logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

KAUUWI ko lang ngayon sa bahay. Hawak ko na ang doorknob ngayon para pihitin at mabuksan ang pinto ng kuwarto.
Kung saan, natigilian ako. Matapos tumambad sa akin ang hubad na likod ng asawa ko. Hanggang sa isinuot nito ang oversized T-shirt n'ya na military green.
Umuwi na pala siya. Lumingon ito sa kinatatayuan ko ngayon. Dahil siguro sa tunog ng pinto na bumukas matapos kong buksan.
Tiningnan n'ya lang ako na wala lang... Ako rin sa kaniya. Hindi kami nag-ngitian dalawa. For what? Civil lang naman kami pareho.
“Nandito ka na pala,” umpisa ko matapos bumuntong-hininga at saka ko hinakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng kuwarto.
Yumuko ito para abutin ang tuwalya n'ya na ginamit siguro na nasa ibabaw ng kama at saka n'ya tinupi.
“Aalis muna ako ngayon. Birthday ni Chad.” Biglang paalam n'ya sa akin. Hindi ko napigilan ang aking pagtawa. Kaya kunot-noo n'ya akong tiningnan.
“Araw-araw birthday ni Chad, ah...” Sarcastic na pagkasabi ko. Hindi siya tumahol. Tinuloy nito ang kaniyang ginagawa.
Pero agad nanlaki ang mga mata ko sa biglang sinaad nito na hindi ko inaasahan. Tapos nagkatitigan pa kaming dalawa. “Gusto mo sumama?” Natahimik ako. Hindi ko kayang sagutin.
Nagulat lang ako... Bigla n’ya kasi akong tinanong kung gusto ko ba raw sumama sa kaniya ngayon. Wala lang, nagulat lang ako. Minsan n'ya lang ako niyayaya, eh.
“I-Ikaw nalang... Enjoy!” Pagtanggi ko in a nice way. Pagod ako ngayon na gusto ko nalang matulog.
Saka, alam ko naman na magiging O.P. ako do’n. Dahil 'di ako masyadong close sa mga kaibigan n’ya. Alam ko naman na, ‘di nila ako gusto para dito sa kaibigan nilang si Donowo. Donowo tawag ko sa kaniya. Minsan, Donwo. Depende sa pronunciation ko. Pero gusto ng dila ko na sambitin ay Donowo.
Ang mga kaibigan n'ya kasi, ay gusto nila ang naging girlfriend noon ni Donwo — Bago ako dumating— na buntis na ako. Hindi... ko alam ang name. Maganda iyon. Nakita ko lang dati sa picture na nasa wallet ni Donwo. Pero ngayon, hindi n'ya na ako hinahayaan na pakialam ang wallet n'ya. Oo...
Alam ko na boto sila do’n at 'di sa akin... Naalala ko pa dati. No’ng binyag ni Prima, lahat sila invited. Tapos para akong mamamatay sa sama ng mga tingin nila na pinupukol sa akin no’n. The pain...
Pero ano naman ang paki ko sa kanila? Eh, sa tanggap naman ako ng family ni Donwo. Ang pinaka-importante, is ‘yong approval ng parents ng taong magiging asawa ko. Hindi ‘yong approval ng mga kaibigan n’ya na 'di ako... LIKE.
Bakit sila ba ang papakasalan ko? Hindi naman, 'di ba! Kaya 'di ako close sa lahat ng mga barkada ni Donwo.
“Sure ka?” ulit na tanong nito kung sure na ba ako. Parang pinipilit n'ya naman ako. Kaya tumango ako bilang sagot na sure talaga ako.
Tiningnan n'ya lang ako na parang inaalam ang aking kilos. Hanggang sa tinanong na naman ako nito na feeling concern, “Kumain ka na ba?” Namilog ang mga mata ko sa tanong n'ya na gusto kong matawa.
Eh, sa minsan n'ya lang ako tinatanong.
“Uhm.. Oo, busog ako,” saka ako lumapit sa bag ko na nakalapag na sa ibabaw ng mini table sa gilid ng kama namin. Para tingnan kung dala ko ba ang phone ko ngayon. Nag-charge kasi ako kanina doon sa shop. Hindi ko matandaan kung kinuha ko ba. Makalimutin, eh.
“May dala ka?” Imbes na mag-taka. Naunawaan ko agad ang ibig sabihin nito.
“Nasa ref... Baka gusto mo? Kumuha ka nalang do’n at tirhan mo nalang sila Manang at Prima. Serve your own self.” Narinig ko pa ang pag-tsk nito habang nakatalikod ako sa kaniya ngayon.
“Anong flavor?” hirit na tanong pa nito ulit. Hindi ko napigilang mapapikit ng mga mata ko.
“Chocolate....” tukoy ko sa flavor ng cake na dala ko ngayon sa pag-uwi.
Dala ko nga ang phone ko. Kaya hinugot ko mula sa aking bag at hawak ko na ngayon. Tiningnan ko lang ang oras, na alas-otso na nang gabi ngayon.
“Alas-otso na,” sabay tingin ko sa kaniya. Nag-tama ang mga mata namin na wala lang... Nagkatitigan lang kaming dalawa habang nakatayo pareho.
“Lumarga ka na... Baka kanina ka pa ni — Chad hinihintay.” Salita ko nalang.
Kasi baka siya nalang ang kulang doon bago mag-umpisa ang birthday party ni Chad. Taray!
“Enjoy!” Sigaw ko pa sa kaniya nang lumabas na ito ng kuwarto namin. Ang bilis kausap.
Bumuntong-hininga ako nang maisip na mag-isa nalang ako dito. Mabuti nga... Peaceful.
“MOMMY!” masayang bati sa akin ng anak ko na nakabihis na ngayon ng school uniform nila.
Kaya kinulong ko siya sa mga bisig ko para mayakap ng sobrang higpit...
“Prim, may cake akong dinala. Baunin mo iyon, ha?” habang sakop ko ang magkabilang pisngi nito ngayon na kinakausap. Ang cute talaga ng baby ko... Tumango ito na ang cute ng kaniyang ngiti. Buo na ang araw ko...
Vitamins ko na ang mga ngiti n'ya kapag nakikita ko tuwing umaga.
“Mommy, si DADDY ang maghahatid sa amin ngayon!” Masayang anunsyo nito sa akin na tuwang-tuwa.
So, naka-uwi na pala dito ang daddy n'ya...
Minsan kasi, sa guest room siya natutulog. Lalo na ni-lo-lock ko ang pinto ng kuwarto naming dalawa. Kapag nasa kila Chad siya. Katulad kagabi, ni-lock ko ang kuwarto.
“Hon,” si Donwo na ang saya ngayon sa ngiting makikita sa kaniyang labi.
'Hon or Honey' ang tawag n’ya sa akin. Kapag— nasa harap kami ng anak naming dalawa.
We’re acting like a real sweetie couple....
Pero kapag kaming dalawa lang ang nag-uusap? Ang casual lang, na usap lang kami
Kumbaga, chill lang. Totoong pangalan namin ang tawagan namin sa isa’t-isa. Jenily at Donwo, gano’n!
“Bakit?” may pagtataka ko siyang tiningnan. Kunyare pa ako, eme...
Tiningnan n'ya lang ako habang nakapamulsa ito. Nakabihis na rin siya sa color black na slack nito, shoes at office blazer na color black na may puting suot sa loob. Business tycoon ang dating.
He's a bank teller sa isang banko na nandito sa Quezon City. Accountant ang natapos n'yang kurso at isa na siyang ganap na Certified Public Accountant. Yes, true...
“Mag-almusal na tayo,” naka-ngiting pag-aya nito na... Kunyare concern daw. Tiningnan ko lang siya hanggang sa umupo ito sa kung saan siya palaging nakaupo dito sa hapag-kainan namin. Kapag sama-sama kaming kakain magkapamilya.
“Sa Shop nalang ako... Alam mo naman na sa shop ako palaging nag-aalmusal, hindi ba?” Pinanlakihan ko siya ng mga mata ko. Para itong hindi natuwa sa sinambit ko. Hanggang sa naramdaman kong yumapos si Prima sa bewang ko.
Kaya bumaba ang tingin ko para tingnan ang anak ko ngayon na nagpapacute sa akin. Nakita ko rin si Donwo na nakatingin na din kay Prima ngayon.
At the end... Sabay kaming nag-agahan. Ako si Prima, Donwo at si Manang Fely. Marunong naman akong makisama. Saka, minsan lang ito na sabay kaming kumakain ng agahan. Isa pa, para kay Prima. Ayaw kong ma-feel n'ya na KJ ang kaniyang mommy.
'Di nag-tagal, nandito na kami sa School ni Prima ngayon. Sumabay na rin ako sa kotse ni Donwo. Para makatipid ako sa pamasahe ko.
“Bye Mommy, Daddy!” Paalam ng anak namin sa ‘min at k-in-iss n’ya kami ng daddy n’ya sa mga cheek namin. Ganito kalambing si Prima, ang anak namin.
“Ingat ka, babyyy. Manang, kayo na po ang bahala kay Prima,” bilin ko kay Manang Fely na agad n'ya namang tinanguan at saka hinawakan si Prima sa kamay nito. Saka sila sabay na lumakad papasok sa loob.
Pagkapasok nila. Saka kami lumarga. Mabilis ang pag-takbo ni Donwo ng kotse n’ya ngayon. Sabi ko nga! Sana hindi nalang ako sumakay!
Ibang-iba sa pagpapatakbo n’ya kanina nang kasama pa namin sila Manang at Prima. Parang ‘di naman halatang nagmamadali, 'di ba? Ang unfair naman! Bakit nang kami nalang dalawa, ang bilis n’ya nang magpatakbo.
Hanggang sa namalayan ko nalang na nandito na kami sa harapan ng shop.
Nahihilo ako bigla sa bilis...
Napahinga ako ng maluwag. Thanks God... I'm safe...
Dahil makakalabas na rin ako mula sa kotse n'ya. Inayos ko muna ang buhok ko na alam kong gulong-gulo na ngayon.
“Next time! Magdahan-dahan ka naman sa pagpapatakbo mo.  Hindi ka naman nagmamadali, hindi ba?” hindi ito agad naka-imik. Tiningnan n'ya lang ako ng seryoso. Sabi ko nga, walang kuwentang kausap ito ngayon. Suplado pa!
“Nandito na ako. Salamat...” Hindi ko siya tiningnan hanggang sa makalabas ako mula sa loob ng kotse n'ya.
Tumayo muna ako dito sa gilid ng kalsada. Para hintayin ang pag-andar n'ya ng kaniyang kotse.
Pina-alis ko muna ang kotse n’ya at bago ako pumasok sa loob ng Shop. In-ayos ko na rin ang buhaghag kong buhok na dry na ngayon. Ang bilis kasi ng takbo ng kotse n'ya na para kaming nasa karera sa bilis!
“JENILAY! S-Sorry— kung late ako, ha? Galing pa kasi kami nang Hospital ni Jake,” mabilis na sambit nito. Kaya taka ko siyang tiningnan.
Si Jake, ang asawa n'ya. Five years naging sila bago nagpakasal. That's love...
Sa ngayon ay isang taon na silang mag-asawa dalawa. May sariling house and lot na rin.
“Sa Hospital? Bakit anong nangyari?” takang tanong ko sa kaniya na naguguluhan. Pinikit nito ang kaniyang mga mata bago ako tinignan muli.
“O.A. lang talaga siya...” nakasimangot na saad nito. “Nagsusuka kasi ako kanina. Kaya, sabi n’ya dadalhin n’ya ako  sa Hospital.” Umiirap na saad nito. Kaya hinampas ko siya sa siko n'ya.
“Mabuti pa nga si Jake... Nag-aalala sa 'yo,” may himig na inggit ang pagkasabi ko sa kaniya. Sa totoo naman.
“Tsk! Pero umalis kami agad. Baka, sa susunod nalang at— Okay naman ako... Pero ayaw n’yang maniwala!” Naniningkit na saad nito na parang stress.
Napansin ko na parang namumutla ito'ng tingnan ngayon. Kaya bigla akong nag-alala sa kaniya sa lagay nito ngayon.
“Nagsusuka ka ba— OMG! Baka buntis ka?” Bulalas ko habang namimilog ang aking mga mata sa galak ngayon sa na-isip.
Tulala n'ya akong tiningnan na may iniisip. Hanggang sa humalagapak ito ng tawa. “Hahaha! Ako buntis?” 'di makapaniwalang tanong nito na tinuro n’ya pa ang sarili n’ya na 'di naniniwala sa sinabi ko na buntis siya. Baka lang naman...
“Nabuntis din kaya ako. Kaya, alam ko ang mga ganiyan, 'no! Isipin mo... M-mag-kasama kayo ngayon ni Jake... Kaya, may posibilidad na mabubuntis ka talaga, duh!” Pinatirik ko ang dalawa kong mata at saka ko pinagkrus ang dalawa kong braso ngayon. Habang kaharap ko siya.
Pero ayaw n'ya yatang maniwala sa akin ngayon.
“Di ko alam! Pero… 'di ko rin alam kung... R-ready na ba ako, kami?” malungkot na saad nito na nag-ta-tanong.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa sinambit nito ang pangalan ng asawa n'ya habang nakasimangot
“Ready siya... Saka... 'di ba? Sabi mo nag-alala siya sa 'yo?” Pagpapaintindi ko sa kaniya na maunawaan n'ya ng maayos.
Mahal siya ni Jake. Saksi ako sa kung gaano kamahal ni Jake itong best friend ko. Walang labis, walang kulang.
“Uuwi nalang ako. Sorry talaga... Bawi nalang ako bukas,” pagpapaalam nito na hindi maganda ang karamdaman n'ya ngayon.
“If ever na masama pa rin ang pakiramdam mo bukas? Huwag ka ng pumasok. Ako na ang bahala dito at 'di ko naman babawasan ang suweldo mo, hahaha...” Nanlaki ang mga mata nito na tinawanan ko. Gulat na gulat, eh.
“JOKE lang! Sige na.” Wala itong balak gumalaw.
Hanggang sa ako na ang pumara ng taxi na masasakyan n'ya sa kaniyang pag-uwi sa kanilang bahay...
Daradarsi

Komento sa Aklat (64)

  • avatar
    Ann Conchas

    it's really good

    4d

      0
  • avatar
    Macanas Angelica

    thanks you

    15d

      0
  • avatar
    Merlita Roque

    maganda Ang storya sana complet.para Hindi nakakabitin

    08/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata