logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

3rd Person's POV
Tuwang-tuwa na pinagmamasdan ni Amorah ang mga bata na masayang naglalaro sa isang bakanteng lote.
Nakaupo siya 'di kalayuan sa mga ito kung kaya't kitang-kita at damang-dama niya ang kasiyahan ng mga bata sa paglalaro.
17 years old na siya pero hindi pa niya kailanman naranasang maglaro nang ganoon kalaya at kasaya.
Strikto kasi ang parents niya at bahay-school lamang ang routine mula pagkabata. Kahit noong nag-high school n siya ay ganoon pa rin ang kanyang routine. Nakakalabas lamang ng bahay pag pinagpaalam at sinusundo ng mga kaibigan.
Tuwing summer vacation, o sa tuwing sa tiyahin sa Cebu siya inihahabilin ng mga magulang, dahil sa business trips ng mga ito, lamang siya nakakaranas na umalis ng malayo sa bahay.
Nakaramdam siya ng inggit sa mga tawa at halakhak ng mga naglalaro. Napapaisip kung ano ang pakiramdam makapaglaro kasama ang maraming tao.
"Gusto mo rin ba'ng... maglaro ng agawan base?" tanong ng binatang katabi niya.
Nakaupo silang dalawa sa malapad na swing na gawa sa makapal at matibay na kahoy na itinali at ikinabit sa matambok na sanga ng puno ng mangga.
Kumunot ang noo niya ngunit hindi nakatakas ang ngiti na dala ng pagtataka at excitement sa alok nito.
Ipinaliwanag ng binata ang rules ng laro. Mabilis naman niya iyong naunawaan dahil ito ang nilalaro ng mga bata kanina. Natuwa rin ang mga bata sa pagsali nila. May mga magbabarkada rin na kasing edad niya ang naengganyong sumali kaya lalong natuwa at nanabik ang lahat sa kalalabasan ng laro.
Nagsimula ang habulan sa pagtakbo ng unang bihag sa grupo ng binatang kausap niya kanina. May tigsasampung miyembro ang bawat kupunan na ngayo'y halos nagsitakbuhan na lahat at hinuhuli ang bihag ng bawat isa.
Bantay-sarado nilang dalawa ang bihag ng mga kagrupo nila, kasama ang tig-iisa pa nilang kasamahan sa grupo. May apat na bihag ang grupo ni Amorah samantalang tatlo naman ang sa binatang kausap kanina.
Sa isang iglap ay tumakbo ang nasabing binata- ang bihag na para sa kanya.
Mabilis niya itong hinabol ngunit hindi niya ito mahuli-huli dahil sa bilis nitong tumakbo at umilag. Nainis siya kalaunan dahil tila sinasadya nitong inisin siya at maliitin sa pamamagitan ng pag-aala effortless na pag-ilag nito sa kanya sa tuwing tinatangka niya itong dakpin o hawakan man lang. Tinawanan pa siya nito kaya nainis siya lalo.
Tila mas natuwa pa ang binata nang mahalatang namumula na ang pisngi niya sa inis! Ganoon pa man, hindi siya tumigil sa paghabol dito kahit pa kinakapos na siya ng hininga.
Pinukulan niya ng matalim na tingin ang binata nang hindi pa rin ito tumigil sa panunudyo, ngunit imbis na huminto ay kumindat pa ito sa kanya saka ngumisi nang nakakaloko.
Her heart skipped a beat.
Lalo siyang namula, hindi nga lang siya sigurado kung dahil ba sa hiya o sa kilig 'yon. Ngunit hindi niya maitatangging tila may nagliliparang paru-paro sa tiyan niya sa ginawa nito.
Muli niyang hinabol ang binata at agad din itong kumilos at umilag . Huminto lamang ito sa kakatakbo nang mapahinto siya sa hingal. Nasa lupa ang mga mata habang nakatungkod ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod, naghahabol ng hangin.
Muli niyang tinitigan ang binata. Ngayon lang niya napagtantong medyo malabo pala ang mukha nito pero pamilyar sa kanya ang tindig, dating at boses nito. Nagtaka siya. Napatingin sa paligid. Klarong-klaro ang lahat sa pamilyar na lugar, maliban sa mukha ng mga kalaro niya.
"Isa na naman ba ito sa aking mga ala-ala? O panaginip lang?" tanong niya sa sarili.
Unti-unti ay napagtanto niyang ang binatang hinahabol at kinakausap kanina ay ang kadalasang nakakasama niya sa panaginip.
"Sino ka nga ba'ng talaga? Bakit ang saya-saya ko sa panaginip tuwing kasama kita?" sunod-sunod niyang tanong ngunit tila walang lumalabas na boses sa kanyang bibig.
Tinitigan niya ito nang mabuti. May mga pagkakataong nagiging malinaw ang mga mata o bibig, pero hindi ang buong mukha nito. Pakiramdam niya ay pamilyar talaga ang binata sa kanya o 'di kaya'y kilala na n'ya ngunit 'di niya matukoy kung sino.
Hindi niya alam, pero habang tinititigan niya ito ay mas lalo siyang nakaramdam ng pananabik. Na para bang may kung ano'ng tumutulak sa kanyang yakapin ito o halikan ito sa labi.
Napalunok siya sa naisip. Kinabahan siya't tila nagwawala na ang puso habang tinitignan ang kabuuan ng binata. Hindi pa siya kailanman nakaramdam ng ganoon sa tanang buhay niya!
Nakita niyang tumagos ang tingin nito sa likod niya. Pinanood lamang niya ang mukha nito na ngayo'y unti-unti nang lumilinaw. Ang bahagyang pagbilog ng mga mata nito ang tila humatak sa kanya sa kasalukuyan.
Nilingon niya ang gawing tinitingnan nito. Nakita niya ang lalaking kagrupo nito na huhuli sana sa kanya. Naalarma siya at nataranta nang makitang papalapit na ito sa kanyang kinatatayuan upang hulihin siya. Pagkalingon niya sa direksyon ng binata ay wala sa sariling tumakbo siya papunta rito na para ba'ng ito lang ang makakapagligtas sa kanya.
Ngunit ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makitang tumatakbo na rin pala ito palapit sa kanya. At huli na para tumigil. Napasinghap siya sa biglaang pagdidikit ng mga katawan nila. At bago makabawi ay hapit na siya nito sa bewang. Halos nakatingkayad na siya dahil sa yapos nito nang magsalubong ang kanilang mga katawan.
Agad na sumalubong sa kanya ang gulat, nag-aalala at masuyong mga titig nito ngunit wala roon ang kanyang atensyon. Masyado kasing malapit ang mukha nila sa isa't-isa at amoy na amoy na niya ang mabangong hininga nitong pumapaypay sa mukha niya.
"Ay!" narinig lang niya, saka naramdaman ang kung ano'ng bagay na bumangga sa likod niya kaya napahalik siya sa labi ng binata.
Sa gulat sa nangyari ay parehong nanlaki ang mga mata nila at 'di na namalayang bumabagsak na pala sila sa lupa.
Sunod niyang naramdaman ay ang marahas na pagkalabog na para bang lalabas na sa kinalalagyan nito ang kung ano'ng pinakikinggan niya habang nakahiga siya. Nang maalala ang nangyari ay kaagad niyang itiungkod ang mga kamay sa matipunong dibdib nito at inangat ang tingin, ngunit halos maduling siya sa lapit ng kanilang mga mukha. Nakatitig na rin ito sa kanya!
Tila tumigil ang oras sa mga sandaling nagtama ang kanilang mga paningin. Nagwawala na rin ang kanyang puso lalo na't hindi aabot ng isang dangkal ang distansya ng kanilang mga labi. At yakap pa rin ng mga braso nito ang bewang niya!
Ilang ulit siyang napapalunok. Natutuksong ilapit muli ang labi, at maramdaman nang tuluyan ang sarap nito.
Titig na titig din ang binata sa mukha niya na para bang nabibighani ito sa kagandahan niyang taglay. Siya naman ay ganoon din. Manghang naglakbay ang mga mata niya sa guwapong mukha ng binata. Mula sa maitim at makapal na buhok nito, sa mga makakapal nitong kilay na naka-arko, sa mga mata nitong malalim, itim na itim at nakatitig sa kanya ng puno ng pagmamahal, sa matangos nitong ilong na lalong dumagdag sa kagwapuhan nito, at sa natural na mapula-pula nitong mga labi na tila nanunuksong gawaran niya ito ng halik.
Muli siyang napalunok ng laway nang mapansing nakaawang ang mga labi nito na tila ba hinihintay siyang bumigay na sa tukso.
Ramdam na niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi habang tila hindi mapakali at may sariling buhay ang puso niyang nababaliw sa nararamdaman. Kaunting-kaunti na lamang ay pagbibigyan na niya ang hiling nito.
"Conrad..." nasambit niya nang mamasdan nang malinaw ang kabuuan ng mukha ng binata bago unti-unting napapikit sa ginawad na halik nito sa kanyang mga labi.
Unti-unting idinilat ni Amorah ang mga mata nang tuluyang magising mula sa panaginip. Tumambad sa mismong tapat ng kanyang mukha ang mahimbing na natutulog na si Conrad. Napatitig siya sa guwapong mukha nito. Ramdam niya pa rin sa mga oras na iyon ang damdaming taglay niya sa panaginip: ang pagmamahal na tanging kay Conrad lamang niya naramdaman.
Napangiti siya. "Isn't it illegal to look that handsome while asleep?" sa isip niya. She sighed contently.
Masaya niyang inalala ang nangyari sa panaginip. Kinikilig pa rin siya at hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi. Isiniksik niya pa ang sarili sa dibdib ng binata at dinama ang mabilis na pagpintig ng puso nito. Tila musika iyon sa kanyang pandinig. She could even listen to it all day!
Maya-maya lang ay nanubig ang kanyang mga mata nang maalala ang kanilang sitwasyon. Nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang. Napaisip siya kung paano kaya sila nagkawalay ni Conrad noon na naging sanhi pa ng kanyang pagka-amnesia?
"If... we were so in love back then, what happened to us? How did... we end up like this?"
Tuluyang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Naninikip man ang dibdib sa naisip ay dali-dali niya iyong pinunasan. Ayaw niyang maabutan siya ni Conrad sa ganoong sitwasyon.
She calmed her down. Blinked back her tears, and silently inhaling and exhaling to ease the pain and loneliness of her heart. Like she always do, she ignored the pain for that moment and told herself to be stronger instead. She then tried to cheer herself up. Alam niyang walang ibang makakatulong sa sarili niya kundi siya lamang din.
Pilit niyang pinasigla ang sarili. "At least alam ko na ngayon kung sino ang misteryosong lalaki sa panaginip ko. Malalaman ko rin ang lahat. Masasagot din lahat ng mga katanungan ko!" sabi niya sa sarili.
She checked Conrad's white V-neck shirt kung may naiwan ba siya doong likido. Lihim siyang nagpasalamat nang makitang walang ni isang luha ang naligaw doon. Animo'y walang nangyari, like she didn't cry a while ago.
She put her right hand on top her chest as a way of praising herself for making it. Napapikit pa siya. She's always been like this, as far as she could remember. Keeping everything to herself and crying everything out only when she's alone. She sighed. Umayos siya ng higa at maingat na bumalik sa kinahihigaan kanina.
Unti-unting idinilat ni Conrad ang kanyang mga mata. Labis-labis ang saya niya nang ang magandang mukha at ngiti ni Amorah ang bumungad sa kanyang umaga. Unan pa nito ang kanyang kaliwang braso. Niyapos niya ito nang mahigpit kung kaya't napatili ito sa gulat at panlalaban.
"Hoy, ano ba?" reklamo nito sa kalagitnaan ng kanyang yakap habang nagpupumiglas.
"I have never slept this peaceful for years. Let me cuddle you a little more, please," parang batang lambing niya.
Nang maramdamang tumigil na ito sa kakalaban ay napatingin siya mukha nito at hinanap ang mapupungay nitong mga mata.

"Okay ka lang ba? Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya.
Hindi ito umimik at tanging marahang pagtango lamang ang naging sagot nito. Hinalikan niya ito sa noo. Napakasaya niya at kung maaari lang ay ayaw na niyang bumangon pa sila.
"Hindi mo lang alam kung gaano ko kadalas hilingin sa itaas na makasama kang muli... kahit sa panaginip man lang. At ngayon... ang saya ko, Amorah!" naiiyak niyang sabi.
Pinalis niya ang mga luhang kumawala gamit ang mga daliri. He's so happy that it still felt surreal, and it scares him. Takot siyang baka panaginip lamang pala niya ang lahat.
"You just don't know how happy I am, babe. I can't thank God enough for bringing you here with me again. I miss you so much! Na-miss ko rin lahat ng mga bondings natin. Noong lumalabas tayo, nag-o-overnight sa resorts tapos magkatabi matulog... Kahit hindi tayo nagse-s*x noon, kontento na ako basta't kasama lang kita at kayakap. Of course, I would be lying if I say I was never tempted to make love to you, pero bata ka pa kasi noon. Your dreams and desires matter to me the most!" aniya saka muling hinalikan ang tuktok ng ulo ng dalaga.
He looked at her in the eyes and gently caressed her cheeks. Napakagat siya sa ibabang labi nang makitang nangingiti ito.

"I've been dreaming for this day to come. I love you so much, Amorah."
Muli niyang niyapos nang mahigpit si Amorah. Hinalikan pa niya ang magkabilang pisngi nito na siyang ikinagulat nito.
"Teka nga, nakakarami ka na, ah. Maghunos-dili ka nga. Hindi pa kita sinasagot!" asik nito sa kanya.
Natawa siya, "Pasensya na, na-miss kasi kita ng sobra. I love you so much, babe. At maghihintay ako hanggang sa matanggap mo ako nang buo. Hindi ako titigil sa kakaaligid sa'yo, kahit ipagtabuyan mo pa ako, hindi pa rin kita susukuan!" saad niya habang nakatitig sa mga mata nito.
Hindi niya mailarawan ang saya na nadarama lalo na nang makita ang pagningning ng mga mata nito.
May pag-asa pa! Sabi niya sa isip.
Unti-unting bumaba ang kanyang mga tingin sa mapula-pulang mga labi ni Amorah.
"O, ano na naman?" pagtataka nito nang mapansin ang titig at paggalaw ng buto niya sa lalamunan.
Ilang ulit siyang napapalunok, natutuksong halikan ang mga labi nito. Nang hindi na makatiis ay inilapit niya ang mukha upang sana ay halikan ito ngunit agad nitong tinakpan ng palad ang bibig niya bilang pagpigil sa kanya.
"Kung anuman iyang binabalak mo, wag mo nang ituloy kung gusto mo pa akong makita rito," banta nito sa kanya.
Natatawa niyang tinanggal ang kamay ng dalaga mula sa kanyang bibig at hinalikan ang likod niyon, "Amorah... please marr-"
Hindi na niya nadugtungan pa ang sasabihin nang biglang may tumunog na musika. Sabay pa silang napalingon sa pinagmulan no'n.
Narinig niya ang pagsinghap ni Amorah. Nagtataka niya itong tiningnan at nasaksihan ang pagbilog ng mga mata nito na para bang may kung ano'ng ikinagulat .
"What time is it?" tarantang tanong nito sa kanya habang niyuyugyog ang isa niyang braso.
"H-Huh? Wait..." aniya saka kalmadong inabot mula sa maliit na mesang nasa gilid ng kama ang cellphone niya.
Namilog ang mga mata niya nang makita ang oras. Napabalikwas siya ng upo kaya tarantang napabangon si Amorah at patakbong tinungo ang cellphone sa labas ng kwarto.
"9:30AM?! I'm going to be late for my class! Paano na iyan? Paano ako papasok kung ganito pa rin ang ayos ko?" naiiyak nitong sabi sa kanya nang makabalik sa loob ng kwarto. Napahilamos ito ng mga palad sa mukha.
Nag-aalala niyang hinila ang kamay ni Amorah palapit sa kanya, nagpatianod naman ito. Pinaupo sa kanyang kandungan.
"Babe, pwede ka namang maligo at magpalit doon sa banyo. Actually, nagpabili na ako ng mga gamit natin kaninang madaling araw sakaling matagal tayong magising. 'Yung mga red shopping bags ang sayo at black ang sa akin."
Nag-angat ito ang tingin sa kanya. Her face lit up. "Talaga?" her hopeful response.
Tumango siya, nangingiti sa reaksyon nito.
"Hay, salamat!" napayakap ito sa kanya sa tuwa. Sa gulat ay hindi na niya ito nasuklian. "Saan na?"
Sa saya ay nanginginig ang kamay niyang tinuro ang isa pang mesa sa labas ng kwarto na nasa sulok. May mga shopping bags nga doon na nasa sampu.
Agad na tinungo ni Amorah ang pakay at patakbong bumalik sa kwarto dala ang mga red shopping bags. Sinusundan niya lang ito ng tingin. Bahagya na itong lumampas sa kanya nang bigla itong huminto at bumalik sa tapat niya. Tila nagtataka dahil sa pagkunot ng noo nito.
"Teka, paano mo pala nalaman ang size ko?"
Napangisi siya nang malapad sa naisip. Itinaas niya ang dalawang kamay saka sumenyas gamit ang mga ito na para bang may hinahawakan na dalawang malalaking umbok sa hangin.
"Ito kasi 'yong malaki ang ipinagbago these years e, kaya tandang-tanda ko talaga."
Nakita niya ang unti-unting pamumula ng mukha ng dalaga. Nanlaki pa ang mga mata nito, tila naeeskandalo. Maagap nitong tinakpan ang pinagpalang mga umbok sa dibdib gamit ang mga kamay na may hawak pang shopping bags. Binaba niya ang mga kamay saka nagkunwaring kinakamot ang batok, animo'y nag-iisip.

"The rest... syempre, alam na alam ko na ang size. Tandang-tanda ko pa nga kung gaano kaputi at kakinis- aray!" impit niya nang hampasin siya nito gamit ang mga shopping bag.
"Ang bastos mo talaga!" pulang-pula na ang mukha nito sa hiya at inis ngunit wala siyang planong tigilan ito.
She's too cute!
Napatawa siya nang malakas. "Sinasagot ko lang naman ang tanong mo, 'di ba? Grabe, babe, 'yong ano..."
Muli siyang hinampas nito ngunit nahawakan niya ang mga shopping bags sa pagkakataong iyon.
"Hindi ka ba talaga titigil, ha?" asik nito.
Ibig bawiin ni Amorah ang shopping bag ngunit mahigpit niya iyong nahawakan. Tumayo siya at unti-unting tinawid ang kanilang pagitan. Tinitigan niya itong mabuti, na sinalubong naman ni Amorah ng matalim na titig. Napaatras ito nang hindi bumibitiw sa titigan nila hanggang sa napasandal na sa dingding ng kwarto ang likod nito. Inilapit niya nang mabuti ang katawan. Tanging mga kamay nitong nasa kanyang dibdib lamang ang nasa pagitan nila.
"T-tandaan mo, p-pag may ginawa ka sa akin dito, hindi na talaga ako pupunta rito kahit pa ibagsak mo 'ko!" banta nito, ngunit bakas sa mukha ang panlalaban sa epekto niya rito.
Inilapit niya ang mga labi sa tenga ng dalaga na parang hindi ito narinig. "Gusto mo ba'ng ako na ang magligo sa iyo, babe? Mahusay akong mag-massage sa kahit saang parte na gustuhin mo. What do you think?" he sensually said, teasing her to give in to the desire written all over her face.
Napasinghap ito bago niya nailayo ang sarili. "Manyak!" bulyaw ni Amorah sa kanya.
Marahas nitong tinulak ang kanyang dibdib. At nang magkaroon ng pagkakataon ay agad itong tumakbo papuntang banyo.
"Pero gusto mo?" panunukso pa niya.
"Baliw!" sigaw nito mula sa loob ng banyo.
"Sa'yo!"
Tuwang-tuwa siya sa nangyari. Kinuha niya ang cellphone niyang nasa ibabaw ng kobrekama. Nanlaki ang kanyang mga mata sa mensaheng natanggap mula sa sekretarya.
"Sh*t, ang meeting!"
Dali-dali niyang kinuha ang laptop saka in-on iyon. Sinuklay-suklay niya ang buhok gamit ang mga daliri saka sinuot ang kanyang white corporate long sleeve shirt minus the necktie.

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    PH#FRACEL

    love it can't wait for more

    26d

      0
  • avatar
    Jing Castro

    Very nice story

    13/08

      0
  • avatar
    Kiel Belina Gallajones

    thankyou

    24/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata