logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 15

"Doc Marco wait lang!” tawag ko sa kan’ya habang hinahabol siya sa kahabaan ng corridor. Huminto naman siya sa paglalakad ngunit nakatalikod pa rin sa'kin. Nang maabutan ko na siya at saka lamang siya humarap. Hinihingal pa ako at sapo ko naman ang aking dibdib.
"Saan ka pupunta Doc Marco? uuwe ka na ba?”
"yeah, what do you want Ms. Brilliantes?” Seryoso niyang tanong.
"Hindi ka ba natuwa sa kinanta ko? actually para sa’yo talaga ‘yon eh,” nakangiti kong wika sa kan’ya. Nakatitig pa rin siya sa'kin habang ang kan’yang dalawang kamay ay nasa kan’yang bulsa.
"Do you like me Miss Brilliantes?” tanong niya sa'kin na siyang ikinagulat ko. At heto na naman ang puso ko na ayaw magpaawat sa biglang pagtibok nito.
"D-doc hindi pa ba obvious?” nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipgsabayan sa kan’yang mga titig. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga bago siya muling nagsalita.
"Panahon na siguro para itigil mo na kung ano man ‘yang nararamdaman mo sa'kin.” Pagkasabi niyang ‘yon ay saka lang ulit ako nag-angat ng mukha, doon ko na sinalubong ang kan’yang mga titig. Walang ekspresyon ang kan’yang mga mata kaya hindi ko mabasa kung ano man ang nasa isip niya.
"H’wag mo naman sabihin sa'kin yan Doc Marco, hindi ko naman kayang pigilan itong nararamdaman ko eh"
"Bakit mo ba ako gusto?”
"Kailangan bang may dahilan kapag nagmahal ka? kusa ko ‘tong naramdaman akala ko noong una wala lang ‘to, hanggang sa palagi na tayong pinagtatagpo, do’n ko nalaman kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ko,” garalgal kong saad sa kan’ya na siya namang ikinaiwas ng tingin niya.
"Hindi mo ba talaga ako magugustuhan?”
"I'm sorry." Sa sinabi niyang ‘yon ay doon na pumatak ang kanina ko pa pinipigilang luha. Unti-unti naman akong lumapit sa kan’ya na siyang kinagulat niya. Sobrang lapit na namin kaya naman hindi na ‘ko nagdalawang isip pa, tumingkayad ako at mabilis siyang hinalikan. Nakita kong nanlaki pa ang kan’yang mga mata sa gulat.
"I'm sorry din Doc Marco pero hindi ako susuko sa’yo. Umalis na ako at iniwan ko na siyang mag-isa sa corridor. Nang makalabas na ‘ko sa mismong eskwelahan ay mabilis kong hinawakan ang aking dibdib. "Shit! hinalikan ko si Doc Marco! anong mukha kong ihaharap niyan bukas?! Sa isipin kong ‘yon ay ginulo ko na lang ang sarili kong buhok. Napagpasyahan ko na lang na hindi na sumabay kay Jk baka mahalata na naman ako no’n na balisa. Ayokong malaman niya ang kagagahang ginawa ko.
JK POV
Habang kumakanta si Macelyn hindi ko mapigilang hindi siya pakatitigan, iyon ‘yong kinanta niya noong high school kami. Iyon din ang dahilan kung paano ko siya nakilala. Naglalakad ako papuntang classroom nang makarinig ako ng mala-anghel na boses. Ang ganda ng boses niya. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tinig na ‘yon. Hanggang sa nakita ko ang isang babaeng kumakanta habang nakapikit. Mag-isa lang siya sa silid at seryosong kumakanta kahit walang music. Nang matapos na siyang kumanta saka lang siya nagmulat ng kan’yang mga mata. Nagulat pa siya nang makita ako sa kan’yang harapan, nakaupo siya sa silya at nakatayo naman ako sa kan’yang harapan. Simula noon nagkaroon na ‘ko ng interes sa kan’ya, nakipagkaibigan ako para lang mapalapit kay Macelyn. Pinaparamdam ko sa kan’ya kung gaano ko siya kagusto, pero alam kong kaibigan lang din ang turing niya sa'kin sa una pa lang. Pero kahit na gano’n ay ayos na sa'kin basta napapasaya ko siya at malapit lang siya dito sa'kin.
Pagkatapos kumanta ni Macelyn ay mabilis siyang bumaba ng stage, kaya naman sinundan ko na siya kung saan siya pupunta. Napahinto ako ng bigla niyang tinawag si Doc Marco, nagtago ako sa likod ng pader para lang hindi nila ako makita. Narinig ko pa ang mga katagang sinabi ni Macelyn kay Doctor amarco. Gano’n na ba kalalim ang pagkagusto niya sa doctor? Habang pinakikinggan ko ang mga sinasabi niya ay ako naman ang nasasaktan. Sinulyapan ko siya at nakita ko ang mga luha niya sa kan’yang mga mata. Sana ako na lang ang rason ng mga luha mo at ako rin ang rason kung bakit ka masaya. Sana ako na lang. At ang hindi ko inaasahan ay ang huli niyang ginawa na siyang lalong nagpasakit sa'kin. Nagpasya na lang akong bumalik sa loob.
Habang nasa taxi ako at pauwi, iniisip ko pa rin iyong ginawa ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin nito bukas. Napasandal ako at pumikit ng mariin, naalala ko yung sinabi ni Doc Marco na itigil ko na kung ano man ‘yong nararamdaman ko sa kan’ya. Paano ko naman gagawin ‘yon? napipigilan ba ‘yon? Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Bumaba na ako ng taxi at matamlay na pumasok ng bahay. Naabutan ko pang masayang nagkukuwentuhan sina kuya at Nana Lumen sa may salas
"Hija nandyan ka na pala, kumain ka na ba?” Masayang bati ni Nana Lumen sa'kin.
"Busog pa po ako Nana Lumen, akyat po muna ‘ko sa k’warto ko," pilit akong ngumiti para lang hindi nila mahalata ang lungkot ko. Bago pa ako makahakbang sa hagdan ay tinawag na ‘ko kaagad ni kuya.
"Baby girl," lumingon naman ako kaagad sa kan’ya. Pinilit kong kumilos ng normal sa harapan niya.
"Yes kuya?”
"Dadalhan kita ng pagkain mo sa k’warto kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot”
"Sige kuya, akyat muna ‘ko para makapagpalit ng damit.” Tumango naman siya kaya at umakyat na rin ako kaagad.
Kakatapos ko lang maligo at nakapagpalit na rin ako ng pantulog ko nang kumatok si kuya. Pinagbuksan ko ito kaagad at may dalang tray ng pagkain at sa gilid nito ay ang gamot ko. Nilapag niya ang tray sa gilid ng kama ko at hinarap ako habang nagpapatuyo ako ng aking buhok gamit ang maliit na tuwalya.
"Baby girl whats wrong?” Napatigil akong bigla sa kan’yang tanong.
"Bakit kuya? Anong ibig mong sabihin?” pinilit kong hindi mabulol nang pananalita sa kan’ya.
"I know you Mace, now tell me whats wrong? Whats bothering you?”
Ganito na ba talaga ako kakilala ni kuya? Kahit pilit ko ng tinatago nalalaman niya pa rin?
"Kuya.” Bago pa ulit ako makapagsalita ay tumikhim muna ‘ko na para bang may bumara sa aking lalamunan. "Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang magmahal ng taong hindi ka naman gusto.” Nakayuko ako kay kuya habang sinasabi ko ang mga katagang ‘yon.
"Mace," nasabi na lang niya sa'kin.
"Kuya bakit hindi niya ‘ko magawang magustuhan? pangit ba ako? o baka dahil maging pabigat ako dahil sa sakit ko?”
"Don't say that baby girl okay? you're not a burden, and you're not ugly, you're such a sweet and loving girl. Baka siguro hindi lang talaga siya ang itinakda para sayo." Malungkot niyang saad sa'kin habang hawak niya ang magkabilang balikat ko.
"Pero kuya si Doctor Marco Mendez lang ang gusto ko! siya lang ang lalaking nagpatibok nitong puso ko, gusto ko rin namang maranasang mahalin kahit sandali lang," hindi ko na mapigilang umiyak dahil sa sobrang sakit, kung alam ko lang na ganito pala kasakit hindi na sana ako nagmahal. Pero anong magagawa ko kung siya talaga ang tinitibok nitong puso ko. Niyakap ako nang mahigpit ni kuya, kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko.
Malalim na sa gabi pero hindi pa rin ako makatulog, at hindi pa rin tumitigil sa pagluha ang mga mata ko. Nagising ako kinaumagahan na mabigat ang mga mata ko, hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Bumangon na ako kagad sa aking kama at sinimulan na ang aking morning routine. Naligo na kaagad ako at nag-toothbrush, pagkatapos ay nagbihis na ng aking uniporme. Medyo masama rin ang pakiramdam ko pero pinilit kong pumasok dahil kailangan ang attendance para sa buong araw dahil foundation day. Bumaba na ako at dumeretso na sa dining, naabutan ko si kuya na nnagkakape. Binati ko siya at si Nana Lumen.
"Good morning kuya good morning Nana Lumen," masigla kong bati sa kanila,
"Sige na hija umupo ka na at ipaghahain na kita"
"Salamat po"
"Baby girl are you okay?”
"Yes kuya don’t worry"
"Are you sure? bakit parang namumutla ka?”
"Hindi lang ako nakatulog nang maayos kagabi"
"Sige na kumain ka na para makainom ka na ng gamot,” tumango na lang ako sa kan’ya.
Hinatid muna ‘ko ni kuya sa school at umalis na rin siya para pumasok sa trabaho. Dahil maaga pa naman ay pumunta muna ako sa library para manghiram ng libro. Habang tinatahak ko papuntang library ay medyo nakakaramdam ako ng hilo, kanina pa masama ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa rin pumasok tutal nakainom na rin naman ako ng gamot. Hindi naman mainit pero pinagpapawisan ako ng malamig. Nakapasok na ‘ko sa library nang makasalubong ko si Doc Marco, nagulat ako nang mapatingin siya sa'kin.
"G-good morning po D-doc Marco," nauutal kong bati na sa ibang direksyon ako nakatingin.
"Good morning din,” saglit muna na katahimikan at siya na rin ang bumasag.
"Yung kahapon___” bago pa niya masabi ay pinutol ko na kagad kung ano man ang sasabihin niya, ayoko ng madagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
"Sige po Doc Marco, mauna na ‘ko hihiram pa kasi ‘ko ng libro.” Lalakad na sana ko nang hawakan niya ‘ko bigla sa braso na siyang ikinasinghap ko.
"You look pale Mace, may sakit ka ba?” tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso.
"o-okay lang po ako"
"You're not okay doctor ako kaya alam ko"
"H’wag na po kayong mag-alala okay lang po talaga ako, sige dito na ho ako.” Tumalikod na rin ako kaagad, ngunit hindi pa ako nakakalayo sa kan’ya ay parang biglang kumirot ang dibdib ko kaya napahawak ako rito, hindi ko na lang pinahalata dahil alam kong hindi pa nakakaalis si Doc Marco. Pero hindi ko na talaga matiis nakakaramdam na rin ako nang pagkahilo, at unti-unti na ring kumikirot ang dibdib ko. Kung kaya’t napaluhod ako at hawak ko ang aking dibdib.
“aaah! Ang sakit!” sigaw ko na nakatawag nang pansin sa mga estudyante na naroroon sa loob. Mabilis na lumapit sa gawi ko si Doc Marco.
"Mace are you okay?! May pag-aalalang turan niya habang hawak ako sa magkabilang balikat. Hindi na ‘ko makasagot dahil hinahapo na rin ako.
"Dadalhin kita sa ospital okay!” Ang huli ko na lang naalala ay ang pagbuhat niya sa'kin bago ako nawalan nang malay.

Komento sa Aklat (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata