logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER THREE

CHAPTER THREE
Napatigil ako sa iniisip ko nang marinig ko ang nakakayamot na boses ng isang babae. Kasabay non ay ang pagbagsak niya ng libro sa table ko. Huh! Bakit, sa tingin niya tapos na rin ako sa kanya?
"I don't care. Will you please, leave me alone?" medyo kalmado ko pang sabi. Pasalamat siya at medyo pagod ako ngayon kaya hindi ko muna siya sasagarin sa inis.
Napatingin naman ako sa paligid, naagaw na pala nila ang atensiyon namin dito. Paano nga palang di mapapansin eh parang trumpeta ang boses niya, di lang malakas o maingay, masakit pa sa tenga. Lahat ng tao dito sa canteen ay sa akin lang nakatingin. Oh well, sanay na rin naman akong marami ang tumitingin sa akin. May narinig pa akong nagsabi na, "Lagot siya kay Arra," like, hello? Ako, matatakot sa kanya? Asa! Kung dati ay di ko magawang lumaban sa kanya, ngayon ay kaya ko na.
"I know, nagdadahilan ka lang na pagod ka, ang totoo natatakot ka lang sa akin. Ano, ha? Takot ka naman pala sa akin, eh."
Pwede na ba akong tumawa? Ako, natatakot sa kanya? Noon siguro isang malaking 'oo'. Pero hindi na ngayon. Di ko na lang siya pinansin, ang oras ko kasi ay hindi lang para sa kanya kaya bawal magpagod. Tumayo ako at pumunta ng cashier. Nagugutom ako at mag-oorder ako. Yung mga mata nila, sa akin pa rin nakatingin. Nakakairita! Di pa ba sila naka-recover na may maganda na nag-enroll dito? Duh!
"Hoy, babae!" Urgh! She's really irritating! "Kahit kailan, wala pang nagpangahas na kumalaban sa akin."
Di ko siya pinansin. Pakialam ko? Nakatalikod lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.
"Hey! I'm talking to you!"
"Girl, wala pang kumakalaban diyan, baka di mo siya kilala? Gusto mong maka-isa?" napalingon naman ako doon sa nagsalita. It's Gina, isa sa mga alipores ni Arra. Actually, tatlo sila, isang feeling reyna, isang pakialamera at isang mukhang ewan.
"Wala akong panahon para kilalanin ko pa siya o kahit na sino sa inyo," nanlaki naman yung mga mata nilang tatlo, napanganga at di makapaniwala sa narinig. Mas lalo lang umingay sa paligid. Kahit siguro sila, di nila aakalaing may sasagot ng ganoon sa kampon ni Arra.
"What did you just say!?" It's Arra.
"Bingi ka ba o sadyang nagpapansin ka lang talaga? Narinig mo na, tinatanong mo pa. At pwede ba, kung gusto mo mag-eskandalo, wag sa akin. Lumugar ka."
Now, they are all speechless. Matapang ako, and all thanks to them. Kinuha ko na yong order kong chocolate shake saka ko sila hinarap ulit.
"Tabi," banta ko pero parang wala silang narinig. Nakatayo lang sila na parang estatwa, ang tagal naman mag-sink-in sa utak nila yong sinabi ko.
"Tatabi ba kayo o gusto niyo munang maupo?" kalmado kong sabi sa kanila. Naku! Nagsasayang lang ako ng oras sa kanila. Pero wala pa ring kahit isa sa kanila ang nagsalita o kumilos. Ayaw nila, ah! Dumaan ako sa harapan nila at binangga ko sila. At dahil sa lakas ng pagkabangga ko, natumba sila at naupo sa sahig.
Doon lang sila natauhan ulit. Buti naman, akala ko forever na silang ganon.
"I warned you," nag smirk lang ako sa kanila. Umalis na ako sa lugar na iyon. I maybe sound overreacting but I don't care, I love it. Umpisa pa lang yan.
At dahil may mga impakta doon sa canteen, naghanap na lang ako sa labas ng pwede kong pwestuhan. Napagdesisyunan kong sa may Garden na lang. Nang makarating na ako ay kaagad akong umupo sa bench at ininom ang chocolate shake ko. Dito ako tumatambay noon. Nakaka-relax kasi yung ambiance lalo na yung tunog ng tubig sa maliit na fountain sa gitnang bahagi ng Garden. Pero di pa man nagtagal ang pag-stay ko doon ay may nararamdaman akong kakaiba. Feeling ko, may tumitingin sa akin mula sa malayo. Napalingon naman ako sa magkabilang side pero wala. Weird.
"Hey!"
Sigaw ko nang makita ko na sa wakas yung taong feeling ko ay kanina pa ako pinagmamasdan. Mula sa likuran ng mga nagkumpulang halaman ay nakita ko siyang nagulat. Nataranta siya sa kung ano ang kanyang gagawin. Di mapakali na ewan.
"Hey, you!" ulit ko.
Tinuro niya pa yong sarili niya. Tumango lang ako at nag-alinlangan pa siya kung lalapit ba o hindi. Kalaunan ay dahan-dahan na siyang naglalakad palapit sa akin.
"B-Ba-Bakit p-po?" nauutal niyang tanong.
"Anong bakit? Ikaw ang may kailangan sa akin, hindi ba?" magre-react pa sana siya pero pinigilan ko na, "wag ka nang mag deny, it's obvious." patuloy ko. Wala na siyang nagawa kundi ang mapakamot na lang sa ulo niya, siguro ay nahihiya.
"Kasi ano... Ano kasi... T-Thank you," nakayuko niyang tugon. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit siya nagpapasalamat?
"Thank you kasi... dumating ka. May katapat na ang 3A, may katapat na si Arra."
Ngayon ay alam ko na kung bakit niya ako sinusundan. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Wala yon. Ayoko kasing nakikita silang masaya kaya sisirain ko ang mga araw nila."
This time, siya naman ang naka-ngiting nakatingin sa akin. She's cute. Maputi at medyo maliit ang kanyang mukha, naka-eye glass siya ng katulad kay Harry Potter, nakatali rin sintipid ang kanyang buhok sa magkabilang side. Parang bata.
"Alam mo, akala ko talaga sobrang sungit mo. Yon bang as in malala pa kay Arra, gawa noong inasta mo kanina sa canteen. Ganon din yong first impression ko nang makita kita kasi palagi kang nakataas noo pati kilay, pinapakita mo yong masungit na aura mo. Ang sungit mo tingnan pero ngayon, ramdam ko naman na hindi ka talaga ganoon, mabait ka pala," mahabang eksplanasyon niya. Sinabi ko bang magkwento siya? Hindi ko siya pinansin masyado. Pansin kong yumuko na naman siya.
"Bakit di ka makatingin sa akin nang diretso?"
"NaNahihiya po kasi ako."
"Arte mo! Titingin o paaalisin kita dito?" pagsusungit ko. Dahan-dahan naman niyang tinaas ang ulo niya at tiningnan ako sa mga mata. Great. Ang ganda pala ng mga mata niya. Brown colored. "Good."
"Uhmm.. P-Pwede po ba akong... makipagkaibigan sa 'yo?" napansin kong nag-crossed ang fingers niya, waiting for my answer. Nawala naman yong ngiti sa mukha ko. Pwedeng makipagkaibigan? Kung may natutunan man ako sa nakaraan ko, yun ay wag kaagad magtiwala kung kani-kanino lang nang basta-basta lalo na't bago mo pa lang siya nakita o nakilala. Pero sa tingin ko naman, hindi siya katulad ng mga inaasahan ko. Wala naman sigurong masama kung magtitiwala ulit ako ngayon, diba? So I guess...
"Sure!"
Biglang lumapad yung ngiti niya pero slight lang sa akin.
Hahayaan ko siyang pumasok sa buhay ko ngayon but I've learned my lesson already. Oras na isahan niya ako kagaya noong nangyari, I'll make sure that she'll pay for it. Sa ngayon, I'll just go with the flow.
"Thank you po. Minchie Torres nga pala," sabi niya sabay alangang inabot ang kanang kamay.
"Erase the 'po'. Margaux." I smiled back then we shook our hands.
"Beautiful name," yon lang ang nasabi niya. Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na ako sa kanya. Pagkarating ko sa room, wala ang 3A at si Jett. Sayang, wala akong maiinis ngayon.
Naging ok naman ang first day ko sa West High at mas naging ok nang mga sumunod na araw. Ganyan lang, mainis lang siya sa akin.
"Hello dear," medyo sweet niyang sabi pero alam ko, plastic lang yon. May pa-hello dear-hello dear pa siyang nalalaman. Tch.
"You know what? I like you na. Matapang ka kasi. Nagagawa mo yong mga bagay na hindi namin magawa kay Arra. Bilib ako sa 'yo. Friends?" nakangiti niyang sabi sabay lahad ng kamay sa akin. Sarap kunin at hilahin pababa. At ano daw sabi niya, friends? Friends niya mukha niya!
Unfortunately, she's my ex-friend. Magaan kasi ang loob ko sa kanya dati kasi maamo ang kanyang mukha. Akala ko mabait, pero iyon yong naging mali ko. Nagtiwala ako sa kanya pero traydor din pala. Huh! Di na talaga malaman kung sino ang mababait at kung sino ang mga nagpapanggap lang. Katulad na lang nitong mukhang hipon sa harapan ko ngayon, akala mo anghel dahil sa kanyang mukha, maitim din pala ang kulay.
"Girl, nangangalay na 'yung kamay ko," reklamo niya. I don't care! Di ko naman sinabing iabot niya ang kamay niya.
"Sorry pero wala akong panahon para pakinggan yung mga kaplastikan mo."
Doon pa lang, nanlaki na ang mga mata niya.
"I'm sorry?"
Mas lalo akong nainis dahil sa mukha niya na ngayon ay kunwari nagulat sa narinig.
"I don't like plastic people. Sorrynot sorry, but I'm not buying it," diretsahang sagot ko. Kahit kailan, di ko talaga makontrol ang emosyon ko. Pero anong magagawa ko? Nagpakatotoo lang din naman ako. Ayoko sa kanya, period. Tatayo na sana ako nang bigla niya akong pinigilan.
"Wait!" hinawakan niya yung balikat ko na kaagad ko rin namang itinabing. Inis ko siyang hinarap.
"First of all, di ako plastic."
Eh, di siya na ang best actress. Galing mag-drama!
"Ako pa nga itong nakikipagkaibigan sa'yo, eh," pagpapatuloy niya.
Kahit na kailan talaga, paawa ang babaeng ito. Pero sorry na lang sa kanya dahil hindi na iyon bebenta sa akin.
"Let me ask, may kailangan ka ba sa akin?"
"What?" gulat nitong tanong.
"Hindi ka naman makikipagkaibigan kung wala kang kailangan, hindi ba?"
"No, you're wrong. Friendly talaga akong tao."
Alangan siyang ngumiti pero halatang pineke niya lang ito.
"Nice try...but try harder," I smirked.
Tumayo na ako at saka tumalikod sa kanya.
"Ang yabang mo naman. Bakit, sino ka ba sa akala mo, ha?"
Kita kong nagpipigil na siyang 'wag magalit. Well, di ko siya masisisi kung bulag siya at di ako makilala. O di kayay manhid para di ako maramdaman.
"It's not my problem kung di ka makaramdam kung sino ako. Ngayon, kung wala ka nang sasabihin pang maganda, just leave me alone kung ayaw mong magalusan ang pinakaiingatan mong mukha. You don't want it to happen right?"
Mukhang natakot yata siya sa sinabi ko. Umatras na kasi siya at halata pa rin sa mukha niya yung gulat at di makapaniwala sa nangyayari. Maya-maya ay bumalik na siya sa upuan niya. Napalingon naman ako sa paligid, lahat sila ay nakatingin lang sa akin pero noong tumingin na ako sa kanila, nag-iwas lang sila ng tingin.
Wala pa rin si Miss, 15 minutes late na siya. Siguro naman di na yon papasok. Di ko alam kung ano bang gagawin ko, ang boring kasi.
Okay, since wala talaga si Ma'am, matutulog na lang muna ako. Bumalik na ako sa pag-upo. Kinuha ko ang ipod at headset ko sa bag then nag-play ng mga favorite songs ko.
(NOW PLAYING: Play My Music by Jonas Brothers)
Ewan, sa tuwing pinapatugtog ko ito, nawawala yong mga problema ko. Pag naririnig ko 'to, gusto kong kalimutan yung nangyayari at makisayaw at makisabay sa tugtugin, nakakarelax in other word. Fan din kasi ako ng mga kanta sa Camp Rock kaya ganon. Hindi naman gaanong malakas ang volume, hindi kasi ako makakatulog kapag full. Rock song pa naman.
MAYAMAYA ay may nararamdaman akong kamay na kumakalabit sa balikat ko. Putcha! Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung iniistorbo ako sa pagtulog ko! Dali-dali kong hinarap ng nakakunot ang noo sa kung sino man ang asungot na ito. Nakakairita siya! Tinanggal ko na yung headset sa tenga ko na sa kasalukuyan ay "Who Will I Be" na ang nag-pi-play na kanta. Halos mapunit na yung bibig niya sa kakangiti, abot kasi hanggang tenga at tumataas-baba pa yung kilay niya. Pero isa lang ang masasabi ko, PANGIT siya!
"Ano bang problema mo? Di mo ba nakikitang natutulog yung tao?" asar kong sabi.
"Wala lang, gusto lang kitang makausap."
Para na siyang temang sa ginagawa niyang pag-taas-baba sa kilay niya at sa kakangiti.
"Pa'no kung ayoko? Umalis ka na nga!"
Bigla kong napansin na parang ang tahimik yata? Pagkatingin ko, wala ng tao. Napatingin naman ako sa phone ko at medyo nagulat ako nang makita kung anong oras na. Five fifty na pala. Great. Kanina pa pala ang uwian, bakit di ko man lang yon napansin? Ay gaga! Paano ko nga naman pala mapapansin eh nakatulog nga ako?
Di ko na lang siya pinansin at umalis na ako ng room. Habang naglalakad ako sa may hallway ay nakasunod pa rin siya sa akin. I faced him with my super irritated look.
"Pwede ba, Jett? Lubayan mo na ako. Wala ka bang magawa? Nakakairita ka kasi eh, alam mo ba yon?" inis kong sabi. Naglakad na ulit ako at nakisabay naman siya.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker kita noh?"
Napahinto ulit ako for the second time. Spell sobrang mayabang? Ano namang akala niya, mag-aaksaya ako ng panahon para sa isang kahangalan at sa isang katulad niya? In his dreams!
"Siguro kung joke yon, kanina pa ako natatawa dito. Ako? Stalker mo? Lakas mong mag-ambisyon ah? Pero sige lang, libre naman ang mangarap. H'wag ka nga lang umasa kasi masakit din yon," I fake a smile.
"H'wag kang umasa na mangyayari ang gusto mong mangyari dahil hindi yon mangyayari. Gets mo?" tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Stalker? You wish!" patuloy ko sabay tuluyang umalis.
I know masyado pang maaga para magpakilala sa kanila pero anong magagawa ko kung nauunahan ako ng excitement? Geez. I am so excited! I have this plan. And I'm sure, they will never forget it.
Let's see kung sino ang LOSER sa atin ngayon.

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    DetiralKathleen Ruth

    so nice story

    28d

      0
  • avatar
    Audrey Niza

    super ganda

    02/07

      1
  • avatar
    Rose Rodrigo

    the story nice and beautiful i like it

    27/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata