logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 2

MABILIS na lumipas ang taon at ngayon ay nasa ikalawang taon na si Anna sa kanyang pinapasukang unibersidad. Kasalukuyang malakas ang ulan nang araw na 'yon at nakahanda na siya sa kanyang pagpasok.

"Sigurado ka ba talaga na hindi ka muna papasok?"
tanong niya kay Carina na kasalukuyang nakahiga, dahil sa masama ang pakiramdam nito. Marahil, dala nang pagkabasa nito sa ulan kahapon matapos maabutan habang nasa labas pa.
"H-Hindi na muna! Ipapahinga ko na lang muna ito,"
matamlay nitong sagot habang nakatalukbong ng kumot.
"Sige na, kumain ka at uminom ng gamot para bumuti
'yang pakiramdam mo. Iwan na muna kita rito, may report pa kasi ako ngayong araw kaya hindi muna kita masasamahan dito."
"Go ahead! Kaya ko naman ang sarili ko!"
"Okay, bye!"
Dinampot niya ang kanyang gamit at lumabas. Sinipat
niya ang kanyang relo at napansin na ilang minuto na lang at maari siyang ma-late. Walking distance lang naman ang kanyang pinapasukan. Ngunit sadyang malakas ang ulan kaya hindi rin siya maaring magmadali dahil baka madulas s'ya.
Pagpasok niya sa gate, ay sa kanyang room agad siya
dumiretso. Hindi pa naman siya late dahil wala pa sa silid nila ang kanilang professor. Mabilis na tiniklop at sinabit ang kanyang dalang payong at nagmamadaling pumasok sa pinto. Dahil basa at madulas ang semento ay hindi sinasadyang nadulas ang kanyang paa.
"Ouch!" nabiglang sigaw niya at umangat sa ere ang
kanyang kamay kasabay ang unti-unting pagbagsak ng katawan niya sa sahig. Nahulog ang kanyang hawak na plastik envelope na naglalaman ng kanyang props para sa gagawin niyang report.
Napanganga naman ang iba na hindi rin sinasadyang
nakita ang nangyari. Wala rin makaagap na tulungan siya dahil malayo ang mga ito sa pintuan.
Napapikit siya habang naka-kagat sa kanyang ibabang
labi. Alam niya na babagsak ang kanyang katawan sa sahig at siguradong malaking kahihiyan iyon para sa kanya. Subalit, sa halip na ang matigas na sahig ang sumalo sa kanya ay naramdaman niya ang biglang pagpulupot nang mga braso ng kung sino sa kanyang bewang, dahilan para hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig. Nahampas pa ng kanyang siko ang malapad na dibdib nito nang mapasubsob siya sa harapan ng katawan nito. Nalanghap niya ang swabeng amoy nang gamit nitong pabango at alam niyang lalaki ang sumalo sa kanya.
"Be careful, Miss! Alam mo madulas ang sahig, hindi
ka dapat nagmamadali!" buong-buo ang tinig nito na nakapagpamulat sa kanyang mga mata sa pagkabigla.
Naka-kunot ang noo nito at walang kangiti-ngiti na
nakatitig sa kanyang mukha. Napalunok siya na nasilayan ang mukha nito. Kahit na mukhang suplado ito ay kay gandang titigan ng mata nitong medyo brown ang kulay. Malinis ang gupit nito at ang mukha. May buhay na nunal din ito sa may gawing itaas ng sintido nito na nakapukaw ng pansin sa kanya.
Natigil ang kanyang pagmamasid dito nang mapansin
na bahagyang kumibot ang mga labi nito.
"Siguro naman wala ka rin balak na magpabuhat pa
hanggang sa loob, Miss?" medyo iritableng sabi nito. Saka pa lamang niya na-realize na salo pa nga pala siya nito. Nahihiya na kaagad niyang binawi ang sarili rito at umayos nang tayo.
"I'm sorry!" hinging paumanhin niya sa lalaki at dali-
daling pinulot ang nalaglag na plastic envelope.
"Next time kasi mag-iingat ka para hindi ka madulas!
Alam mong malakas ang ulan at maaring basa ang tinatapakan mo," tila sermon pa nito sa kanya.
"Tatandaan ko, salamat nga pala sa tulong mo! Kung
hindi dahil sa 'yo baka lumagapak na ako sa maruming sahig." Bahagya pa niya itong tinanguan.
"Welcome, Miss!" mabilis na sagot ng kasama nito.

"Oy, Greg! Wala ka man lang bang sasabihin?" pansin
dito ng isa sa mga kasama nito.

Wala naman naging sagot mula rito na kaagad rin na
tumalikod sa kanya at naglakad palayo. Hindi man lang ito nag-abala na ngitian siya. Nasundan na lamang niya ng tingin ang likuran nito habang papalayo kasama ang mga kaibigan nito. Hindi niya nakilala ang pangalan ng lalaki. Pero alam niya base sa suot nito na nag-aaral din ito sa eskwelahang 'yon. Napa-iling na lang s'ya at muling ipinagpatuloy ang kanyang pagpasok. Sa kanyang isip ay muli siyang nagpasalamat sa ginawa nitong pagsalo sa kanya. Kung 'di, baka naging isang malaking katatawanan pa siya sakaling bumagsak siya sa maruming sahig kanina.
DUMAAN ang ilang araw matapos ang nangyari, ay palaging sinusubukan ni Anna na makita muli ang lalaki. Umaasa siya na makikilala ito para muling mapasalamatan sa naging kabutihan nito sa kanya. Magkasabay na naglalakad patungo sa kanilang silid sina Anna at Carina isang umaga nang makasalubong nila ang grupo ng lalaking tumulong sa kanya.
"Hi, Miss!" bati sabay kaway ng isa sa mga ito kina
Anna. Habang ang lalaking tumulong sa kanya na tinawag noon na Greg ay nanatiling seryoso na nakatitig lang sa kanya.
"H-Hi!" ganting bati ni Anna na direktang nakatingin
sa lalaki, habang nagtataka naman ang kasama niyang si Carina.
"Ah, by the-"
"Rico, alalahanin mong late na tayo sa klase natin!?"
Kunot-noo at walang kangiti-ngiting tawag dito ni Greg.
"Uhh, oo nga pala!" at bumaling sa kanila, "Sige, next
time na lang, ha?" At mabilis na sumunod sa mga kasama nito na nagpatuloy sa paglalakad.
"Suplado naman!" inis na bulong ni Anna at hindi rin
sinasadya na narinig ni Carina.
"Sinong suplado?" Taas-kilay tanong nito. Naka-krus
ang mga braso sa harapan ng dibdib nito. "Kilala mo na ba sila?" tukoy nito sa grupo nina Greg.
"Umn… hindi, pero 'yung isa ang tumulong sa akin
nung madulas ako at muntik nang matumba sa sahig."
"Teka! Kailan nangyari 'yon? Sa pag ka-katanda ko,
wala kang nai-kwento sa akin na tungkol doon?" Mas lalong kumunot ang noo nito at tiningnan siya na nagdududa.
"Pasensya na, nawala rin kasi sa isip ko."
"Nawala ba talaga o sadyang ayaw mo lang i-kwento
sa akin?" tila nagtatampo na sagot nito.

"Hindi, ah! Talagang nalimutan ko lang talaga, isa pa,
hindi ba may sakit ka noon?"
"Kalimutan mo na 'yon! Nagulat lang ako na kilala
mo na sila na hindi ko nalalaman. By the way, kilala mo ba ang grupo na 'yon?"
"Hindi talaga! Nagmagandang-loob lang 'yung isa sa
kanila na tulungan ako noon. Hanggang doon lang! Hindi ko nga nalaman ang pangalan niya, paano ba naman ang suplado! Basta narinig ko lang na tinawag siya nung isa na Greg!"
"Dapat talaga gumawa ka na ng social media account
mo para lahat na makikita mo rito, kilala mo! Marami kasi rito ang pumapasok na halos kilala sa soc med, pero hindi mo naman kilala kasi hindi ka pamilyar."
"Ha!? Ganun ba talaga ka-kilala ang school na 'to?"
nagulat na tanong niya.

"Parang ganun na nga!"
"Ibig mo rin bang sabihin ay kilala mo ang grupo na
'yon?" tukoy niya sa grupo nina Greg.
"Oo naman! Kaya nagulat ako na makita na kausap
mo na pala sila kanina! Hindi naman sila ganun kadaling lapitan o i-approach, lalo na kung hindi ka naman mayaman!" Kibit-balikat na tugon nito.
"Mayaman ka rin naman, ah!?" baling niya rito.
Natawa ito, "Hindi naman ako ang mayaman, eh! Ang
mga magulang ko lang! Syempre, kailangan ko rin magsikap para maka-ipon din ako, in the future!"

"Kahit na! Pamilya mo rin sila! Kung ano ang kanila,
iyo rin!" giit niya.
"Mahirap umasa, dahil hindi naman kami mayamang-
mayaman. Sabihin mo na lang na nakaka-angat nang kaunti, but need pa rin kumayod. Hindi kagaya ng mayaman talaga na kahit hindi magtrabaho mabubuhay!"
"Pero gaano mo ba kakilala ang grupo na 'yon?" balik
tanong ni Anna.
"Hindi mo alam, na lahat sila mga anak ng kilalang
pamilya. Pero may isa sa kanilang grupo na mula sa mahirap din, hindi ko lang sigurado kung sino sa kanila. Si Greg Delgado, nag-iisang anak at tagapagmana 'yan. Balita ko kumukuha s'ya rito ng masteral degree at matatapos na rin yata. Senior s'ya rito!" bumulong ito sa kanya, "May bali-balita rin na matapobre yata ang nanay n'ya!? Kabaliktaran naman sa ugali ng mabait niyang ama! Pero in fairness, wala pa akong nababalitang girlfriend n'ya, kasi nga sobrang higpit daw ng mother niya pagdating sa mga girl na hayagang nagpapakita ng interes sa anak niya. Parang ang gusto yata ni mother, eh 'yung galing din sa mataas at mayamang pamilya gaya nila!"
Ewan, pero nakaramdam s'ya bigla ng disappointment
sa huling sinabi ni Carina. Bigla ay may panghihinayang siyang nakapa sa kanyang puso. Pero bakit? Hindi rin siya sigurado sa sariling nararamdaman. Sa huli ay ipinagbuntonghininga na lamang niya.
Natigil ang kanilang kwentuhan nang makarating sila
sa kanilang silid at hindi nagtagal ay dumating ang kanilang professor.
SA loob ng canteen, habang magkaharap ang magkaibigan na nag mi-merienda, biglang nilapitan sila ng lalaking bumati kanina sa kanila.
"Hi! Pwede ba kami maki-share sa table n'yo?"
"Sure!" sagot ni Carina.
"Thanks!" At nilingon ang kanyang mga kasama saka
sinenyasan. Kaagad naman lumapit ang mga ito kasunod at pinakahuli si Greg.
Nag kanya-kanya ng upo ang mga ito at sadya yatang
inilaan ang isang upuan na nasa tapat ni Anna para kay Greg.
"Dito ka na, Greg!"
Napansin nila na seryoso lang itong umupo na hindi
umiimik. Mabilis na tumayo ang dalawang kasama nito at lumapit sa counter. Ang mga ito ang pumili ng pagkain at muli rin bumalik.
"'Nga pala, ako si Rico, Danny, Val, Glen, at syempre
ang pinaka astig sa amin lahat, si Greg!" pakilala nito sa lahat habang itinuturo ang mga ito isa-isa.
"Nice to meet you, guys!" Isa-isang naki-kamay ito sa
kanila.
Walang imik at nakatitig lang si Greg sa kanya. Bigla
tuloy na-conscious si Anna sa kanyang itsura. Nakaramdam siya nang pamumula ng pisngi sa klase ng tingin nito sa kanya. Bigla ay naramdaman niya ang pagbilis at paglakas ng kabog ng kanyang dibdib. Bahagya siyang napayuko upang itago ang kanyang pag-ba-blush.
"Greg Delgado!" anito at inabot ang palad kay Anna.
Muling nag-angat nang tingin si Anna rito, seryoso pa
ito habang nagsasalita. Atubiling tinanggap niya ang nakalahad na palad nito. Ayaw naman niya na mapahiya sa mga kaharap.
"Anna Dimagiba!"
"My pleasure to meet you, Anna!" naramdaman niya
ang bahagyang pagpisil nito sa kanyang palad na sanhi para mas lalong mag-init ang kanyang pisngi.
"Same to you!" Agad na hinila ang kanyang kamay.
Mabuti na lamang at dumating ang kanilang pagkain.
Habang kumakain sila, abala naman ang buong grupo
sa pagku-kwentuhan. Maging si Carina ay nakikisali sa usapan nang mga ito. Nanatiling tahimik naman si Anna, ganun din si Greg.
"Aba! Ngayon ko lang nalaman na may pagka-pipi ka
pala, bro?" biro ni Val kay Greg at bahagyang tinapik ang balikat nito.
Sinamaan ng tingin ni Greg, mas lalo pa itong inasar
ng mga kasama.
"Ngayon ka lang yata namin nakitang tahimik habang
kaharap si Ms. Anna? Nasaan na ang kilala naming Greg? Don't tell us-"
"Shut your mouth or-" matigas, malamig na sabi nito.
"Okay, okay! Timeout na! Ito naman hindi na mabiro"
naghalakhakan ang mga ito na tila sayang-saya na ina-alaska ang kaibigan.
Matapos kumain bigla na lang nagpulasan paalis ang
mga kasama ni Greg, ganun din si Carina.
"Ha!? Wait! Hintayin mo naman ako!" aniya at akma
na tatayo na rin.
"Mauna na rin ako, iwan ko na muna kayo rito! May
biglang tumawag lang at naghihintay sa akin sa labas ng gate. Sige, ha? Kita na lang tayo mamaya sa room!" At mabilis na tinalikuran sila. Naiwan silang dalawa lang ni Greg na magkaharap. Hindi tuloy niya maintindihan ang sarili sa nararamdaman, lalo pa at alam niyang titig na titig sa kanya ang binatang kaharap.
"Ayaw mo ba akong kaharap?" biglang tanong nito sa
kanya.
"H-Ha? Ah, H-Hindi naman! Kaya lang baka ma-late
na rin ako sa susunod na subject ko!" kanda-utal na sagot niya. Parang gustong lumuwa ng puso niya sa lakas at bilis ng kabog nito. Nati-tense siyang kaharap ang binata.
Bahagya lang itong natawa at mabilis na sumulyap sa
suot nitong wristwatch, "Don't worry, you still have ten minutes," muli siyang tiningnan, "You look nervous! Hindi naman ako nangangagat, ah?"
Tumaas ang kilay niya at lakas-loob na nagsalita rito,
"Bakit may sinabi ba akong nangangagat ka? Nakakatakot ka lang naman kasing tumitig, eh! Huwag mo kasi akong titigan nang ganyan, nakaka-tense kaya!" hindi napigilang bulalas niya na biglang ikinahalakhak nito. Nawala ang kanina ay masyadong pamisteryoso nitong awra. Aaminin niya ay nagustuhan niya ngayon ang ugaling ipinakita nito, iyong parang hindi ito nakakatakot na kaharap.
Habang si Greg naman ay tila aliw na aliw pa na naka
titig sa kanya habang natatawa.

"Nakakainis ka!" biglang sabi niya at tinampal ito sa
palad nitong nakapatong sa mesa at natatawa pa rin sa kanya. "May nakakatawa ba r'on? Eh, sa masyado ka kasing pamisteryoso?" Taas-kilay na sabi niya. Bahagyang nabawasan ang nararamdaman niyang pangingilag rito. Mukhang masaya rin itong kasama, hindi pa nga lamang niya ito kilala nang lubos.
"I'm sorry, I didn't mean to do that!!! So, nakakatakot
pala ako kung ganun?" At muli itong natawa. Mayamaya ay biglang sumeryoso, "Again, I'm sorry! hindi ko naman gustong takutin ka! At umaasa ako na magiging good friends na tayo mula ngayon?" Bahagya pa siyang nagulat nang bigla itong kumindat sa kanya. Bigla na naman siyang nakaramdam ng pamumula. "What can you say?"
"S-Sure! F-Friends!" kandautal niyang tugon.

"Thanks!" Hinawakan nito ang ibabaw ng palad niya.
na nakapatong sa mesa. Nagulat siya sa ginawa nito kaya kaagad niya iyong binawi at mabilis na tumayo.
"Mauna na ako! May klase pa ako baka mahuli ako!"
"Hatid na kita!" Tumayo ito at mabilis na sumunod.

Komento sa Aklat (33)

  • avatar
    Renalyn Castillon Vicente

    thanks

    09/01

      0
  • avatar
    Belle Singson

    ganda

    20/12

      0
  • avatar
    Pil-eyVangie

    100

    03/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata