logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1

Matamlay kong pinapasok isa-isa ang mga libro sa hindi kalumaang bag, napailing na lang ako nang masulyapan ang mga notebook ko na sobrang luma na. Nang makuntento na ay mabilis kong isinara ang zipper nito. Napapikit na lang ako nang mariin nang marinig ko ang bulyaw ni Papa sa kusina.
Kahit na napapalibutan ako ng malalakas na tugtugan dahil sa radyo ng aming kapitbahay ay hindi hadlang iyon para hindi marinig ang mga binibintang ni Papa kay Mama. 
"Ayan na ang magaling mong anak, aral ng aral tapos mag-aasawa lang din!" bukyaw ni papa saka umupo sa malapit nang bumigay na upuan.
Tinitigan ko na lamang ito saka bumaling sa nanay kong abala mag-saing.
"Aalis na po ako ma."
"Hindi ka pa kumakain, mamay—" 
"Hindi na ma, busog pa naman ako," ngiting bulong ko.
Bumaling naman ako sa aking tatay na malayo ang tingin st namumungay ang mga mata.
"Alis na po ako pa," pamamaalam ko.
"Dapat lang," simpleng saad nito dahilan para ngumiti ako ng mapait.
Wala namang pinagbago, ganito pa rin. Halos araw-araw na lang silang ganito, lagi na lang gano'n ang pakikitungo sa akin ng tatay ko.
Pagkalabas ko ng bahay ay bumungad sa akin ang mga batang naglalaro sa naipong tubig dahil sa ulan, iniingatan kong hindi matalsikan ang puti kong uniporme at humahanap ng daan kung saan ang walang masyadong tao.
Hindi pa man ako nakakalabas ng tuluyan sa lugar namin ay may nakita agad akong dalawang mag-asawa na nagbubulyawan, hinahampas ng babae ang asawa nito pero mabilis ding tinakpan ng babae ang kaniyang mukha dahil sa amba ng kanyang asawa.
Hindi ko maiwasang mapailing.
Akala ko ba dapat na nagtutulungan ang mga mag-asawa? Pero bakit sila pa ang nagsasakitan.
Nilagpasan ko na lamang iyon na parang walang nangyari, tutal gano'n din naman ang ginagawa ko sa tuwing nag-aaway ang sarili kong magulang.
Namataan ko ang mga tricycle na nakapila kasama ang ibang mga estudyante na sasakay pa lang. Gustuhin ko mang sumakay ngunit wala akong pera, wala na naman.
Nagpasya akong maglakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw, hinahayaan ang mga usok at alikabok na salubungin ako at ang nakakabinging ingay galing sa mga sasakyan.
Nakakapaso ang init ng araw, kahit na naka-payong ako ay hindi sapat iyon para proteksyunan ako. Tagatak ang pawis nang makapasok ako ng tuluyan sa aming eskwelahan. 
Dahil alas-onse pa lang naman ng tanghali ay dumiretso agad sa madalas kong upuan, marahan kong inilagay ang bag ko na naglalaman ng mga libro at uminom ng tubig. 
Tahimik lamang na pinagmamasdan ang mga estudyanteng masayang naglalakad kasama ang kanilang mga kaibigan, at kung minsan ay may namamataan pa akong magkasintahan. 
"Huli ka balbon!" 
Muntik na akong napatalon dahil sa tinis ng boses na nasa aking likuran. Mataman ko itong tiningnan saka inirapan.
"Problema mo? Sungit a," pang-aasar nito na naupo sa tabi ko.
Halatang kararating lang din niya, hindi ko alam kung nagsusuklay ba siya dahil sa buhok niyang itim na wavy, hindi naman iyon kulot.
"Magkakaroon tayo ng observation kay Ma'am Esp, umayos ka! Makinig ka, baka mamaya bigla tayong may sagutan," sabi nitong may binubungkal na kung ano sa bag niya.
Napatingin ako nang mariin dito.
"Ano naman kung 'di ako makinig?" walang ganang sabi ko na nakasulyap pa rin sa kaniya.
Bigla na lamang itong tumigil sa pagbungkal saka umismid sa harap ko.
"Syempre tih, pag di ka nakinig sinong kokopyahan ko? Naku, Cath! Parang tanga lang," iiling nitong sinabi saka binato sa akin ang dalawang biscuit.
"Anong gagawin ko rito?" tanong ko saka iwinagayway ang pagkain.
"Try mong durugin tapos ibato mo sa mga taong dumadaan, malamang tih, kainin mo, tsaka matagal na yang nasa bag ko, mga dalawang Linggo na ata," natatawang sabi nito.
Wala akong nagawa kundi kainin na lang, hindi naman ako maarte, gutom na rin ako. Kailangan ring magkalaman ng utak ko para kung sakaling bigla akong tawagin ay may maisasagot ako.
Tahimik lamang akong pinagmamasdan ang mga naglalakad sa quadrangle, mga estudyanteng papasok at pauwi pa lang. Hindi ko naman na naiintindihan ang mga dinadaldal sa akin ni Mich dahil abala rin ako sa pagkain, pinipilit kong busugin ang tiyan ko.
"Nag-away na naman parents mo?" rinig kong tanong nito. 
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Oh, edi dapat binigyan mo ng kutsilyo," sabi nito saka humagalpak ng tawa. 
Hindi ko na lang ito pinansin dahil alam kong pinapatawa niya lang ako sa walang kwenta niyang biro, kailangan kong makapag-focus ngayon dahil sa report na gagawin ko, lalo na't medyo mahirap iyon at kailangan kong ipaintindi sa kanila.
"Oo nga pala Cath, nakita ko si Andrei kanina, 'yong valedictorian no'ng elementary tayo," untag nito habang naglalakad kami.
Automatikong napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nanlamig ang buong katawan ko, magmula nang maging valedictorian iyon ay hindi ko na siya nakita pa, marahil nag-aaral na siya ngayon sa Ateneo at bihira na lang bumisita rito.
"T-Tapos? Ano s-sabi sa'yo?" nauutal kong tanong.
Kumunot ito saka tumawa ng malakas na parang kabayo.
"Di kami close tih! Nagkatinginan lang kami non, tapos tih, ang tangkad na niya, ang puti-puti pa. Ta's yong buhok niya kulot-kulot, ewan ko ba kung nag-sha-shampoo pa yon, eh diba sa Ateneo na siya, kaya siguro sa sobrang busy hidni na siya nag-sha-shampoo," sabi nitong tulala lang sa daanan na tumatango pa.
"Bobo, kulot naman talaga 'yon, o tapos? Ano pa?" pangungulit ko.
"Anong ano pa? Wala na tangek! Tsaka atupagin mo pag-aaral mo, harot nito, grade 10 pa lang tayo!" sigaw nito saka tumakbo papasok sa room namin.
Ako pa talaga ang sinabihan niya ng gano'n e, sa'kin pa yon nangongopya.
Dahil sa unahan lang naman ang upuan namin ay mabilis ko lang naiintindihan ang lahat, maliban na lang siguro sa math dahil madalas akong kalabitin ni Mitch, ako naman na pinapakiramdaman si Sir na madalas tumingin sa amin ni Mich kaya sinisimplahan kong sawayin iyo. 
Mahirap na baka tanungin kami at wala akong maisagot.
Natapos ang math nang hindi ako tinatawag, basta't tahimik ka lang at nakikinig ay hindi ka naman tatawagin.
Hinihintay na lamang namin ang nakatakdang oras, ang subject na Esp. 
Kung noon ay puro Tama at Mali lang ang sinasagutan, ngayon naman ay mas malalalim na. Ang hirap intindihin ang akala kong madaling asignatura lang. 
Dahil maagang umalis ang guro naman sa math ay katulad ng dati, naging halimaw na naman ang mga kaklase ko, kaniya-kaniyang pagpapatugtog sa dalang speaker lalo na sa mga lalaking nasa likuran. 
Sobrang gulo ng upuan at ang mas malala pa ay nasa tapat kami ng Section one, malapit lang din sa amin ang guidance office na napapagitnaan lang namin ng clinic.
Parang mga halimaw na nagkantahan, at kung minsan ay lumalabas pa sa corridor. 
Napasulyap na lang ako sa presedenr namin na nakikipagkwentuhan lang din sa labas at ang vice president na nakikipagkwentuhan din sa likuran. 
Nakikipagdaldalan din naman ako pero dito-dito lang sa malapit sa upuan ko. 
Sa gitna nang pagbabasa ko ng libro ay narinig ko ang maraming yapak ng paa na nagtatakbuhan, mabilis na inayos ang mga upuan, at nawala ang maingay na kanta na nagmumula sa radyong dala ni Perwin. 
Sa ilang sandali pa ay mistulang naging anghel ang mga kaklase kong inosenteng nakaupo at nakatingin sa pisara.
Ang tatalino talaga.
Napansin ko ang biglang pagsilip ng adviser sa guidance office, nakatayo ito ng tuwid at nakatali ang puting kulot na buhok nito, nakasuot ng salamin na kitang-kita ang salubong ng mga kilay.
Maya-maya pa ay umalis rin ito ng dahan-dahan, mabagal ang pagkakalakad kaya naman hindi mapigilang matawa ng iba kong mga kaklase.
"Wala na si Granny! Tara na ulit!" sigaw ni Kuya Noel na pinakamatanda sa amin.
Muling pinatugtog ang speaker saka nagkantahan, hindi ko maiwasang matawa dahil sa inaasta nila. Normal na lamang sa akin ang ganito lalo na kung public at lower section pa kami. 
Hindi ko alam kung paano ako napunta rito, last year ay section one ako kaya hindi ko matanggal na rito ako bumagsak. Nalaman ko na lang na random pala at hindi binabase sa average. 
Ayoko sa lower section noon, iba kasi ang tingin ko sa kanila, walang pakisama, hindi nagtutulungan at sobrang gulo. Hindi gaya sa higher section na kinabibilangan ko noon na na halos kabaligtaran.
Pero napangiti ako dahil sa mga nakikita kong gulo na ayaw ko noon. Naging kabaligtaran ang lahat nang mapunta ako sa seksyon ng ito. 
Nalaman ko na mas masaya pala ang mapunta sa ganitong klaseng paligid, napansin ko sa mga kaklase ko na nag-e-enjoy lang sila, hindi big deal ang makakuha sila ng mababang grado dahil yon lang naman daw ang kaya nila, basta alam nila sa sarili nila na may natutunan sila.
Unlike sa karanasan ko no'ng nasa section one ako, buong paligid ko ay seryosong-seryoso, aral lamang ng aral, napansin ko rin na ang turing sa bawat isa ay kalaban sa pwesto lalo na sa mga ranking, sa tuwing mas mataas ang isa ay pag-uusapan na kesyo ganito at ganyan. Nang makapasok ako sa higher section ay doon ko naramdaman ang pressure at maging competitive. Hindi ko maiwasang mapatanong kung nag-aaral lang ba ako para makipag-sabayan sa mga matatalino? 
Not until na ilagay ako sa sekyong ayaw ko noon, oo magulo, pero nandoon ang pakikisama, sobrang saya. Walang pressure, hindi magkakalaban at kung sino pa ang mga taong laging bagsak ang grado ay sila pa ang dahilan kung bakit madalas kaming tumawa.
Gano'n ang buhay estudyante, akala ko noon higher section lang ang masaya, depende rin pala sa mga kaklase ang magiging karanasan.
Naudlot ang pagmumuni ko nang biglang magsitakbuhan na naman ang lahat at anghel na naupo sa upuan.
Pumasok ang matandang babae na matangkad at nakangiting tumingin sa amin.
"Good afternoon class, sorry na-late ako," maamong sabi nito na inilapag ang dalang projector.
"Good afternoon Ma'am," bati nilang lahat.
Binati rin namin ang dalawang guro na nakaupo sa labas upang magsagawa ng obserbasyon sa pagtuturo ng guro namin.
Naikurot ko na lamang ang sarili kong daliri nang banggitin ang tatalakayin namin.
"Makinig 10-Mendel, ang ating tatalakayin ay tungkol sa pagkakaroon ng asawa at pagbuo ng pamilya, sino-sino rito ang gustong magkaroon ng pamilya balang-araw?" tanong nito na nakataas ang kamay.
Maraming nagtaas at ang iba ay tumatawa pa at winawagyway ang mga kamay.
Naramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko kaya't napalingon ako rito.
Nilakihan ako ng mata ni Mich at inginuso ang kamay ko, hindi ko na lang ito pinansin pero pwersahan nitong itinaas ang kamay ko at saktong napatingin sa akin ang aming guro na bahagyang ngumiti.
"Ay Ma'am ako parang ayoko ko po," sabi ni Kuya Noel sa likurang bahagi kaya natawa ang iba.
Puro kalokohan lamang ang sinasagot niya kaya natatawa ang mga kaklase ko kapag siya na ang nagsasalita.
"Aba'y bakit naman?" 
"E, kasi ma'am, baka kapag hindi ko maibigay yong buong suweldo ko ibato sakin yong mga kaldero e, kaya past muna ako ma'am, mag-aaral na lang ako habang-buhay," saad nito na tinawanan namin dahil sa huling sinabi nito.
Ilang beses na siyang repeater kaya gano'n na lang ang tawa ng iba. Napatawa naman ang dalawang guro na nasa labas at may kung anong sinulat sa papel.
Nagsimula na ang talakayan, kaniya-kaniyang bahagi rin ang iba sa kung ano ang gusto nilang mangyari kung sakaling magkaroon sila ng pamilya. Ang iba ang ibinabahagi ang kwento sa kung paano ang buhay mag-asawa ng kanilang mga magulang.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit, dapat nga ba akong maiingit? Bakit gano'n? Mahirap lamang ang iba sa kanila pero ang saya ng pamilya, masaya ang pagsasama ng magulang. Samantalang ako na mahirap na nga, gano'n pa ang nakikita ko sa magulang ko.
Ayokong kinukumpara ang sarili ko sa buhay ng ibang tao dahil alam kung talo ako, walang-wala ako.
Hindi ko alam kung anong klaseng pamilya ang gusto ko, hindi ko alam kung anong klaseng pagmamahal ang pwedeng kong ibigay sa magiging anak at asawa ko. 
Kung sa magulang ko nga hindi ko iyon maramdaman paano ko pa ipaparamdam iyon sa iba.
"Alam nating lahat na ang kasal ay isang sagrado, tradisyon na kung maituturing natin na ikasal ang dalawang tao na nagmamahalan at—" nahinto ito sa kaniyang tinatalakay nang itaas ko ang kamay ko.
Dahil nasa harapan lamang ako ay mabilis niyang napansin iyon.
"Yes, Ms. Orihuela? Anything?" tanong nito.
Gusto kong bawiin ang kamay kong nakataas pero huli na dahil nakatitig sa akin ang lahat kasama ang Gurong nasa labas.
Tumayo ako ng tuwid saka matamang tumingin sa aming guro.
Mali. Mali ang tinatalakay niyo.
"Sinabi niyo po Ma'am na ang isang kasal ay sagrado, nabasa ko rin po sa libro na ito ang patunay upang kilalanin ang pagmamahalan ng dalawang tao," pag-uulit ko.
Tumango ito saka kumunot ang noo.
"Tama ka."
"Pero sa panahon ngayon, ang sinasabi niyong sagrado ay papel na lang para sa ilan, ang kasal na sinasabi niyong isa pong patunay sa pagmamahalan ay masasabi kong peke. Kapag po ba hindi na nakaramdam ng pagmamahal ang isang tao sa kaniyang asawa pwede nang makipag-hiwalay? Kasal lang po ba ang may karapatang magmahal at kilalanin?" tanong ko rito.
Normal lamang sa akin na magtanong, naguguluhan ako, iba ang nakasaad sa libro sa mismong nakikita at nararanasan ko.
"Bakit po ang dalawang mag-asawa na nagsusumpaan sa harap ng simbahan ay sila pang nasisira? Sila palang mas pinipili na putulin ang ugnayan? Mahalaga po ba talaga ang pagpapakasal?" 
Gusto kong maliwanagan, hindi ko makuha ang pinupunto niya.

Komento sa Aklat (78)

  • avatar
    Neneng Virtudazo

    wow nice

    12d

      0
  • avatar
    Ikha Dagupion

    Ang Ganda po

    14d

      0
  • avatar
    peratercharisa

    nice

    04/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata