logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter VI

Jose Antonio Sebastian Pov 
Paunti-unti ng may nangyayaring magagandang bagay sa pagitan namin ni Ofelia. My desired to be close to her is playing. And I want more from all of these. Gusto ko pang gumawa ng maraming alaala kasama siya. I want to draw happiness on her face. Iyon naman talaga ang isa sa nga layunin ko sa kaniya. Gusto kong iparanas sa kaniya ang totoong kahulugan ng buhay. 
Iyong nangyari samin kagabi ay isa lang sa mga alaalang babalik-balikan ko. It was exquisite, lovely and precious. Hindi ko mapigilan ang sariling hindi ngumiti kapag sumasagi iyon sa isipan ko. Progress is on our road. Our story is prospering. I couldn't help but to be blessed. Nagbunga na rin iyong mga kahangalan ko. Hindi pa to ang hangganan. Alam kong marami pang mangyayari samin. I was counting for the next gifts. Gagawa pa kami. Marami pa kaming pagsasaluhang mga magagandang bagay. 
"How is she? Buntis na ba siya Sebastian?" 
"Not yet Wein. Maaga pa para don. I still have a lot of errands to accomplish before getting there. Hindi madaling gumawa non." 
"Buti alam mo. Akala ko kahangalan na lang iyang nasa kukuti mo." He talked impatient. 
Kanina pa kami nagkukuwentuhan. I was just watching him on my phone. He called. Nasa opisina ko na ang hinayupak. It's launch time already. Mukhang nasisiyahan naman siya kahit papaano sa pagmamaniobra ng kompanya ko. His enjoying every scene. Dapat lang naman, siya lang iyong kaisa-isang tao na binigyan ko ng prebilihiyong pamunuan iyon. It's a prestigious opportunity for him to rule a fricken empire. Mapalad siya at naging matalik niya akong kaibigan. 
"You're in El Dorado?" 
"Nope. I'm here in the terrace. It's breathtaking. Puwede kang magpunta dito kapag nakabalik na ako. Just prepared millions. Walang libre dito sa paraiso ko lalo na pagdating sayo." 
"Get lost Sebastian. Gusto mo atang mamulubi pa ako. Mas pipiliin ko na lang maligo sa kanal keysa diyan sa isla mong napakamahal. Hindi ako maiingganyong pumunta diyan." 
"Hindi ka naman talaga puwede dito. Bawal ka ditong pumunta Wein. Kami lang ni Ofelia ang may karapatang tumapak dito. It's one of our safe-haven. Ipapakain kita sa buwaya kapag sinubukan mong pumunta rito." 
I ended the call immediately. Iritadong-iritado iyon ngayon. I took a revenge. Pinaka-ayaw pa man din niya iyong ginagago ko siya. He hates when I played absurdity on him. Talo kasi siya sa asaran kapag ako ang kalaban niya. He has only little amount of perseverance. 
Nagdesisyon akong tawagan si ate Danarah. Kukumustahin ko na lang sila. Nasa Amerika na sila sa mga oras nato. I want also to check Ofelia's younger sister. 
"Are you okey Dan?" I checked. 
"Ayos lang naman kami Sebastian. Si Magna iyong hindi. She's been crying all the time. Hinahanap niya si Ofelia. Ayaw rin niyang magpa-opera sa mata. Pero huwag kang mag-alala, kukumbinsihin ko siya. Matalino at mabuti siyang bata. I'm sure maiintidihan niya rin iyong mga nangyayari sa kanila ng ate ni--" 
Pinutol ko agad iyong linya. I felt guilty again. Alam ko kung gaano kasakit iyong pakiramdam na malayo sa sarili mong kapatid. Magna is in that heartbreaking situation. Parehas silang nasasaktan ngayon ni Ofelia. At dahil iyon sakin. 
Nagkulong na lamang ako sa silid maghapon. Katabi lang ito ng silid ni Ofelia. It's just a small room. Sakto lang din iyong higaan sakin. Hindi naman talaga ito iyong silid ko. Ibinigay ko kay Ofelia. She needs it more. I hurredly open the door when someone knocks on it. Si Manang Iska lang pala. Akala ko siya. 
"May kailangan po ba kayo Manang?" 
"Aalis muna ako Sebastian. Pupunta muna ako sa kabilang pulo. Bibisitahin ko muna iyong mga kamag-anak ko don. Babalik rin ako bukas. Ayos lang ba iyon sayo?" 
"Kayo po ang bahala Manang. Wala pong problema sakin iyon." 
"O siya. Hinihintay na ako ng bangkero sa labas. Maiwan ko na muna kayo. Nandon si Ofelia sa kusina. Nagluluto siya ng hapunan. Samahan mo siya." 
Naghintay muna ako ng isang oras bago ako bumaba. Wala na si Ofelia dito sa kusina. Tapos na siya sa pagluluto. Tingnan ko iyong lamesa. May nakahanda na ritong pagkain. Kumain ako. Tinolang manok lang naman iyong niluto niyang ulam. 
Bumalik agad ako sa silid matapos akong maghapunan. I didn't enjoyed the food much. It's tasty. But I'm not in the mood. I was thinking of ate Danaraha's lingo. Paano kung magmatigas si Magna? Posibleng hindi magkatotoo iyong pangarap ni Ofelia. She'll be hurt. It will also be my pain and failure. 
Tinawagan ko uli si Ate Danarah. Her phone is just ringing. Is she busy? May ginagawa ba siya ngayon? Ba't hindi niya sinasagot iyong tawag ko? Itinapon ko na lang ito sa higaan. 
Anong gagawin mo Jose Antonio Sebastian? 
Pinuntahan ko si Ofelia sa silid niya. Hindi na ako nag-abalang kumatok. Natigilan ako noong mabungaran ko siya. Nasa harapan siya ng isang antigong salamin nakatayo. Pinagmamasdan niya iyong repleksiyon niya dito. Suot niya iyong isa sa mga polo ko. Kulay asul ito. Malaki ito pero bagay na bagay pa rin sa kaniya. Wala siyang suot na tsinelas. Nakaapak lang iyong paa niya sa lapag. Her vibrant hair is flaring. Ang ganda niya. Sobrang ganda. Nakabukas ng kaunti iyong pintuan kaya nakikita ko siya ng klaro. 
Mabilis pa sa agos ng tubig na tumalikod ako. Ba't parang bigla atang uminit iyong paligid? May lagnat ba ako?  Napahinga ako ng malalim. Masama to. Pinagnanasaan ko si Ofelia. I am feeling an emotion that still taboo for me. Maaga pa para makaramdam ako ng ganito. Hindi ko pa siya puwedeng angkinin. Hindi ko pa puwedeng sirain iyong kainosentihan niya. Ba't kasi sa dinami-dami ng mga damit, iyon pa ang sinuot niya? Madami naman akong damit sa kabinet? She can have a shirt. A robe. Ba't iyong kulay asul pa na polo? It's too good on her. Magagahasa ko siya dahil don. Magkakasala pa ako nito dahil sa sobrang karikitan niya. 
Malalaki ang hakbang na nagtungo ako sa dagat. I need to shuttered this resentment. Baka hindi ako makapagpigil. Naligo ako. Nilunod ko iyong sarili ko dito. Nonsense. Wala pa ring kuwenta. Neh hindi man lang nabawasan iyong libido ko. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang senaryong iyon. It's torturing me. Damn it! 
Puwede naman siguro Sebastian. Just be gentle to her. Dahan-dahanin mo lang. Hindi! Hangal ka na ba talaga Jose Antonio Sebastian Laurel? Where is your sanity? Nawala na ba to? That's just a blue polo. Huwag ka agad magpadala don. Stop yourself! 
Naupo ako sa dalampasigan. Basa na lahat iyong suot kong pantalon at itim na pang-itaas. Malamig. Pero wala dito iyong atensiyon ko rito. Nasa kay Ofelia. Tulog na kaya siya sa mga oras nato? Tingnan ko kaya siya uli? No! Mas lalo lang ako nitong mawawala sa katinuan. I need to prevent seeing her right now. I don't want to do awful things on her. Not today. This isn't the perfect time owning her. 
Hindi ko inakalang, dadating sa punto na magkakaganito ako. This isn't me. I am always calm, notional and in vision. My actions is on point often. Pero pagdating sa kaniya, nawawala ako. I can't keep my composure. I can't draw a lane. I mean I can, pero hindi ko napapanitili. Sarili ko lang din mismo ang bumabali dito. 
Napahilamos ako sa mukha. Nakakatawa. Wala pa siyang ginagawa pero heto ako, parang mababaliw na. Paano na lang kaya kung may gawin siyang hakbang sakin? Tiyak madadala na ako nito sa mental. 
I look accidentally in the house terrace. She's there. Pinanonood niya ako dito mula sa ibaba. Yumuko siya. Dali-dali agad akong umalis. We're like playing hide and seek here. Nagpunta akong likurang bahagi ng isla. Nagtago ako sa lilim ng isang malaking punong kahoy malapit sa dalampasigan. Ang dilim dito sa parteng ito. Iyong tunog lang mula sa mga hampas ng alon iyong naririnig ko. 
Umuwi ako mga bandang ala una na ng gabi. Patay na ang mga ilaw sa labas. Nagbanlaw ako saka nagpalit ng puting roba. Lumabas ako sa silid para kumuha ng alak sa kusina. Nasa hagdan pa ako nang mabungaran ko si Ofelia. Kakapasok niya lang. Saan kaya siya pumunta? Lumabas ba siya? Akala ko tulog na siya? Hinanap niya ba ako sa labas? Ba't basa iyong damit niya? Naligo rin ba siya sa dagat?
I cleared my throat. Ignore her Sebastian. Hangga't kaya mo pang magtimpi, iwasan mo siya. Nilagpasan ko siya. Nakatingin lang siya sakin. Sumunod siya papuntang kusina. 
"What do you want Ofelia?" I asked. Medyo tumaas ng kaunti iyong boses ko. Hinarap ko siya. Nakahawak iyong kanan niyang kamay sa kaliwa niyang siko. She's covering something. Tinitigan ko itong maigi. There's a wound inside. Pinipilit niya itong takpan para hindi ko makita. Inalis ko iyong kamay niya. Marami itong dugo. 
"Saan mo to nakuha Ofelia?" I confronted. Malaki at medyo malalim iyong sugat. Parang kalmot ito ng isang matulis na bagay. Saan ba talaga siya nagpunta? Paanong nagkaroon siya nito? Hinanap niya ba ako sa labas? 
"S--saan po ba kayo nagpunta Señorito?" 
Hindi ako nagsalita. I just goggled at her. Should I preach her? Dapat ko ba siyang pagalitan? Pinaupo ko siya sa upuan na nasa hapagkainan. I took a medical kit on the cabinet. Ginamot ko iyong sugat niya. 
"Careful next time Ofelia. Makamandag iyong mga puno rito sa isla. Posibleng malason ka nila." 
Dinala ko siya sa silid matapos ko siyang gamutin. I look for a fine clothes. Isang itim na roba iyong nakita ko. I handed it on her. Tinanggap niya naman. 
"Change your clothes. Basa na iyang suot mo." 
Lumabas siya ng banyo suot ito. Hanggang talampakan niya ang roba. Malaki ito. Sinadya kong iyon ang ipasuot sa kaniya. I might torture myself again if it is another polo shirt. Marami pa naman ako non dito. 
"Matulog ka na. Madaling araw na." 
Naglakad ako papalabas. Napahinto ako noong hawakan niya ako bigla sa palapulsuhan. Madilim ang mukha na hinarap ko uli siya. Kaunti na lang talaga. Sasabog na ako. 
"Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo Ofelia kapag sinabi mong manatili pa ako dito sa silid. Lalaki ako. I have also limitation. Huwag mong sagarin iyong pagtitimpi ko." I warned. 
"I--ibig ko lang pong malaman kung bakit biglaan kayong umalis Señorito. Iyon lang po ang gusto kong marinig mula sa inyo." 
Napahinga ako ng malalim. "Hinanap mo ba ako?" 
Dahan-dahan na tumango siya. Hindi siya makatingin sakin. She was shy. I was pleased na hinanap niya ako. Pero mas matutuwa pa rin ako kung nanatili na lang sana siya dito sa bahay. Nagkaroon pa tuloy siya ng sugat. Or worst, baka mas malala pa rito iyong nakuha niya. I will definitely kill myself. My island might be a paradise. But still, it is a prudish place. Marami ditong nakakalasong puno at halaman. There were also multitudinous species of snakes here. And they're not only noxious but extremely lethal. Napakadelikado iyong ginagawa niya lalo na't hindi pa siya pamilyar rito. 
"Don't do that again Ofelia. Mamamatay ako dahil sa pag-aalala sayo. Paano na lang kung nalason at nakagat ka ng ahas?" 
"Wala naman pong masamang nangyari sakin Señorito. Sugat lang po itong nakuha ko. Sanay na rin naman po ako sa kanila. Nakatira po kami sa bukid ni Magna. Ilang beses na po akong nakakita non." 
Still a no. Hindi ko pa rin siya papayagang gawin uli iyon. It's too risky for her. Napakalaki iyong tiyansa na malason siya dito. Hindi ako papayag na gawin niya uli iyon. 
"Let's talk tomorrow. Magpahinga ka na."  
Natulog ako sa silid na isip-isip siya. Ba't niya kaya ginawa iyon? Is she worried? Natakot ba siyang may mangyayari saking hindi maganda? Pero bakit? Hindi naman ako ganon kaimportante sa kaniya? I was just her master. Her usher. These words are not enough to have a place in her greasy heart. Posible kayang may nararamdaman na siya sakin? Is she starting to feel something special for me? 
Malabo pa ata. Ilang araw pa lang kaming magkasama. Iyong mga ginawa ko sa kaniya ay hindi pa sapat. Baka nga galit siya sakin. I've made an hilarious thing to her. Pinaglayo ko sila ng kapatid niya. Thinking of it is an enough reason for her to despise me. Pero magsisikap pa rin ako. Wala ata sa bokabularyo ko ang sumuko. She'll definitely end up as my woman.  
Bumalik ako sa silid niya. Tulog na siya. She's already in her cloud castle. Naupo ako sa may bandang uluhan niya. Tinabing ko iyong iilang hibla ng buhok na nasa mukha niya. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti kapag pinagmamasdan ko siya. She's just too pretty. Her own unique beauty is effortless. Tanga lang siguro ang hindi mabibighani sa kaniya. 
"Mahal kita Ofelia. Hihintayin kong masabi mo rin sakin ang mga salitang ito." I said before kissing her on her forehead. Dito lang muna Sebastian Laurel.
Itutuloy.........

Komento sa Aklat (74)

  • avatar
    Nyleve Alludad Alludad

    nice story I enjoyed reading it 😃

    24/04

      0
  • avatar
    RegatchoRocelyn

    wow amazing

    20/02

      0
  • avatar
    SamsonMussah

    I like your story I really love it ...

    16/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata