May kasabihan sa graphic design: "Ctrl + Z is your best friend." Kapag nagkamali ka ng kulay, Ctrl + Z. Kapag nabura mo ang layer na pinaghirapan mo ng dalawang oras, Ctrl + Z. Kapag pangit ang kinalabasan ng logo, Ctrl + Z. Sana may "Ctrl + Z" din sa totoong buhay. Lalo na sa Messenger. Kasi kung meron, baka na-undo ko na ang pag-eexist ko sa mundong ibabaw ngayon. It was 11:43 PM. Tuesday. Ang oras kung saan ang mga normal na tao ay natutulog na, at ang mga tulad kong alipin ng salapi ay gising pa, nag-aayos ng revision para sa kliyente na hindi marunong magdesisyon kung "Royal Blue" o "Navy Blue" ba ang gusto niya. (Spoiler: Pareho lang 'yon sa mata ng normal na tao, Sir.) Nasa harap ako ng PC ko, mataas na ang caffeine levels sa dugo, at sabog na ang utak. Nakabukas ang Photoshop sa isang monitor, at Facebook sa kabila. Mika Villanueva’s profile was on my screen. Oo na, inaamin ko na. Stinalk ko ulit. Pero "research purposes" lang 'to, okay? Gusto ko lang malaman kung anong klaseng tao ba siya. Know your enemy, sabi nga ni Sun Tzu. Not that she’s an enemy. More like... an annoying anomaly. Nag-scroll ako sa timeline niya. Nakita ko ang isang shared post niya mula pa noong 2019. Picture ito ng isang building na mukhang weird—parang tinunaw na kandila na gawa sa semento. Ang caption niya: "Dream aesthetic. Chaos but make it structured." Natawa ako. Chaos daw. Bagay sa kanya. Kinuha ko ang phone ko. I took a screenshot of her post. Ang balak ko, isesend ko kay Jap. Lalagyan ko ng caption na: "Pre, tignan mo trip ni Miss Masungit. Mukhang bahay ni SpongeBob na na-stroke." Pampatawa lang. Pampawala ng stress. Jap would reply with a laughing emoji, tapos okay na, balik work na ako. Binuksan ko ang Messenger. Pinindot ko ang pinaka-unang pangalan sa listahan. Inattach ko ang screenshot. Tinype ko: "Pre, tignan mo trip ni Miss Masungit. Mukhang bahay ni SpongeBob na na-stroke. Architect pa naman, pero ang taste parang ewan haha." Sent. Nilapag ko ang phone ko at humigop ng kape. Ah, relaxing. One second. Two seconds. Three sec— Wait. Bakit ang bilis mag-seen? Tulog na dapat si Jap ngayon kasi may date siya kanina. Kinuha ko ulit ang phone ko para tignan kung nag-reply na. Nanigas ako. Hindi pangalan ni Jasper Morales ang nasa taas ng chat box. Walang mukha ni Jap na naka-shades sa profile picture. Ang nakalagay: Mika Villanueva. Active Now. Nanlamig ako. From scalp to toenails. Para akong binuhusan ng ice bucket challenge pero walang charity cause, purong kahihiyan lang. Na-send ko sa kanya ang screenshot ng sarili niyang post. Kasama ang pang-ookray ko sa kanya. At tinawag ko pa siyang "Miss Masungit." "Shit! Shit! Shit!" Nag-panic ako. Pindot ako nang pindot sa message. Remove. Remove for Everyone. Remove for Everyone! My thumb was trembling like crazy. Ang bagal ng data! Bakit ngayon pa bumagal ang PLDT?! Kung kailan nakasalalay ang dignidad ko?! Loading... Loading... Message Removed. Nakahinga ako nang maluwag. Napasandal ako sa gaming chair ko, hawak ang dibdib ko na parang aatakihin sa puso. Thank you, Mark Zuckerberg. Thank you, universe. Thank you, Lord. Ligtas ak— Ting. Tumunog ang phone ko. Isang notification. Mula kay Mika Villanueva. Mika Villanueva: Nakita ko 'yon, Ethan. Gusto kong lamunin ako ng keyboard ko. Gusto kong maging pixel na lang sa screen at mawala. Hindi pa siya tapos. Ting. Mika Villanueva: First of all, Gaudí inspired ang building na 'yon. It’s supposed to be organic architecture. Second, SpongeBob? Really? Ang babaw ng cultural reference mo. Ting. Mika Villanueva: Third, 'Miss Masungit'? Is that my contact name sa phone mo? Wala na. Finish na. Pack up na tayo, guys. Uuwi na ako sa probinsya at magtatanim na lang ng kamote. Wala akong choice. Huli na sa akto. Any excuse would sound stupid. "Na-hack ako"? Gasgas. "Pinsan ko nag-type"? Pambata. Huminga ako nang malalim. Ethan, you are a 23-year-old professional. Deal with this with dignity. Nag-type ako. Ethan Reyes: Sorry. Wrong send. Dapat kay Jap 'yon. Sent. Ang lame mo, Ethan! sigaw ng utak ko. Wrong send? Obviously wrong send! Nag-reply siya agad. Mika Villanueva: Obviously. Alangan namang isend mo sa akin ang screenshot ng post ko para laitin ako nang harapan. That would be brave, but stupid. Mika Villanueva: So, pinag-uusapan niyo pala ako ni Jap? Fan club ba kayo? Napapikit ako. Ang lakas ng loob niya mang-asar. Pero in fairness, she wasn't mad. Or at least, she didn't sound mad. She sounded... amused. Again. Ethan Reyes: Hindi kami fan club. Nakita ko lang sa timeline ko. Nagulat ako sa taste mo sa buildings. Kakaiba. Mika Villanueva: Kakaiba is good. Boring ang normal. Sabi nga nila, art should disturb the comfortable. Ethan Reyes: Well, congratulations. I am very disturbed. Nag-react siya ng "Haha" sa message ko. Napangiti ako nang kaunti. Just a twitch of the lips. Wait, why am I smiling? This is humiliating. She caught me backbiting her. Mika Villanueva: Gising ka pa? It’s almost midnight. Architect lang ang may karapatang magpuyat. Graphic artist ka lang. Aray. Graphic artist lang? Ethan Reyes: Excuse me? 'Graphic artist lang'? F.Y.I., binubuhay ng graphic artists ang mundo. Kung walang logos, packaging, at ads, ang lungkot ng buhay niyo. At nag-aayos ako ng revision. Client wants the blue to be 'more blue'. Mika Villanueva: Hahaha. Classic. 'Make the logo bigger' vibes. Kaya mo 'yan. Isipin mo na lang, pera din 'yan. Ethan Reyes: Ikaw? Bakit gising ka pa? Nag-didisenyo ka ba ng bahay ni Patrick Star? Mika Villanueva: Funny. No. Tinatapos ko 'yung portfolio ko. Kailangan perfect. Perfectionist ako eh. Ethan Reyes: Halata naman. Pati pagpulot ng papel kahapon, ang graceful. Parang scripted. Wait. Was I flirting? No. That was sarcasm. Definitely sarcasm. Mika Villanueva: Hindi 'yon scripted. Sadyang clumsy ka lang talaga. Dalawang beses na kitang nakitang nag-panic. Una sa pinto, pangalawa sa chat. Ethan Reyes: Hindi ako nag-panic sa chat. Technical difficulty lang. Mika Villanueva: Denial looks cute on you, Ethan. Ibinalibag ko ang phone ko sa kama. Cute daw. Cute?! Ako, si Ethan Reyes, na bato ang puso at sarkastiko ang dila, tinawag na cute ng babaeng mukhang librarian na may hidden agenda? Ramdam ko ang init sa tenga ko. Hindi 'to kilig. Inis 'to. Inis na may halong... ewan. Kaba? Kinuha ko ulit ang phone. Hindi ako pwedeng magpatalo. Ethan Reyes: Hindi ako cute. Gwapo ako. May difference 'yon. Mika Villanueva: Wow. The confidence. San nabibili 'yan? Shopee? Ethan Reyes: Lazada. Sale kahapon. Free shipping. Mika Villanueva: Hahaha. Benta. Tumigil ang mundo ko saglit. Napatingin ako sa "Hahaha" niya. Conversation flow. Banter. Easy. It felt... natural. Walang pilit. Walang "kumain ka na ba?" na pilit. Walang "anong gawa mo?" na boring. We were just throwing insults and jokes at each other like we’ve been doing it for years. Naalala ko si Adrian. Dati, kailangan kong i-analyze ang bawat reply ko kay Adrian. Is this too clingy? Is this funny enough? Baka isipin niya ang boring ko. Every text was a performance. I had to be the perfect boyfriend. Pero kay Mika? I just accidentally insulted her taste in architecture and called her "Miss Masungit," and she’s laughing. Mika Villanueva: Uy, seryoso. Why are you really up? Malungkot magtrabaho nang ganitong oras. Biglang nagbago ang tono. From asaran to... concern? Nag-isip ako ng isasagot. Sasabihin ko ba ang totoo? Na hindi ako makatulog kasi masyadong tahimik ang utak ko at kapag tahimik, naaalala ko ang mga bagay na ayaw kong maalala? Ethan Reyes: Sanay na ako. Vampire shift. Mika Villanueva: Hmm. Okay. Pero masama sa health 'yan. You need rest. Para mabawasan 'yung sungit mo. Ethan Reyes: Ikaw nga dyan ang masungit. Tinawanan mo pa ako nung nabunggo kita. Mika Villanueva: I wasn't laughing AT you. I was laughing at the situation. Ang seryoso mo kasi masyado. Mukha kang pasan ang daigdig. Napahinto ako sa pagta-type. Mukhang pasan ang daigdig. She saw it. Again. Kahit sa chat lang, parang nakikita niya ako. Ethan Reyes: Mabigat naman talaga ang daigdig minsan. Send. Shit. Too deep. Too emo. Why did I send that? Delete! Delete! Pero seen agad. Ang tagal niyang hindi nag-reply. Nakatitig lang ako sa typing bubble na lumalabas-masok. Typing... Stopped... Typing... Stopped... Baka natakot na. Baka na-turn off sa pagka-sadboi ko. Sabi ko na nga ba, dapat nanatili na lang ako sa jokes. Ting. Mika Villanueva: Mabigat talaga. Kaya nga hindi dapat binubuhat mag-isa. I stared at the screen. Simple words. Walang flowery poetry. Walang dramatic emojis. Pero tumagos. Hindi dapat binubuhat mag-isa. For the last two years, I prided myself on carrying everything alone. I was strong. I was independent. I didn't need anyone. Pero bakit nung binasa ko 'yon, parang gusto kong ibaba saglit 'yung bagahe ko? Mika Villanueva: Anyway, matutulog na ako. Maaga pa ako bukas. May site visit kami. Good luck sa 'more blue' logo mo. Ethan Reyes: Sige. Goodnight, Miss Masungit. Mika Villanueva: Goodnight, Mr. Wrong Send. Nilagay ko ang phone ko sa desk. Pinatay ko na rin ang monitor ng PC ko. Bahala na si client bukas. Hindi ko na makita ang difference ng blue at navy blue. Humiga ako sa kama. Madilim na ang kwarto, pero gising na gising ang diwa ko. Wrong send. Isang malaking pagkakamali. Dapat kay Jap 'yon. Dapat tinatawanan namin siya ngayon. Pero imbes na matawa, naramdaman ko ang isang bagay na matagal ko nang hindi nararamdaman. I felt... seen. Not judged. Just seen. At nakakatakot 'yon. Kasi kapag nakikita ka ng isang tao, may power na silang saktan ka. Pumikit ako at pinilit matulog. "Hindi ko siya gusto," bulong ko sa sarili ko, parang mantra. "Natatawa lang ako sa kanya. She's just... witty. That's it. Intellectual stimulation." Pero bago ako tuluyang lamunin ng antok, naalala ko 'yun g sinabi niya. Denial looks cute on you, Ethan. Napangiti ako sa dilim. "Bwisit ka talaga, Mika hahaha."
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 37 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (10)
Rockie boy Bagona
Enjoyable read. Looking forward to the next chapters.
11/06
0
My Personal use
Enjoyable read. Looking forward to the next chapters.
Enjoyable read. Looking forward to the next chapters.
11/06
0Enjoyable read. Looking forward to the next chapters.
11/06
0nice
11/06
0Tingnan Lahat