logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 10

Kabanata 10
Sorry
--
Hawak hawak sa baywang akong dinala ni Zil sa hagdan ng swimming pool. Agad sumalubong si Klara na umiiyak na sa sobrang pag aalala sa akin. Ako naman ay umubo ubo dahil sa mga nalunok na tubig.
"A-Amora..." humagulgol si Klara at yumakap sa akin. "A-Ayos ka lang?"
Nanginginig ako. Sobra sobra ang panginginig ko. Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso na nakayakap sa aking leeg tsaka napahagulgol na rin. Sobrang takot na takot ako. Akala ko mamamatay na ako. Akala ko wala nang magliligtas sa akin.
"Damn it!" Sigaw ni Zil tsaka kinwelyuhan si Sir Joshua. "Why did you do that? She almost died!" Galit na galit nyang sigaw.
Ngumisi lang sa kanya si Sir Joshua na halata na talaga ang kalasingan.
"Bro, calm down," pag aawat ng iba sa kanila.
"Calm down? How can I calm down? I thought it was just Ella! Ikaw rin pala!" Singhal muli ni Zil.
Kinalas ko ang pagkakayakap sa akin ni Klara tsaka tumayo nang dahan dahan. Punong puno ng luha ang mga mata ko pati na rin ang pisngi ko. At kahit nanginginig ay pinilit kong tumayo at maglakad papunta sa kanila.
Nakatingin lang ako kay Sir Joshua na napunta rin sa akin ang paningin nang mamataang tumayo ako. Hawak pa rin sya ni Zil sa kwelyo at wala akong nakikita sa kanyang mga mata kundi galit at pagkatuwa. Hindi ko alam kung anong mas nangingibabaw sa dalawang emosyong nakikita ko sa kanya pero hindi ko na yon inintindi pa.
Galit na galit ako. Gusto ko syang paghahampasin at ihulog rin sa pool. Muntik na akong mamatay nang dahil sa kanya. Muntik na akong malunod. At wala manlang akong nakikitang kaunting pagsisisi sa kanyang mga mata. Para ngang tuwang tuwa pa sya sa nangyari.
"Bakit mo yon ginawa?" Nanggagalaiti kong tanong. "Alam mo bang buhay ko ang nakataya roon?! Alam mo bang pwede akong mamatay sa ginawa mo?" Sigaw ko habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.
Bahagya syang napa atras nang marahas syang bitawan ni Zil. Nasa akin pa rin ang paningin nya. Nakangisi pa rin sya na mas lalong nagpapainis sa akin.
Bakit hindi manlang sya nakokonsensya sa ginawa nyang pagpatid sa akin? Bakit hindi manlang sya nagsisisi? Bakit parang natutuwa pa sya? Bakit ba palagi nalang nyang ginagawa sa akin to?
Kung papahirapan nya ako, makakaya ko pa. Pero kung buhay ko na ang magiging kapalit sa mga ginagawa nya, hindi ko na yata kaya. Sobrang sakit sa pakiramdam na sobrang dali lang para sa iba na tapusin ang buhay ko. Para nya akong ginawang laruan. Sobrang sakit para sa akin noon.
Humagulgol ako nang tignan nya lamang ako at wala manlang sinabi kahit isa. Para bang sinasabi nya sa akin gamit ang mga mata na dapat lang sa akin yon. Na dapat nawala nalang ako.
Sa galit ko ay sinugod ko sya at pinaghahampas sa dibdib. Pinaghahampas ko sya gamit ang buong lakas ko. Binuhos ko sa kanya lahat ng galit na nararamdaman ko. Ginawa ko yon habang humahagulgol at wala manlang syang ginawa. Hindi nya ako pinigilan. Hinayaan nya lang na saktan ko sya nang saktan.
"Ano bang naging kasalanan ko sayo? Anong bang nagawa ko? Anong ginawa ko para gawin mo sakin lahat ng to? Ha? Kaya ko namang tiisin lahat ng pagpapahirap mo sakin pero buhay ko na itong muntik mo nang kunin! Napaka sama mo! Napaka sama mo!" Paulit ulit kong sigaw.
Kinuha nya ang mga braso kong hinahampas sya at mahigpit iyong hinawakan. Mahigpit man ang pagkakahawak nya ay hindi ko manlang magawang masaktan. Manhid na yata ako.
Wala nang ngisi ang kanyang labi. Galit nalang ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Tinignan ko sya nang umiiyak dahil hindi ko na kaya pang magalit sa sobrang takot at kabang naramdaman kanina. Sobra na akong nanghihina. Sobra sobra ang pagkirot ng puso ko.
Galit nya akong tinignan. Galit na galit na para bang may ginawa talaga akong kasalanan. Na para bang may ginawa ako na ikinasira ng kanyang buhay.
"I want you to leave..." mariin nyang bulong. "Leave, leave, leave!" Sigaw nya tsaka ako marahas na binitawan dahilan para mapa atras ako ng kaunti.
Napahawak ako sa mga pulsuhan kong noon ko lang naramdaman ang sakit. Hindi ko maalis sa kanya ang paningin ko habang umiiyak. Gusto kong magalit pero hindi ko na magawa pa sa sobrang panghihina.
Bakit nya ba ako gustong umalis? Nahihiya ba sya dahil may personal maid sya? Dahil ba naiinis sya sa mukha ko? Naiinis ba sya sa boses ko? Sa paggalaw ko? Sa buong pagkatao ko? Bakit? Dahil ba mahirap lang ako? Dahil mababa lang akong tao? O dahil ayaw nya lang talagang magkaroon ng maid?
Naiintindihan ko naman sya, eh. Malaki na sya at kaya na ang sarili para magkaroon pa ng maid. Pero bakit naman kailangan nya pang gawin ito? Bakit kailangan nya pang idamay ang buhay ko? Kung sana pinahirapan nya nalang ako, eh. Matitiis at matatanggap ko pa yon. Bakit ba hindi nya nalang tanggapin na nandito ako? Ganon ba kahirap yon?
Bago umalis ay matalim nya muna akong tinignan na para bang nagbabanta. Na para bang sinasabi nyang kailangan ko nang umalis dahil kung hindi ay may gagawin na naman sya sa akin.
Napahagulgol na lamang ako nang mawala na sya sa paningin ko. Agad akong niyakap ni Klara para patahanin kahit pa umiiyak na rin sya.
Hindi ko alam kung anong mali sa akin. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa mahirap ako kaya ayaw nya sa akin o talagang ayaw nya lang sa akin?
Ano ba talagang nagawa kong mali para mangyari sa akin ang lahat ng ito? Ang gusto ko lang naman ay ang makatulong kay Mama. Gusto ko lang namang wag na syang magtrabaho. Gusto ko lang namang maging maayos ang buhay namin. Mali ba yon? Maling mali na ba ang bagay na yon? Mali ba?
Yakap yakap ang unan ay tahimik akong umiyak. Nakatalikod ako sa gawi nina Jana at Klara para hindi nila ako makitang umiyak. Kanina ay sobra silang nag alala sa akin lalo na noong ayaw kong tumigil sa pag iyak. Ayoko na silang mag alala pa lalo sa akin ngayon.
Hindi ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko. Nandito pa rin ang takot, kaba at sakit sa sistema ko. Ni hindi yata nabawasan ang mga nararamdaman ko simula nang makabalik ako rito sa kwarto. Sobrang takot na takot talaga ako.
Ano bang kailangan kong gawin para matanggap nya ako? Kailangan ko pa bang maging invisible para matanggap nya ako? Kung pwede nga lang ay talagang ginawa ko na yon, matanggap nya lang ako at magkaroon ako ng pagkakataong matulungan si Mama. Kasi sa totoo lang? Gagawin ko talaga lahat para lang wag na syang mahirapan. Kasi sobra sobra na rin ang paghihirap at sakit na nararanasan nya. Sobrang sakit para sa kanya noong iniwan kami ni Papa. Nang maubos na ang ipon ni Papa ay nagtrabaho sya at nahirapan. Sobra sobra na ang nararanasan nya at ayoko na talagang dagdagan pa yon.
Nang dahil sa hapon na ako nagising at hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina, hindi ako tuluyang nakatulog agad.
Bumangon ako sa pagkakahiga tsaka bumaling kina Klara at Jana na mahimbing nang natutulog. Pinunasan ko ang mga luhang nasa aking pisngi tsaka umalis sa kama.
Malalagpasan ko rin to sa pagdaan ng araw. Malilimutan ko rin ang araw na ito. At kung hindi ko man makalimutan, hindi pa rin ako aalis rito. Titiisin ko sya para kay Mama. Hindi ako aalis rito.
Marami na akong napagdaanang hirap. At ang isang to? Masasabi kong mahirap rin pero makakaya ko naman to. Sinaktan na ako ng todo ng kauna unahang lalaking minahal ko, at nakaya ko yon. Paniguradong makakaya ko rin ito dahil pinapahirapan nya lang naman ako. Maliit na bagay lang sa akin yon.
Lumabas ako ng kwarto. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng buong sistema ko. Namumungay rin ang mga mata ko sa sobrang panghihina at pagkabalisa. Bahagya na lamang akong ngumiti para maibsan ang aking nararamdaman.
Pagkabukas ko sa pintuan ng kusina ay natigilan ako nang makita si Sir Joshua roon. Nakaupo sya sa harap ng lamesa at may hawak na isang baso ng tubig. Napatingin rin sya sa gawi ko nang marinig ang pagbukas ng pintuan.
Nag iwas na lamang ako ng tingin at naglakad papunta sa ref. Ramdam ko ang titig nya ngunit hindi ko sya tinignan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kapag tumingin ako sa kanya, maiiyak na naman ako.
Nagsalin ako ng tubig sa baso. Sa sink ako uminom para nakatalikod ko sa kanya. Dahil kung haharap ako, magtatama lang ang mga mata namin.
Ramdam ko pa rin ang titig nya hanggang sa maubos ko na ang isang baso ng tubig. Pati sa paglalagay ko sa ref ng pitcher ay nakita ko pa rin sa gilid ng mga mata ko ang titig nya. Mabilis na lamang akong kumilos para maka alis na roon.
Nang matapos ay naglakad na ako papunta sa pinto. Hindi ko pa rin sya tinignan kahit pa kita ko sa gilid ng aking nga mata ang pagsunod ng kanyang paningin sa akin.
"Amora," pagtawag nya dahilan para matigil ako sa hamba ng pintuan.
Humugot ako ng malalim na hininga bago sya hinarap. Wala akong choice kundi ang tumingin sa kanya.
"Po?" Sagot ko.
Hindi sya sumagot. Tinitigan nya lamang ako. Tinignan nya ang buong mukha ko pababa sa aking paa. Tapos bumalik ulit ang tingin nya sa mga mata ko na para bang may hinahanap.
Muli akong bumuntong hininga. "Kung wala po kayong iuutos, matutulog na po ako--"
"Can you..." habol nya nang akma na akong aalis. Tumingin muli ako sa kanya. "Cook for me?"
Napatitig ako sa kanya ng ilang sandali. Nag aalinlangan sya nang itanong iyon sa akin. Nakita ko sa mga mata nya ang paghahanap sa kung ano at para bang naninimbang pa sya. Sa huli ay nag iwas na lamang ako ng tingin at bumuntong hininga.
"Sige po..." sambit ko at muling pumasok sa kusina.
Malaki ang nagawa nyang kasalanan sa akin. Buhay ko ang muntik nang mawala nang dahil sa paninisod nya. Pero wala naman akong magagawa. Boss ko sya, diba? Amo ko sya, diba? Kaya hindi ko sya pwedeng suwayin. Iisipin ko nalang na para itong lahat kay Mama.
"Ano pong gusto nyong lutuin ko?" Walang gana kong tanong at naningin sa loob ng ref.
Oo, wala akong gana ngayon. Wala akong ganang sundin sya. Pero dahil nga para ito kay Mama, kikilos na lamang ako.
"Fried chicken?" Anya.
"Sige po..."
Nasa freezer ang manok nila kaya matigas pa yon. Binabad ko muna iyon sa tubig at naghintay na lumambot. Bumuntong hininga pa ako nang maisip na sobrang tagal palambutin nito. Mabuti nalang at hapon na ako nagising at walang pasok dahil linggo. Hindi pa ako inaantok.
"Matigas pa po yung manok. Medyo matatagalan pa para palambutin," sambit ko, hindi manlang lumingon sa kanya at nakatingin lang sa manok.
"It's okay..." halos pabulong na sabi nya.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin sa buong kusina. Para naman akong shunga na nakatalikod lang sa kanya at pagod na pinagmamasdan ang manok na nasa tubig.
"Are you... angry at me?" Dahan dahan nyang tanong maya maya.
Bahagya akong napangisi roon. Talagang nakuha nya pang magtanong? Gusto ko syang sigawan at saktan ulit. Pero pinigilan ko na lamang ang sarili at hindi na sumagot pa. Baka kung ano lang ulit ang lumabas na mga salita sa bibig ko.
Narinig ko syang malalim na bumuntong hininga. "I'm sorry..."
Ginawa kong busy kunyari ang sarili sa manok. Hinawak hawakan ko yon at binalik baliktad para mabasa ang ibang parte.
"Ayos lang po yon..." sambit ko.
"I know it's not okay for you. Buhay mo ang nadamay roon."
Ngumisi ako at humarap na sa kanya. "Alam nyo naman pala, bakit nyo pa ginawa?"
"Lasing ako. Hindi ko alam ang mga ginagawa at sinasabi ko," nagpapaintinding anya.
Mas lalo pang lumaki ang ngisi ko at napatango tango tsaka tumalikod na lamang sa kanya.
"Kalimutan nyo nalang po yun..." sambit ko at inahon na ang manok kahit bahagya pa iyong matigas.
Hindi na sya sumagot pagkatapos noon. Nakita ko ang sinsiredad at pagsisisi sa mga mata nya kanina kaya sapat na sa akin yon. Pero hindi pa rin talaga okay ang ginawa nya. Hindi ganon kadaling patawarin ang isang taong muntik nang kunin ang buhay mo.
Pinainitan ko na lamang ang manok para maging mabilis ang paglambot noon. Nagtagumpay naman ako agad kaya hiniwa ko na iyon. Hita at pakpak lamang ang hiniwa ko. At pagkatapos noon ay nagsimula na akong magluto.
Ramdam ko pa rin ang titig ni Sir Joshua pero hindi na ako nag abala pang tignan sya pabalik. Nagagalit at naiiyak lang ako kapag tinitignan ko sya. Ayoko na ulit umiyak sa harap nya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko naluto ang manok. Nilagay ko sa harapan nya ang niluto kong manok tsaka sya pinagsandok ng kanin. Kumuha na rin ako ng pineapple juice at pinag salin sya sa isang baso. Nakatitig lamang sya sa akin habang ginagawa ko lahat yon.
Nang matapos ay tumingin ako sa kanya. Na sa akin pa rin talaga ang paningin nya, para bang may sinusuri na kung ano.
Bumuntong hininga ako muli tsaka nagbaba na lamang ng tingin.
"May iuutos pa po kayo?" Tanong ko.
Bumuntong hininga sya. "Amora, I'm really sorry..."
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kitang kita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata. Muli akong bumuntong hininga at yumuko. Tinatanggap ko naman na ang sorry nya. Pero hindi pa kasi talaga ayos ang ginawa nya sa akin. Hindi ganon kadaling magpatawad. Muntik na akong mamatay.
"Ayos na po talaga yon, Sir. Hindi nyo na po kailangang ulit ulitin--"
"Lasing lang talaga ako. Hindi ko talaga alam ang mga ginagawa ko," putol nya sa akin.
Pagod akong nag angat ng tingin sa kanya tsaka pagod ring ngumiti. "Ang sabi nila kapag lasing ang isang tao.. nasasabi nito lahat ng saloobin nya. Kaya ibig sabihin, gusto nyo pa rin talaga akong umalis..."
Natigilan sya at napatitig na lamang sa akin. Wala syang sinagot kaya naman ngumiti ako.
"Hindi po ako aalis rito, Sir. Hindi ko naman po kayo pakikialaman. Nandito lang ako dahil kailangan ko ng pera. Kaya sana tanggapin nyo nalang po ako. Wala naman po akong gagawing hindi maganda..."
Nag iwas sya ng tingin at huminga ng malalim. Hindi ko alam ang iniisip nya pero sana tanggapin nya na ako ngayon.
Yumuko ako. "Mauna na po ako..." sambit ko at naglakad na paalis.
Nang makalabas sa kusina ay bahagya akong lumingon sa pintuan tsaka pagod na tumingin sa harapan.
Kung talagang nagsisisi ka, sana tanggapin mo na ako. Kasi desperada na talaga ako. Kailangan ko talaga ang trabaho na to.

Komento sa Aklat (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    22d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata