logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7: Bukol

Eunnie's POV
Nakaramdam ako ng lamig sa paligid ko tapos ramdam ko narin ang lamig sa ilong ko. Unti-unti kong binuka ang aking mga mata at nakakita ng puti sa paligid. Teka? Anong ibig sabihin nito? Pinilit kong inalala kung anong nangyari sakin. Ang naalala ko ay tumakbo ako sa gitna ng court tapos natamaan ng bola sa ulo tapos wala na akong maalala simula nun. Hala?? Ano ibig sabihin nito? Nasan ako? Patay na ba ako? Ba't puti lahat? nakabuka na yung mga mata ko pero malabo pa ito kaya hindi ko pa masyadong maaninag ang lugar nato. Ewan ko, ba't ba ako kinakabahan? Patay na ba talaga ako? No way, hindi pa nga nagiging kami ni Hideo, hindi to maaari!
Unti-unting luminaw yung pananaw ko at inikot ang paningin sa paligid.
"Eunnie." Napalingon ako sa kanan at nakita si Hideo na naka upo. Lumapit sya agad sakin tapos hinawakan ang kamay ko. "Mabuti naman at gising ka na."
Teka, ba't ba giniginaw ako. Napahinto ang aking mga mata sa isang sulok, may aircon  pala dito, kaya pala kanina pa ako nakaramdam ng lamig. Hindi man lang ako kinumotan.
"Nasan ako?" Mahinang tanong ko tapos hinimas yung ulo ko.
"Nasa infirmary ka. Dinala kita agad dito ng nawalan ka ng malay." Sagot ni Hideo. Biglan kong naalala yung kahon na pabagsak sa kanya kanina.
"Teka, okay ka lang ba?" tanong ko agad sa kanya.
"Ikaw yung dapat tinatanong ko nyan. Okay na ba pakiramdam mo? Ba't ka ba kasi tumakbo sa gitna, alam mo naman na may nag lalaro dun?" 
"E, kasi... Nakita ko yung kahon sa itaas na pabagsak na sayo kaya sinubukan kong makaabot sa lugar kung nasan ka sa saktong oras. Mabigat yun." Sagot ko at yumuko. "Hindi ko na naisip na may nag lalaro pala dun. Sorry!"
Akala ko magagalit sya pero narinig kong natawa sya ng kaunti. Ginulo nya naman ang buhok ko.
"Okay lang ako. Hindi naman ako natamaan kasi agad akong tumakbo papunta sa yo kaya naiwasan ko yun." Sagot nya naman. Hindi ako maka tingin sa kanya ng diristo kasi na didistract ako. Grabe yung mga mata nya nakaka tunaw kaya mas umiiwas ako. Ayokong makita nyang namumula ako ngayon. "Wag mo ng uulitin yun ah?" sabi nya na may halong pag aalala. Tumango naman ako.
"At, Hideo, mag iingat ka palagi. Hindi natin malalaman anong mangyayari sa hinaharap kaya mas mabuti ng mag iingat ka, please!" This time, tumingin na ako sa mga mata nya na nay halong lungkot. Natupad nga yung pangarap ko na maging totoong tao sya pero mapapahamak naman sya pag malapit sya sakin. Pero di bale ng ganun, atleast andito sya sa tabi ko ngayon.
"Mag iingat ako...kasi sabi mo." tapos ngumiti sya ng napaka cute. Ewan ko ba sa taong to. Kaya nya maging manly, kaya nya rin maging cute. Sarap pisilin ng pisngi e.
"Ba't ka pala nakabantay sakin dito? Kumusta yung team nyo?" tanong ko out of the blue.
"Nag uusap sila dun ngayon. Andun si Dylan, tapos plano nilang kausapin ka pagmakalabas ka na dito." sagot nya kaya kinabahan ako bigla. Ano? Naku naman, baka galit na yung coach nila sakin. Baka dadalhin ako sa disciplinary office pag nagka taon. Naku po! gusto ko nalang manatili nalang dito hanggang sa dumilim e. "Pero wag kang mag alala. Ako na yung haharap sa kanila para sa yo."
"Hindi ba sila magagalit sakin? Dapat harapin ko sila kasi kasalanan ko rin naman yun. Gusto ko na humingi ng tawad ng  maayos." 
"Sigi, sasamahan kita." sabi nya sabay ngiti. Dumating naman si Dr. Yassi at agad lumapit sakin.
"Oh, how are you Eunnie? Are feeling well na?" tanong nya ng nakangiti. Eto rin si Dr. Yassi, kung lalake lang ako liligawan ko rin to kasi hindi maitatanggi na maganda sya tapos ang bait pa.
"O-okay na po ako Doc. Pwede na po ba akong lumabas?" tanong ko naman sa kanya.
"Well, if okay ka na talaga, you may now go pero wag mo kalimutan i-apply ito sa bukol sa noo mo." sabi nya sabay bigay ng para sa may bukol. Agad ko naman yun tinanggap ng may ngiti. Hinawakan naman ako ni Hideo para alalayan pababa ng bed.
"Thank you po dito." sabi ko while smiling.
"Oh! Wait! Are you two a thing?" Tanong ni Doc at sabay naman kami ni Hideo napatingin sa kanya at na out of balance ako dahil sa pagkabigla sa tanong nya kaya natumba ako sa sahig. Agad naman ako inalalayan ni Hideo para tumayo at natawa naman si Doc at napailing. "I see. Ang cute nyong dalawa. I'm shipping you two." sabi nya sabay giggle. Nanatili kaming natameme dalawa dahil hindi namin alam kung anong isasagot sa kanya. Nakak hot seat ito grabe! "If you have some time, labas tayo tatlo, libre ko kayo!" sabi nya ng nakangiti.
"Talaga po? Nakakahiya naman po kung ganun." sabi ko at napakamot sa ulo.
"There's no reason para mahiya. Ang dami ko na ring na close na 4th years noon but sad to say, people come and go, kaya ayun, wala na akong update kung nasan na sila ngayon. Sa 3 years ko dito, ang dami ko ng na encounter na matchy-matchy din, tapos inilibre ko sila, and believe it or not, mostly ng inilibre kong pumupunta dito tapos shiniship ko, nagkakatuluyan!" Sabi nya at halatang proud na proud sya sa sinabi nya samin.
Magkatabi kami ni Hideo na nakatayo lang at ramdam ko na yung pawis kahit may aircon naman.
"Ganyan na ganyan din sila noon. In-denial, tapos sa patuloy na panlilibre ko, ayon! Nagkatuluyan na nga." Pagpapatuloy nya. Ngumiti naman ako ng napaka hilaw kasi hindi ko na talaga kinakaya ang pagiging hot seat dito. "Osya! Hindi ko naman kayo minamadali, ramdam ko na yung pagiging awkward nyo, kaya pwede na kayo umexit." sabi nya at natawa pa. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun.
"Ah...Sigi po!" sagot ko naman at lumabas na kami. Naisip ko bigla na tahimik lang si Hideo the whole time. Na curious ako agad kung ano yung nasa isip nya habang sinasabi yun ni Doc Yassi. "S..sorry kanina, grabe! pinawisan ako dun ah."
"Ayaw mo nun?" Natigilan naman ako sa sinabi nya kaya napatingin ako agad sa kanya. Natawa naman sya at inakbayan ako. "Wala, tara na nga, mag sosorry ka pa." 
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kyaah! Ano ba yung ibig nyang sabihin? asdfghjkl, ang sarap mag rolling dito as in now na. Alam mo yung feeling na ang hirap pigilin ng kilig? yung ansarap sumigaw, sarap manghampas pero dahil andito sya kasama ko, hindi ko magagawa yun kaya huminga nalang ako ng malalim.
Ilang sandali ay nakarating narin kami sa gym at nag uusap nga talaga sila dun sa bleachers. Nabaling ang atensyon nila samin at ramdam ko yung mga titig nila kaya yumuyuko lang ako.
"Eunnie?" Rinig kong boses yun ni Dylan at rinig ko rin ang pagtakbo nya papunta sakin. Unti-unti akong tumingala para tingnan sya at agad nya akong ipinasandal sa dibdib nya habang yakap ako ng isang kamay lang. Nabigla ang lahat dahil yun ang narinig ko tapos napatingin ako kay Hideo na nakatingin lang din saamin na walang emosyon. Hindi ko alam pero agad akong kumalas sapagkakayakap nya dahil ayokong makita kami ni Hideo ng ganun. "Okay ka na ba? Ba't mo ba yun ginawa kanina ha?"
"ayos, bro! may pa yakap effect pa ha." sabi ng kasama nya sa team habang natawa.
"Shut up!" agad na sabi ni Dylan dahil sa inis.
"Miss Yang, pwede ba namin malaman kung bakit ginawa mo yun kanina?" tanong ng coach nila sakin.
"Paumanhin po, Coach. Sorry po talaga! Nawala po sa isip ko yung nag lalaro kanina kasi ninanais ko lang naman na makarating sa kabila sa mas mabilis na panahon kasi may kahon sa itaas na pabagsak tapos muntikan na nitong mabagsakan si..si...Hideo. Nawala na po talaga ako sa pag iisip ko kanina. Sorry po talaga!" sabi ko at yumuko bilang pag hihingi ng tawad.
"Hideo?" tanong ni Dylan. "Talagang tatakbo ka dun sa gitna para sagipin yung lalake? Pano ka? naisip mo ba na kababae mong tao? Makakaya nya yung sarili nya pero bubuwis ka talaga ng buhay kala mo naman ang lakas-lakas mo." sabi nya na may halong galit.
"Bro, easy lang!"
"Tama si Dylan, Eunnie. Makakaya ko naman yung sarili ko e. Tingnan mo, ikaw pa yung napahamak." pag sasang-ayon naman ni Hideo sa kanya.
"Sigi, pasalamat ka Miss Yang dahil sobra yung pagmamakaawa ni Dylan kanina. Kung hindi lang sana malaki trabaho nito sa team, hindi ko sya pagbibigyan." Sabi naman ng coach nila saakin kaya naka hinga ako ng maluwag.
"Eun, hatid na kita pauwi." Pag ooffer ni Dylan sakin.
"Hindi ka pa pwedeng umali, Dylan. May pag-uusapan pa tayo sandali tungkol sa paparating na laro nyo." Sabi naman ng coach nila kaya kita yung inis sa mukha nya.
"Sandali lang to ha?" sabi nya at lumapit na sa coach nila. Nanglakad naman kami ni Hideo palabas ng gym. Nang nakalabas na kami ng tuluyan ay hinawakan ni Hideo ang kamay ko at hinila ng patakbo.
"s-san ba tayo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya.
"Sino ba gusto mong mag hatid sa yo? Si Dylan o ako?" Natawa ako ng kunti sa kanyang tanong.
"Ikaw." Diritsong sagot ko. Syimpree, pabebe pa ba ako? Nakakaumay na yung mukha ni Dylan, bahala sya. 
"Edi, magmadali na tayo." sagot nya naman kaya tumakbo na kami palabas habang tumatawa. Nasa labas na sana kami ng building nang humito si Hideo. "Hintayin mo muna ako dito, may kukunin lang ako sa locker." sabi nya at tumango naman ako.
Wala na masyadong tao sa skwelahan kasi uwian time na kasi kanina. Nakakita naman ako ng bench na mauupuan kaya napag desisyonan kong umupo muna dun habang nag hihintay kay Hideo. Nakatingin lang ako ng dirtiso nang may umupo sa kabilang dulo ng bench at tiningnan yun at nakita si Saddie.
"Fetch me now, Mom." sabi nya sa phone. "I'm still inside the campus, I'm not going anywhere! As if I'm already familiar with the places here!" sabi nya at nag roll eyes pa. Napaka attitude naman pala nitong babaeng to. Kung kapatid ko to, binalibag ko na to e. "Make it quick! I'm waiting outside the building, and there are a lot of mosquitoes here!" pasigaw nyang sabi. Napatingin naman ako sa paligid ko, hindi ko naman naramdaman na kinakagat ako ng lamok. Nag iinarte lang siguro to o baka sya lang pinagpipistahan ng mga lamok kasi apaka attitude nya. "K! I'm hanging up now!" sabi nya at binaba ang phone. Parang hindi nya ako napansin kasi hindi sya napatingin sakin tapos ang lakas pa ng boses nya sa call.
"Hi." sabi ko kaya napatingin naman sya sakin. Nabigla sya pero agad nya binawi.
"Oh! You again. Eunnie right?"
"Yes, it's me. I'm glad you remembered my name."
"Of course, it's unique and I've heard your name multiple times today." sagot nya at ngumiti. Anong sinasabi nya? Pambihirang mga tsismosa talaga oh!
"By the way, I didn't mean to hear everything you've said over the phone. I'm sorry!" yes, hindi ko sinasadya marinig kung gaano ka kasungit!
"It's fine. I don't give a damn if you heard everything. I mean, what's the point of protecting my family's reputation when it is already ruined? They ruined everything! Dad, specifically! I love my life in Canada, I miss my friends, the parties. I miss partying! I cannot do it here for now because I need to be familiar with all the places where I can go and party with my newly-found friends! You know what? It's not really difficult to make friends here since I was well-experienced when I was in Canada. Of course, I want the ones who have the same interests and purposes with me." Tuloy-tuloy nyang pagpapaliwanang. Hindi ko naman inaasahan na ganto isasagot nya sa sinabi ko. Confident pa talaga sya sa pag sabi sa nangyari sa family nila. Eto ba yung sinabi ni Sir na personal reasons nila? "Oh, I'm sorry if I'm too vocal. Like...who cares anyway? It's just you and me right now and it's up to you if you'll tell others. Like what I said, I don't give a damn." agad ko naman kinaway dalawang kamay ko sa harap nya tapos umiling.
"No! I won't tell them, don't worry." sabi ko tapos ngumit ng pilit. Napapawisan ako nitong pag english-english e!
"Oh, my Mom's here, gotta go." sabi nya tapos tumayo na, tumango naman ako saka naglakad na sya palayo. Nakita ko rin may puting sasakyan sa labas ng gate, yun na siguro yung mommy nya. Naisip ko bigla si mami tsaka si papa. Kumusta na kaya sila?
Pinagmasdan ko lang si Saddie na naglakad palayo tapos sakto rin dumating na si Hideo.
"Pasensya ka na at medyo natagalan ako." sabi nya.
"Okay lang, tara na?" aya ko at tumango naman sya. 
Nagsimula na kaming maglakad habang pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada.
"Thank you nga pala kanina, Hideo ah?" sabi ko at tumingin sa kanya tapos ngumiti.
"Para san?"
"Para sa pag bantay hanggang sa magising ako."
"Ah, yun? Paalis na nga sana ako nun e pero saktong nagising ka na, sayang." sabi nya kaya na napawi ang ngiti saaking labi. Natawa naman sya. "Biro lang." Sinamaan ko naman sya ng tingin tapos nagmamadaling maglakad sa inis. Di nakakatawa yun bahala sya. Sinundan nya naman ako kaagad tapos humarang sa harapan ko na may ngisi sa labi nya at hinawakan yung balikat ko. 
"Hideo, tumabi ka nga!" sabi ko sabay irap sa inis.
"Ang bilis mo naman mapikon, sorry na po." sabi nya at nag pout pa yung loko. Langya naman e! Hindi sya mukhang nagpapa cute kung nag pa pout sya, para syang nanlilimos ng halik! Baka di ko pa mapigilan sarili ko e.
"Alis sabi e!" sabi ko sabay tulak sa kanya papunta sa kalsada. Hindi ko yun sinadya kaya halos lumipad kaluluwa ko nung nakita na may paparating na sasakyan. Parang na blako yung isip ko at ang tanging nagawa ko nalang ay tumakbo papunta sa kanya at niyakap sya. Niyakap ko sya ng mahigpit tas naramdaman ko na unti-unti kaming natumba at nakapatong na ako ngayon sa kanya. Parang nawala sa mundo yung isip ko kasi pakiramdam ko kami lang dalawa yung andito hang nagtitigan at ang lapit pa ng mukha namin sa isa't isa. Eto na naman yung lakas ng tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Parang maya-maya ay sasabog to. Nakatingin lang din sya ng diritso sakin tapos bigla nyang isinandal ang ulo ko sa dibdib nya tapos rinig na rinig ko kung paano tumibok ang puso nya ng sobrang lakas. Parang ma uubusan ata ako nito ng hininga e. Sobrang nakaka kaba.
"Hey! Get a room! Naka drugs ba kayo? Dito nyo pa talaga ginawa sa kalsada yan!" Agad namin napansin yung lalaki na lumabas mula sa sasakyan at galit na nakatingin samin. Muntikan na pala kaming mabangga mabuti nalang at nahinto nya agad. 
Tumayo naman kami agad at hinarap yung driver. Nakakahiya grabe. Nakapamewang na nga yung driver tapos pinag titinginan pa kami ng mga dumadaan.
"Sir! Sorry po talaga, kasalanan po namin yun. Sorry po!" paghihingi ko ng tawad habang nakapikit sa takot.
"Ano nalang masasabihin ng mga magulang nyo sa inyo! mga kabataan talaga ngayon, puro harutan lang alam! Tumabi na nga kayo!" Sigaw nya at bumalik na sa loob ng sasakyan. Bumalik naman kami sa gilid habang ako ay nakatulala parin. Tama ba yung na feel ko kanina?
"Okay ka lang? Alam mo hindi kita maintindihan. Gusto mo kong sagipin kanina sa gym tapos ngayon naman gusto mo akong pasagasaan. Ano ba talaga?" sabi nya at natawa habang nag lalakad kami. "Malaki naba yung inis mo sakin ngayon?"
"Malaki." Biglang lumabas sa bibig ko. Wala akong na intindihan sa sinabi nya kasi hindi parin maka get over isip ko sa naramdaman ko kanina. Naramdaman ko talaga sya e. Naramdaman ko yung ano...
yung anu...
yung malaking bukol ni Hideo....

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    Allen Rhey Olermo

    very nice and very good story

    1d

      0
  • avatar
    AbanesAriel

    wow

    3d

      0
  • avatar
    IngJoe

    good

    16/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata