logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 1

ANNA
MAAGA pa lamang ay nakaayos na ang lahat ng gamit na dadalhin niya paluwas sa Maynila. Doon niya napili na mag-aral ngayong nasa kolehiyo na s'ya. Maswerteng nakapasa siya sa entrance examination, bukod pa sa honor students s'ya sa pinanggalingang eskwelahan simula pa man sa elementarya. Hindi rin s'ya nahirapan na mag-apply ng scholarship. Malaking tulong iyon sa kanya lalo na sa pamilya niya na walang malaking kita at tanging ang maliit na grocery ng ina n'ya ang tanging mayroon sila. Construction worker naman ang kanyang ama. Pangatlo s'ya sa kanilang apat na magkakapatid at kapwa nakatapos na ang dalawang nauna sa kanya. Kahit na nangako ang mga ito sa kanya na tutulungan s'ya ay ayaw pa rin niyang umasa. Kaya um-apply s'ya ng scholarship at maswerteng nakapasa naman bilang full scholar ng unibersidad na papasukan. Kumuha siya ng kursong komersyo dahil sa tingin niya mas madaling ipasok iyon nang trabaho kung sakali na makatapos siya.
"Oh, kumpleto na ba ang lahat ng mga dadalhin mo?
Wala ka bang nalimutan?" tanong ng kanyang ina na napasukan siyang tsinetsek ang mga dadalhing gamit.

"Okay na po lahat ito," aniya, isinara na ang malaking
bag na kinalalagyan ng kanyang mga gamit.
"Wala kang ibang maaasahan at makakasama roon,
kaya ingatan mo ang sarili mo. Walang ibang titingin sa 'yo maliban sa sarili mo, kaya sana iwasan mo ang mga maling tao para hindi ka mapahamak," bilin ng kanyang ina.

"Opo naman, Nay. Umasa po kayo, tatandaan ko lahat
ang mga payo n'yo. Nasaan na nga ho pala si Itay?"

"Naghahanda na para pumasok. Ang Kuya mo na lang
ang maghahatid sa 'yo sa istasyon ng bus," anang ina at muling tumalikod upang lumabas ng silid. Sinundan niya ito at nakita niya nang lumabas sa kwarto ang ama at nakahanda na rin upang pumasok sa trabaho nito. Lumapit s'ya rito upang magpaalam.
"Tay, hindi n'yo 'ho ba talaga ako ihahatid?" aniya na
tila naglalambing sa ama. Matapos noon ay yumakap s'ya sa ama.

"Hindi na! Si Dan na lang ang maghahatid sa'yo doon.
Mag-iingat ka palagi roon, ha? Walang magbabantay sa 'yo palagi, kaya pipiliin mo ang mga makakasama mo. Malayo rin ang Maynila at hindi kami agad-agad na nasa tabi kung kailangan mo, kaya ingat at huwag mong kalilimutan ang mga bilin namin sa 'yo."

"Opo naman, Tay, tatandaan ko po. Kayo rin po palagi
mag-iingat sa trabaho n'yo," aniya at kumalas nang yakap dito. Hustong pagpasok naman ng kuya n'ya.

"Nakausap mo na ba si Tiyang?"
"Opo, Kuya! At nangako na s'ya na maghihintay siya
sa terminal ng bus. Nakapag paalam naman na raw s'ya sa kanyang amo. Basta ipapaalam ko lang kapag malapit na ako sa Maynila. Isa pa, nakakita na rin s'ya nang matutuluyan na mura ang upa."
Ang tiyahin niya'y kapatid ng kanyang ama at naroon
na namamasukan ito bilang kasambahay sa Maynila. Pinaki-usapan ito ng kanyang ama na tulungan siya na makahanap nang pansamantalang matutuluyan habang nag-aaral.

"O, s'ya, ilabas mo nang ibang dala mo pang gamit at
nariyan na sa labas si Mang Domeng, siya na ang maghahatid sa atin sa bayan. Sigurado ka ba na nariyan na lahat nang kailangan mo? Baka may malimutan ka pa!"

"Wala na Kuya, okay na lahat!"

"Kung ganun, tara na at baka maiwan ka pa nang
sasakyan mo!" Lumabas na ito nang bahay.
"Bye, 'Nay, Ate!" baling niya sa mga ito at yumakap
saka sumunod sa kuya niyang lumabas na.
"Ingat!"
"Good luck!"
KASALUKUYAN nang naghahanda sa pag alis ang bus nang maabutan nila. Kaunting pasahero na lamang ang hinihintay nito. Kaagad na inayos ng kanyang kuya ang kanyang dalang mga gamit malapit din sa kanyang upuan.
"O paano, iwan na muna kita rito, mag-iingat ka sana
palagi doon, ha?"
"Salamat, Kuya!" Niyakap n'ya ito bago ito tuluyang
bumaba sa bus. Hindi naman nagtagal at umalis na ang bus, natanaw niya ang kanyang kuya na saka pa lamang umuwi nang makitang umalis na ang kanyang sinasakyan. Kumaway ito sa kanya na agad rin niyang ginantihan nang kaway.
Dahil sa dinami-dami ng kanyang isipin ay hindi niya
nagawang makatulog habang nasa byahe. Ngayon pa lang ang unang pagkakataon na makakarating siya sa Maynila kaya labis-labis ang kanyang nararamdamang kaba.
Nang malapit na sa kalunsuran, kaagad naman niyang
tinawagan ang kanyang tiyahin at nagpasabi naman ito na hihintayin siya. Hindi naman s'ya nabigo dahil pagdating ng bus sa istasyon nito ay kaagad itong sumalubong sa kanya.

"Hello, Anna! Dalagang-dalaga ka na, ah!"
"Hello po, Tita!" Nakangiting sabi niya at nagmano.
"Kumusta naman ang byahe mo?"
"Medyo nakakapagod po sa layo pero okay naman!"
"Halika at kumain muna tayo baka nagugutom ka na!"
"Opo nga! Kanina ko pa pinipigilan ang kumain kasi
baka masuka ako sa byahe." Natatawa niyang sagot at bahagya pang hinimas ang kanyang tiyan.
Tinulungan s'ya nito na dalhin ang isang backpack
niya. Naglakad lamang sila ng ilang metro at pumasok sa isang restaurant.
"Dito po ba tayo kakain? Kahit sa turo-turo lang po
okay naman sa akin. Isa pa, baka mahal po ang mga pagkain dito!?"
"Ano ka ba? Ayos lang 'yon! At saka treat ko naman!
Paminsan-minsan lang 'to! Halika na at maupo tayo para makakain ka na rin!" Humanap ito ng bakanteng pwesto. Nakita nito ang malapit sa may tabi ng kalsada at doon naupo. Malaya niyang nakikita ang mga abalang tao at sasakyan sa labas. Kaagad itong tumawag ng waiter at um-order.

"Salamat nga po pala!" sabi niya pagkaupo nila.
"Para saan?" Kunot-noo na sagot ng tiyahin.
"Dito po sa tulong n'yo! Mabuti na lang at nariyan po
kayo, alam n'yo naman na first time ko pa lang dito!"
"Sus, wala 'yon! Para ano at naging tiya mo ako kung
hindi kita kayang tulungan?" sabi nito at hustong dumating ang order nila. "Sige na, kumain ka na muna at nang maihatid kita sa tutuluyan mong bahay!"
Nakangiting tumango na lamang s'ya at nagsimulang
harapin ang kanyang pagkain.
MATAPOS nilang kumain kaagad din silang sumakay ng bus. May ilang minuto rin sila sa gitna ng kalsada bago huminto sa isang malaki at malawak na building na napapaligiran ng matataas na pader ang palibot.
Namamangha na naigala niya ang tingin dito at nakita
ang nakaukit na malaking pangalan ng gusali sa mismong harapan nito. Ito ang paaralan na kanyang papasukan.
"Dito na po ba 'yon, Tiya!?"
"Oo! Iyan ang school na papasukan mo, iyong bahay
naman ay hindi rin kalayuan dito. Women's dormitory ang tawag doon. At dahil estudyante ka naman kaya hindi naman magiging mahal ang bayad mo."
"Hmnn… ang ganda po siguro sa loob n'yan, noh!?"
Hindi maalis-alis ang tingin niya sa gusali. Kinakabahan siyang hindi niya mawari kung pangamba o excited.
"Oo naman! Marami ang mayayaman na pumapasok
dito kasi pribado ang paaralan na 'yan! Kaya maswerte ka na isa ka sa makakapasok riyan! Kaya paghusayan mo, ha?"
"Opo naman, pangako!"
Dumiretso sila sa dorm na tutuluyan ni Anna. Isa rin
itong malaking building na halos puro mga babae ang lumalabas at pumapasok sa loob. Tinungo nila ang isang counter. Abala ang kanyang mga mata sa pagtingin sa paligid, habang ang kanyang tiya ay abala naman sa pakikipag-usap sa dalawang babae na naroon. Mayamaya ay nakita niya na inabot ng isa ang susi sa tiyahin niya. Matapos noon ay sandali siyang tinawag at pinapirma. Matapos sabihin ang kanyang room no. ay kaagad silang umakyat sa ikalawang palapag.
Bago umalis ang tiyahin tinulungan siya nito na mag-
ayos sa loob ng silid. Isang double deck na kama, isang maliit na mesa at isang plastik na upuan. May maliit na lababo at banyo.
"Oh, pa'no, maiwan muna kita rito, ha? Ihahatid lang
kita ang paalam ko sa mga amo ko, eh!"
"Sige po, T'yang! Kaya ko na po ito!"
"O s'ya at lalabas na ako. Wala ka naman ikakatakot
dito, dahil may guard naman. Isa pa, tawagan mo lang ako kapag may problema."
"Sige po, salamat ulit!" Hinatid niya ito sa may pinto
ng kanyang silid at kumaway pa habang papalayo ito.
KINABUKASAN matapos na maayos ang kanyang mga gamit ay bumaba siya upang lumabas muna. Ilang araw pa bago magsimula ang klase kaya may panahon pa s'ya para libutin at pagmasdan ang kanyang paligid.
Habang abala s'ya sa pagmamasid nang matuon ang
pansin niya sa isang babae na pasulyap-sulyap sa hawak nitong kapirasong papel at panay ang lingon na tila may hinahanap. Sa tingin niya ay halos ka-edad lamang n'ya ito. Nilapitan niya at binati nang nakangiti.
"Hi! May maitutulong ba ako?"
Nahihiya na ngumiti sa kanya ang babae, "Oo, eh!
Hinahanap ko kasi itong nakasulat na pangalan ng building."
Lumapit siya at tiningnan ang maliit na papel, "Ah,
doon ito sa dorm! Naghahanap ka ba nang matutuluyan?"
"Oo, eh!"
"Mag-isa ka lang ba?" aniya sabay lingon sa paligid
upang tingnan kung may kasama ito.
"Ahh! Ako lang naman," sagot nito at ngumiti pa saka
naglahad ng palad sa kanya, "Ako nga pala si Carina Santiago," pakilala nito sa sarili.
"Anna Dimagiba!" Tinanggap n'ya ang palad nito.
"Nice to meet you, Anna!"
"Nice to meet you, too!"
Isinama niya ito sa dorm n'ya at bago ito lumapit sa
counter ay kinausap muna niya.
"Kung kukuha ka rin ng space mo na tutuluyan mo rin
pansamantala, siguro pwede ka na sa room ko, since pandalawang tao naman doon. Mayroon din double deck! Kung gusto mo lang naman!"
"Ah, talaga!? Sige, gusto ko 'yan!" masayang sagot at
kaagad na lumapit sa counter. Magkasabay nilang tinungo ang kanilang silid.
"Bakit ka nga pala pumayag agad na iisang kwarto na
tayo? Kung tutuusin, pwede ka naman tumanggi at pumili ng silid na gusto mo!?" tanong niya habang naglalakad sila patungo sa kanilang silid.
"Kasi tingin ko, magkakasundo tayong dalawa. Isa pa,
hindi ko kilala kung sino ang makakasama ko sa silid. Buti ikaw, kahit paano nakausap at nakita ko na! Boring din kaya kapag hindi mo kasundo ang magiging room mate mo!"
Natatawa siya habang tumatango, "Sa bagay nga, may
point ka d'yan!"
Marami pa silang napag-kwentuhan, nalaman nila na
pareho silang estudyante sa papasukang school at sa magkapareho pang kurso. Iyon nga lang, mukhang may kaya itong magbayad ng tuition dahil hindi ito katulad niya na iskolar. Mas matanda rin siya ng dalawang taon dito, dahil huminto siya noon para makapag-aral muna ang kanyang naunang kapatid. Habang nag-uusap ay dama nila na magaan ang loob nila sa isa't isa. Nagsimulang magkaroon ng magandang samahan sa pagitan nila bilang magkaibigan.
"Kung hindi naman pala malayo ang bahay n'yo, bakit
mas gusto mo pang mag-dorm?" curious niyang tanong dito.
"Hmnn… I want to learn how to be independent! 'Yun
lang ka-simple!"
Napatango na lamang siya bilang pagsang-ayon dito.
Nang dumating ang pasukan ay sila na rin halos ang
magkasabay na pumapasok at lumalabas. Para na silang tunay na magkapatid sa kanilang samahan. Hindi naramdaman ni Anna ang pag-iisa at lungkot, hanggang sa unti-unti siyang nasanay sa buhay na mag-isa sa syudad. Paminsan-minsan ay dinadalaw siya roon ng kanyang tiyahin upang kumustahin, lalo na kung dayoff nito. Palagi rin itong may mga dalang pagkain o gulay sa tuwing dumadalaw sa kanya. Kung minsan naman ay nagsasadya ang kanyang kuya sa kanya at nagdadala ng mga ani nilang gulay at prutas, kaya kahit papaano ay nakakatipid siya sa pagbili ng mga pagkain.

Komento sa Aklat (33)

  • avatar
    Renalyn Castillon Vicente

    thanks

    09/01

      0
  • avatar
    Belle Singson

    ganda

    20/12

      0
  • avatar
    Pil-eyVangie

    100

    03/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata