logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7: Tampuhan

"Sino ka bang talaga?" Nang uusig na tanong ko sa kanya. Bahagyang lumapit sakin si Rain at bumulong sa tainga ko.
"Ako si Rain." Sabi nya at matamis pa na ngumiti sa akin habang titig na titig sa mga mata ko.
"Bestfriend ako ni Marie at kung may similarities man kami ay dahil sa sobrang malapit kami sa isa't-isa. Hindi mo lang ako napapansin dahil kay Marie lang nakatuon ang buo mong atensyon." Kita ko ang bahagyang paglungkot sa mga mata ng aking kausap.
"May gusto ka ba sa akin?" Prangka kong tanong sa aking kaharap. Natawa siya ng bahagya sa aking tinuran.
"Hala! siya. Ang feeling mo naman Grae. Wala akong gusto sayo no. Boyfriend ka kaya ng bestfriend ko." Nakairap nitong sabi sa akin.
Medyo nakonsensya ako sa mga sinabi ko tungkol sa kanya. Sabagay hindi nyo naman ako masisisi dahil una, ngayon ko lang talaga siya nakita kahit sinasabi nya na bestfriend daw siya ng aking namayapang nobya at, pangalawa may pagkakahawig sila ng mahal kong si Marie .
"Ano ang nagustuhan mo kay Marie?" Bahagya pa akong nagulat dahil sa tanong nya sa akin at hindi ko rin namalayan na nakalapit na pala siya sa side table ko.
Matamang tinititigan niya ang mga larawan namin ni Marie na nakalagay sa ibabaw. Dalawang litraro kasi namin ang naka picture frame. Una, yung graduation picture namin nung high school at pangalawa nung 18th birthday nya. Kung alam ko nga lang na maaga siyang mawawala sakin ay sana nagpapicture kami ng madami.
"Maliban sa maganda si Marie sa panglabas na anyo ay sobrang ganda din ng ugali niya. Dapat ay alam mo yan I mean dapat alam mo yang mga katangian na yan ni Marie dahil bestfriend ka nya." Medyo seryoso kong tugon sa mga katanungan ni Rain.
"Mas maganda pa rin na sa iyo manggaling dahil ikaw ang nobyo nya. Pero masaya ako dahil yan ang tingin mo sa kanya." Seryoso ang mga mata neto na nakatingin sakin ngunit bahagya namang nakangiti.
Hindi ko mabakas ang tunay nyang nararamdaman. Dahil ang nababasa ko sa mga mata nya ay lungkot at saya. Contradicting hindi ba ngunit yun ang natatalos ko sa magaganda nyang mga mata .
"Hindi ka na daw ba ulit makakalad." Medyo hindi ko inaasahan ang tanong nya na yun sa akin.
"Actually, sabi sakin nila papa ay pwede na daw ako operahan." Tipid kong sagot sa kanya. At muli sa pagtingin ko sa mga mata nya ay iba naman ang nababakas ko. Magkahalong saya at pag- asa.
"Talaga? Eh kelan mo balak mag pa opera?" Masayang tanong nya sakin na para bang bata na sobrang excited.
"Hindi ko alam dahil ayoko." Nakayukong saad ko dahil sa pagkakataon na ito ay ayokong makita ang reaksyon nya. Para kasing sobrang dami kong nababasa sa mga mata nya. Naguguluhan tuloy ako.
"Bakit Grae?" Kahit nakayuko ako at hindi nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang lungkot at lamig sa boses nya. Ang lungkot na para bang tumatagos sa puso ko.
"Dahil ba kay Marie? Dahil ba sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyari? Hindi tama yun Grae dahil sa tingin mo ba masaya siya sa inaasal mo na ganyan. Alam kong mahal na mahal ka ni Marie."
Nagulat ako sa mga sinabi nya at pag angat ko ng mukha ko ay mga matang lumuluha ni Rain ang nakita ko o mas tamang sabihin na parang si Marie ang nakikita ko.
"Grae, tama na. Mag move on ka na." Dagdag pa netong sabi. Dahil sa tinuran nya ay nagalit ako.
"Sino ka ba para sabihin sa akin yan at sino ka ba para pangunahan ang nararamdaman ko?" Pagalit kong wika sa kanya.
"At sino ka din para pangunahan ang nararamdaman ni Marie? Hindi mo ba naiisip na baka hindi siya makaalis at makapunta sa dapat nyang puntahan dahil sa ginagawa mo." Balik tanong sakin ni Rain na may halong galit din.
"Kung ganyan ka din lang ay mabuti pa na umalis na ako." At agad ngang nilisan ni Rain ang aking silid.
At tulad ng dati, sa kanyang paglisan ay huminto ang buhos ng ulan. Naiwan akong nakatulala sa aking kwarto. Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman. Tinitimbang ko ang mga sinabi ni Rain tungkol sa akin.
Totoo kaya yung mga kaluluwa na hindi matahimik at hindi pa makapunta sa dapat nilang puntahan. Dahil may mga taong ayaw pa silang bitawan. Kung ganon bakit hindi manlang magparamdam sa akin si Marie. Dahil kahit sa panaginip ay hindi ko pa siya nakikita.
"Marie, sana manlang kahit sa panaginip ko ay magpakita ka please. Kahit isang beses lang mahal ko. Kahit dun lang ay muli kitang mayakap. Miss na miss na kita mahal ko."
Humahagulhol na ako dahil sa labis na lungkot at pangungulila ko sa aking namayapang nobya. Muli sa gabing ito, ako ay nakatulog na umiiyak at punong- puno ng lungkot.
Author's note:
Thank you inadvance po sa mga magbabasa netong kauna unahang akda ko. Sana po ay wag kayong bibitiw sa story ng buhay ni Grae at Rain. Abangan natin kung magkakayos pa ba ang dalawa nating bida.

Komento sa Aklat (280)

  • avatar
    Desiree Figares

    so beautiful ❤️

    2d

      0
  • avatar
    Zhally Libunao

    Magaganda ang mga binasa ko

    11d

      0
  • avatar
    Hazell Hazell

    Soo good

    16d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata