logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Occoii University : Lupon ng mga estudyanteng hipon

Occoii University : Lupon ng mga estudyanteng hipon

Missy Forevah


First Love Never Dies

"Hoy, hipon!"
Napalingon si Minikki nang tawagin siya ni Andrea, ang muse sa classroom nila. Nakaramdam siya kaagad ng takot dahil mukhang mapagdidiskitahan na naman siya ng mga kaklase niya.
"Po?" may paggalang na tugon ni Minikki sabay lingon sa maganda niyang kaklase.
"Ibili mo 'ko ng pagkain," utos nito na para bang pagmamay-ari niya ang kawawang si Minikki. Natigilan ang dalaga at tumingin sa guro na kasalukuyang nagtuturo sa unahan. 
"Ano? Ayaw mo?" inis na tanong ni Andrea tsaka sinipa nang malakas ang upuan ng dalaga dahilan para maglaglagan ang mga gamit niya. Napatingin naman sa kaniya ang buong klase pero dahil hindi niya gusto ang maraming atensyon, yumuko siya. Naghintay pa ng ilang segundo para ialis ng mga kaklase niya ang tingin sa kaniya bago muling tumingin kay Andrea.
"Nagkaklase pa kasi," saad ni Minikki habang nakangiwi. Mas lalong naalibadbaran si Andrea sa isinagot niya.
Ngumisi si Andrea na para bang hindi makapaniwala sa sinambit ni Minikki pero talagang mataas ang tingin nito sa kaniyang sarili. "Ibibili mo ako o sasampalin kita sa harap ng klase?" sambit ni Andrea na may halong pagbabanta.
Napapikit na lamang si Minikki. Ilang beses na siyang pinapahiya nito. Hindi lang sa klase kundi madalas sa gitna ng maraming estudyante, kung kailan siya mapagtrip-an. Bumuntong-hininga na lamang si Minikki at marahang itinaas ang kamay kahit labag sa loob niya ang pagsunod kay Andrea.
"Yes, Minikki?" tanong ng guro na napansin ang pagtaas niya ng kamay. Muli na namang napunta sa kaniya ang mga tingin ng kaniyang kaklase. Nakaramdam siya ng pagkahiya at pagkailang.
"M-may I go out po?" mahinang tanong ni Minikki na sapat para marinig ng lahat.
Tumango ang guro. Napangisi naman si Andrea nang makitang nagsimula nang maglakad palabas si Minikki. Hindi talaga mabubuo ang araw nito hangga't hindi napagti-trip-an ang kawawang dalaga.
Nagmadali nang pumunta si Minikki sa canteen dahil gusto niyang makabalik agad sa klase pero napasabunot nalang siya sa kaniyang buhok nang maalalang hindi niya naitanong kay Andrea ang gustong ipabili nito.
Huminga siya nang malalim bago tinuro sa tindera ang turon. Pabalik na siya nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase. Muling napabuntong-hininga si Minikki nang mapagtantong may hindi na naman siya napakinggan sa kanilang pag-aaral.
Papasok na siya sa room nang banggain siya ng mga kaibigan ni Andrea—si Celine at Diane. Hinila siya ng mga ito hanggang sa likod ng building kung nasaan ang room nila.
Ilang sandali pa ay dumating na si Andrea. Bakas ang inis sa mukha nito na mukhang kanina pa nagtitimpi kay Minikki. Isang dipa na lang ang agwat niya kay Minikki nang bumwelo siya ng malakas para sampalin ang dalaga dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Gulat at hindi makapaniwala ang reaksyon ni Minikki habang iniinda ang hapdi ng kaniyang mukha na natamo mula sa sampal.
"Sh*t! I forgot! Where's the alcohol?" maarteng tanong ni Andrea at agad naman siyang binigyan ng alcohol ni Celine. 
"Here, besh."
Agad na binuhos ni Andrea ang alcohol sa kaniyang kamay. "Kadiri, puro nana. So gross!"
Napakagat na lamang sa labi si Minikki habang pinipigilan ang kaniyang mga luha. Paulit-ulit sa kaniyang isipan ang tanong kung bakit ba ginagawa sa kaniya ito. 
"Bakit mo kasi siya sinampal? Alam mo namang marami siyang tigyawat sa mukha," sabat naman ni Diane.
"I lost myself. Binastos niya ako kanina," sagot ni Andrea. "Narinig mo ba 'yong sinabi niya kanina? Nagkaklase pa kasi?" sarkastikong pag-uulit nito sa tinuran ni Minikki sa kaniya kanina. "As if namang mas mahalaga ang klase kaysa sa akin. You should know your priorities, Minikki. I am your priority since you're my slave," may diing sabi ni Andrea habang nakangisi sa dalaga.
"Dapat kasi di ka na nagsalita. Sumunod ka na lang," litanya ni Diane habang humahagikgik. "Ayan tuloy."
Matagal na nilang pinapahirapan si Minikki at pinagdidiskitahan. Bukod sa hindi lumalaban si Minikki pabalik, alam niyang wala rin siyang karapatan dahil una sa lahat, mas paniniwalaan ng mga tao ang magagandang tulad ng tatlo kaysa sa kaniya na mukhang masamang tao na hindi gagawa ng tama.
Napansin ni Andrea ang pagkaing nasa kamay ni Minikki. Lalong nainis si Andrea.
"Ito ang balak mong ipakain sa akin?" galit na tanong nito bago hinila ang buhok ni Minikki. Samantalang ang isang kamay nito ay may hawak na turon at pilit na ibinubusal sa bibig ng dalaga.
"Mukha ba akong kumakain ng ganitong pagkain? Ha? Niloloko mo ba ako? Pangit ka na nga, hindi mo pa ginagamit 'yang utak mo! Bobo! Dapat lang sa 'yo 'to! Isa kang lumot!"
Napaluha na lamang si Minikki habang nakatingin sa magandang mukha ni Andrea. May namumuong tanong sa kaniyang isipan. "Kung hindi ba ganito ang itsura ko, sasaktan pa rin ba nila ako?"
***
Malapit nang magdapit-hapon nang makauwi si Minikki sa kanilang tahanan. Nagpalipas muna siya ng ilang minuto sa labas at saka siya pumasok sa bahay nila. Baon pa rin ni Minikki ang mga masasakit na salita at ginawa sa kaniya ng mga kaklase niya. Wala na talagang pag-asang magwakas ang pagdurusa niya sa mundo.
Sinalubong siya ng kaniyang ina na hindi maitatangging mayroon ng pambihirang kagandahan. Hindi maiwasang magtanong ni Minikki sa kaniyang isipan kung kanino siya nagmana dahil ibang-iba ang mukha nito kumpara sa kaniya.
"Oh anak, nandito ka na pala. Kumusta?" pagbati sa kaniya ng ina na si Kireina.
"Ayos lang po. Pasok po muna ako sa kwarto."
Dumeretso na si Minikki sa kwarto at saka umupo sa kaniyang study table. Kitang-kita niya ang kabuoang repleksyon ng kaniyang mukha sa kaharap na salamin. Minsan gusto niyang wasakin ang salaming iyon dahil ayaw niyang makita ang kaniyang mukha. Kahit ang sarili niya'y hindi niya matitigan nang matagal.
Nagngitngit ang kaniyang mga ngipin habang pinagmamasdan ang sarili. Matigyawat ang kaniyang mukha na malangis pa kaysa piniritong manok sa kanto. Hindi rin pantay ang kulay ng mukha niya dahil may mga parteng namumula dahil sa galit na galit na tigyawat na lalo pang namula dahil sa malakas na pagkakasampal sa kaniya ni Andrea kanina.
Hinubad niya ang makapal niyang salamin kaya mas lalo niyang nakita ang makapal niyang kilay na parang higad. Ang gilid ng kaliwa niyang kilay ay may parteng nakataas na napagkakamalang puyo na ang sabi ng iba ay sumpra raw.
Pango din ang kaniyang ilong na maraming blackheads na kahit na anong gamit ni Minikki ng nosetrips ay hindi nauubos. Nauuna pang makalbo ang maliliit niyang buhok sa ilong.
Napahinga siya nang malalim nang mapagmasdan niya ang makapal niyang labi. Hindi man naninigarilyo, litaw na litaw ang dark line sa gilid ng labi niya. Bilugan din ang kanyang mukha na kahit kaunti lang ang kaniyang kainin, lumolobo na rin agad ang pisngi niya. Puro bahid ng kapintasan. Ang tanging maipagmamalaki niya lang ay ang kaniyang ubod na puting balat at ang hubog ng katawan ngunit wala rin iyong saysay dahil nababansagan siyang hipon.
Napapikit na lamang si Minikki dahil hindi niya na maatim ang pagtingin sa kaniyang mukha. Sa tuwing humaharap siya sa salamin, naaalala niya lang ang mga pait na kaniyang naranasan dahil sa mukhang iyon.
"Bakit ba kasi ang pangit ko?" bulong niya sa sarili, ngitngit ang mga ngipin.
"Anak?"
Narinig niya ang pagtawag ng kaniyang ina kasabay ng marahang pagkatok nito sa pinto ng kaniyang kwarto. Dahan-dahan itong bumukas.
"May problema ba?" mahinahong tanong ni Kireina sa kaniyang anak.
"W-wala naman po," simpleng sagot ni Minikki sabay ayos ng kaniyang sarili. Lumapit sa kaniya ang kaniyang ina.
"Iyong totoo? Anong problema?" Hinaplos ni Kireina ang balikat ni Minikki. Ngumiti lamang ang dalaga. "Medyo pagod lang po. Gusto ko nang magpahinga."
Hinaplos ng kaniyang ina ang kaniyang likod habang napapabuntong-hininga. "Oh sige, nandito lang ako, anak. Kapag handa ka na, pwede mo nang sabihin sa akin. Hihintayin kita."
Lumabas na ang kaniyang ina at tuluyan na siyang naiwan sa kaniyang kwarto. Hawak niya ang kaniyang bibig habang pinipigil ang ingay na nagiging sanhi ng kaniyang pag-iyak.
***
Miyerkules nang umaga ay pumasok nang maaga si Minikki sa kaniyang eskuwelahan. Nadatnan niya sila Andrea sa room na nakangisi habang nakatingin sa kaniya na tila ba may masama na namang balak. Iniwas niya na lamang ang kaniyang tingin sa mga ito at nagpatuloy sa paglakad papunta sa kaniyang upuan ngunit sinundan siya ng mga ito.
"I learned something about you," natatawang sambit ni Andrea. Malakas ang loob ni Andrea na pagdiskitahan na naman ang dalaga dahil wala pang masyadong estudyante sa loob ng classroom. Wala pa rin ang guro nila kaya malaya siyang gawin ang gusto niya kay Minikki.
"I never thought na 'yong ganiyang mukha, may first love pala!" Nagtawanan ang mga kaibigan ni Andrea nang marinig iyon.
"Are you serious? How dare she?" tanong ni Celine habang nakahalukipkip.
"Kaya nga! Hindi ko alam saan niya kinuha ang lakas ng loob niyang magmahal. The f*ck?"
"Sinong first love niya?" tanong ni Diane.
"Well, natawa nga ako nang nalaman ko. Sa lahat ba naman ng magugustuhan niya, 'yung boyfriend ko pa."
"Si Joshua? Ng Section A?!" gulat na tanong ng dalawang alipores ni Andrea. Kapwa sila hindi makapaniwala sa narinig.
Napayuko na lamang si Minikki sa mga naririnig niya. Hindi talaga lalagpas ang isang araw na hindi siya nakaranas ng pamamahiya o di kaya naman ay pananakit sa mga ito. Lalong kumito ang kaniyang puso ng mabanggit ang pangalan ng unang lalaking nagustuhan niya.
Hindi niya rin naman lubusang maisip kung bakit tumibok ang puso niya sa lalaking iyon. Grade seven siya nang magchat sa kaniya si Joshua. It was so unusual to receive a message from a popular student. 
Kaya totoong nahulog ang loob niya sa lalaki dahil palagi silang nag-uusap tungkol sa mga nangyayari sa kanilang buhay araw-araw, sa kanilang pangarap balang araw, at sa ano-ano pang mga bagay sa ilalim ng sikat ng araw. Doon nagkaroon ng pag-asa si Minikki na sa kabila ng kaniyang kaanyuan, may tatanggap sa kaniyang lalaki. Balak pa siyang ligawan nito ngunit sadya yatang mga bata pa sila noon dahil dumating ang araw na tumigil na sa pakikipag-usap ang lalaki kung kaya't naiwan sa ere si Minikki.
"Oo, nag-message pa nga 'yan last birthday ni Josh, eh. Long message pa! Mukhang hindi pa rin siya nakaka-move on." Nagtawanan muli ang mga babae.
Naalala ni Minikki na binati pa nga pala niya si Josh noong birthday nito. Hindi naman din kasi niya alam na may girlfriend na pala ito at isa pa, gusto niya lang itong batiin dahil minsan sa buhay niya ay naging magkaibigan sila kahit pa wala silang closure at hindi malinaw sa kaniya ang lahat kung bakit isang araw ay hindi na siya nito kinausap. Mas pinili na lamang ni Minikki na isantabi ang kaniyang nararamdaman. Ilang buwan na rin naman ang lumipas nang huli siyang magparamdam sa lalaki at nalimutan niya na nga ang tungkol sa bagay na 'yon ngunit naipaalala pa sa kaniya ngayon.
"Ano, panget? Umaasa ka pa rin ba? Masyado yatang mataas ang pangarap mo," maangas na sabi ni Andrea habang pinandidilatan ng mata si Minikki. "Sino ka para magustuhan ang boyfriend ko? Anong karapatan mo?"
"Oo nga, hindi ka ba marunong tumingin sa salamin?" wika ni Celine. "Have you forgotten how ugly you are? Makita ka palang nasisira na ang araw namin."
Lumapit ang tatlo kay Minikki. "Gusto mo ba ipaalala namin sa 'yo?"
"Tigilan n'yo na 'yan!"
Napatingin si Minikki sa sumigaw. Hindi niya inaasahan ang lalaking papalapit sa kaniya.
###

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Charity Montano

    bakit bitin

    06/08

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    ay bitin sobra eh..😡🤣😫😫😫

    14/06

      0
  • avatar
    Reign Abella

    happy

    15/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata