logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Unknown kiss

• • •
"Can i ask what time can I go home?" Tanong ko.
Nakarating na kami at kasalukuyan niyang binubuksan ang silid.
"You're not even starting yet you're already thinking about going home?" Nanunuyang tanong niya bago pumasok sa loob.
Sumunod ako sa kaniya. Sinundan ko siya ng tingin. Nagsindi siya ng isang ilaw na naka-pwesto sa gitna ng kisame. Nilapitan niya rin ang aircon at binuksan iyon. Nang matapos ay dumiretso na sa professor's table at umupo sa monoblock na naroon.
"Get one chair and place it here," tinuro niya ang pwesto sa harapan ng lamesa niya.
Binitiwan ko ang mga papel roon at kumuha ng upuan sa dulo ng room. Pinwesto ko iyon sa lugar na itinuro niya.
"Start checking the papers."
Ibinigay niya sa 'kin ang copy ng mga tamang sagot. Kaagad naman akong kumuha ng ballpen at sinimulan na. Hindi naman marami ang pinag-test namin at halos 30 lang kami sa klase niya kaya baka trenta minutos lang ay matapos na ako. Sana lang ay wala na siyang ibang ipagawa para kaagad na akong makauwi.
Nasulyapan ko siya at nakitang mariing nakatingin sa akin. Naka-de kwatro siya ng upo habang nakaipit ang isang kamay sa kabilang braso niya, ang isa naman ay pinaglalaruan ang labi niya.
Tumayo siya at naglakad palapit sa pinto. Napabaling ako ng marinig na sumara iyon. Medyo kinabahan ako roon dahil kaming dalawa lang ang narito. Idagdag pa ang sobrang katahimikan at ang kaunting liwanag na nanggagaling sa ilaw, hindi sapat iyon para malinawan ang buong silid.
"Anong silbi ng pagbubukas ko ng AC kung hindi rin lang naman nakasara ang pinto?" he said before walking towards my direction.
I tried to ignore him by continuously checking the papers. Medyo bumagal lang dahil hindi ako makapagfocus, namamali rin ako sa pagccheck ng papel.
Naramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. "Is it really hard for you to respect your teachers?" Banayad ngunit may bahid ng panganib sa boses niya. "I hate it when they're acting like superiors just because they are close with someone who's a bit powerful," mapanuyang sabi niya.
I am now fully aware of his every move. He leaned to me from my back. Tuluyan kong nabitawan ang hawak na panulat ng maramdaman ang hininga niya sa gilid ng batok ko. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kaniya.
"I-I told you. I am not like that," mariin at kabadong sagot ko.
Tumuwid siya mula sa pagkakayuko ngunit nanatili sa pwesto niya. Hawak ng isang kamay niya ang upuan ko.
"Then how can you explain your arrogance and trashy attitude towards your teachers?"
"To tell you honestly, sir. I have good relationship with the other professors," I said to prove a point. I don't think I will have any problem with him if he's acting like my other teachers.
Natawa siya, halos hindi makapaniwala. "Are you saying that I'm the problem?"
"I just want you to realize that it's not entirely my fault. You're invading my own privacy, sir. Sa palagay ko ay kailangan niyo ring respetuhin iyon, kahit na estudyante lang ako."
I don't want to make him angry at this point but I want him to realize that he's at fault too. I want him to understand my actions.
Humalakhak siya. His laughs sent shivers down my spine. It's like a demon's laugh.
"This is not good. You're making me more interested in you."
Nagtindigan ang balahibo ko sa sinabi niya. Is he really serious about it? Akala ko ay nagbibiro lang siya nung una, umaasa akong nagbibiro lang siya!
"Continue on what you're doing," may ngisi sa labing sabi niya bago naglakad sa sarili niyang upuan.
Napipilitan naman akong umupo at pinilit na ipagpatuloy ang ginagawa. All I want right now is to finish this papers so that I can go home already. Mabilis kong tinapos iyon, still aware of him.
"Are you still not into boys?" Kuryosong tanong niya.
Mabilis akong umiling at umapila para tigilan na niya ako. Wala akong planong pumatol kaya siguro naman ay hihinto siya kapag nalamang wala siyang pag asa.
Nagpatuloy ako sa ginagawa. Just a few papers and I'll be done.
"Can't imagine yourself having a boyfriend?"
An image of Dale suddenly entered my mind. Saglit akong napatigil dahil doon.
What the hell?! Why did he suddenly popped up on my mind?!
Ipinilig ko ang ulo ko at inalis ang iniisip. Ipinagpatuloy ko ulit ang ginagawa ko.
"No, sir."
"Good. I like straight boys," sabi niya at hinintay ang magiging reaksyon ko.
And here I am, thinking that he'll be turn off. Damn!
Sinikap kong itago ang pagkadisgusto ko sa sinabi niya. Ayokong malaman niyang naapektuhan ako. Nakita ko ang pag-upo niya ng maayos at pagkuha sa cellphone ng tumunog iyon. Kapagkuwan ay tumayo.
"I need to leave you for a while. Wait me here." nagmamadaling sabi niya bago diretsong lumabas ng silid.
Iniangat ko ang tingin ko ng narinig na sumara ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag sa pagkawala ng presensiya niya.
He's stressing me out! I don't know how to deal with someone like him. I am believing Grant's words now. Nac-challenge sila sa mga straight na lalaki. I think they're curious if they can change their victim's preference or views about them.
Marahan kong minasahe ang sentido at batok ko. Napagdesisyunan kong tapusin na ang iilang papel.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng makarinig ng kaluskos sa gitna ng katahimikan. Ilang mura ang nasabi ko sa utak ko ng matanto na mag isa lang ako sa may kadiliman na silid na 'to. Hindi ko alam kung mas magandang nandirito si Sir Clydawn o wala.
Binilisan ko ang pagtapos sa mga papel. Tuluyan akong napapikit ng mariin ng makarinig ng ilang yabag ng mga paa. Mahigpit kong hinawakan ang gamit na panulat.
Sh*t! Sh*t! Sh*t! Sh*t! I am not a fan of horror movies!
Pinilit kong dinilat ang mata ko ng sandaling tumahimik, ginamit ko iyon upang tuluyang tapusin ang mga papel kahit na nanginginig na ang kamay ko habang tinatama ang mga iyon.
Laking pasasalamat ko ng matapos ako. Mabilis kong hinablot ang bag ko at napagpasyahang lumabas na ng silid. Iyon nga lang ay namatay ang ilaw pagkatayo ko.
"F*ck!" Gulat na naibulalas ko.
Tinakbo ko ang distansya papuntang pinto sa kalagitnaan ng dilim. Muntikan pa akong nadapa dahil wala akong masyadong makita, kaunting liwanag lang mula sa liwanag sa labas na nanggagaling sa may bintana na natatakpan ng kurtina. Hindi ko na alam kung dahil lang ba sa takot at kaba ko kaya hindi ko mabuksan-buksan ang pinto.
"Shit, come on!" Kinalampag ko iyon sa pagkakataranta.
Nabitin ang huli ko pang sasabihin ng may biglang humaklit sa braso ko at inikot ako upang tumalikod sa pinto. Marahas niya akong itinulak pasandal doon. I was so shocked that I didn't managed to utter a word.
Nang makabawi sa paglabigla at magsasalita na sana ay kinulong ng dalawa niyang kamay ang pisngi ko bago ko naramdaman ang hininga niya sa mukha ko at ang paglapat ng labi niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko. I was so shocked that I couldn't manage to move. Tinangka ko siyang itulak ng malakas ng matauhan. Saglit na humiwalay siya sa akin pero kaagad ding nakalapit agad at muling pinaglapit ang labi namin. Hinawakan niya ang isa kong kamay ng tangkaing itulak siya ulit palayo.
Kinagat niya ng mariin ang pang ibabang labi ko dahilan para maiawang ko iyon. He take that chance to enter my mouth and insert his tounge.
I can feel his tongue exploring my mouth, trying to play with my tongue.
Hindi ako makahinga sa ginagawa niya. Ginamit ko ang buong lakas ko para pigilan siya. Gamit ang isa kong malayang kamay, buong lakas akong umigkas ng isang suntok. Tinamaan siya sa mukha kaya napalayo siya sakin. Habol ko ang hininga ko ng umalis mula sa pagkakasandal sa pinto.
"W-Who are you?!" Nginig ang boseskong sigaw.
All I can see is a silhouette of a tall man. Hindi ko maaninag ang mukha niya, although his figure is a bit familiar to me. Gumalaw siya kaya napaatras ako sa pag aakalang lalapit siya. Instead, he walked away. Hindi ko na siya nasundan ng tingin lalo na ng kainin siya ng madilim na parte ng silid, sa likuran kung saan itinabi ang ilang upuan.
Natulala ako ng ilang saglit. Hindi pa masyadong nags-sink in sa utak ko ang nangyari. O mas magandang sabihing hindi ako makapaniwala sa nangyari. Wala sa sariling dumausdos ako ng upo at sumandal sa pinto. Tinukod ko ang dalawang siko sa binti ko at hinawakan ang ulo. Pumikit ako ng mariin at hindi napigilan ang pagsabunot sa sariling buhok.
Who the hell is that?! Sinong siraulong maglalakas ng loob na gawin ang bagay na iyon?! F*ck!
Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Ang naginginig kong kamay ay napahawak sa nanlalambot kong tuhod. Ramdam ko ang takot sa kaibuturan ko. Para akong maiiyak sa kaba at takot na nararamdaman ko. This is the first time I felt so fucking humiliated.
Hindi ako hibang para paniwalain ang sarili na babae ang may gawa noon. Sa lakas palang niya ay walang-wala na ako, idagdag pa ang katangkaran niya sa'kin.
Umusog ako sa tabi ng maramdaman ang pagkalabog ng pinto sa likod ko. Hindi ko naitago ang pinaghalong takot, kaba at galit sa mukha ko ng makita si Sir Clydawn. Badtrip siya noong una akong tinignan pero kalaunang nangunot ang noo ng makita ako.
"Y-You... where did you go?" May bahid ng akusasyon sa boses ko.
I can't trust him. Maliban sa mga bagay na ginagawa at sinasabi niya sakin, mas matangkad rin siya. Iyon ang nagsisilbing pagkakakilanlan ko sa lalaking humalik sa'kin kanina. Mas tumindi lang ang paghihinala ko ng makita ang sugat sa gilid ng labi niya. Nasuntok ko iyong lalaki kanina kaya hindi malabong magkapasa o magkasugat man lang iyon.
"I went to the faculty," nagtagis ang bagang niya na parang may naalalang hindi maganda.
"Sigurado ka bang doon ka talaga nagpunta?"
Iritado niya akong tinaasan ng kilay. "Are you saying that I'm lying?"
Hindi ako kumibo. Hindi ko maseryoso ang galit na pinapakita niya. I'm starting to overthink. Galit ba siya dahil may hindi magandang nangyari sa pinuntahan niya? Galit na hindi ko siya pinaniniwalaan? O dahil sa sugat na natamo niya?
"Kung ganoon, saan mo nakuha ang sugat mo sa labi?" Akusa ko.
"I do have a question to ask for that question of yours," diing sabi niya gamit ang mapanganib na boses. "Are you saying the truth when you say that there's nothing going on between you and Grant?"
"I'm telling the truth," litong sabi ko. Anong kinalaman ni Grant sa tanong ko?
"Then why is he acting like you're his?!" Galit na bulyaw niya. "He even have the guts to hurt me!"
Ayaw kong maniwala pero hindi ko maitanggi na maaaring nagsasabi siya ng totoo. May hindi na sila pagkakaunawaan ni Grant noon pa man. May pagkamainitin ang ulo no'n kaya hindi malabong masaktan niya siya.
"Bakit ka naman niya sasaktan?" Tanong ko habang tinitignan siyang hinahawakan ang hiwa sa labi niya.
Mas nairita siya. "Someone texted me! Saying that there's a problem at the faculty. Pagkapunta ko roon ay siya ang naabutan ko." Sa halip ay sabi niya, nanggigigil.
"How dare him to threaten me. Sa palagay niya ba talaga madali akong matakot?" Pagak siyang tumawa. "Mas binibigyan niya ako ng rason para magpatuloy," itinuon niya sa'kin ang mga mata niya. "Kamusta ang pinapagawa ko sayo? Natapos mo ba?" Mas mahinahong boses na tanong niya.
"Oo," sagot ko at may naalala. "May... iba pa bang daan papasok dito?" Tanong ko.
Bahagyang nanghuhuli. Naniniwala ako sa sinabi niya pero hindi ko parin siya magawang pagkatiwalaan. Sapat na ang pagkakakilala ko sa kaniya para malamang kaya niyang gawin ang bagay na iyon.
"Meron. Bakit?" Hindi ko siya sinagot at tinignan lang. Itinuro niya ang likuran ng silid pero dahil madilim, hindi namin makita. "Sandali nga. Bakit patay ang ilaw dito?"
Lumapit siya sa switch ng ilaw at may pinundot roon. "Patay ang general switch?" Takang tanong niya sa'kin.
"Anong meron sa kabilang silid?" Tanong ko ng hindi pinapansin ang sinabi niya.
"Mini library. Magkarugtong ang silid na 'to at ang kabila. Pwede kang dumaan sa pinto doon," tinuro niya ang parteng likuran ng silid. "Para makapunta ka sa kabila," paliwanag niya.
Bahagya akong nalinawan sa sinabi niya. Iyon marahil ang ginamit ng lalaki para makapasok rito.
"Pero hindi iyon pinapagamit sa inyo. Ang mga aklat na naroon ay para lamang sa mga guro. Nakakandado iyon at kami lang ang pwedeng pumasok. Nasa akin ang isa sa pinagawang duplicate key," paliwanag niya.
Umusbong ulit ang pagdududa ko sa kaniya. Mga professor lang ang pwedeng pumasok. At nasa kaniya ang isang susi para roon kaya malaya siyang maglabas pasok.
Pero teka nga. Kung siya iyon, bakit niya sasabihing isa siya sa pwedeng pumasok sa silid na iyon? Hindi ba dapat ay itago niya iyon para hindi siya mahuli? O baka naman paraan niya iyon para hindi ko siya pagdudahan?
Tinignan ko siya at nakitang nakatingin siya sakin. Suminghap ako. "Mauna na ako," sabi ko.
Hindi ko na siya hinintay sumagot, agad na akong lumabas ng pinto. Narinig ko pa ang ilang tawag niya na hindi ko pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palayo roon.
"Bryll" napatingin ako sa isa sa mga benches at nakita si Grant na nakaupo roon. Mataman niya akong tinitigan habang naglalakad palapit sa'kin. Napansin siguro na hindi maganda ang timpla ko.
"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad. Kanina pa umuwi ang iba dahil tapos na ang klase.
"Hinihintay kita."
Nilingon ko siya. Naagaw ng atensyon ko ang isang pisngi niyang namumula.
"Talagang nag-away kayo ni Sir Clydawn?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
Umiwas siya ng tingin. "Nalaman ko na siya ang nagpa-detention sayo," his lips turned into thin line.
"Bakit mo pa pinatulan? Baka mamaya ako pa ang pagbuntungan ng galit noon," napabuga ako ng marahas. "Pero siguro okay na rin. Parang pinaghiganti mo lang ako," mahinang sabi ko.
Kunot noo niya akong hinarap. "What do you mean?" Umismid ako. "Did he do something to you?"
"Iyong pagkaka-detention ko ang tinutukoy ko," sagot ko at binalingan siya. "Pero baka meron na kapag nagpatuloy iyang away niyo."
Wala akong balak sabihin sa kaniya ang nangyari. Masyadong nakakahiya iyon sa parte ko. Natatakot rin ako sa posibleng magiging reaksyon niya. Sa palagay ko ay si Sir Clydawn din ang iisipin niyang gumawa noon. Ayokong masundan ang away nila. Simula pa nung bata kami, siya na ang tagapagtanggol ko sa mga nakakaaway ko. Kapag nalaman niya, posibleng mangyari iyon.
"Dumaan ka muna sa bahay. Gagamutin natin iyang pisngi mo, baka maging pasa iyan."
"Okay."
Iyon nga ang nangyari. Pinaupo ko siya sa sofa namin sa sala ng makarating sa bahay. Binuksan ko ang tv at iniwan siya saglit para ilagay sa kwarto ang bag ko. Pumunta rin ako kay manang para paghandain ng ilang yelo para sa cold compress. Kinuha ko rin ang first aid kit namin.
Dala dala ko na ang mga iyon ng puntahan si Grant, nadatnan ko siyang tulala sa tv habang hinahawakan ang pisngi.
"Huwag mo ng galawin," inalis ko ang kamay niya sa pisngi at inilapag ang hawak ko, sinundan niya iyon ng tingin.
"Oh. Idikit mo 'to sa pisngi mo." inabot ko sa kaniya ang cold compress.
Tahimik niya akong sinunod. Umupo ako sa tabi niya at naglabas ng ilang bulak at betadine para sa gasgas sa pisngi niya.
"Huwag mo na siyang papatulan sa susunod. Huwag mo nang pairalin ang galit mo sa kaniya. Hindi porke president ka, papalagpasin niya na ang ginagawa mo. Professor pa rin siya, tandaan mo." Marahan lamang siyang tumango.
"Susubukan ko na rin na iwasan siya," wala sa sarili kong sabi.
"Buti at naisipan mo na ring sundin ako?" Matabang na sabi niya.
I tsked. "Susubukan ko lang, kasi hindi pa rin ako sigurado kung magagawa ko. Sa palagay ko kasi, hindi ko siya mapagkakatiwalaan," kita ko ang tingin niya mula sa gilid ng mata ko.
"Binalaan na kita noon pa," mahinang sabi niya.
"Alam ko. Iiwasan ko lang siya kapag kaya ko. He's still my professor," sagot ko.
"Inform me if he's disturbing you again. I'll do something about it. Hindi ka niya pwedeng pormahan, Bryll. Hindi," mariin niyang sabi.
"Tignan mo 'to, kakasabi ko palang na huwag mo nang patulan-- aish!" frustrate na sabi ko. "Bakit nga ba ang laki ng galit mo doon?" Tanong ko habang nasa pisngi niya ang atensiyon ko.
Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang tingin niya.
° ° °

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Lago quitoKurt

    it's so cool

    25d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    thank you na binigay motong app nato

    25d

      0
  • avatar
    Ade Lin

    i have fun reading

    12/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata