logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

TYPE

• • •
I woke up with a hangover the next day. I take a fast bath to loosen up before going to the kitchen. Naabutan ko si Manang Tessy na nagluluto.
"Mabuti naman at gising na ang mahal na prinsipe," pagpaparinig niya ng makita akong umupo sa dining table at ihiniga ang ulo sa lamesa.
"Manang naman," mahinang angal ko.
"Masakit pa ba ang nararamdaman mo?" Marahan akong tumango. "Bagay lang iyan sa 'yo. Pasalamat ka at nakaalis na ang mama't papa mo, kung hindi ay baka dumadaing ka na ngayon sa sobrang sakit ng katawan mo," sermon niya.
Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakapikit. Inaantok pa ako at hindi pa masyadong ayos ang pakiramdam ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.
"Heto, uminom ka muna ng kape para magising iyang kaluluwa mo." Inilapag niya ang tasang may lamang kape sa harapan ko.
Tinignan ko siya at nginitian. "I love you, manang."
"Naku kang bata ka. Dalian mo diyan at baka dumating na iyong kaibigan mong si Grant--- oh ayan na pala," sabi niya habang nakatingin sa pintuan.
Sinundan ko siya ng tingin at nakita si Grant na matamang nakatingin sa 'kin habang dahan dahang lumalapit sa pwesto ko. Bagong ligo siya habang nakasuot ng simpleng white V-neck shirt at pants.
Nginisian ko siya at sumipol. "Mukhang may lakad ah. Date?"
Pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Enroll," sagot niya. Umupo siya sa may harapan ko at naghingi ng kape kay manang.
"Enroll? Bakit? Nakick-out ka rin?" Tanong ko. Nagtataka niya akong tinignan bago binalingan si manang.
"Ate, nauntog ba 'tong alaga niyo?" Natawa si manang sa kaniya.
"Ang sama niyo sa'kin. Ang ayos ayos ng tanong ko," nakanguso kong sabi habang naka-halumbabang nakatingin sa kaniya.
Tinitigan niya ako at saglit na napadako ang mata niya sa labi ko bago ulit binalingan si manang.
"Hindi nila pinaalala sa kaniya?"
"Hay nako. Kakagising lang ng batang iyan. Ang mabuti pa ay ikaw na lang ang magsabi. Maglilinis muna ako sa labas," sagot ni manang bago kami iniwang dalawa.
Tinignan ko naman si Grant na seryosong umiinom ng kape ngayon.
"Ano ba iyon, pre?"
"Inutusan ako ni tita na samahan kang mag enroll ngayon."
"Ngayon mismo?!" Nawala bigla ang sakit ng ulo ko.
"Oo," sagot niya na nagpataranta sa'kin.
Tumingin ako sa relo at ng makitang maga-alas onse nalang ay agaran kong ininom ang kape ko. Agad ko rin itong nailuwa ng mapaso ako.
"Shit," reklamo ko habang pinapaypayan ang bibig.
Kaagad namang tumayo si Grant, kumuha ng pitsel sa ref at pinagsalin ako ng tubig sa baso. Agad kong tinanggap iyon at uminom.
"Kagabi ko pa sinabi sayo iyon. Ayos ka lang ba?" Tanong niya habang pinapanood ako.
"Wala akong matandaan," sagot ko habang patuloy sa pagpaypay ng kamay sa bibig.
"Wala? Sinabi ko iyon bago tayo maghiwalay kagabi," marahang sabi niya habang tinitignan ang reaksiyon ko.
"Wala nga. Ni hindi ko matandaan kung anong nangyari kagabi sa bar."
"Wala ka talagang... matandaan?"
"Ang kulit mo, pre. Daig mo pa babae. Wala nga," asar na sagot ko.
Hindi siya nakasagot. Wala sa sariling uminom siya ng tubig sa basong ininuman ko kanina.
"Bakit ka uminom diyan? Para na niyan tayong nag-indirect kiss," biro ko. Napahagalpak ako ng tawa ng mabulunan siya.
Namumula ang mukhang tinignan niya ako ng masama. Tatawa-tawa akong tumayo at ginulo ang buhok niya.
"Ang cute mo, pre. Para kang babaeng kinikilig sa pula ng mukha mo."
Naglakad ako paakyat ng hagdan habang tumatawa pa rin. Tinapunan ko siya ng tingin at naabutan siyang seryosong nakatingin sa akin.
Napailing ako.
Kahit kailan talaga, napaka-seryoso niya.
"Bihis lang ako. Diyan ka muna sandali!" Paalam ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko. Pinalitan ko lang ng isang plain na pastel pink ang damit ko at fitted na pantalon. Medyo bakat ang nasa ilalim ko pero pinagkibit balikat ko na lang iyon tutal ay puro lalaki ang nasa eskwelahang iyon.
Bumaba na ako matapos magbihis at gayakan ang sarili. Tinignan ako ni Grant mula ulo hanggang paa ng makita akong pababa ng hagdan. Nagtagal ang tingin niya sa pantalong suot ko bago binalingan ang basong hawak.
"Change your pants," utos niya.
"Okay na 'to, pre. Hindi naman siguro ako pagnanasaan ng mga lalaking naroon," biro ko.
"Magpalit ka. Hindi tayo aalis ng ganiyan ang suot mo," pinal na sabi niya na ikinababa ng balikat ko.
"Ang arte," asar na sabi ko bago umakyat para magpalit.
---
"Ang laki pala ng school niyo. Ngayon ko lang ata nakita 'to," mabagal na sabi ko habang namamanghang nakatingin sa harap.
Nasa harapan ko ang school nila at hindi ko maiwasang mamangha. Hindi hamak na mas malaki at mas malawak sa naging paaralan ko noon.
"Excited na ako. May mga bata bang guro dito? Alam mo na, same age?" Ngising baling ko sa katabi. "Siguro naman may mga babae kayong teacher dito, ano?"
Sinundan ko siya ng mag umpisa ng maglakad papasok. "Ang daldal mo."
"Pero, pre. Wala ba talagang girl students dito? Special student? Exchange student? Basta babae?" Pangungulit ko. Tinapunan niya ako ng iritadong tingin.
Umismid ako sa reaksyon niya.
"Huwag ka nang mangarap. Lalaki lahat ng nandito," napansin ko ang pag iiba ng tono niya ng binigkas ang huling sinabi.
Tinignan ko siya at nakitang wala sa sariling nakatingin sa harapan at parang malalim ang iniisip.
"Mr. President."
Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Naglalakad siya palapit sa 'kin. Halos kasing edad lang namin siya kung titignan sa hitsura niya. May hitsura at matangkad. Hindi ko nga lang masyadong magustuhan ang uri ng pagtingin niya, lalo na ngayong nakangisi.
"Mr. President?" Takang tanong ko kay Grant na nakatingin na rin sa lalaki.
"Hmm. New student?" Tanong niya habang naniningkit ang matang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam pero kinabahan ako sa uri ng pagkakatingin niya at sa aura niya mismo.
Lumunok ako bago sumagot. "O-oo pre."
Natawa siya ng mapansin siguro ang pagkakautal ko.
"What a cute little kitten you brought here," napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Alam kong may kaliitan ako pero dapat ba akong tawaging ganoon? Sa aming dalawa ni Grant, hindi hamak na mas matangkad siya sa 'kin. Hanggang balikat niya lang ako. Sa palagay ko ay mas matangkad lang ng kaunti ang lalaking kaharap namin sa kaniya.
Magrereklamo sana ako kung hindi lang hinigit ni Grant ang braso ko.
"Una na kami," malamig na sabi niya at hinila ako paalis roon. I heard the guy chuckled.
"Have a nice day ahead, Mr. President," nilipat niya ang tingin niya sa 'kin at tinitigan ako habang nakangiti ng malaki. "Lil kitten."
"Don't mind him," mariing sabi ni Grant, dahilan kung bakit napatingin ako sa kaniya. Nagtagis ang bagang niya bago bumuga ng marahas na hangin. "When your first day started, do not mind them."
Hindi na lang ako nagtanong sa sinabi niya lalo na at mukhang hindi maganda ang relasyon niya sa lalaking iyon. Ayaw kong madamay sa init ng ulo niya, aba.
Nagpatuloy na kami papuntang registrar. Mabilisan lang iyon, hindi na kami naghintay ng matagal, kaagad rin kaming natapos.
We stayed there for a while. I asked Grant to tour me around, para naman magkaroon ako ng kaunting ideya sa buong lugar.
I am not good at memorizing places. I don't think I'll remember every rooms and buildings that Grant's mentioning but at least, I still know some. Ilang balik pa siguro ang kailangan bago ko mama-memorya ang lahat, may kalakihan pa naman ang skwelahan nila. Kahit papaano, kapag nakapasok na ako ay medyo familiar na sa 'kin ang lugar, medyo mapapabilis ang paga-adjust ko.
Dumaan kami saglit sa kainan malapit sa school nila para kumain. Umalis na rin naman ng matapos at napagpasyahang umuwi na. Maaga pa naman kaya naisipan kong tumambay muna sa bahay nila, doon na muna ako magpapalipas ng oras.
"BAKIT BA WALANG lumilitaw?" Bulong ko sa sarili habang tinitignan ang cellphone.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Grant ngayon. Nakahiga ako sa kama niya habang siya, nakaupo sa sahig at kaharap ang laptop.
"Ang alin?" Tanong niya habang nasa laptop pa rin ang atensyon.
"Naghahanap ako ng info about sa school niyo."
"Ano bang gusto mong malaman?"
Naalala ko ang tinawag ng lalaki sa kaniya kahapon. Dumapa ako sa kama at nangalumbaba habang tinitignan siya.
"Bakit ka tinawag na Mr. President nung lalaki kahapon? Yung kaklase mo?"
Hinarap niya ako. "Kaklasi?"
Tinanguan ko siya. "Yung kausap mo kahapon ng pumunta tayo sa school niyo," humarap ulit siya sa laptop niya.
"Teacher iyon," maikling turan niya.
Nanlaki ang mata ko. "Huh?!"
"Bakit?" Balik na tanong niya at binalingan ulit ako.
"Akala ko kaklasi mo. Ang bata niya pang tignan," namamanghang sabi ko. Kumunot ang noo niya habang nanatiling nakatingin sa 'kin. "Bakit ka nga pala tinawag na Mr. President? President ka?" 
Marahan siyang tumango habang tinitignan ang reaksyon ko.
"Ang cool! Bakit hindi mo sinasabi sa 'kin ha?!" Hindi niya ako sinagot at nangingiting umiling. "President ng anong section, pre?" Patuloy ko.
"Section?" Takang tanong niya. Tumango ako.
"President ng school. Wala kaming specific section."
Napatanga ako sa sinabi niya. "Seryoso ka?!"
"Hmm," sagot niya at muling ibinalik ang tingin sa laptop.
Ngumiti ako ng malapad at gumapang palapit sa kaniya. Iniyakap ko ang isa kong braso sa leeg niya.
"Ang astig mo, pre. Paniguradong hindi na ako mak-kick out nito," masayang sabi ko.
"Tss. Huwag kang gagawa ng kabulastugan."
"Syempre naman. Good boy 'to," biro ko na hindi niya inapilahan, nasa laptop niya ang buong atensyon.
Na-curious ako kaya't tinignan ko kung ano ang ginagawa niya sa laptop niya. Nakita kong may pinapanood siya.
Nangunot ang noo ko. "Anong anime iyan? Binubully?" Tanong ko ng makitang na-corner ng isang lalaki ang isang takot na lalaki.
Mabilis niya iyong isinara at bahagyang naubo. Itinabi niya ang laptop niya sa study table niya.
"Bakit mo pinatay? Makikinood sana ako, pre. Wala akong ibang magawa," dismayadong angal ko na hindi niya pinansin.
Sumandal siya sa kama at ihiniga ang ulo habang nakapikit.
"Dito ka nalang. Tabi tayo," sabi ko sa kaniya. Umusog ako at binigyan siya ng espasyo.
Tinignan niya lang iyon at hindi gumalaw. "Dito nalang," sagot niya.
Pinagkibit balikat ko iyon at tinignan ang cellphone ko . Binuksan ko ang messager at tinignan kung may reply galing kay Coby, barkada ko sa dati kong school. Nagtanong kasi ako kung may alam siya sa school nila Grant, medyo na-curious kasi ako.
Binuksan ko ang message at nakitang may iniwan siyang reply.
Coby :
Ewan ko pre. Doon nag aaral yung pinsan ko. Hindi ko tinatanong dahil wala naman akong pakialam. Gusto mo tanungin ko siya?
Ako:
Hindi na pre. Baka makaabala pa.
Ilang segundo at nagreply ulit siya.
Coby :
Bakit? Doon ka lilipat? Ang boring don, pre. All boys diba?
Ako :
Wala akong choice. Si mama ang pumili.
"Sino iyan?" Si Grant na nakiki-tingin na rin pala sa cellphone ko.
"Si Coby."
"Bakit kausap mo?"
"Nagtanong lang ako kung may alam siya sa school niyo. Doon pala nag-aaral pinsan niya."
"Ah," walang ganang sabi niya at nangalumbaba.
Coby :
Goodluck sayo, pre. Baka matigang ka riyan at maisipang pumatol sa lalaki HAHAHA.
Natawa ako sa reply ni Coby. "Anong akala nito sa 'kin? Bakla?" Natatawang sabi ko.
Tiningala ko si Grant ng makita siyang tumayo at dumiretso sa pinto.
"Oy, saan punta mo?"
"Miryenda," malamig na sabi niya at naghintay sa pinto.
"Sige, dito na lang ako. Tinatamad akong tumayo. Ang lambot ng kama mo," sabi ko bago dumapa ng higa at pumikit.
Ilang minuto pa bago ko narinig na sumara ang pinto. Hindi ko namalayang nakatulog ako habang naghihintay.
Naalimpungatan ako ng may maramdamang bumuhat sa 'kin. Maya maya pa ay naramdaman kong may mainit na bagay na pumulupot sa tiyan ko. Dinalaw ulit ako ng antok pagkatapos non.
Pagkagising ko ay madilim na sa labas. Kita iyon mula sa bintana sa kwarto ni Grant. Napatingin ako sa kamay ko na nakayakap na kay Grant. Nakaunan ang isa niyang braso sa ulo niya habang natutulog paharap sa akin, katabi ko. Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakayakap sa kaniya at pinilit na bumangon kahit pa nakakaramdam ng antok. Nauga ang kama kaya nagising ang katabi ko.
"Anong oras na?" Inaantok at paos ang boses na tanong ko.
Umupo siya at ihinilamos ang dalawang kamay sa mukha hanggang buhok.
Hindi ito ang unang beses na nakakatulog ako sa kwarto niya at nagigising na katabi siya kaya hindi na ako naninibago. Pero inaamin kong natadyakan ko siya at naihulog sa kama sa pagkakabigla noog unang beses na mangyari iyon. Iyon nga lang, ito ang unang beses na ginabi ako.
Bumangon siya at kinuha ang cellphone sa side table niya.
"Maga-alas nuebe," sagot niya bago dumiretso sa banyo. Bumangon na
rin ako at inayos ang sarili.
Kinatok ko siya ng matapos ako. "Pre, una na ako."
Hindi niya ako sinagot kaya hinintay ko pa siyang lumabas ng banyo para makapagpaalam ng maayos. Umupo ako saglit habang hinihintay siya. Tumayo rin ako ng bumukas ang pinto at lumabas siya.
"Dito ka na kumain. Nagluto ako kanina bago matulog," sabi niya habang nagpapalit na ng damit.
"Huwag na. Sa bahay nalang. Baka nasa bahay na sila mama, mase-sermunan na naman ako," napahinto siya saglit at tumingin sa akin.
"Ihahatid nalang kita," suhestiyon niya na ikinatawa ko.
"Huwag na, pre. Hindi na naman kailangan." Nagpatuloy siya na parang walang narinig.
"Tara na," aya niya at naunang lumabas, sumunod naman ako.
Dumiretso siya sa kusina at nilagay sa ref ang mga pagkaing nasa mesa. Tahimik akong nakamasid sa kaniya habang ginagawa iyon.
"Kumain ka na, Grant. Huwag mo na akong ihatid. Gabi na rin masyado," sabi ko habang tinitignan siyang seryosong nagliligpit.
"Sandali lang 'to."
Napabuntong hininga ako at nilapitan siya. Ibinalik ko ulit ang pagkain sa lamesa at kinuha ang pitsel sa ref niya.
"Kumain na muna tayo," sabi ko sa kaniya na nanatiling nakatayo at nakatingin sa 'kin.
Anong oras na at baka malipasan pa siya ng gutom. May mga pagkakataong tinatamad siyang kumain ng hapunan kaya mabuti na ring sabayan ko na siya ngayon. Para na rin may kasama siyang kumain.
Kinuha ko na ang pitsel sa ref at paglingon ko, nakita ko siyang naglalagay ng pagkain sa plato ko.
Huminto ako saglit at tinignan siyang seryoso sa ginagawa. "Pre?" Agaw ko sa atensiyon niya.
"Bakit?" Sagot niya.
"Bakit pala wala ka pa ring girlfriend? Nakailan na akong ex pero ikaw, wala ni isa," pang aasar ko at lumapit.
"Wala akong matipuhan," sagot niya matapos akong tapunan ng tingin.
"Ano bang type mo sa babae?" Tanong ko at umupo.
Hindi niya ako sinagot. Ang plato naman niya ang binibigyang niya ng pagkain ngayon.
"Babaan mo kasi ang standard mo. Ano bang gusto mo sa isang babae? Sabihin mo at baka may maibigay ako sayo," nakailang subo kami bago niya ako sinagot.
"Walan"
"Ano? Paanong wala?" Tanong ko. Nagkibit balikat siya at nagtuloy sa pagkain.
"Huwag mo sabihing ako ang type mo, pre? Hindi tayo talo," pang aasar ko at ginatungan ng tawa.
Hindi siya kumibo. Ininom niya ang tubig niya bago tumayo.
Nanlaki ang mata ko. "Tapos ka na agad? Sandali lang!"
Binilisan ko ang pagkain ko ng makitang naghahanda na siyang umalis. Uminom na ako ng tubig at sinundan siya.
Nilakad lang namin tutal ay malapit lang naman ang bahay namin sa kaniya. Ng mapansing masyadong tahimik ay nagtanong ako.
"Kailan ba uwi nila mama mo?" Tanong ko sa kanya.
Kasalukuyang nasa States ang pamilya niya.  Naroon maging ang isa niyang kapatid, siya lang itong naiwan dito. Hindi ko nga lang alam kung bakit hinayaan siyang mag isa, ni wala siyang kasama sa bahay nila. Kung ako ang naroon, malamang ay gumagala lagi ako. Kung boring sa amin, mas boring naman sa kanila. Wifi lang ata nagbibigay ng kulay doon, hindi ko alam kung paano siya nagtatagal sa ganuyang set up.
"Baka sa pasko," maikling sabi niya.
"Matagal pa iyon ah?" Sagot ko ng mapansing malayo layo pa bago ang Christmas.
Hindi niya ako sinagot.
Sa bagay. Madalang lang din naman umuwi ang mga iyon. Tuwing may okasyon lang na gaganapin.
"Kailan ako pwedeng pumasok?" Tanong ko ulit ng maalala.
"Monday," maikling sagot nya.
Napangiwi ako. Dala ba iyan ng pagkaantok kaya ang ikli niyang magsalita? Mas maikli pa 'to sa mga sagot niya tuwing kinakausap ako.
"Dito nalang, pre," sabi ko ng mapansing nandito na kami.
Tumigil siya at humarap sa akin. "Sige," malamig nyang sabi.
"Ingat ka pag-uwi mo," sabi ko sa kanya. Marahan syang tumango habang nakatingin sa 'kin.
"Isara mo lahat ng bintana niyo at pinto pagkadating mo sa bahay. Mahirap na, mag isa ka pa naman."
Mahina siyang natawa. "Ang daldal mo. Pumasok ka na sa inyo."
Tumango ako at nagpaalam na sa kanya. Hindi siya umalis agad. Nasulyapan ko siyang umalis ng tuluyan na akong nakapasok at isinasara na ang pinto.
°°°

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Lago quitoKurt

    it's so cool

    25d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    thank you na binigay motong app nato

    25d

      0
  • avatar
    Ade Lin

    i have fun reading

    12/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata