logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 3

Dumalaw kami ni Macelyn sa puntod ng aming mga magulang, nag-alay kami ng bulaklak at nagsindi ng kandila, ilang minuto pa ay nagpasya na rin kaming umuwe. Sa bahay naabutan naming naghahanda na sa hapag si Nana Lumen kasama si Jk sa aming mahabang mesa. Maraming inihanda sa amin si Nana Lumen sa aking kaarawan kasabay ng death anniversarry ng aming mga magulang.
"O nariyan na pala kayo, halina kayong dalawa tamang-tama tapos na kami maghanda,” masayang bati ni Nana Lumen sa amin.
"O Jk kanina ka pa ba?”
"Kakarating ko lang din Mace halos tinulungan ko na rin si Nana Lumen mag-ayos ng mga niluto niya. Siyanga pala kuya Mazer happy birthday," masayang bati ni Jk sa akin, ngumiti naman ako sa kan’ya. Sabay-sabay na kaming umupo sa lamesa, kinantahan muna nila ako ng happy birthday.
"Grabe kuya ang tanda mo na," biro ni Macelyn na nasa harap ko habang ngsasandok ng spaghetti.
"Excuse me baby girl im Only twenty eight"
"E ‘di matanda ka na nga kuya, tapos wala ka pang girlfriend”
"I dont have time for that, and besides I need to take care of you because you're my priority." Malambing na paliwanag ko sa aking kapatid. Ayoko pa magkaroon ng ano mang relasyon, dahil mas iniisip ko ang kalagayan ng aking kapatid. Kung magkaroon man ako ng kasintahan mawawalan na ako ng oras, ngayon na nga lang nahahati na ang oras ko sa trabaho at kay Macelyn. Mas gusto ko pang pagtuuan ng pansin ang aking kapatid kaysa magkaroon ng kasintahan.
"Kuya naman! ang laki-laki ko na, ano ako baby?”
"Yes you are!” wika ko bago uminom ng juice. Tumawa naman si Jk at Nana Lumen.
"You don’t have to worry kuya Mazer, nandito naman ako saka kahit papaano nababantayan ko naman siya sa school”
"Isa ka pa Jk! tigil-tigilan mo nga minsan ang pagiging sweet mo sa school ah, kaya naman ang daming matatalim ang mga titig sa'kin napagkakamalan tayong mag-boyfriend! kung hindi si kuya, ikaw ang napagkakamalan!” sigaw nito kay Jk na katabi lang niya na halos takpan ang teka nito sa sigaw ng aking kapatid.
"My goodness Mace katabi mo lang ako, you don’t have to shout at me like that”
"Paano kasi ginagawa niyo akong bata ni kuya," nguso nito at papalit palit ang tingin nito sa amin. "And besides kuya magaling na naman ako eh"
"O sige kung talagang wala ka ng nararamdaman, bukas ang schedule ng monthly checkup mo, sasamahan kita ng umaga bago ‘ko pumasok sa office"
"Okay kuya," nag-thumbs up pa siya sa akin.
"Sundin mo na lang hija itong kuya mo at si Jk para sa’yo rin naman ‘yon. Mahal ka lang kasi nila kaya sila gan’yan"
"Oo nga Mace mahal kasi kita," pabulong na sabi ni Jk na sapat lang para marinig ko. Nakita ko pang nagulat si Macelyn.
"A-ano?”
"Wala! ang ganda mo kako bingi ka nga lang!" Pinalo naman ni Macelyn si Jk sa braso na ikinangiwi nito.
"Aray ko naman Mace! sadista ka talaga eh!” hinihimas nito ang brasong pinalo ng aking kapatid.
"O siya mamaya na kayo magkulitan kumain na muna kayo. Mag-uwi ka rin Jk sa inyo at marami naman ang niluto ko”
"Opo Nana Lumen." Habang kumakain naman kami ay masaya kaming nagkukuwentuhang apat.
MACELYN POV:
Nasa ospital na kami ni kuya Mazer dahil monthly checkup ko ngayon. Kahit wala na akong nararamdaman na ano mang kakaiba sa puso ko ay kailangan pa rin ako magpatingin para masiguro na maayos na ako. Maayos naman daw ang puso ko basta inumin ko lang daw ang mga gamot at vitamins na nireseta ng doctor. Palabas na kami ng elevator ng may mahagip ako na nakapukaw ng atensyon ko, papasok naman ito sa elevator na aming sinakyan. Nakasuot din itong puting uniporme na wari ko’y doctor din, may nakasabit na stetoscope sa leeg nito at sa kaliwang dibdib ay may nakaipit na mga ballpen. Bago pa sumarado ang elevator sinulyapan ko pa ito. Hinawakan ko ang aking dibdib kung nasaan banda ang aking puso. Sobrang bilis ng tibok nito, hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? ang daming guwapo ko namang nakikita lalo na sa campus pero hindi ko man lang ito naramdaman kahit kay Jk, hindi tumibok ng ganito ang puso ko sa kahit na sino mang lalaki. Saglit akong natigilan nang hawakan ako ni kuya sa aking braso.
"Hey baby girl are you okay?” napabalik lang ako sa huwisyo ng magsalita si kuya.
"Hindi ako okay kuya"
"H-ha? gusto mo bang bumalik tayo sa doctor mo?” may pag-aalalang wika sa akin ni kuya.
"Ang bilis nang tibok ng puso ko kuya," tinuro ko pa ang aking puso.
"Paanong tibok? masakit ba?”
"Hindi siya masakit kuya eh, kakaiba nga parang karera gano’n kabilis. Alam kong nagtataka si kuya sa ibig kong sabihin. At napagtanto niyang hindi ito dahil sa sakit ko. Napangiti na lang sa akin si kuya. Nasa sasakyan na kami ng tanungin muli ako ni kuya.
"Okay ka na Mace?” nasa kalsada naman ang kan’yang tingin.
"Okay na ‘ko kuya"
"Alam ko na kung anong ibig sabihin niyan Mace"
"Ano ‘yon kuya?” nakakunot na tanong ko sa kan’ya.
"You're inlove baby girl!”
"W-what?! napamulagat at napatingin akong bigla kay kuya na nakatuon pa rin ang mata sa kalsada.
"H-Hindi ah! saka paano mo nasabi kuya? e hindi ka pa naman naiinlove no!”
"Naexperience ko na rin ‘yan Mace, gan’yan ang naramdaman ko noon, hindi pa ‘ko nagkaka-girlfriend pero naranasan ko naman magmahal," nagulat naman ako sa sinabing iyon ni kuya.
"Really kuya? and who's that lucky girl?”
"I don’t know where she is," mababakas sa mukha ni kuya ang kalungkutan.
"E bakit hindi mo siya niligawan kuya?”
"That was before when I was in college, after that accident I didn't bother to court her, because I don’t have time for that, and I need to take care of you that's why"
"But kuya----“
"No but's baby girl," Putol nito sa aking sasabihin.
"Hindi mo naman kailangan isakripisyo ang kaligayan mo sa'kin”
"But I have to, that's my obligation.” Hindi na ako muling nagsalita pa baka maiyak lang ako dahil sa mga sinasabi ni kuya sa akin. Samantalang iniisip ko naman iyong doctor na nagpatibok ng aking puso sa unang pagkakataon. Ano kaya ang pangalang niya? Hindi na bale magkikita pa naman kami.

Komento sa Aklat (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata