logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata-4


Scotty Pov.
8:00 pm
Napahawak ako sa ulo ng makaramdam ng kunting pagkahilo. Tumigil ako sa pagsasayaw at umupo bago tinanggal ang suot kong jacket.
" Scotty nandito kalang pala kanina pa kita hinahanap" sabi ni Jason bago umupo sa harap ko. Napatingin ako sa kasama niyang tao na nakatayo sa tabi niya.
" Sino siya?" tanong ko habang nagpapaypay
" Siya nga pala si Fred ang kaibigan ko dito sa pinas" pakilala niya sa akin.
" Hello Scotty ikinagagalak kong makilala ka" sabi niya bago nilahad ang isa niyang kamay. Tinanggap ko yun habang nakangiti.
" Pwede bang mahiram ang kaibigan mo. Gusto ko sana siyang isama kung okay lang sayo"
Tumingin ako kay Jason na nakangiti mukhang gusto niya na sumama kay Fred kaya pumayag na ako.
" Hwuag mong kalimutan na tawagan si Greg para sunduin ka. Huwag kang magmaneho dahil lasing ka" paalala niya bago tumayo. Tumango tango lang ako at nagpatuloy sa pag -inom ng alak.
Magkasama silang lumabas ng bar tiningnan ko ang phone ko at nakita ang missed call galing kay Mommy. Ibinalik ko sa bulsa ang phone bago bumalik sa gitna para makipagsayawan.
12:00 pm
Nagpagaywang gaywang ako habang naglalakad palabas sinubukan kong kapain ang cellphone sa bulsa pero hindi ko mahanap.
" Iho pwede bang humingi ng pagkain" isang matandang babae nag biglang sumulpot sa harap ko.
" Shit!! Pwede bang lumayo ka sa akin ang baho mo" singhal ko sa kanya.
" Bakit kaba nagagalit gusto ko lang humingi ng pagkain" sagot niya sa akin kaya mas lalong uminit ang ulo ko.
" Diba sinabi ko na sayo ng umalis ka ang tigas ng ulo mo hindi mo ba ako kilala" sigaw ko para mas maunawaan niya ang mga sinasabi ko. Tahimik lang siya habang nakatayo parin sa harap ko.
" Shit!!" napamura ako wala sa oras bago kinuha ang wallet sa bulsa ko. Kumuha ako ng limang libo at binigay sa kanya.
" Yan masaya kana" sigaw ko ulit bago naglakad paalis napatigil ako sa paglalakad ng hawakan niya ang braso ko.
" Bitawan mo ako" itinulak ko siya ng dumampi ang kamay niya sa balat ko dahil sa lakas ng impact tumilapon siya sa sahig.
Napahawak ulit ako sa ulo ko agad naman siyang bumangon at may kinuhang isang punit na libro na nakatago sa madumi niyang jacket.
" Pakiusap kunin mo to" pagsusumamo niya hinablot ko ang hawak niya para umalis na siya sa harap ko.
" Ngayon nakuha ang gusto mo umalis kana "
Isang ngiti ang namuo sa mga labi niya biglang tumayo ang mga balahibo sa katawan ko ng masilayan ang kakaibang ngiti na yun.
" Mag -iingat ka baka mawala ang mga bagay na nasa sayo" sabi niya naglaho na parang bula.
" Saan siya pumunta?" tanong ko sa sarili habang hinahanap siya sa paligid. Umiling iling lang ako bago pinagpatuloy ang paglalakad.
Pumasok ako sa sasakyan at sinandal ang ulo sa upuan. Kinuha ko ang libro na ibinigay ng matanda at punit punit ang cover nito. Binuksan ko ang bawat pahina pero walang nakasulat kahit na ano. Itinapon ko yun sa tabi ko bago pinaandar ang engine ng sasakyan.
Patuloy lang ako sa pagmamaneho kahit na medyo lumalabo ang paningin ko. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya mas lalong mahirap makita ang daan.
" Nakakainis " sigaw ko habang mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Isang ilaw ng sasakyan ang tumama sa mga mata ko kaya bigla akong napapikit. Hindi ko napansin na mayroon palang sasakyan na sumasalubong sa akin. Sinubukan kong huminto pero nawalan ako ng kontrol sa preno. Deredetso lang ang sasakyan ko hangang sa bumangga ito sa malaking sasakyan. Tumama ang ulo ko sa matigas na bagay kaya naramdaman ko ang pag agos ng dugo patungo sa mukha ko.
" Lolo" mahina kong sabi alam kong matindi ang sugat na natamo ko dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Unti unting dumidilim ang paningin ko habang naririnig ang mga ingay sa paligid. Mayroong bumukas ng pinto sa driver seat ng sasakyan ng mahawakan niya ang katawan ko bigla akong naramdaman ng matinding antok at lahat ng bagay ay bigla nalang naging kulay itim.
"Scotty Scotty gumising ka" isang banayad na boses ang narinig ko na tumatawag sa akin.
Nang minulat ko ang mga mata nakahiga ako sa isang damuhan. Bumangon ako at natanaw ang isang mataas na bangin sa tabi ko. Napatayo ako at lumayo sa bangin bigla kong naalala ang aksidente na nangyari sa akin. Inisa isa ko ang bawat parte ng katawan at nagtaka ng wala akong makitang galos sa balat ko.
" Na saan ako?"
Isang usok ang lumitaw sa harap ko at may isang lalaki na nagpakita sa akin.
" Sino ka?"tanong ko bago napaatras
" Sandali nasa langit na ba ako" sabi ko pa ng makita ang suot ko na kulay puting tela.
" Sa tingin mo tatanggapin ka sa langit kung masama ang ugali mo" sabi ng mysteriousong lalaki na lumitaw sa harap ko.
" Anong kailangan mo? At nasaan ako?"
" Ako si Jhon nandito ka para kausapin ka. Ang swerte mong mabigyan ng isang pagkakataon para magbago" sabi niya na ipinagtataka ko.
" Bubuhayin mo ako muli?"
" Oo naman kung magtatagumpay ka sa misyon na gagawin mo" sabi niya bago kinuha ang isang larawan na nakasilid sa damit niya.
Nakasuot siya ng kulay puti na pantalon at t-shirt wala naman siyang pakpak kaya hindi siya anghel. Kusang lumitaw ang larawan papunta sa direksiyon ko.
" Siya ang magiging misyon mo" sabi niya kaya tinitigan ko ang larawan at isang lalaki ang nakita ko.
" S-sandali sino ba siya? At bakit binibigyan mo ako ng misyon?" naguguluhan kong tanong.
" Ang misyon mo ang magiging susi kung makakabalik sa kasalukuyan kapag nabigo ka sa ibibigay kong misyon tuluyan ka ng mamamatay" seryoso niyang sabi kaya napalunok ako dahil sa kaba.
" Paano kung hindi ako pumayag"
Itinaas niya ang kanyang kanang kamay unti unti namang lumalapit ng kusa ang katawan ko sa kanya. Sinubukan kong kontrolin ang katawan ko pero para bang may kung anong humihila sa akin papalapit sa kanya hangang sa nakarating ako sa gilid ng bangin.
Kusang lumitaw ang katawan ko sa taas kaya napasigaw ako ng sobrang lakas. Tumingin ako sa baba at nakakalula ang taas ng bangin.
" Ilayo mo ako dito" sigaw ko sa kanya habang nakatingin sa baba. Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan niya bago ako nilapit sa kanya.
" Umalis kana at simulan mo ang misyon sa nakaraan" pinikit niya ang noo ko kasabay ng pagkalaglag ko sa bangin.
Sumigaw ako ng napakalakas habang yakap yakap ang sarili ko. Bakit napakamalas ko ngayon una nabangga ang sasakyan ko at ngayon nahuhulog ako sa bangin.
Year 1920
Hinintay ko na bumagsak ang katawan ko sa matigas na bagay gaya ng nalang ng mga matutulis na bato sa ilalim ng bangin.
" Ginoo" isang banayad na boses ang aking narinig sa harap ko mismo. Mayroong dumampi na malamig na bagay sa balat ko.
" AHHHH" sigaw ko ng napakalakas sabay ng pagmulat ng aking mga mata. Isang lalaki ang nakatayo sa harap ko nakausot siya ng makalumang damit.
" Shit!! na saan ba ako " inikot ikot ko ang mga mata sa paligid ngayon ko lang napansin na nakasakay ako sa lumang train. Isa isa kong tinitigan ang mga tao sa loob at mayroon akong napansing kakaiba.
What the----- anong klasseng mundo to bigla akong napahawak ako sa ulo.
" Ginoo may problema ba?" tanong ng lalaki sa akin kinalma ko ang sarili para makapag isip kung ano ang pwede kong gawin.
"Alam mo ba kung anong taon ngayon?"
" Ngayon ay ikalabing- isa na araw sa buwan ng Agosto taong 1920" damnit paano ako napunta dito bigla kong naalala ang taong nagpakita sa akin.
" Jhon magpakita ka sa akin ibalik mo ako sa hinaharap ngayon din" sigaw ko ng sobrang lakas parang gusto kong magwala ngayon.
" Kumalma ka diba sinabi ko sayo na mayroong kang misyon na kailangang isakatuparan" nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko.
" Oo nga pero bakit sa taong 1920 nababaliw kana ba" reklamo ko sa kanya.
" Malalaman mo rin ang lahat sa tamang panahon" bigla ulit siyang naglaho na parang bula.
Tumigil ang lumang train na sinasakyan ko lahat ng tao ay bumaba kaya sumunod na rin ako sa kanila. Sa pagbaba ko mga matataas na punong kahoy ang tumambad sa aking harapan.
Ano naman kayang lugar to? Lumingon ako sa mga tao na kasama ko kanina sa train lahat sila mukhang mayroong hinihintay na sasakyan para sumundo sa kanila. Siguro naman mayroong sasakyan sa panahong ito. Nabaling sa likuran ang attensiyon ko ng marinig ang malalaking yabag isang kakaibang bagay ang papalapit sa amin.
"A-ano naman yan?" isang sasakyan na gawa sa kahoy at hila hila ng isang kabayo ang huminto sa harap ko.
" Pwede niyong ng iakyat ang mga gamit niyo dito" sabi ng taong nakasakay sa kabayo mukha siya ang nagsisilbing driver ng makalumang sasakyan.
Kinuha ng mga lalaki ang dalang gamit ng mga babae at inalalayan silang makaakyat sa taas. Mayroong mga upuan sa taas at kayang kumasya ang sampung tao.
" Mga binibini mag- ingat kayo sa pag- akyat" nanatili lang akong nakatayo at pinagmamasdan ang mga ginagawa nila.
This is a disaster parang gusto ko ng umiyak.
" Ginoo pasensiya na pero hindi kita maaring isama wala na kasing natitirang espasyo para sayo" sabi ng lalaking nakasakay sa kabayo habang nakatingin sa akin tumango tango lang ako bago ngumiti.
Ngayon ko lang napansin na ako nalang mag isang natira dito.
" Jhon anong gagawin ko ngayon" tawag ko sa kanya gaya ng inaasahan nagpakita siya ulit pero this time may hawak siyang celphone at mukhang naglalaro ng mobile games.
" Ano bang kailangan mo?" tanong niya na abala sa paglalaro. Lumapit ako sa kanya at binatukan siya sa ulo pero lumusot lang ang kamay ko hindi siya natamaan.
" Pasensiya na pero hindi mo ako mahahawakan" napahawak ako sa sintido ko bago tumingin sa kanya.
" Tinatanong kita kung anong gagawin ko ngayon?" pag- uulit ko sa pangalawang pagkakataon.
" Huwag kang mag alala mayroong susundo sayo" pagkatapos niyang sagutin ang tanong ko bigla siya ulit naglaho.
Gaya ng sinabi niya mayroong dumating na lumang sasakyan sa harap ko. Tinitigan ako ng taong nakasakay sa kabayo bago bumaba.
" Ginoo ikaw ba si Diego?" tanong niya sa akin umiling iling ako bilang sagot sa tanong niya.
May kinuha siyang isang larawan sa bulsa ng damit niya at iniharap sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita ang larawan ko na nakasuot ng makalumang damit.
" Pa-paano?" hinablot ko ang larawan na hawak niya at tinitigan yun ng maigi. Nakita ko ng lumitaw si Jhon sa likuran ng lalaki bago ngumisi ng malapad.
" Tama po kayo ako nga po yun" ibinalik ko sa kanya ang larawan isinilid niya yun sa bulsa niya.
" Umakyat kana sa taas" ginawa ko ang sinabi niya matapos kong umupo tiningnan ko siya at nakita ang hawak niyang gamit.
" Sa-sandali kanino ba yan?" inilagay niya yun sa tabi ko.
" Hindi ba sayo to Ginoo?"
" A-ah tama ka akin nga yun" sagot ko pumunta siya sa harap at hinampas ng kung anong bagay ang kabayo kaya nagsimula na itong maglakad.
" Pwede bang magtanong kung ano ang pangalan niyo?"
" Ginoo'ng Sebastian nalang ang itawag mo akin ako ang nagsisilbing kapitan sa bayan ng Manangpula" sagot niya sa akin naisip ko bigla na yun ang lugar na pupuntahan namin.
" Ginoo pwede bang malaman kung bakit mo naisipan magbulontaryo para maging isang guro sa bayan namin. Unang tingin palang alam ko na nanggaling ka sa isang mayamang pamilya"
" Sandali ibig ba sabihin nagtatrabaho ako bilang guro?" ipinatigil niya ang kabayo tsaka lumingon sa pwesto ko. Makikita ang pagtataka sa mukha niya.
" Pasensiya na po mukhang napagod lang ako sa biyahe"
" Oh siya bibilisan ko para makarating agad tayo" nagsimulang umusad ulit ang sinasakyan namin pakiramdam ko mababaliw ako sa mga nangyari sa akin.
Habang nasa biyahe kami pinagmamasdan ko ang nadadaanan namin. Lubak lubak ang daan, wala akong nakikitang kahit anong building, puro mga mataas lang na punong kahoy ang makikita sa paligid.
" Ano po ba ang tawag sa sinasakyan natin ngayon?"
" Sa lugar namin tinawag itong bagonita mainam itong gamitin kapag may mabibigat na bagay na kailangan ihatid sa syudad" tiningnan ko ang mga gulong nito naaalala ko ang malalaking truck sa kasalukuyan yun din ang gulong nito.
Ang kaibahan nga lang hindi mo kailangan ng gasolina dahil kabayo ang humihila dito. Tumigil ang sinasakyan namin bumaba si Ginoo'ng Sebastian sa kabayo ako naman nakatingin lang sa buong paligid. Mayroon akong nakikitang bahay kubo, may malalawak na palayan sa tabi ng mga bahay at harden na mayroong bulaklak at pananim na gulay.
" Maligayang pagdating sa bayan ng Manangpula"
Mayroong mga taong sumalubong sa amin nakangiti silang lahat ng makita ako. Ang iba sa kanila ay may dala na kung anong instrumento itinaas ni Ginoo'ng Sebastian ang kamay niya kaya nagsimula silang magpatugtog. Hindi ko alam kung anong uri yun ng musika pero napapasayaw ako sa bawat tunog na ginagawa nila.
Note: Bagonita- isang sasakyan na ginagamit dati ng mga tao sa isang lugar malayo sa kabihasnan. Gawa sa purong kahoy ang upuan at dingding habang mayroong dalawang malalaking gulong na gawa sa goma.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    DawangOmar

    cool story

    29d

      0
  • avatar
    NgujoYolanda

    magandang kwento

    10/08

      0
  • avatar
    Angel Trisha Mae Banas

    good

    20/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata