logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER TWO

CHAPTER TWO
MAAGA akong nagising ngayong araw. Paano ba naman kasi, di ako masyadong nakatulog kakaisip sa mga mangyayari. Excited na rin kasi akong pumasok sa school at makita sila. I am now a Fourth year High School student sa West High. Bumaba na ako at naabutan kong kumakain na si Mama ng almusal habang nasa kusina naman si Yaya.
"Ang aga natin nagising ah? Good morning," pambungad sa akin ni mama at nagbeso lang ako sa kanya.
"Yep! Good morning too," nakangiti kong bati. Umupo ako at naglagay ng konting kanin sa plato ko, mag-aalmusal na rin ako. Napaisip ako sa pwedeng mangyari mamaya. Di na talaga ako makapaghintay pa na makita sila. Ano kaya ang magiging reaksiyon nila pag nagkita na kami?
After kong kumain ay umalis na kaagad ako at gamit ko ang ferrari 458 car na regalo sa akin ni Mama. Di ko nga pala kasabay ngayon ang Kuya ko, as usual, tinatamad na naman daw siya. Kahit kailan talaga, ang tamad ng taong yon! After some minutes, nakarating na rin ako sa school. Malaki siya. Pero mas malaki yung school namin sa states. Di ko alam pero, di ko na-miss ang school na ito. Ewan, dito kasi nangyari ang lahat. Kita ko na yong dami ng mga estudyanteng pumapasok sa may gate. May nakalagay pa sa taas ng gate, "West High". Bumalik ako sa school na ito di dahil na-miss ko ito, kundi dahil nalaman ko na nandito pa rin sila nag-aaral at di pa nagtatransfer. Great.
After kong i-park yong sasakyan ko ay sinuot ko muna yung sunglass ko na binili ko pa from states saka ako bumaba. Simple lang ang damit na suot ko. At kahit simple lang, alam kong sapat na iyon para maglaway ang mga kalalakihan sa akin.
"Woah! Who is she?"
"She's f*ckin' HOT!"
Nagbubulungan ba sila o nagsisigawan? Dinig ko kasi yong mga sinasabi nila. I know, I'm effin' hot pero wag naman nilang ipahalata masyado na nagagandahan sila sa akin!
Di ko muna pinansin yong dalawang guys na nag-uusap at dumiretso na sa room ko. Five minutes before the class will start, so I'm not that late. Buti na lang.
Di pa man ako makaabot ng room ay dinig ko na ang sigawan nila. Oo, sinadya ko ang lahat. Kinausap ko ang principal at sinabing ilagay ako doon sa section kung saan sila naroroon. Buti nga at pumayag. Aba, dapat lang! Noong nasa pintuan na ako, parang mabibingi na yata akosa sobrang katahimikan. Bigla na lang kasi silang di nagsasalita at nakatutok lang sa mukha ko. May iba pa nga, tiningnan ako from head to toe, yung iba napanganga dahil siguro sa mangha, yung iba di makapaniwala. Bakit? Ngayon lang bang may nag-enroll dito na maganda?
Nagtingin-tingin ako kung saan may bakanteng upuan at napangiti ako sa nakita ko. Di ko na lang sila pinansin at naglakad na papunta sa pwesto na yon. Yong mga mata nila, nakasunod lang sa akin.
"Excuse me, Miss. May nakaupo na kasi diyan sa inuupuan mo ngayon."
Napatingin ako doon sa nagsalitaat nagsising tumingin pa ako. It's Glenda.
"And so?" mataray kong sagot kasabay ng pag-taas ng kanang bahagi ng kilay ko. Napanganga siya sa sinabi ko at napa-oww naman yung iba.
"Alam mo ba yung salitang 'pagmamay-ari'? Ako kasi ang may-ari sa upuan na yan."
Napalingon naman ako doon sa babaeng nagsalita at bahagya akong napa-ngiti nang makita ko siya. I missed her. Sa sobrang pagka-miss ko, gusto ko na siyang sampalin. Ga'non ako pag miss ko yong isang tao eh, nananampal.
"Pagmamay-ari? Oo, alam ko ang salitang yon. Ikaw, alam mo ba?" pinagdiinan ko pa ang bawat salitang binibigkas ko. Tumayo ako at hinarap ko siya. Meet my beloved enemy, Arra Mendoza. The b*tch. She's the princess but sorry to her, I am the queen.
"Good morning, Class!"
Sasagot pa sana siya pero nanuna nang magsalita si Miss Dela Costa. Wala na siyang nagawa kundi humanap na lang ng ibang upuan. Siyempre, ayokong magpatalo noh! Pero bago pa siya umalis ay pinandilatan niya muna ako ng kanyang mata. As if I'm scared.
"Oh, andito na pala siya. Kindly stand up, Ms. Manrique?"
As she called my name ay tumayo ako at pumunta sa harapan. Pagkatapos ay hinarap ko na ang mga plastic kong mga kaklase. Ngumiti akong plastik.
"Good morning. I'm Margaux Manrique."
Iyon lang at bumalik na ako kaagad sa upuan ko. Masyado akong tamad para magpakilala ng lubos. Bumalik na ako sa upuan ko pagkatapos.
"So, you're Margaux?" napatingin ako sa stupidong nagsalita. Nag-smirk lang ako.
"You heard me right? Bakit kailangan pang itanong? Tangatangahan lang?" mataray kong sagot sa kanya. Nakakainis kasi ang mga taong tulad niya. Narinig na nga lahat-lahat, itatanong pa.
"Sungit mo naman!" litantya niya. Di ko na lang siya pinansin. Habang nagdi-discuss si Miss Dela Costa ay napatingin ako sa left side ko. Seryoso siyang nakikinig kay Miss. As usual, yon naman iyong palagi niyang ginagawa.
Napangiti ako. Hindi ako ngumiti dahil nakita at na-miss ko siya. Ngumiti ako dahil alam ko, magagawa ko na yong plano ko in no time. In short, ngiting plastic lang yon. Di ko alam kung napansin niya yung ginawa kong pag-ngiti pero wala akong pakialam. Binalik ko na ang atensiyon ko sa nagsasalita sa front.
"Goodbye, Class!"
Buti naman at tapos na rin siya. Nakakapagod rin kaya minsan ang makinig, bakit ba?
"Kung makatitig ka naman sa akin kanina, parang wala nang bukas. Ganoon na ba talaga ako ka-gwapo?" nagulat naman ako doon sa sinabi niya. Huh! Hindi ko alam, naging mahangin na pala siya ngayon.
"Excuse me? Ang hangin, ah!" asar na sabi ko.
"Bakit? Totoo naman, hindi ba?"
Pansin kong sa amin na nakatingin ang mga kaklase ko ngayon. Nahagilap ng paningin ko si Arra kaya napatayo ako at hinarap ang mokong na lalaking ito.
"Sino ka para titigan ko?" I raised my eyebrow. "At ano yong sinabi mo kanina, Gwapo? Teka, saan banda? Pahiram nga ng microscope nang makita ko talaga," dagdag ko pa. Note that sarcasm. Bago pa man siya makasagot o kung ano man yung ipapakita niyang reaksiyon ay umalis na ako sa harapan niya at dumiretso ng Canteen. Narinig kong naghiyawan ang mga kalalakihan at inaasar siya. Pahiya ka ngayon!
Pagkarating ko ng canteen, kita ko na naman yung mga mata nilang lahat ay nakatingin lang sa akin. Seriously? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda kaya lubos na yung pagtitig nila? Duh!
"Hi, Miss! Mag-isa ka lang?" Another stupid. Ilang stupido pa ba ang kailangan kong makita dito? Wala ba silang common sense? Nakita na nila yung obvious, tinatanong pa. Hinarap ko siya.
"Are you dumb? Ganyan ka ba ka-bulag para di mo makita kung may kasama ako o wala?"
"Sungit," nakayuko niyang sabi sabay alis. Sa susunod kasi, wag nang itanong yung mga bagay na alam naman kung ano yung sagot. Papansin lang.
Naghanap na ako ng vacant seat at pagkatapos ay umupo na ako. Napaisip ako, bakit kaya ganoon ang mga tao? Kapag pangit ka, nerd, commoner, loner o kung ano pa man ang tawag doon, kinakawawa ka nila, nilalait, pinagtatabuyan, niloloko, inaasar at sinasabihan ng mga masasakit na salita. Pero kapag maganda ka, sobra naman yung pagpuri na ginagawa nila sa 'yo, pinapansin ka, yung iba nagpapapansin pa. Sana pala naging maganda na lang ako dati pa para hindi na ako nakaranas ng sobrang sakit. On the second thought, nagpapasalamat pa rin ako, kasi dahil doon, nagbago ako. Naaalala ko na naman yung araw na yon,
"Pangit! Doon ka nga!"
"Nakakadiri ka! Alis!"
"Tanong ko lang, bakit ang pangit ng mukha mo?"
"Bakit ka nakapasok sa West High? Diba, no pet allowed?"
Hindi ko na nakayanan pa. Umiyak na lang ako nang umiyak dahil sa sakit. Lahat sila dito sa canteen ay pinagtatabuyan ako. Pinapaalis. Binabato ng kung anu-ano, dahil nga sa pangit ako. Wala man lang nagtangkang tumulong sa akin. Asa pa naman akong meron nga. Naramdaman ko na lang na may tumulak sa likuran ko at napa-upo ako sa sahig. Sa sobrang lakas ng pagkatulak niya ay naunang tumama ang tuhod at siko ko. Feeling ko, mababali na yon dahil sa sobrang sakit. Physically and emotionally, sobrang sakit. May bumuhos pa ng juice sa ulo ko at kasabay noon ang pagbuhos ng spaghetti sa katawan ko. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak. Ang pangit ko na nga, ang hina ko pa.
"Yan ang bagay sa'yo, loser! Pwe!' hinding-hindi ko makakalimutan ang taong nagsabi noon sa akin. Ang taong nangunguna sa pambubully sa akin, si Arra Mendoza.
Nung time na yon, di ko maisip kung ano ba ang kasalanan ko bakit nila ako ginagan'on. Dahil lang ba sa pangit ako? Pangit kasi makapal ang kilay ko. Pangit kasi pango ang ilong ko at higit sa lahat, ang kukumpleto sa kapangitan ko, yung napakalaking peklat sa mukha ko. Peklat na nangyari nung bata pa ako. Bakit ang sama nila sa mga pangit na kagaya ko? Bakit binabase nila sa pisikal na kaanyuan? Mabait naman ako, ah?
"Hey! I'm not through with you yet."

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    DetiralKathleen Ruth

    so nice story

    28d

      0
  • avatar
    Audrey Niza

    super ganda

    02/07

      1
  • avatar
    Rose Rodrigo

    the story nice and beautiful i like it

    27/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata