logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Eight

Vesta
Bumaba ako sa tricycle, mabigat ang hakbang na pumasok ako sa nakabukas na gate ng bahay ng magulang ni Sean. Yinakap kaagad ako ni Ashley nang makita ako.
"Sorry, insan kung hindi ko kaagad sinabi sa iyo. I want to make sure na siya talaga iyon," namamaos na boses ni Ashley.
I gently rub her back before she slowly pushes me. Ang namumula niyang mata ay puno ng pighating tumingin sa akin. It remind me of myself when tita called to me about Xyrell. Ngayon, it hurt so much.
"I understand, don't worry, Jen," sabi ko at marahang pinisil ang kanang braso niya.
Pumasok kami sa loob ng bahay nang magsimulang pumatak ang ulan. Iilang taong kilala ng pamilya ni Clyde ang nasa loob. Hinahanap ng paningin ko si Ninang Estella.
Mukhang napansin ni Ashley na hinahanap ko si Ninang. "Wala dito si mama, pumunta kay uncle Martin."
"Vesta? Ikaw ba iyan?"
Napatingin ako sa direskiyon kung saan nagmula ang boses. Isang may katandaang babae ang palapit sa amin na nasa mukha ang hindi kapaniwala.
"Aunt Rose!" galak kong sabi at yinakap siya. Ang dating mahabang unat at itim na buhok niya noon ay hanggang leegan na ngayon, at ilang kulubot na ang makikita sa mukha maganda niyang mukha.
"Ikaw nga, ang laki mo na," sa gitna nang yakap niyang turan.
Pagkakalas ko sa yakap ay ang pagdating ni Sean na papasok sa bahay. His expression was full of remorse. Mabilis na dinaluhan ni Ashley ang nobyo at yinakap ito.
"I'm so sorry for your loss, Aunt Rose," dalamhati kong ani.
"He serves his purpose, Vesta," aniya. Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Serve his purpose? Pilit ang ngiting binigay niya sa akin.
Kahit nais kong malaman ano ang kahulugan ng sinabi niya ay hindi na ako nag-tanong pa. Iniwan ko muna si Aunt Rose nang linapitan siya ng kakilala. Iilan sa mga naparito ay hindi ko kilala. Lumakad ako papunta sa kulay lupang kabaong.
Halos hindi ako makahinga habang tinitigan ko siya. Parang natutulog lang siya, sout ang isang puting polo at itim na pantalon. Marahan kong hinaplos ang malinaw na salamin na pumapagitan sa aming dalawa.
Sino ba ang pumatay sa iyo, Clyde? Ano ba ang dahilan? Is it possible that the one who killed you is the one who get Xyller?
Bumalot ang takot sa kaibuturan ko. I can't face it if one of these days, Xyller bodies will be found and ended like Clyde. How could I forget and move on?
Bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. The memories of Clyde came knocking inside me brian. It hurt so much seeing him like this. Naikuyom ko ang kanang kamay.
"Vesta..." Hawak ni Sean sa balikat ko.
Pinahid ko ang luha bago tumingin sa kanya. "Sean, I'm so sorry." Yinakap ko siya.
"I still can't believe it, Vesta. Thank you for being here," malumanay niyang sabi sa ginta ng yakap.
"I feel the same too, Sean, I feel the same..."
Sa araw ng libing ni Clyde, halos dumalo ang mga tao sa La Moran. Everyone knows Clyde for being a good child, a good brother and a good citizen. Hindi ko maalis ang tingin kay Sean, even he didn't tell to us, his hurting.
Sa paghulog ng mga puting bulaklak kasama ng kabaong ang pagbuhos ng ulan. Kanina pa umiiyak si Ashley habang nakayakap si Sean na may sinasabi. Binuklat ko ang payong at tumalikod. Kasama ni Ninang Stella si Aunt Rose at Uncle Renan, ang ama ni Sean at Clyde.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi, yuko ang ulong lumakad ako paalis kasama ng mga luhang lumandas sa mukha ko. Kina-usap ko noong isang araw si Tita Ellena tungkol sa nangyari kay Clyde, alam kong nasaktan si tita sa nalaman kahit hindi niya sinabi sa akin. Nag-away kami dahil nais niya akong umuwi, pero tumanggi ako at hanggang ngayon ay hindi ko sinasagot ang tawag niya. She doesn't understand why I am doing this, I don't want to hurt her but I need to find my twin and to know what happened.
Tatlong araw kaming absent ni Ashley sa mga subject namin, at mabuti na lamang ay binigyan kami ng excuse ng university nang malaman nila ang nangyari. Pagkalabas ko sa cemetery ay sumakay ako ng taxi papunta sa lugar na matagal ko nang hindi napuntahan, after what happened way back ago.
Sinuklay ko ang namamasa kong buhok gamit ang mga kamay ko na ang mga mata ay nakatuon sa labas ng bintana. Pinikit ko ang mga mata at huminga ng malalim.
"I'm so sorry..." bulong ko sa sarili. Inaalala ko ang mukha ng magulang ko. They're smiling yet it's blurry. I can't remember their voices or how they laughed.
Lumukob ang takot sa dibdib ko. I'm counting numbers in my mind, trying to figure out why I'm so afraid right now. Dahil ba unti-unti ng nawawala ang ala-ala ng magulang ko? Dahil ba natatakot ako na harapin ang katotohanan kung bakit nangyari iyon? Dahil hanggang ngayon ba hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko?
"Andito na po tayo, Miss," untag ng driver.
Minulat ko ang mata at tumingin sa isang bahay sa kanan ko. Ngayon ko lang uli nakita ang bahay. Bumaba kaagad ako pagkabayad ko. Hindi ko inaalis ang aking tingin. Wala pa ring pinagbago noong umalis kami ni Xyller maliban sa parte na puno ng mga nagtataasang ligaw na damo na pumalibot sa bahay. Kumukupas na ang light blue na pintura ng pader. Isang two story house. Ang white picket fence ay nawawalan na ng puting pintura at nagsisimula ng mag-decay.
Mahigpit kung hinawakan ang payong, mas lalong bumuhos ang malakas na ulan. Humakbang ako papalapit sa gate na gawa sa kahoy. Sinubukan kong buksan iyon kaso naka-lock. Nasaan kaya nakalagay ang susi ng gate.
Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko, parang may taong andoon. Isang anino ang nakita ko. Guni-guni ko lang ba iyon? Tinitigan ko uli ang bintana na may puting floral na kurtina. Maari bang andoon si Xyller? Sinubukan kong buksan ang gate nang maalala ko na may naka-reserbang susi sa isa sa flower plant sa gilid ng gate na inilagay si mama. Baka andito pa iyon.
Hinanap ko ang flower pot na rosas ngunit patay na ang bulaklak na nasa harapan. Yumukod ako upang tingnan ang isang flower pot kasama ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
"What are you doing?"
Sumigaw ako nang biglang may boses sa likuran ko. Muntikan ko nang mabitawan ang payong ko.
Tumayo ako sa pagkakayukod at tumingin sa pinanggalingan ng boses.
"I'm sorry for scaring you, I'm so curious what you are looking at," aniya na sinubukang tingnan kung ano ang nasa likuran ko.
Hindi ko inaasahan ang isang babae na naka-sout ng floral dress na nagpabasa sa ulan. She look like a 16 years old.
"Wala iyon," sabi ko kasama ng iling. Bahagyang kumunot ang noo ko. "Bakit nagpapa-ulan ka?" Hindi ko napigilang itanong.
Ngumisi siya, she's so beautiful. "Ano kasi, I like rain." Tumingin siya ng puno ng kuryusidad sa akin at sa bahay. "Are you planning to get into that house?"
Mabilis ang iling ko. Bakit naisip niya iyon? Sino kaya ito at ano ang ginagawa niya dito?
"I thought," aniya at ngumiti ng malaki. Ang perpekto ng mga ngipin niya.
"You look familiar..." Seryosong tingin niya sa akin. She slowly tapped her chin while thinking.
I look familiar? Anong ibig niyang sabihin? Humigpit ang hawak ko sa handle ng umbrella. Babalik na lang ako dito bukas. Sinulyapan ko sa di kalayuan ang papadaang taxi.
"Aha!" Nagulat ako sa reaksiyon niya. Kumunot ang noo ko na tumingin sa hintuturo niya na nakaturo sa akin. "You look alike of Sha Blue. Or is that you Blue?" Namilog ang mga mata niya.
Hindi ko inaasahan iyon. How could she know? Halata ba ang get up ko? Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng coat ko at tiningnan ko ang sarili sa black screen ng phone. Lumaki ang mata ko sa nakita. I forgot my fake glasses.
"You are wrong, hindi ako si Sha Blue," pekeng ngiti kong sabi. Binalik ko ang phone sa bulsa ng coat.
Umiba ang anyo ng mukha niya. "Akala ko, baka nagkamali lang ako." Tumingin siya sa flat shoes niya na kulay itim.
"Oo, imposible iyon. Baka magkahawig lang kami," sang-ayon ko.
"Maybe," umangat ang tingin niya at pumalit ang ngiti sa mukha. Inilahad niya ang kamay sa akin. "I'm Kyra Venice Kate Emerson, nice to meet you by the way."
Emerson? Kaano-ano ba sila ni Keyran?
Tinanggap ko ang kamay niya, "Vesta Vielle Saquinan nga pala," ngiti kong sabi.
"Nice name, I like it," she said with a giggled.
"I like your name too," balik kong sabi sa kanya na ikinatuwa niya ng marinig.
"My mom gave me that name, see you around, Vesta," paalam niya.
"Sige," sagot ko. Iniwan niya ako papunta sa direskiyon ng gubat ng La Moran.
She's so weird. Tumalikod na ako. I forgot the taxi, ayan tuloy wala na akong masakyan pa. Huminga ako ng malalim. Binigyan ko ng huling sulyap ang bahay bago naglakad paalis.

Komento sa Aklat (107)

  • avatar
    Sandy Gangoso

    may book 2 na po ba?

    01/11/2023

      0
  • avatar
    PalisNenet

    ganda ng story Sana my happy ending cla Vesta at Keyran nxt part author plsssssssssss kabitin🥰🥰🥰🥰

    17/09/2023

      0
  • avatar
    Asnor DM

    niceeee

    22/04/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata