. Friends. Friends don't demand constant updates. Friends don't get disappointed when the inbox is empty. Friends are chill. Ting. Muntik ko nang matapon ang kape ko. Tinignan ko agad ang phone. Jap Morales: Pre, laro tayo mamaya? Valo. Kulang kami isa. Napahinga ako nang malalim. Disappointment? No. Relief. Relief 'to. Ethan Reyes: Pass. Marami akong pending. Work is life. Jap Morales: Weh. Sabihin mo ayaw mo lang mabuhat kita ulit. Sige na, next time. Binaba ko ang phone. Focus, Ethan. Work. Umakyat ako sa kwarto at hinarap ang PC ko. I had three logos to finish, a layout for a brochure, and an existential crisis to ignore. Pero pagkalipas ng dalawang oras, nakatitig lang ako sa blangkong canvas ng Adobe Illustrator. The cursor was blinking, mocking me. Blink. Blink. Blink. Wala akong creative juice. Tuyot. Kinuha ko ulit ang phone ko. Nag-scroll sa Facebook. At dahil sadyang mapaglaro ang tadhana (o sadyang stalker lang talaga ang algorithm), ang unang bumungad sa newsfeed ko ay post ni Mika. Picture ng isang table sa isang co-working space. May laptop, sketchpad, at isang malaking iced coffee. Caption: "Change of scenery. Productivity, please visit me. Nasa Makati ako, baka naman." Nasa Makati siya. Taga-Quezon City ako. Malayo. Traffic. EDSA is a hellscape meant to punish sinners. Pero... Kailangan ko rin ng productivity. Wala akong natatapos dito sa bahay. Masyadong komportable ang kama ko. Masyadong maingay si Luna. Masyadong... familiar. Maybe a change of scenery is what I need. At kung sakaling nandoon din siya... edi coincidence. Purely coincidence. Networking na rin. Malay mo, kailangan niya ng graphic designer para sa mga buildings na gagawin niya sa future? Business move 'to. Nag-comment ako sa post niya. Ethan Reyes: Saan 'to? Mukhang conducive for overthinking. Wala pang limang minuto, nag-reply siya. Mika Villanueva: Common Ground, Rockwell. Why? Overthinking ka rin ba today? Ethan Reyes: Oo. Blocked ang creative flow ko. Need ko ng environment na amoy aircon at stress ng ibang tao. Mika Villanueva: Punta ka. Maluwag pa dito. May free coffee, pero lasang tubig na may kulay. Is that an invite? Yes, it’s an invite. Pero "punta ka" as a friend, 'di ba? "Syempre friend," sabi ko sa sarili ko habang nagmamadaling maligo. "Alangan namang 'punta ka' as a soulmate. OA mo, Ethan." Nagbihis ako. Simple lang. Black t-shirt, maong pants, white sneakers. Pero nag-pabango ako. Tatlong spray. Para... para mabango sa co-working space. Respeto sa ibang coworkers. Nag-drive ako papuntang Makati. Traffic sa EDSA, pero hindi ako nainis. Nakikinig ako sa radyo, kumakanta-kanta pa. "This is strictly professional," paalala ko sa sarili ko habang nagpapark. "Friends meeting up to work. Co-working. emphasis on work." Pagpasok ko sa Common Ground, ang lamig. Ang bango. Amoy productive people. Hinanap ko siya. And there she was. Nasa isang long table siya, nakaupo sa dulo. She was wearing a beige oversized sweater and leggings. Nakasuot siya ng headphones, at seryosong-seryoso sa pag-drawing sa iPad niya. Her messy bun was messier today, held together by a pencil sticking through it like a hair stick. She looked... peaceful. Tumigil ako saglit para tignan siya. Sa mundo kong laging magulo at maingay, parang ang tahimik ng mundo niya. Nilapitan ko siya at kinatoc ang mesa. Nag-angat siya ng tingin. Tinanggal niya ang headphones niya at ngumiti. "Uy. Akala ko joke lang," bati niya. "Seryoso ako sa trabaho," sabi ko, hinihila ang upuan sa tapat niya. "At sa aircon. Mainit sa bahay." "Welcome to the club," turo niya sa paligid. "Dito nagpupunta ang mga taong ayaw sa bahay pero ayaw din sa opisina. The homeless freelancers." Nilabas ko ang laptop ko. "So, anong ginagawa mo? Bahay na naman ni SpongeBob?" Tumawa siya nang mahina. "Hindi. Interior design para sa isang coffee shop. Gusto nila ng 'industrial rustic minimalist chic'." "Ang daming adjectives," komento ko. "Ibig sabihin niyan, semento lang na pader at mahal na kape." "Exactly," she nodded. "Ikaw? Anong 'more blue' logo mo?" "Tapos na 'yon. Approved na. Ngayon naman, rebranding ng isang organic soap company. Gusto nila ng logo na 'amoy nature'." "Paano nagkaka-amoy ang logo?" tanong niya, confused. "Ewan ko sa kanila. Baka lagyan ko ng dahon ng malunggay." Nagkatinginan kami at sabay na natawa. It was easy. Too easy. "Okay, work time," sabi niya, sinusuot ulit ang headphones. "Bawal dumaldal. Time is gold." "Copy that, Boss," sagot ko. Nagsimula kaming magtrabaho. For the next two hours, walang nagsalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang clicking ng mouse ko, ang pag-tap ng stylus niya sa screen, at ang faint background music ng co-working space. Pero kahit tahimik, hindi awkward. Paminsan-minsan, sumusulyap ako sa kanya. I noticed little things. Kapag nagko-concentrate siya, kinakagat niya ang labi niya. Kapag nahihirapan siya sa isang detalye, kinakamot niya ang kilay niya gamit ang hintuturo. Kapag umiinom siya ng kape, hindi siya tumitingin sa baso, diretso lang ang mata sa screen. She was focused. She was driven. At aaminin ko, nakaka-attract. Stop. Erase. Friends. Friends admire each other’s work ethic. That’s normal. Bigla siyang nagsalita nang hindi tumitingin sa akin. "Ramdam ko ang titig mo, Ethan. Matutunaw 'yung iPad ko." Napatalon ako nang slight. "Ha? Hindi ako nakatitig. Nakatingin ako sa... sa bintana sa likod mo." Tinanggal niya ang headphones at tumingin sa akin. Her eyes were playful. "Wala pong bintana sa likod ko. Pader lang." Shit. "Ah... eh... nag-iisip kasi ako. Space out lang," palusot ko. "Break muna? Gutom na ako." Tinignan niya ang relo niya. "4:00 PM na pala. Sige. My brain needs sugar." Pumunta kami sa pantry area ng co-working space. Kumuha ako ng kape (na lasang tubig na may kulay nga) at siya naman ay bumili ng cookies sa vending machine. Umupo kami sa high stools malapit sa glass wall na overlooking sa Makati skyline. "So," panimula niya habang binubuksan ang cookie wrapper. "Ethan Reyes. Graphic Designer. 'Vampire Shift'. Taga-QC na dumayo pa ng Makati para lang maki-wifi. Sino ka ba talaga?" "Mystery ako," biro ko. "Ikaw? Mika Villanueva. Architect apprentice. Mahilig sa charcoal sketches at pusa na mukhang tao. Anong kwento mo?" She broke a piece of cookie and popped it in her mouth. "Wala masyado. Typical story. Bunso sa tatlong magkakapatid. Dream kong mag-design ng museums balang araw. Currently struggling to prove na hindi lang ako taga-timpla ng kape sa firm namin." "Mahirap?" "Sobra. Construction industry is a boy’s club. Kailangan mong maging matigas. Kung hindi, kakainin ka nila nang buhay." Kaya pala. Kaya pala may aura siya ng pagiging "calm but firm." It was armor. "Ikaw?" balik niya sa akin. "Bakit ka freelance? Bakit hindi ka mag-agency? Magaling ka naman siguro." "Nag-agency ako dati," kwento ko, looking at the grey buildings outside. "Toxic. 14 hours work everyday. Thank you lang ang bayad sa OTY. Burnout malala. Kaya nag-freelance ako. Hawak ko oras ko. Hawak ko buhay ko." "Hawak mo buhay mo," she repeated softly. "Pero hawak mo ba puso mo?" Natigilan ako. Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya, pero hindi invasive. Just... curious. "Hugot ba 'yan?" tawa ko, trying to deflect. "Hindi. Honest question," sabi niya. "Nabasa ko sa mukha mo noong una tayong nagkita. At sa chat mo kagabi. You carry something heavy, Ethan. Parang takot kang magbitaw." Huminga ako nang malalim. Wala na akong takas. Masyado siyang observant. "Galing ako sa... break-up," pag-amin ko. "Two years ago. Pero parang kahapon lang minsan." "Bad break-up?" "The worst. 'Yung tipong binigay mo lahat, tapos kulang pa rin. Kaya ayoko na. I promised myself: Never again." Tumango siya, parang naiintindihan niya. "Never again is a strong phrase." "It keeps me safe," sabi ko. "Ikaw? May boyfriend?" Tanong na "friends" lang, okay? Curious lang. Umiling siya. "Wala. Too busy chasing dreams. At saka... nakakapagod. Nakita ko sa mga kaibigan ko. Iyak dito, away doon. Parang ang high maintenance ng love. I prefer peace." "See? Pareho tayo!" sabi ko, medyo na-excite. "We value peace over romance. Anti-love club." Natawa siya. "Hindi naman sa anti-love. More like... 'love can wait' club. Hindi ako nagmamadali. Kung dumating, edi dumating. Kung hindi, edi magtatayo na lang ako ng museum para sa mga pusa." "Deal," sabi ko, extending my hand. "Friends? Just friends? Walang landian, walang feelings, just pure platonic productivity buddies?" Tinignan niya ang kamay ko. Tapos tinignan niya ako sa mata. For a second, parang may dumaan na hesitation sa mata niya. O baka imahinasyon ko lang 'yon. Inabot niya ang kamay ko. Ang lambot ng palad niya, pero ang higpit ng hawak. "Friends," she smiled. "Friends only. Obviously." "Obviously," I echoed. Binitawan ko ang kamay niya. Parang may kuryente pa ring naiwan sa balat ko. Static electricity lang 'yon. Dry kasi ang hangin sa aircon. Bumalik kami sa trabaho. Mas magaan na ang pakiramdam ko. Okay na. Clear na. We defined the relationship. Friends. Tropa. Work buddies. Safe zone. Natapos kami around 7:00 PM. Nagligpit na siya ng gamit. "Uuwi ka na?" tanong ko. "Oo. May dinner sa bahay. Birthday ng aso namin," sabi niya. "Birthday ng aso? Sosyal." "Sinabi mo pa. Mas mahal pa cake niya kaysa sa cake ko nung birthday ko." Tumayo na kami at naglakad palabas ng building. "Saan ka sasakay?" tanong ko. "Mag-Ggrab ako. Kaso ang hirap mag-book," sabi niya, checking her phone. "Surge na naman. 600 pesos? Ginto?" "Hatid na kita," bigla kong sabi. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Friends offer rides," mabilis kong dugtong. "Sayang naman ang gas ko, dadaan din naman ako ng... ng... kung saan ka man nakatira." "Taga-Mandaluyong ako," sabi niya. "Taga-QC ka. Out of way." "Lapit lang 'yon! Madadaan 'yon. May shortcut ako alam," pagsisinungaling ko. Walang shortcut sa Mandaluyong. It is a labyrinth designed to confuse waze. Ngumiti siya nang nakakaloko. "Okay. Sabi mo eh. Libre ba 'to o may metro?" "Libre. Basta huwag mong susukahan ang kotse ko." Sumakay kami sa kotse ko. It was intimate. Just the two of us inside a moving metal box, surrounded by the sea of red taillights along EDSA. Nag-play ang Spotify playlist ko. Indie OPM. Munimuni. "Uy, gusto ko 'to," sabi niya. "Sa Hindi Pag-alala." "Maganda lyrics," sabi ko. We sat in comfortable silence, listening to the song about forgetting and moving on. "Alam mo, Ethan," basag niya sa katahimikan habang nakatingin sa labas ng bintana. "You’re actually nice. Sayang, tinatago mo sa likod ng sarcasm mo." Napahigpit ang hawak ko sa manibela. "Defense mechanism," sagot ko. "Being nice gets you hurt. Being sarcastic keeps people at a distance." "Well," lumingon siya sa akin. "You can be nice to me. I promise I won't hurt you. Friend naman tayo eh." Friend. The word tasted sweet and bitter at the same time. "Oo naman," sabi ko. "Friends don't hurt friends." Hinatid ko siya sa tapat ng gate ng subdivision nila. "Salamat sa ride, Ethan," sabi niya, unbuckling her seatbelt. "Ingat ka pauwi. 'Wag ka mag-overthink sa daan." "Oo na. Good luck sa birthday ng aso mo." Lumabas siya ng kotse. Kumaway siya bago pumasok sa gate. Pinanood ko siyang mawala sa paningin ko. Huminga ako nang malalim. "See?" sabi ko sa sarili ko. "Kaya ko naman. Friends lang. Walang malisya. Walang tibok ng puso na OA." Pinaandar ko ang kotse pabalik sa impyerno ng traffic. Pero habang nagmamaneho ako, nahuli ko ang sarili kong nakangiti. Hindi dahil sa kanta. Hindi dahil sa aircon. Kundi dahil sa idea na makikita ko ulit siya. As a friend. At doon ako nagkamali. I underestimated the danger of "just friends." Kasi sa "just friends," tinatanggal mo ang bakod. Binababa mo ang walls. Hinahayaan mo silang makapasok sa buhay mo nang walang ticket, kasi akala mo safe sila. Pero hindi ko naisip... paano kung 'yung "friend" na pinapasok mo, siya pala 'yung gigiba ng lahat ng depensa mo mula sa loob? Nag-vibrate ang phone ko na naka-mount sa dashboard. Mika Villanueva: Nakalimutan ko pala sabihin. Ang bango ng sasakyan mo. O baka ikaw 'yon? Either way, thanks friend. :) Binasa ko 'yon habang naka-stoplight. "Shit," bulong ko. Rule #3: Flirting is okay, but catching feelings is a crime. She wasn't flirting. She was just being nice. But my heart? My stupid, traitorous heart? It did a little somersault. "Tigil," saway ko sa dibdib ko. "Friend lang 'yan. Friendly compliment. 'Wag kang assumero." Pero alam ko sa sarili ko... I was in trouble. Big trouble. Dahil ang sarap sa pakiramdam na maging kaibigan niya. At natatakot ako na baka bukas, o sa makalawa... hindi na lang kaibigan ang gusto ko. Inapakan ko ang gas nang mag-green ang ilaw. Distance. I need distance again. "Bukas," sabi ko. "Bukas, dededmahin ko na siya." Famous last words.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 54 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (10)
Rockie boy Bagona
Enjoyable read. Looking forward to the next chapters.
11/06
0
My Personal use
Enjoyable read. Looking forward to the next chapters.
Enjoyable read. Looking forward to the next chapters.
11/06
0Enjoyable read. Looking forward to the next chapters.
11/06
0nice
11/06
0Tingnan Lahat