logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 6: ACQUITTANCE PARTY

XYLEM SHUN’S POINT OF VIEW,
Lumikha ng malakas na pwersa ang kapangyarihan na pinalabas ng babaeng nagngangalang Historia. Hindi na ako magtataka kung bakit malakas s’ya. No doubt, magkapatid nga sila ni Angelo.
Humupa na ang usok at nanlaki ang mga mata ko nang makita s’yang nakasandal sa pader at duguan ang ulo. Hahakbang na sana ako patungo sa kaniya ng biglang may sumigaw.
“Historia!” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at bumungad sa akin ang humahangos na si Howard.
‘Si Howard? Anong ginagawa n’ya rito?’ tanong ko sa sarili ko.
Lumapit ito kay Historia at inangat ang mukha nito. Tinapik-tapik n’ya ang pisnge nito na tila ginigising. Hindi namin magagawa ang healing spell dahil limitado ang kapangyarihan na pwede naming palabasin. Sa lagay n’ya ay medyo malaki ang pinsalang natamo n’ya. Lumapit na ako pero naunang lumakad si Levi patungo sa kanila.
“Don’t,” pigil ni Levi kay Howard nang makita na bubuhatin ni Howard si Historia.
“Kami ang may responsibilidad sa kan’ya kaya kami na ang bahala sa kan’ya,” seryosong saad ni Levi.
Bumuntong hininga si Howard, binitawan n’ya ang mukha ni Historia at umalis sa harapan nito. Kinuha naman ni Levi ang pagkakataon na iyon para lapitan si Historia.
‘What’s wrong with him?’ Walang paki sa mga babae si Levi maliban lang sa mommy n’ya. Kahit sa aming kaibigan n’ya ay hindi s’ya nagpapakita ng kahit pag-aalala man lang. Tinitigan ko ang mukha ni Historia na ngayon ay buhat na ni Levi.
‘Ano bang mayroon sa’yo, Historia? Ngayon ka pa lang nakilala ni Levi.’ Winaksi ko ang iniisip ko.
“Persia, nice fight. Pakiasikaso ng mga kaklase mo, kami na ang bahala sa kaniya,” saad ko kay Persia. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha n’ya pero tumango na lang s’ya bilang pagsang-ayon.
Sumunod na ako kina Levi patungo sa clinic, kasama rin namin si Howard na mababakasan ng pag-aalala ang mukha. Seriously?! Sa pagkakaalam ko ay ngayon lang nila nakilala si Historia pero grabe na silang mag-alala. Kilala namin ang kuya n’ya pero si Historia ay kilala lang namin sa pangalan.
Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Angelo at ang mga pangakong binitawan namin sa kaniya pagkatapos ng hindi inaasang pangyayari sa amin noon.
Tama, dahil kay Angelo kaya sila ganiyan, kailangan naming alagaan ang kapatid n’ya. No’ng una pa lang ay alam na namin ang plano ng mga magulang nila kay Historia. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat ng banta sa buhay ng pamilya nila ay nakuha pa rin nilang papasukin sa eskwelahan na ito si Historia. Limitado lang ang kaalaman ni Historia, malaki naman yata masyado ang tiwala nila sa dalaga. Sa bagay, don't judge a book by its cover.
Alam na kaya ni Historia? Kung hindi, paano kung malaman n’ya ang totoo kung bakit s’ya nandirito? Bakit ko ba pinoproblema ‘yon? Problema na nilang magkapatid ‘yon. Once na gumaling si Angelo, babatukan ko talaga s’ya. Mabigat na responsibilad ang iniwan n’ya sa amin.
Kahit hindi pa ako nag-aaral dito sa Schwert ay nakalabas at pasok na ako rito kaya nakilala ko sina Levi at Angelo. Actually, lahat ng naririto ay kilala ko at kilala ako since isa ang pamilya namin sa bantay ng Avanguard.  Maliban lang sa mga newbie na galing sa human world.
Marami akong kaibigan dito, lalo na ‘yong mga galing sa noble family.  I know everything. Well, not exactly ‘everything’. I think someone or some people here is hiding some important information.
“Ouch!” angal ko nang bigla na lang akong tumama sa isang tao.
“Masyado yatang malalim ang iniisip mo, hindi mo napansin na huminto na kami dahil nandirito na tayo sa tapat ng clinic,” sambit ng isang tinig. Napahilot ako sa noo ko na tumama sa likuran ni Howard— ang may ari ng tinig.
“S-Sorry,” paghingi ko ng paumanhin.
Tumango lang s’ya at pumasok na rin sa loob, kaya sumunod na lang ako. Pagkapasok ko ay nasa kama na si Historia habang nakasandal si Levi sa pader at naka-cross arm. Si Howard naman ay nakatayo sa gilid ng kama na pinaglagyan kay Historia. Lumapit ako kay Howard at saktong dumating naman si Ate Fae.
“What happened? Bakit kayo naririto?” bungad ni Ate Fae sa amin.
“Treat her,” Levi said.
Napairap na lang ako sa hangin dahil sa kasungitan ni Levi.
Nakita kong nangunot ang noo ni Ate Fae ng silipin n’ya kung sino ang nakahiga sa kama.
“Historia? Anong nangyari Howard?” nagtatakang tanong ni Ate Fae.
Sumasakit ang ulo ko, heto na naman ako napapaisip. Kahit si Ate Fae kilala s’ya.
‘Newbie yet popular, huh! Who cares?’ I said to myself.
“Nasobrahan sa training,” maikling sagot ni Howard. Tumango lang si Ate Fae at lumapit na kay Historia.
“Wait!” Tinaas n’ya na ang kamay n’ya pero pinigilan s’ya ni Howard. Tinapunan n’ya ito ng tingin at kinunutan ng noo.
“Can you remove her memories about what happened earlier?” lalong nangunot ang noo ni Ate Fae, kahit ako ay napakunot ang noo pero si Levi ay wala man lang reaksyon.
“Wait, what?! Are you insane? Why?!” sunod-sunod kong tanong.
“Let me handle this, Xylem. Can you do that for me, Ate Fae?” seryosong tanong ni Howard.
“Howard, alam mo ang patakaran ng eskwelahan sa aming mga healer. Kapag nalaman ito ni Head Dawrin mapapatawan ako ng parusa,” kalmadong sagot ni Ate Fae.
“You know me Ate Fae, just trust me.” Kitang kita ko na desidido si Howard sa desisyonap n’ya. Nagbuntong-hininga si Ate Fae bago tumango.
“What?! Oh ghad, I'm out.” Lumabas na ako sa clinic dahil hindi ma-absorb ng utak ko ang gustong gawin ni Howard sa memory ni Historia.
I mean yes I don't care, but is he really insane? He's the SSG secretary, for Pete's sake! Hindi s’ya pwedeng mawala sa posisyon na hawak n’ya ngayon.
‘Hindi ka nag-iisip Howard, my ghad.’
Kinalma ko ang sarili ko at nagmartsa na paalis sa harapan ng clinic.
HISTORIA’S POINT OF VIEW,
Nagising ako kanina na magaan ang pakiramdam. Pero kahit magaan ang pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Hindi ko alam kung ano ang kulang o nawawala, hindi ko matukoy sa sarili ko.
Nandirito ako sa classroom namin at nagbabasa ng libro, pero hindi ako makapag-focus sa binabasa ko dahil sa mga matang nakatitig sa akin. Kanina pa nakatitig ang mga kaklase ko sa akin, ‘yong iba pa nga ay titingin sa akin at biglang magbubulungan. Tinignan ko naman ang itsura ko sa salamin at sinuri ko rin ang kabuuan ko kung may kakaiba ba sa akin pero wala naman akong nakita.
Ang weird nila ngayong araw.
“Hi Historia!” umagaw sa pansin ng lahat ang malakas na boses ni Persia na kapapasok lang ng pinto. Kumakaway ito habang papalapit sa akin. Thanks ghad, nawala rin ang tingin nila sa akin.
“Persia,” tanging sagot ko.
Tumabi ito sa upuan ko at nagsalong-baba sa desk ko habang may malaking ngiti sa mukha n’ya.
“How's your sleep?” excited n’yang tanong na kinakunot ng noo ko.
“Eh? Ayos lang?” nag-aalangan kong sagot.
“You looked blooming today,” magiliw n’yang pahayag.
“I am?” mahinang boses kong tanong.
“Yes, kaya siguro pinagtitinginan ka ng mga kaklase natin. Your hairstyle fits you today. Ang ganda mo gurl!” kinikilig niyang tili.
“Lower down your voice, Persia!” pabulong kong sigaw.
“Oops! So, may libreng oras ka ba mamaya? I mean, hindi ka lumalabas ng classroom. Samahan mo naman akong libutin ang buong Academia. Please!” nagpa-cute pa ito sa harapan ko habang nakasiklop Ang kaniyang mga kamay.
“Okay.” Hindi na ako nagdalawang-isip pa na pumayag. Naala ko na hindi natuloy ang pag-tour sa akin ni Howard kaya pumayag na ako.
“Great! Mamayang lunch ha, I'm excited!” maarte niyang saad habang iniikot niya Ang buhok niya sa kaniyang hintuturo. Napailing na lang ako sa inasal niya.
Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase at lunch break na. Pakiramdam ko ay para lamang akong nag-aaral sa ordinaryong paaralan. Pantay ang trato nila sa dalawang mundo. Kahit gaano ka-warm ang pakiramdam ko rito sa eskwelahan na ito ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko na may nagtatagong kalaban dito.
“Earth to Historia!” Napamaang ako nang biglang may sumulpot na kamay sa harap ng mukha ko.
“E-Eh?” gulat kong tanong.
“You’re spacing out, ang sabi ko tara na. Lunch na gurl, nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan.” Sabay haplos ni Persia sa tiyan niya.
“Oh, yeah right. Tara na.” Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit.
Habang patungo kami sa Cafeteria ay nagtitinginan sa amin ang bawat estudyante na madaraanan namin. Hindi ako makapag-react dahil hindi ko alam kung ako ba o si Persia ang pinagtitinginan at pinag-uusapan nila.
Siguro ay sobrang popular ni Persia rito, since kilalang kilala ang mga magulang at angkan nila na mga magagaling sa paggamit ng healing spells.
Nalaman ko iyon ng hindi sinasadya. Hindi naman sa nakikinig ako sa may usapan nang may usapan, pero ang lalakas kasi ng boses ng mga kaklase namin. Pinag-uusapan nila si Persia at ang pamilya niya. Hindi ako nangielam kasi normal naman talaga sa mga pamilyang may matataas na tungkulin ang mga issue o usapan. Hindi mawawala sa mga tao na pag-usapan ang buhay ng ibang tao. That's the reality. *Kibit-balikat*.
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan na naming maglibot sa buong eskwelahan. Sobrang laki ng Schwert, ang daming buildings and open field. Siguro ay hindi namin maiikot ito ng isang oras lang. May mapa naman kami pero mas maganda kung libutin talaga.
Sa paglilibot naming dalawa ay napadpad kami sa bulletin board area sa tapat ng Crimson building. Ang daming estudyante ang nagkukumpulan sa harapan ng bulletin board, ang iba ay impit na tumitili.
“Anong mayroon?” nakakunot-noong tanong ni Persia habang tumitingkayad at sinisipat ang pinagkakaguluhan ng mga kapwa namin estudyante.
Tinapik ko ang babaeng nasa harapan namin upang magtanong.
“Hey! Sorry sa istorbo, anong mayroon?” seryoso kong tanong. Lumingon ito sa akin at gulat na gulat nang makita ako na kinakunot ng noo ko.
“A-Ah, i-ikaw ‘yong—” hindi na nito naituloy ang sasabihin n’ya nang may magsalita sa likuran namin.
“Howard, give them a detention stub. It's already 1:00pm in the afternoon,” malakas at seryosong saad ni Levi na nakatayo ngayon sa likuran ko. Nakaramdam ako ng pagtaas ng mga balahibo ko at tila sinasakal ang leeg ko, hindi ako makahinga.
Biglang naglaho na parang bula ang mga estudyante na kanina lang ay nagkakagulo sa harap ng bulletin board. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na tumingin sa harapan ng bulletin board, hinigit ko na agad ang kamay ni Persia palayo sa lugar na iyon.
Hindi pa man kami tuluyang nakalalayo ay may humigit na sa braso ko. Hawak ko sa kanang kamay ko si Persia habang may nakahawak sa kaliwa kong braso.
“Sinabi ko bang umalis na kayo?” seryosong sabi ni Levi habang hawak ang braso ko. Hindi ako nagtangkang lumingon o gumalaw man lang sa kinatatayuan ko. Huminga ako ng malalim bago sumagot.
“Papasok na kami sa klase, at saka ayaw kong magkaroon ng record sa detention.” Inaagaw ko ang braso ko pero mahigpit ang kapit n’ya.
“A-Ahm Kuya Levi, baka mapagalitan kami ng Professor namin. Astronomy ang subject namin ngayon,” saad ni Persia habang nakahawak sa kamay ko na nakahawak sa isa niya pang kamay.
“What’s wrong Levi? Let them go,” kalmadong sabi ni Howard. Kilalang kilala ko ang boses niya kahit hindi ko makita ang mukha niya.
Lumuwag ang kapit niya sa akin hanggang sa tuluyan niya nang binitawan ang braso ko dahil sa sinabi ni Howard. What's wrong with him? Ghad! Ang sakit ng braso ko.
Hindi na ako nagsalita pa at tuluyan nang hinigit si Persia palayo. Nakarating kami sa classroom ng matiwasay, saktong pagkaupo namin ay siya ring pasok ni Sir Dawin.
“Sit down everyone, listen.” Nilibot ni Sir ang kaniyang tingin sa buong klase, tahimik lang kami dahil halata ang pagiging istrikto sa ekspresyon ng mukha at tindig ni Sir.
Well, thankful ako dahil dito ako sa section na ito napunta. I mean hindi ito kagaya ng ibang section na sobrang ingay at hindi marunong makinig sa mga Professors. Marunong umunawa at umintindi ng ang tao rito. Hindi ako showy na tao pero na-a-appreciate ko ang ganoong kasimpleng bagay. Based kasi sa experience ko sa Human World, minsan ka na lang maka-e-encounter ng ganitong mga estudyante.
“Sorry class, may biglaang anunsyo ang Head Mistress at nagpatawag ng meeting. Sa tingin ko ay ang iba sa inyo ay alam na ang anunsyong iyon dahil nakapaskil ang event sa bulletin board.”
Pumasok sa isipan ko ang senaryo kanina sa bulletin board area. Kaya siguro sila nagkakagulo roon ay dahil gusto nila ang mangyayaring event.
“Napagdesisyunan ng Head Mistress na magkaroon ng Welcome Party o Acquittance Party para sa mga Freshmen na kagaya n’yo dahil bago pa lang kayo rito. Don't worry about your attire, si Head Mistress na raw ang bahala sa susuotin n’yo. Sa susunod na linggo pa gaganapin ang nasabing pagtitipon kaya mahaba pa ang preperasyon ninyo. Reminder, lahat kayo ay dadalo walang hindi sasama dahil malaking puntos ang makukuha ninyo. Kapag hindi kayo dumalo ay pasensyahan tayo pero kailangan ninyo maglinis ng Cafeteria sa loob ng isang buwan. Any violent reactions?” tanong ni Sir sa amin. Umiling ang lahat sa tanong ni Sir, kitang kita ko ang excitement sa mukha ng mga kaklase ko at hindi pinansin ang parusang binanggit ni Sir. Iba ang nararamdaman ko, hindi ako na-e-excite sa ganitong event. Hindi ako fan ng parties or celebrations. Kahit birthday ko ay hindi ako nagpapahanda, umaayaw ako sa mga parties. Kaya siguro wala akong kaibigan simula pagkabata.
“Good, get one sheet of paper and lists your body and foot size, color that you want for your attire and shoes, make-up style for girls and hair style. Put your name laso, of course. Frey, paki kolekta ang mga papel ng kaklase mo.”
Ayaw kong pumunta pero ayaw ko ring maglinis ng Cafeteria sa loob ng isang buwan. At saka ni minsan ay hindi pa ako nakararanas dumalo sa mga ganitong event. Event sa school, sa company ni Daddy at kung ano pa. Hindi ko rin naranasan mag-gown at mag-make-up.
“Excited ka ba, Historia?” cheerful na saad ni Persia. Napadako ang tingin ko sa hawak niyang papel na tapos na niyang sulatan.
“What’s with your face? Hindi ka ba dadalo?” nag-aalalan niyang tanong.
“Hindi ako fan ng ganitong mga events,” pagpapakatotoo ko sa kaniya.
“You should come with me, hindi naman kita pababayaan doon.” Ngumiti siya sa akin na nagpapahiwatig na pagkatiwalaan ko siya.
“Ayaw ko,” mahina kong usal.
“Hindi pwedeng ayaw mo, pupunta ka sa ayaw at sa gusto ko. Okay? Akin na ‘yong papel mo.” Inagaw niya ang papel na hawak ko at nagsimula nang magsulat.
“Favorite color?” saad niya habang naka-focus sa sinusulat niya.
“Black,” maiikli kong sagot. Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo.
“Seriously?!” hindi niya makapaniwala na tanong. Tumango lang ako at bumalik na siya sa sinusulat niya. Saktong pagdating ni Frey ay tapos nang magsulat si Persia. Nakangiti pa siya nang iabot niya ‘yong dalawang piraso ng papel kay Frey.
“Great! Dadalo ka,” nakangiti niyang saad sa akin. Napailing na lang ako sa pagiging bossy niya.
“As if naman na may magagawa pa ako,” seryoso kong sagot. Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi ko.
Uwian na kaya nag-aayos na ako ng mga gamit ko. Napagdesisyunan namin ni Persia na magsabay na maglakad papuntang dormitory since iisa lang ang dorm naming mga babae. Nalaman ko rin na malapit lang ang room niya sa room ko.
Nasa tapat na kami ng dorm namin nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
“Historia!” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Howard na tumatakbo papalapit sa amin.
“Anong kailangan mo?” seryoso kong tanong. Namumula siya at hindi makatingin ng ayos sa akin.
“Ibibigay ko lang sana sa iyo ito.” Sabay abot niya sa akin ng isang sobre.
“Para saan ito?” naguguluhan kong tanong.
“Basahin mo na lang kapag nasa loob ka na. Papasok na ako ng dorm, have a good night!” saad niya at nagmamadaling pumasok ng dorm nila.
“Problema no’n?” tanong ni Persia. Nagkibit-balikat lang ako at tuluyan nang pumasok ng dorm.

Komento sa Aklat (124)

  • avatar
    Coleen Peñafiel

    amazing

    15d

      0
  • avatar
    Danan JayaWayan

    ddkfjfffff

    25/07

      0
  • avatar
    Kurt Anthony Palasol

    free gold

    24/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata