logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER SIX

CHAPTER SIX

"OH? SILA pala yon?"
Tanong sa akin ni JC. Kakatapos ko lang ikwento sa kanya yong nangyari bago ako makapunta sa harapan kanina at sinabi ko na rin na yung tatlong yon ang bully sa school. At alam niyang sila ang paglalaruan ko. Yes, alam niya ang lahat. He knows my story very well, and like my Mom, I have his full support. He's a great friend of mine. Sobrang thankful ako at nakilala ko siya. Nandito nga pala kami ngayon sa rooftop, dito lang kasi ang alam naming lugar na walang pupunta. Hindi naman kasi matao dito.
"Yep. I can't wait to start my game!" Excited kong sabi. Actually, di ko pa gaanong pinag-iisipan kung ano ba talaga ang gagawin ko pero feel ko lang yung excitement. Ang baliw ko.
"You know what? I'm a little bit scared with that game of yours." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman siya natatakot?
"Bakit mo nasabi?"
"Ewan ko. Basta yon yung nararamdaman ko eh. Siguro natatakot lang ako kasi...baka sa huli matatalo ka lang. Baka sa huli, ikaw ang makikita kong umiiyak. Alam mo, pwede mo namang kalimutan na lang yon eh."
Huminga ako nang malalim dahil sa sinabi niya.
JC, alam mo namang di madali ang lumimot diba? Lalo na yung nangyari sa akin. Napayuko ako saglit at ginagalaw ang mga kamay ko. Di mapakali. Oo, madaling sabihin na kakalimutan ko na lang pero kung ikaw yung nasa sitwasyon ko, masasabi mo rin sa sarili mo na mahirap din palang gawin. Okay lang sana pag sinabi kong, "kakalimutan ko yon", then sa isang pitik lang ay makakalimutan ko na nga. Siguro kung ganon yon kadali, matagal ko nang ginawa. Kaso hindi eh. Ang hirap."
Biglang uminit ang mukha ko nang hawakan niya ang pisngi ko. Kasabay non ay ang pagpahid niya ng luha sa gilid ng mata ko. Umiiyak na ba ako? Hinawakan niya ang kamay ko.
"I know, I know. I understand. Sabi niya habang nakahawak pa rin sa magkabilang pisngi ang mga kamay niya. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Nasa rooftop kami pero feeling ko ang init ng mukha ko. Di rin naman kita masisisi eh. Ikaw yung biktima dito at hindi ako kaya di kita mapipigilan sa kung ano mang balak mo. Basta ito lang tandaan mo ah, be brave. H'wag mong hayaan na saktan ka nila ulit. Siguraduhin mong sa pagkakataong ito ay di ka na iiyak. And please lang, wag kang umiyak sa harapan nila. Kasi pag nangyari yon, iisipin nilang mahina ka. Don't be.
Ayokong nakikita kitang umiiyak. Siyempre, kapatid kita noh! Ayokong nakikita yung kapatid ko na umiiyak."
He pat my head tapos biglang ginulo ang buhok ko. Napangiti ako sa sinabit ginawa niya. Maya-maya ay dahan-dahan niya akong niyakap. Hindi ko alam kung ano talaga 'tong nararamdaman ko. May kung anong di ko magets. Pero wala na akong panahon para isipin pa iyon. Basta isa lang ang alam ko, safe ako pag nasa tabi niya ako. Ang bait niya, caring pa. Protective brother siya sa akin. Ang swerte ng magiging girlfriend niya.
"Thanks Kuya JC!"
"That's freaking yuck! Wag mo nga akong tawaging Kuya! Same age lang tayo. JC will be fine."
"Diba magkapatid tayo? Arte mo!"
"Gwapo naman!"
"Ang hangin mo, anong konek?"
Tumawa lang siya. Tumawa na rin ako. "So, back to the real topic," matapos siyang maka-recover ay balik na ulit siya sa seryoso niyang mukha. "What's your plan now?"
Natahimik ako sa tanong niya. Anong plano ko? "Sa totoo lang, di ko pa alam."
Di ko siguradong sagot. May plano ba talaga ako? Parang wala naman. Di kasi halata.
-=-=-
PAGKATAPOS naming mag-usap ay umalis na siya. May prescon pa daw kasi sila. Sobrang busy nila pero nakuha pa nilang isingit sa schedule nila na pumunta dito. Nagkausap rin kami kahit papaano. Nakalimutan ko nga may klase pa pala ako, nawala kasi sa isip ko kakadaldal kay JC kaya di ko na namalayan ang oras.
At dahil sa lunch break na, pumunta na akong cafeteria. Yung mga tingin nila, parang sinasabi na ang maldita ko. Well, yon yong gusto kong maging since natuto na ako. Gusto kong magmaldita di dahil sa trip ko lang, kundi dahil gusto kong ipakita sa kanila ang totoong ako, ang tunay na ugali ko. Why not showing the real you, right? Bahala nang masungit atleast totoo, kaysa naman sa iba jan na nagpapanggap lang.
"Hi, Ate!"
Kakain na sana ako ng palabok ko nang may nagsalita. Pagkatingin ko, si Minchie lang pala. Todo ngiti pa siya, halos mapunit na yung labi.
"Hey, Em! Ikaw pala? Ngayon ka lang nagpakita ah?" Umupo siya sa sa katapat kong upuan with a puzzled look formed into her cute face.
"Em?"
"Yes. Ang haba kasi ng Minchie eh. Since sa M naman nag start yung pangalan mo, Em na lang itatawag ko sa'yo. At pwede ba? Just call me by my name. Ang pangit ng Ate, di ako sanay."
"But you're older than me!"
"Para kang bata. Basta, sundin mo na lang." Nag-nod lang siya sa sinabi ko. Good.
"You know what, Ate Mar---Este, Margaux!" Pinandilatan ko kasi ng mata. Haha! "Feeling ko sikat ka na." I raised my right eyebrow. Bakit naman?
"Bakit?"
"Kanina, bago pa ako makapunta dito sa Canteen, rinig ko yung mga tao, pinag-uusapan ka nila. Well, in the other way nga lang. I mean, hindi puro papuri yung mga sinasabi nila, ang maldita mo daw, masungit. Yung isa pa nga doon sabi niya nagpapasalamat daw siya kasi mukhang may makakatapat na talaga kay Arra o di kaya sa 3A, kaso mukhang na-disappoint din yata. Parang too much daw kasi."
"Too much?"
"Ay! Ang ingay ko! Sorry.."
"No, it's ok. Totoo rin naman kasi." Nagsusungit ako dahil din yun sa kanila. "Alam mo, paminsan-minsan di naman masama na ilabas ang other side ng ugali natin eh. Like yung pagiging maldita, pagiging masungit. Bakit, kapag maldita ba masama na kaagad? Di ba pwedeng sawa lang magbait-baitan o di kaya ay ayaw nang masaktan kaya ginagawa iyon?"
"Kaya nga. Alam mo, kahit di pa talaga kita as in kilala, feel ko talaga yung goodness mo. Kahit yan yung pinapakita mong ugali alam kong mabait ka. Ewan ko nga sa kanila, ayaw nilang makipagkaibigan sa 'yo. Maybe natatakot lang sila kasi baka sila yung susunod na matatarayan. Pero alam mo, kahit matatarayan mo man ako, hindi ako tutulad sa kanila. Kahit ipakita mo pa sa akin yung pinaka-maldita mong ugali, makikipagkaibigan pa rin ako sa 'yo."
Ewan ko pero ang lakas ng dating sa akin nung sinabi niya. Especially the lastsentence.
"Kahit ipakita mo pa sa akin yung pinaka-maldita mong ugali, makikipagkaibigan pa rin ako sa 'yo."
Ayoko sanang mag-assume o umasa pero sa tingin ko, nakahanap na nga talaga ako ng totoong kaibigan.
"Pero alam mo, may isa pang news. Kanina sa room, ikaw din yung topic. Alam mo, mas marami ang boto sa 'yo kaysa kay Arra. They're thankful, actually, kasama ako, nagpapasalamat kasi dumating ka. Nakahanap na nga talaga ng katapat yung bully na yon. Kainis siya! Lahat na yata ng tao dito sa West High, na-bully na niya. Iniisip ko nga, saan ka kaya kumukuha ng lakas ng loob para tapatan si Arra? Lakas ng loob nga lang ba yan?"
Di ko siya maintindihan. Anong ibig niyang sabihin doon?
"Margaux, kung may gusto kang sabihin, kung may pinagdadaanan ka, tandaan mo nandito lang ako. Pwede mo naman akong kausapin eh. Pwede mong ishare sa 'kin, para naman may maitulong ako sa 'yo. We're friends right?"
"Salamat sa concern ah? Salamat. Kasi kahit ganito ako, kinakausap mo pa rin ako. Tungkol naman doon sa sinabi mo," yumuko ako ng bahagya tapos humarap ulit sa kanya. "Sorry ha? Pero ayoko munang pag-usapan yan." Sana maintindihan niya ako. Kahit ganyan kasi ang ugaling pinapakita niya, gusto ko pa rin ang makasigurado. Mahirap na, baka mamaya ay katulad rin pala siya ni Stacey. Mapagpanggap. Ngumiti lang ako sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik, ngiting alam mong pilit lang.
"Yeah, I understand. Di rin naman kita pipilitin kung ayaw mo pa talagang sabihin, kung meron man. Basta pag may problema ka, pwede mo akong lapitan. Makikinig ako at kung may maitutulong man ako, tutulungan kita."
May halong lungkot sa boses niya nang sabihin iyon. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa rooms namin. Ang dami naming napag-usapan ngayon. Nalaman ko na Third Year pa lang siya ngayon. Nagexchange numbers din kami kanina para daw makulit niya ako doon. Tapos na ang last subject namin this morning at nalaman ko na wala daw klase mamayang hapon, may meeting daw kasi lahat ng teachers. Maaga dapat akong uuwi ngayon kung di lang dahil sa text na natanggap ko galing kay Em.
"Nagkayayaan friends ko na gumala. Sama ka?"
Napangiti ako. Matagal na rin akong di nakapaggala o shopping man lang, kaya nag-ok na lang ako sa kanya. At eto nga ako ngayon sa labas ng gate, hinihintay sila. Tagal ah!
"Hey! Margaux!"
"Grabe! Nahiya ako sa sobrang bilis niyo." I said sarcastically. Pero di niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasalita.
"Guys, this is Margaux Manrique. You know her right?"
"Of course, sino ba namang di makakakilala sa kanya?" Ngumiti lang yung girl na nagsalita sa akin.
"Ah, Margaux, this is Celine," turo niya doon sa babaeng nagsalita kanina. "Yna at Riri. And we are the QUADRO." Pakilala niya sa mga kasama niya. Ang baduy naman ng group name nila pero bawi naman sa mga looks nila. Magaganda kasi silang apat.
"It's finally nice meeting you up-close, Margaux."
"It is my pleasure to be your friend."
Friend? Doon na nga ba papunta ito? Sana nga. Sana sa pagkakataong ito ay makahanap na ako ng taong masasabi kong, FRIEND ko talaga. Though, nakahanap naman na talaga ako, si Chris. Pero iba siya.
"You're hot, sexy and beautiful. Are you a model or what? If yes, please be my friend. I want to be a model too." Noong una ay natawa ako doon sa sinabi nong Riri, kasi siya yung naiiba sa mga sinabi pero yung ngiti ko ay unti-unting nawala at tinaasan ko siya ng kilay.
"First of all, I'm not a model. Thank you for the complement but I don't like users. I really don't like them. And base on what you've said earlier, I think you are a user. If yes, then I don't like you and I don't want you to be my friend."
I said it straight to the point, eye-to-eye. Mukhang natakot yata siya sa akin kaya napaatras ng kaonti.
"Hey, Margaux, it's not what I mean. I'm sorry. I was just kidding. Masyado ka namang seryoso." depensa ni Riri tapos ngumiti siya. Lumapit naman si akin si Em at may binulong.
"Pagpasensiyahan mo na si Riri. She's not a user. Mabait yan, promise." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Napatingin ulit ako kay Riri.
"Sorry," Aniya.
"Oh well, basta gusto ko lang sabihin sa inyo na kung gusto niyong pumasok sa buhay ko, ipapaalala ko lang na ayoko sa lahat ay yong manggagamit, manloloko, plastik at kung anu-ano pa. Gusto ko yong honest, bahala masakit basta totoo. If you think na wala kayo doon sa nabanggit ko, then hahayaan ko kayong pumasok. Nakasarado lang ako pero di ito naka-lock kaya pwede pa rin kayong makapasok." I smiled. Hindi malapad, konti lang at nginitian lang din nila ako pabalik.
"Lalim non!"
Pagkatapos noon ay umalis na kami. Siyempre, sa akin na sila sumakay since may sasakyan naman ako at kasya kaming lima. Ang dami ko ngang tawa dahil kay Riri eh. Maliban kasi sa maingay, palatawa pa.
"Alam mo, sa totoo lang natakot ako sa 'yo kanina. Akala ko kakalbuhin mo na 'ko, buti hindi pa. Hahaha! Grabe, totoo pala talaga yung sabi-sabi nila.
Ang sungit mo. Ikaw na maldita!"
Honestly speaking, nashock ako doon sa sinabi niya. Tahimik na kasi noon nang bigla siyang magsalita bigla. Pero naisip ko, bakit pa ako ma-sho-shock eh yon naman talaga ako at yon din ang gusto ko. Direct to the point.
"You know what, I like you. Diretsahan mong sinasabi yon sa 'kin. Mas gusto ko yon kaysa naman sa magpakaplastik pa kayo sa akin."
Pagkarating namin ng Mall ay kaagad kaming pumunta ng Angel's Botique. Bumili lang kami ng mga damit. Ang daming magaganda kaya medyo nahirapan din akong mamili. Sila naman, kung anong makita, bibilhin.
"I'm hungry."
"Bili muna tayong pagkain."
Napahimas pa sila sa tiyan nang sabihin iyon. Gutom nga. Nag-agree na lang kami sa kanila at pumunta sa malapit na pwedeng kainan. Pagkatapos ay balik ulit kami sa pag-shopping. Di ko maitatanggi, masaya ako ngayong araw, kasama sila. Nang mapagod ay napagdesisyunan na naming umuwi na lang. Pero siyempre di na sila sumabay pa sa 'kin. NAMIMIHASA na sila pag nagkataon. Nasa parking lot na ako at malapit na sana ako sa kotse ko nang...
"Aray!"
"Ouch!"
May nakabangga sa akin. At dahil may pagkahiganti ang nakabunggo sa akin, natumba ako sa sahig. Nang makita ko na ang mukha, biglang kumulo ang dugo ko. Nakakita kasi ako ng di kanais-nais.
"You! What are you doing here?!"
Inis kong sabi sabay tayo. "Bakit? May nakalagay ba na bawal ako dito? Wala naman diba?" Pambabara niya. Aba! Pilosopo rin pala 'tong mokong na 'to!
"Wala. Pero sa susunod palalagyan ko na!"
Inirapan ko na lang siya at tumalikod na. Pero di pa man ako makaabot sa kotse ko ay may isa na namang di kanais-nais.
"Oh!? What a coincedence! Dalawang shokoy at isang Dyosa sa iisang lugar? Ang liit nga naman ng mundo oh! Akalain niyo yon, nagkita-kita pa talaga tayo dito?"
"Ikaw! Nakakainis ka na talaga ah! Ano bang problema mo?"
Ganyan nga Arra, magalit ka lang. Mas bagay sa 'yo ang magmukhang ewan. Dinuro-duro pa niya ako. Pasalamat lang siya at wala kong gunting na dala kundi, umiiyak na yan dahil putol na ang daliri. Haha! Evil me.
"Problema? tinaasan ko siya ng kilay sabay lapit sa kinaroroonan niya. Marami. Gusto mong magkaroon? Sabihin mo lang, bibigyan naman kita. Diba nga sabi ni God, SHARE YOUR BLESSINGS? Kaya bibigyan kita. Ilan gusto mo? LAHAT?" Pangaasar ko sa kanya.
"Alam mo, duda na talaga ako sa 'yo. Di ko alam kung sino ka pero sino ka nga ba talaga?"
"Don't ask me with that question, baka di mo magugustuhan ang magiging sagot ko sa 'yo." Biglang sumeryoso ang mukha niya nang titigan ko siya, in a cold way. "Anyway, nabalitaan ko, bully ka daw sa school. Sinasaktan mo yung mga taong walang kalaban-laban at kinakawawa mo. I'm warning you, stop it."
"And who do you think you are para sabihin sa 'kin yan? Bakit, natatakot ka ba sa akin? Kunyari tinatakot mo ako pero ang totoo, ikaw ang takot. Oo, bully nga ako, kinakawawa ko sila. At masaya ako sa ginagawa ko. Kahit kailan, pwede ko yon gawin at walang makakapigil sa akin. kaya kong gawin ang lahat, because I'm powerful." Taas-noo with matching taas-kilay pa niyang sabi.
"Unang-una, hindi ako takot sa 'yo at kahit na kailan, hindi ako matatakot sa 'yo. At bakit nga naman ako matatakot, eh kung tutuusin ay mas lamang ako sa iyo. And stop dreaming that you're powerful, because we all know that I'm powerful than you. Kung ano ang kaya mo, doble pa sa kaya kong gawin." "Tinatakot mo ba ako?"
"Bakit, effective ba?" I said sarcastically.
"You don't know me, Margaux. Di mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Baka nakakalimutan mo, nag-aaral ka sa West High na kung saan ay pagmamay-ari ng pamilya namin. Kaya kahit anong oras, pwede kitang patalsikin doon." Pananakot niya sa akin na hindi rin naman tumalab.
"Go ahead. Patalsikin mo ako... Ang tanong, kaya mo?" I smirk. Bago pa man ako tuluyang umalis ay nilingon ko muna si Jett na ngayon ay parang statwa na nakatutok lang sa amin.
"Pagsabihan mo yang fiance mo, mahirap akong kalabanin baka di niya rin yon alam? Gawin niya kung anong gusto niya and I'll do the same too.
Kung balak niyang mag-reyna-reynahan, pwes gagawin ko siyang alipin." Sigaw ko para mas dinig ng taong gusto kong sabihan noon.
"Mas lamang ako sa inyo. I know both of you, but yo don't know anything about me. How interesting right?" dagdag ko pa.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tuluyan na talaga akong umalis. Naiwan silang dalawa na parang mga tangang wala sa mundo. Nagpa-process pa yata sa utak nila kung ano yung mga sinabi ko.
Oo, kilala ko sila. KILALANG-KILALA.

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    DetiralKathleen Ruth

    so nice story

    28d

      0
  • avatar
    Audrey Niza

    super ganda

    02/07

      1
  • avatar
    Rose Rodrigo

    the story nice and beautiful i like it

    27/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata