logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 10

"Good morning kuya, good morning Nana Lumen!” masayang bati ko habang papalapit sa dining area, humalik naman ako sa pisngi ni kuya at Nana Lumen. Umupo ako sa harap ni kuya at sumadok ng kanin at ulam. Nakatingin lang si kuya Mazer sa'kin sa ginagawa ko.
"Are you okay Mace?” Napahinto naman ako sa pagsubo at hinarap si kuya. Ngumiti ako sa kan'ya para maitago ang aking totoong nararamdaman.
"Oo naman kuya! you don’t have to worry okay?”
"Kasi iba ‘yong itsura mo kahapon"
"Bakit ano bang itsura ko kuya pangit ba ko?” natawa pa siya sa pagbibiro ko sa kan'ya.
"Nope, I see pain in your eyes" sandali akong natigilan. At sabay natawa para hindi na lang siya makahalata.
"Kuya pagod lang po ako, masyado lang busy sa school, alam mo na kuya one year na lang ga-graduate na ko”
"Ah oo nga pala," saka ‘wag ka masyado magpapagod, inumin mo sa tamang oras ‘yang mga vitamins mo”
"Kuya I’m really okay, you don’t have to worry about me, saka kuya hindi habang buhay ako lagi ang iintindihin mo. “h’wag puro lagi ako ang iniintindi mo, don’t give up your own happiness, find a girlfriend kuya you're not getting any younger anymore, you're too old na.” Napamulagat naman siya sa sinabi ko. Naisip ko kasi na hindi na niya naiintindi ang sarili niya dahil puro ako na lang ang iniintindi n'ya. Ni hindi man lang niya magawang tumingin sa mga babaeng nagkakagusto sa kan’ya, abala siya masyado sa trabaho at sa pag-aasikaso sa akin. Ngayon pa lang iniisip ko na magkaka girlfriend siya tapos magkakaroon ng sariling pamilya ay natutuwa na ako. Mas gugustuhin ko pang nakikitang masaya ang kuya ko sa piling ng kan'yang magiging asawa at mga anak. Dahil all this time ako na lang parati ang iniisip ni kuya. Kaya gusto kong maging masaya rin siya.
"W-what did you say? I'm too old na?” Humagalpak naman ako nang tawa sa tinuran ng aking kapatid.
"Yes kuya! buong buhay mo ako na lang lagi ang iniintindi mo, saka hindi naman ako baldado kuya para alagaan pa. Puso lang ang may problema sa'kin, na si Doc Marco lang ang makakapagpagaling nito." Gusto ko sana sabihin sa kan'ya. Natapos ang aming almusal at papalabas na kaming magkapatid ng bahay na siyang dating naman ni Jk.
"Buti na lang hindi pa ‘ko late," nakangiting lapit ni JK sa amin.
"Oh Jk what are you doing here?”
"To fetch you, sabay na tayo pumasok"
"Sige na Jk pumasok na kayo, ikaw na bahala kay Mace may meeting din kasi ako ngayong umaga”
"No problem kuya Mazer, so let’s go?” yaya na niya sa'kin. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng kotse at nang makapasok na ‘ko siya naman ang umikot sa driver seat. Bubuksan na sana ni Jk ang engine nang hawakan ko ang kanang kamay n'ya kung kaya't napatingin naman si Jk sa akin.
"Thank you Jk," seryosong sabi ko sa kan'ya na ikinataka n'ya.
"For what?”
"For everything. You're always there for me when I need you. Ikaw ang nagiging sandalan ko kapag nalulungkot ako. Ikaw lang din ang nakakapagpasaya sa'kin. I'm so lucky to have you as my bestfriend”
"Alam mo naman Mace na gagawin ko ang lahat para sa’yo. Kahit ano pa ‘yan, makita lang kitang masaya, kahit na mas sasaya ka pa sa iba. Hinding hindi kita iiwan and i'll be your bestfriend forever.” Ngumiti naman ako sa sinabi ni Jk. Siya lang ang nakakaalam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Siya rin ang nagpapasaya sa'kin kapag nalulungkot ako.
"Anong label niyo ba ni Jk ha Macelyn?” tanong ng kaibigan kong si mary. She's my classmate in other subjects naging kaibigan ko siya when I was in third year college, mabait siya at katulad ko madaldal din at may pagkatsismosa.
"E ‘di bestfriends!” mabilis kong sagot sa kan’ya, kasalukuyang nandito kami sa library at nagbabasa.
"E siya ba tingin mo bestfriend lang ang turing sayo?” napaangat naman ang tingin ko sa kan’ya at isinarado saglit ang librong binabasa ko.
"Anong ibig mong sabihin?”
"Macelyn hindi ka naman siguro manhid para hindi mo malaman at mapansin no, may gusto sa’yo si Jk hindi mo ba halata yon?”
"Mary mag-bestfriends lang kami okay, matagal na kami magkaibigan simula noong highschool pa lang kaya gano’n”
"Oo nga mag-bestfriends nga kayo, meron bang magbestfriend na lagi hinahatid at minsan sinusundo sa bahay at nakikita pang magkaholding hands kung minsan. Sa sobrang sweet niyo aakalain talaga ng nakakakita sa inyo magjowa kayo!” mahabang litanya ni Mary sabay ngisi nito sa'kin.
"Wala namang malisya ‘yon sa’min saka tigil-tigilan mo nga ‘yang pagiging tsismosa at pati ikaw nagiging malisyosa na”
"Hindi naman sa gano’n friend, s’yempre iyon ang nakikita at nararamdaman ko sa kan’ya. Ikaw bestfriend ang turing mo, e siya ba? baka higit pa sa kaibigan ang turing sayo.” Hindi ko na lang pinansin ang mga kalokohang sinasabi ni Mary, ipinagsawalang bahala ko na lang ito masyado ng nagiging malisyosa itong kaibigan ko.
"Hello kuya masusundo mo ba ko ngayon?” kausap ko si kuya Mazer sa cellphone at nasa parking lot na ako ng eskwelahan kung saan ako madalas sinusundo.
"I'm sorry baby girl may meeting ako with the board members ngayong hapon eh, si Jk hindi kayo sabay?”
"May group project daw kasi sila ngayon baka late na raw sila matapos. Magtataxi na lang ako kuya"
"Okay sige mag-iingat ka ha? tawagan mo ‘ko kapag nakauwi ka na”
"Yes kuya,” inend ko na kagad ang tawag pagkatapos naming mag-usap ni kuya. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga saka nagpasyang umalis na sa parking lot. Pagtalikod ko ay nakita ko namang papalapit si Doc Marco sa gawi ko. Pareho pa kaming nagulat ng magtama ang mga mata namin.
"Ah Doc M-marco ikaw pala"
"What are you doing here?”
"Akala ko kasi susunduin ako ni kuya eh, kaso may meeting pa pala siya"
"Where's your friend?”
"Ah, wala rin may group project sila ngayon kaya wala akong kasama umuwi. Sandaling katahimikan, tumikhim muna si Doc Marco bago muling nagsalita.
"Halika na sabay ka na sa'kin”
"P-po!? Nanlaki naman ang aking mata ni sa alok ni Doc Marco. Hindi ko inaasahan na isasabay ako nito pauwi.
"Let’s go," pagkasabi no’n ni Doc Marco ay naglakad na siya papunta sa kan’yang sasakyan kung saan ito nakaparada. Unti-unti namang sumilay ang ngiti ko sa labi. Pakiramdam ko ay malalaglag ang puso ko sa tuwa.
"Tatayo ka na lang ba d’yan?” napa ayos naman ako ng tayo ng napansin niyang hindi pa ‘ko sumusunod sa kan’ya. Saka lang ako napalapit sa kan’ya at pinagbuksan ako ng pinto ng kan’yang kotse. Sana lagi siyang mabait. Habang nagmamaneho siya ay pasimple ko naman siyang sinusulyapan. Ang sarap niyang titigan kahit napaka-seryoso ng mukha hindi pa rin nawawala ang kaguwapuhan, paano na lang kaya kung ngumiti siya e ‘di mas lalo na! nangingiti na lang ako sa mga isiping iyon ng bigla siyang magsalita.
"You're acting weird," nasa daan pa rin ang tingin ni Doc Marco.
"huh?! sinulyapan ko muna siya saglit si saka ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Kasi kanina ka pa ngiti nang ngiti d’yan”
"Masaya lang ako Doc Marco"
"pansin ko nga"
"Kasama kasi kita," napaubo naman si Doc Marco sa sinabi ko saka niya ako muling sinulyapan.
"Let’s eat first, bago kita ihatid sa inyo hindi pa kasi ako nag-lunch”
"What?! Anong oras na Doc Marco past four na, ngayon ka lang mag-lunch?”
"Marami kasi akong ginawa kanina na kailangang tapusin"
"Kahit na Doc Marco, hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom, doctor ka dapat alam mo yan"
"You look like an angry mother who scolded their child”
"aah, s-sorry concern lang naman ako.”
“Ano ba naman ‘yan, hindi ko dapat sinabi ‘yon, mukha tuloy akong engot!”nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at tumingin na lang sa labas ng bintana.
Sa italian restaurant kami pumunta, pagka park ni Doc Marco ay sabay na kaming bumaba. Namangha naman ako dahil napaka class ng restaurant na pinuntahan namin. Nauna namang pumasok si Doc Marco at kasunod naman ako. Tingin ko ay puro mayayaman ang mga kumakain dito base na rin sa nakikita ko. Nahiya naman akong bigla dahil nakasuot ako ng uniform at napapatingin naman iyong ibang kumakain dito. At pansin ko rin ang mga babae dito na nagkakandahaba ang leeg sa pagsulyap kay Doc Marco. Pumwesto kami sa bandang dulo malapit sa bintana, tinawag naman ni Doc Marco ang waiter na kaagad namang lumapit sa amin.
"What do you want to eat?” Marco asked while looking at the menu. Ako naman ay nagugulat sa mga presyo ng pagkain, kaya hindi ko malaman kung anong pipiliin ko.
"Aaahm...Doc Marco ikaw na lang ang bahala, hindi ko kasi alam kung anong oorderin eh”
"Okay! one frutti de mare, eggplant parmigiana, caesar salad and spaghetti puttanesca”
"Thats all sir?”
"Yes!”
"Right away sir!” Umalis na kaagad ang waiter pagkakuha ng order namin. Hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko dahil hindi ko akalain na dito pala kami kakain.
"Are you okay?” Tanong ni Doc Marco na nakakunot ang noo.
"Actually nahihiya kasi ako, ang mahal kasi dito saka nakakahiya naman itong suot ko, mukha akong naligaw lang dito kung hindi siguro kita kasama. Pinasadahan naman ni Doc Marco ang aking suot bago muling nagsalita.
"There's nothing wrong with that"
"Sabagay, iisipin ko na lang na first date natin ito at sinundo mo ‘ko sa school." Tumaas naman ang kilay niya at naiiling na nakatingin sa akin.
"Ayan ka na naman magsusungit ka na naman eh! joke lang Doc Marco. Paminsan minsan ngumiti ka naman, para ka kasing pinaglihi sa mangga eh.
"Bakit mangga?”
"Lagi kasing maasim ‘yang mukha mo"
“W-whaat?”
"Joke lang ulit, nag-peace sign naman ako sa kan'ya. At maya-maya ay dumating na rin ang pagkain namin at nagsimula na kaming kumain. Panaka-naka ay sinusulyapan ko si Doc Marco, kahit sa pag kain nito ay napaka seryoso pero hindi nababawasan ang kaguwapuhan nito. Pagkuwa'y dumako ang tingin ko sa mga labi niya. "Ano kayang lasa ng mapupula niyang mga labi?” kasing tamis siguro ‘yon ng asukal? napalunok na lang akong bigla sa mga naiisip ko na ‘yon, sa halip ay pinagpatuloy ko na lang ang aking pag kain, baka mapansin pa niya na pinagpapantasyahan ko s'ya. Pagkatapos naming kumain ay inihatid na rin niya ako kaagad. Tinuro ko naman kung saan ang bahay namin.
"Salamat po Doc Marco, tumango lamang siya bago ako makababa ng kotse. Sumilip muna ako sa nakabukas na bintana ng kotse n'ya sa passenger seat nang makababa na ako at muling nagsalita.
"Ingat ka Doc Marco, at sana maulit pa itong date natin kanina," pang-aasar na wika ko habang kumakaway sa kan'ya.
"Tsss! Isipin mo kung anong gusto mong isipin,” masungit na sagot naman niya sa'kin.
"Joke lang ulit! ang sarap mo kasing asarin,” nakangisi kong wika
"Sige na pumasok ka na sa inyo"
"Okay Doc! ingat ulit.” Nakaalis na si Doc Marco pero hindi pa rin naaalis sa'kin ang mga ngiti na halos mapunit na ang aking labi sa sobrang pagkakangiti.

Komento sa Aklat (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata