logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER FOUR

CHAPTER FOUR
HINDI ako makatulog ngayong gabi. Every time I close my eyes, all I can see is Maggie, crying and she's in pain. Ang sakit. Bumabalik na naman yung kirot sa dibdib ko na matagal ko nang gustong kalimutan. Naalala ko na naman ang lahat.
"Hello dear, Maggie right? Maggie Velasco?"
Habang nasa sulok ako sa may Canteen ay may biglang lumapit sa akin na babae. Maganda, maamo ang kanyang mukha, para siyang anghel. Ang hinhin ng pagkasabi niya sa pangalan ko. Napatapik ako sa pisngi ko, baka kasi namamalikmata lang ako o di kaya ay yong tao sa likuran ko ang kausap niya. Pero hindi, pinakasulok na itong pwesto ko at binanggit niya pa ang pangalan ko. It means, ako nga talaga ang kausap niya. Just, WOW! Talaga? May kumakausap sa akin? Sobrang lapad ng ngiti ko nang mga oras na iyon. Hindi ko kasi aakalaing may kakausap sa akin.
"Maggie nga. Bakit?" umupo siya sa tapat ko.
Ngumiti siya. Ngumiti siya!
"I'm Stacey," sabi niya sabay lahad ng kamay, "you look sad and lonely. Wala ka bang friends? Kung wala, thenfriends?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ako? Gusto niyang maging kaibigan? Parang napaka-imposible naman yata non. Siya na mayaman at sobrang ganda ay nakikipagkaibigan sa isang tulad ko, sa isang hamak na basura sa paningin ng iba? This can't be true! Pero napatunayan kong hindi nga ako nag-iilusyon lang, totoo ang mga nangyayari.
Kinuha ko ang kamay niya at nakipag-shake hands. Simula noon, palagi ko na siyang nakakasama. Ang bait niya sa akin. Nililibre niya ako tuwing lunch break, tinatrato niya akong isang tao, hindi katulad ng iba na nandidiri lang sa akin. Pero kapag may assignments siya, ako na ang gumagawa since may talino naman ako kahit papaano. Kapag may favors siyang pinapagawa, ginagawa ko kaagad dahil ayaw daw niya ang pinapahintay siya.
But yet, all of those are just her plans. Nalaman ko na lang isang araw na pinlano niya lang pala ang lahat para akuin ko ang mga gawain. Tagagawa ng assignments niya, projects, at kung anu-ano pa. She's just using me! She's a user! Kaya pala...Kaya pala sa tuwing may nambubully sa akin, wala siya. Wala ang tinuturing kong kaibigan sa araw na kailangan ko siya. Dumadating lang siya kapag sawa na ang mga tao sa pananakit nila sa akin.
Akala ko kaibigan ko siya. Diba ang magkaibigan, nagtutulungan. Bakit wala man lang siyang ginagawa? Ang amo pa naman ng mukha niya, mukhang mapagkakatiwalaan, pero nagkamali ako.
"How stupid you are! Ang pangit mo na nga, ilusyunada ka pa. What do you think of me, insane para makipagkaibigan talaga sa'yo? Sorry pero ni minsan ay di pa sumagi sa isip ko iyon. Kaya lang naman ako nakipagkaibigan sa'yo dahil may kailangan ako. Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo alam iyong plano ko? Nakakadiri ka! Alam mo bang sobrang nandidiri ako sa tuwing niyayakap o hinahawakan mo yung kamay ko? It's like, YUCK! Basura! Look at your face, di ko alam kung ilang maligno ba ang sumapi jan at nagkaganyan yan. Ito ang tatandaan mo ha, kahit kailan hindi ako makikipagkaibigan sa 'yo at kahit na kailan, walang makikipagkaibigan sa 'yo, kasi PANGIT ka! Pangit ka!"
Yan ang kahuli-hulihang salita na binitawan sa akin ni Stacey. Mahaba at pinakamasakit sa lahat. Bakit kailangan niya pang gawin ang lahat ng yon? Bakit kailangan niya akong gamitin? Tinuring ko pa naman siya bilang isang matalik na kaibigan dahil siya ang unang kumausap sa akin dito sa school. Ganito ba talaga sa mundo? Kapag pangit ka, basura ka, walang makikipagkaibigan sa iyo at pinandidirian pa. Walang tatanggap sa 'yo at walang magmamahal sa 'yo. Ang malas ko.
Nakakainis!
Napaka-unfair ng mundo sa akin. Iyak lang ako ng iyak nang time na yon. Wala na rin naman akong ibang magawa kundi ang umiyak lang din. Bakit ba kasi nagkaganito pa ang mukha ko?
One time, habang nasa likod ako noon ng building, umiiyak na naman ako. Pa'no ba naman kasi, wala nang tigil ang pambubully sa akin ng mga tao sa pangunguna ni Arra. Palibhasa kasi maganda siya at mayaman kaya pwede niyang gawin ang lahat sa akin. Blood related kasi siya at yung principal ng West High kaya ganyan ang ugali na pinapakita. Sumusobra na talaga ang kasamaan niya. Feeling niya, kaya niyang kontrolin ang lahat ng tao, lahat ng bagay.
Gustuhin ko mang pumatol sa kanya ay di ko na ginawa, alam ko namang matatalo lang ako. I'm just a nobody. Walang kakampi sa akin kasi wala akong kaibigan. Itong likod lang ng building ang karamay ko. Dito ko kasi nilalabas ang lahat ng sama ng loob ko. Kahit na sumigaw ako sa tingin ko naman ay walang makakarinig.
"Maggie?"
Napatigil ako sa kakaiyak nang may narinig ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang boses na yon. Lumingon ako.
"Jett?" pagkatapos ay lumapit siya at umupo sa bermuda katabi ko. Sa mga sandaling iyon, nawala ang galit sa puso ko, napalitan iyon ng saya. Gusto kong tumalon at sumigaw dahil sa nararamdaman ko ngayon. Di ko kasi aasahang, SA WAKAS ay kakausapin na ako ng taong matagal ko nang pinagpapantasyahan, ng lalaking mahal na mahal ko. Idagdag pa yung umupo siya katabi ko. Para akong nakuryente ng mga sandaling iyon. Naiihi ako na ewan, di ko maintindihan. It feels like, HEAVEN!
"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" ako lang kasi ang palaging pumupunta dito kaya laking gulat ko lang nang malaman niya ang lugar na
'to.
"Eto oh, panyo! H'wag ka ngang umiyak jan! Mas lalo ka lang pumapangit eh."
Di ko alam kung nang-iinsulto, nang-aasar o nanglalait ba siya pero napangiti ako. Ngayon lang may tumawag sa akin na pangit nang hindi ako nasasaktan. Siguro dahil si Jett ang nagsabi non at iba yung pagkasabi niya. Kinuha ko ang panyo na inabot niya. Hanggang ngayon, medyo hindi pa rin nagsi-sink-in sa utak ko na nandito sa tabi ko ngayon ang taong mahal ko at kinakausap ako.
"Panaginip lang ba 'to? Nananaginip lang ba ako?" Ngumiti lang siya sa tanong ko. Ngumiti siya! Shete!
Ang gwapo niya!
"Hindi ka nananaginip, okay? Totoo 'to. Nandito ako sa harapan mo ngayon." Huminga muna siya ng malalim saka pa ulit nagsalita. "Maggie..." kasabay non ay ang paghawak niya sa kamay ko. Para akong nakuryente ng oras na yon. May kung ano sa tiyan ko, feeling ko najijingle na ako. Di ko maintindihan yung sarili ko. Hinawakan niya ako! Si JETT SANCHEZ, siya na longtime crush ko, hinahawakan ngayon ang kamay ko??
Pasampal nga ako nang magising ako sa kahibangan ko!
"Maggie, I'm sorry.
LOADINGLOADINGLOADING
Huh? Sorry? Si JETT SANCHEZ na mahal ko na kinakausap na ako ngayon ay biglang hihingi ng sorry sa akin? Okay! Kinikilig ako. Pero hindi ko maintindihan, bakit siya nagsosorry sa akin ngayon? Sa anong dahilan? Sorry kasi wala ako sa tabi mo pag kailangan mo ako. Sorry kasi di man lang kita malapitan, nahihiya kasi ako. Sorry kung hanggang sa malayo na lang ako tumitingin sa 'yo. Sorry kung wala akong nagawa at sorry kung wala kong magagawa. Sorry talaga."
Totoo ba talaga itong nakikita ko ngayon? Si Jett, UMIIYAK??
"Maggie, gusto kong malaman mo na...gusto kita. Gustong-gusto kita. Hindi ko alam, basta ko na lang naramdaman 'to. Hindi ko alam, na-develop na pala ako sa 'yo. Sino ba namang hindi ma-dedevelop diba, since grade 1 classmates na tayo hanggang ngayong 1st year high school classmates pa rin tayo. Maggie, I'm sorry kung nalalait kita minsan. Sorry talaga. But don't worry, I'll make it up to you. Simula ngayon, hindi ko na hahayaang gawin pa nila yung ginagawa nila sa 'yo. Hindi ko na hahayaang saktan ka nila ulit. Ayoko nang nakikita kitang umiiyak. Mahal kita Maggie at nasasaktan ako pag nasasaktan ka."
Hindi ko alam, pati pala luha ko ay bumigay na rin. Umiiyak na pala ako. SPEECHLESS. Wala talaga akong masabi sa nangyayari at di ko alam kung ano ang dapat kong ipakita na reaksiyon. Mahal ako ng taong mahal ko rin. Pwede nab a akong kiligin sa mga oras na ito? Ganito pala sa pakiramdam yon, parang ewan, di ko maintindihan.
After his UNBELIEVABLE confession, umalis na siya. Leaving me speechless. Wala talaga akong ibang magawa kundi ang mapanganga sa mga sinabi niya.
-=-=-
THE next day, di ko aasahang manliligaw siya sa akin. Yes, nililigawan nga niya ako. God! Kung panaginip man ito, ayoko na talagang magising pa. Sobra pa sa sobra yung sayang nararamdaman ko. Ayokong maging choosy kaya kahit na sabihin pa nilang easy-type-of-girl ako, wala na akong paki doon. Mahal ko siya at mahal niya rin ako kaya anong problema doon? Since then, naging sikreto muna ang pagiging officially on naming dalawa. Ang saya sa pakiramdam kahit alam kong tago lang muna ang relasyon namin. Hindi ko aakalaing may makakapansin pa pala sa beauty ko, (kung meron man).
September 10 naging kami ni Jett. And today is our special day, March 10, half anniversary namin ngayon and sad to say, bukas na ang closing ng school. Ang aga yata.
Maya-maya ay nag-vibrate ang phone ko. Nakatanggap ako ng text message from him.
"Same place. See you there. Mwuahh!"
I can't help but to smile. Panigurado, may sorpresa na naman siya sa akin. Ang hilig pa naman non sa surprises. How I love my boyfie! Alam ko yong same place na tinutukoy niya, sa likod ng building na kami lang dalawa ang pumupunta. Nagmadali akong pumunta doon. Excited na akong makita yung surprise niya at excited na rin ako na makita siya.
Since naging kami ni Jett, hindi na ako gaanong nabully sa school. Di ko alam kung ano ang ginawa niya pero nagpapasalamat ako dahil wala nang umaapi sa akin.
Natahimik na rin kahit papaano ang buhay ko.
Sobrang lapad ng ngiti ko habang naglalakad na medyo patakbong papunta sa likod ng building pero nagulat ako sa nakita ko. Sa sobrang gulat, nabitawan ko yung box na kanina ko pang hawak na ang laman ay cookie na binake ko mismo para sa kanya.
Ang sakit. Sobra. Si Jett...kahalikan niya ngayon si Arra. Puta! Akala ko ba mahal niya ako pero ano 'to? Okay lang sana kung si Arra yung nag-insist ng halik, maiintindihan ko pa siya. Pero hindi eh, nakahiga sila ngayon sa bermuda at nakapatong si Jett kay Arra. Ginusto niya.
Ang sakit lang talaga! Ang boyfriend ko, may kahalikang iba.
"Ito na ba yong sorpresa mo?"
Di ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit na ako sa kanya. Napatigil naman sila sa ginagawa nila at tumayo. Ang nakakainis lang, nakangiti lang sa akin si Arra. Ngiting tagumpay. Idagdag pa yung di man lang kumikibo si Jett, di man lang siya nag-sorry dahil nahuli ko sila.
"Planado niyo ba 'to? Ha!? Kaya pala pinapunta mo ako dito para makita ko kung paano kayo kawalanghiya!"
Sinampal ko si Jett ng malakas. Nagulat naman si Arra dahil sa ginawa ko at pati rin ako. Nagawa ko ba talaga iyon? "Alam mo bang, ang saya-saya ko ngayon, ha? Ang saya ko kasi di ko aakalaing aabot tayo ng ganoon katagal. Six months! Mahal na mahal kita Jett pero ano 'to? Sabi mo mahal mo rin ako pero bakit mo ako niloloko?"
Sigaw ko sa kanila...sa kanya. Walang preno ang luha ko, kanina pa nag-uunahan sa pagpatak. Gusto ko siyang pagsasampalin dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.
"Asa ka namang mamahalin ka talaga niya. Komento ni Arra. Napatingin naman ako sa kanya nang masama. Hindi ka lang pangit. Feelingera, ilusyunada at ambisyosa ka pa! Sa tingin mo ba talaga, may papatol pa sa 'yo? Sa mukha mong 'yan? Pwes maghintay ka sa wala!" patuloy niya.
Jett magsalita ka! Mag-explain ka, kailangan ko rin yon! Sabihin mong inakit ka lang ng babaeng 'to! Ako ang mahal mo diba? Kahit pangit ako, ramdam ko yon!
"Alam mo bang, bata pa lang ay engaged na kami? Arranged marriage. Kaya kahit na kailan, di mo siya makukuha sa akin. Kasi pagmamay-ari ko na siya."
Nabingi yata ako doon sa sinabi niya. Arranged marriage? Ibig sabihin, niloloko lang niya talaga ako? Pero bakit? Sabi niya sa akin noon, wala daw siyang ibang mahal kundi ako lang. Wala daw siyang ibang papakasalan kundi ako lang. Lahat ba ng iyon ay kalokolan lang? Pisti itong luha ko, kanina pa lumalabas, di man lang magawang tumahan. Pero mas pisti itong lalaking nasa harapan ko, di man lang nagsasalita, wala man lang ginagawa.
"Totoo ba?"
Hindi siya sumagot. Wala ba talaga siyang gagawin?
"Totoo ba yung mga sinasabi niya? Arranged marriage kayo? Ibig sabihin, lahat ng mga sinabi mo sa akin noon, puro kasinungalingan lang? Ha!? Sumagot ka!"
Sinampal ko ulit siya pero wala pa rin siyang reksiyon. Ano ba!
"Hoy, Pangit! Don't you dare slap him again." Sita sa akin ni Arra pero di ko na lang siya pinakinggan.
"Alam mo, kulang pa ang sampal na yon eh!
Kulang pa yon! Bakit mo ako niloko? Akala ko iba ka na sa kanila. Akala ko nakahanap na ako ng totoong kaibigan na makakaramay ko. Pero nagkamali na naman ako. Manloloko!"
Sinampal ko siya at sa gulat ko, sinampal ako ni Arra pabalik. Pero mas ikinagulat ko ang sumunod na nangyari.
"Hindi kita mahal. Di kita minahal at kahit kailan di kita mamahalin. Tandaan mo yan."
Parang gusto kong mawala na parang bula sa narinig. Para akong nabingi. Ang sakit ng sinabi niya. Ang salitang yon ang mag nagpahagulhol pa sa iyak ko.
Nanghihina ang tuhod ko.
"Anong akala mo, magugustuhan talaga kita? Asa ka naman!" I slap him...AGAIN.
"Para yan sa panloloko mo sa akin."
I slap him at the right side. "At para naman yan sa sakit na binigay mo sa akin."
At bago ko pa siya sampalin na ewan ko kung pangilang beses na ay naunahan ako ni Arra. Dahil sa sobrang lakas ng sampal niya ay napahawak ako sa pisngi ko. "Para yan sa pagsampal mo sa fiance ko."
Di ko na sila pinansin at tumalikod na ako. Pero nagulat ako sa nakita ko. Halos lahat pala ng estudyante ay nandito na sa likod ng building at nakatingin lang sa amin na para bang nanonood lang sila ng Movie. Mas lalong nanghina ang tuhod ko. Nasaksihan nila ang lahat! Yung mga tao, galit ang kanilang mukha na nakatingin sa akin. May mga karatola pa sila na nakalagay, "No Pet Allowed!", "Bawal pangit sa school!", "Lumayas ka!"
Ang sakit. Sobra-sobra. Hindi talaga ako tanggap sa school na 'to. Akala ko dito na ako matatahimik pero mas malala pala. Bago pa man ako makaalis ng tuluyan ay may sinigaw si Jett.
"Guys! Ano pang hinihintay niyo!?"
Matapos niyang sabihin iyon ay automatic namang nagbatuhan ang mga tao ng kung anu-ano sa akin. Mga papel na nakaporma na parang bato, eraser, bato at kung anu-ano pa. May isa pang nagbato sa akin ng bato at tumama yon sa noo ko at agad namang may tumulong dugo.
"Ambisyosa!"
"Salot!"
"Layas mga pangit!"
Sigaw nilang lahat. Napakasama nila. Wala naman akong ginagawang masama para tratuhin nila ako ng ganito.
"Jett, tulungan mo 'ko! Jett!"
Sigaw ko pero di siya nakinig. Sinisigaw ko ang pangalan niya pero parang walang nakakarinig.
Jett.
"Arrghh!"
Sigaw ko nang wala na sila at ako na lang ang natira. Parang gripo ang mata ko at ayaw masara, maraming tubig ang pumapatak. Jett, bakit ka naman ganyan? Bakit mo ginagawa sa 'kin ang lahat ng 'to?
Bakit?
"Magbabayad kayo. Magbabayad kayong lahat!!"
Kahit ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko ay pilit pa rin akong tumayo at tumakbo palabas ng school. Kahit saan man ako mapunta, wala na akong paki gusto ko lang tumakbo. Gusto kong lumayo sa kanya...sa kanila. Biglang umingay sa paligid. Puro busina ng sasakyan ang naririnig ko.
PEEEP...PEEEP...
Pagkarinig ko sa busina napahinto ako at napalingon...
"Aaaahhhh!!!"

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    DetiralKathleen Ruth

    so nice story

    28d

      0
  • avatar
    Audrey Niza

    super ganda

    02/07

      1
  • avatar
    Rose Rodrigo

    the story nice and beautiful i like it

    27/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata