logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chasing Nightmare

Chasing Nightmare

Fairy Jez


CHASING NIGHTMARE 1

"Somebody help me!" Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Kanina pa ako nagsisigaw pero parang walang nakakarinig sa'kin. Ang lagkit ko na dahil sa pawis pero nanginginig ang mga kamay ko. Pilit kong inaakyat ang madulas na lupa. Pero para akong nasa kumunoy na pilit hinihila ng pabalik.
Hindi ko alam paano ako napunta sa butas na ito. Ang liwanag na binibigay ng buwan ang siyang nagbibigay liwanag sa paligid. Hindi gaano kalalim ang butas pero dahil lagpas tao ito ay hindi ko kayang akyatin dala na rin siguro sa madulas ito.
"Please, kung may nakakarinig o may tao d'yan tulungan n'yo naman akong makaalis dito!" Sigaw ko ulit. Halos mapaos na ako sa paulit ulit na sigaw ko na nagbabakasakali na may makarinig sa'kin.
Natatakot na ako. Alam kong na nasa gitna ako ng kagubatan dahil sa mga matatayog na puno na nakikita ko.
Nauubusan na ako ng lakas at nawawalan na ng pag-asa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maiyak. Umupo nalang ako sa lupa at niyakap ang aking sarili. Sana makaalis na ako rito. Ayoko rito, natatakot ako.
"Amanda saan ka na?! Humanda ka sa'kin kapag nakita kita!" Napatayo ako ng makarinig ako na may sumigaw.
May tao. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero kusang kumilos ang katawan ko na sumiksik sa pader na lupa.
Nakakatakot ang boses n'ya.  Hindi ko alam kung sino si Amanda pero alam ko sarili ko na hindi ako ligtas sa taong ito.
Amanda? Ngunit, Lovely, ang pangalan ko kaya baka matulungan n'ya akong makaalis dito? Tama! Hindi dapat ako matakot. Bahala na nga basta makaalis ako dito.
"May tao po dito!" Sigaw ko. May ilaw na lumitaw at may sumilip na isang lalaki. Nakakatakot ang mukha n'ya. Nanlilisik ito na handang pumatay kung kinakailangan. Tumawa siya nang malakas na nakakatakot kaya napaatras ako ng bahagya.
"Kanina tinatakasan mo ako. Ngayon humihingi ka ngayon ng tulong?!" Mas napaatras ako dahil sa nanlilisik n'yang mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlalamig ang mga kamay ko, nanigas ang katawan at mas lalo akong pinagpapawisan.
Sinong baliw na 'to?!
Tumigil siya sa pagtawa at bigla siyang tumingin sa'kin ng seryoso. Nilahad n'ya ang kanang kamay n'ya.
"Hawakan mo ang kamay ko at hihilain kita paakyat." Nakakatitig lang ako sa kamay n'ya. May nag-uudyok sa akin na 'wag kong tanggapin pero desperado na ako makaalis dito. Nag-aalangan man ako pero tinanggap ko pa rin.
Hinila n'ya ako paakyat. Pagkadating ko sa taas nagulat ako ng bigla n'ya akong sampalin.
"Nasaan ang lalaki mo?!" Hinawakan n'ya ang panga ko mas diniinan n'ya ito dahil hindi ako sumagot. Tumulo ang luha ko dahil sa lakas ng sampal n'ya. Buong buhay ko ngayon lang ako nasampal.
"Mapapatay ko siya, Amanda, kaya sabihin mo kung nasaan siya?!" Sigaw n'ya sa harap ng mukha ko. Napapikit ako sa takot habang patuloy pa rin na umaagos ang mga luha ko.
Hindi ako si Amanda! Anong bang pinagsasabi n'ya?
Gusto kong sabihin 'yan o magsalita pero walang lumabas na boses sa bibig ko.
Nagulat ako nang kaladkarin n'ya ako habang hawak ang buhok ko. Napapikit ako sa sobrang sakit.
"Bitawan mo 'ko! Hindi ako si Amanda!" Pilit kong tinatanggal ang kamay n'ya pero sobrang lakas n'ya.
"Magsisinungaling ka na naman, Amanda! Mapapatay ko talaga kayo ng lalaki mo!"
Tinulak n'ya ako sa gilid ng isang maliit na kubo. Hindi ko alam ang sinasabi n'ya!
"P-pakawalan mo 'ko." Napahagulhol ako sa takot. Nagmamakaawa na sana hindi n'ya ako patayin. Lumuhod ako sa harap n'ya habang pilit kong inaabot ang mga paa n'ya.
Ngumisi siya sakin at yumuko.
"Mahal na mahal kita Amanda. Ngunit kung hindi ka magiging akin at mapupunta kalang sa ibang lalaki," may kinuha siyang palakol kaya napaatras ako.
"N-nagmamakaawa ako... H'wag mo 'kong p-patayin." halos lumangoy ako papunta sa harapan n'ya sa pagmamakaawa at takot.
Hinawakan n'ya ang buhok ko at pinatingala. Kitang kita sa mga mata n'ya ang galit at selos na hindi ko alam kung saan galing.
"Mahal kita, Amanda, kaya kahit saan ka man magpunta susundan kita." tinaas na n'ya ang palakol.
"H'wag maawa ka. Hindi ako si Amanda... Nagsasabi ako ng totoo! Hindi ako si Amanda!" Hindi siya nakinig sa'kin.
"Paalam mahal ko."
"H'wag!" At biglang nagdilim ang paligid ko.
Habol hininga akong napabangon at napahawak sa leeg ko. Sobrang kapal ng butil ng pawis ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Angbilis ng tibok ng puso ko.
Napatingin ako sa kumot. Panaginip na naman.
"Dapat masanay na ako ganito." Hindi ko alam kung bakit pero every monday ay nananaginip ako ng mga kakaiba. Walang palya.
No'ng una ay nakakalimutin ko agad, may naalala ako pero parte lang na pinugutan ng ulo ang babae. Pero ngayon naalala ko na lahat at lalong lalo na, na ako ngayon ang pinugutan ng ulo.
Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Tumingin ako sa orasan na nasa dingding. Napahilamos ako sa mukha. Alas tres palang ng umaga. Hindi na ako makakabalik sa tulog nito. Humarap ako sa salamin saka tinitigan ang peklat ko sa leeg.
Hinawakan ko ito ng dahan-dahan. Perpekto ang pagkalinya ng peklat sa leeg ko hanggang batok. Naalala ko bigla ang panaginip ko. Parang totoo, pero bakit ako? Hindi ko nga alam kung sino si Amanda.
'yong lalaki hindi ko kilala. Hindi ko maalala ang mukha n'ya malabo kasi ito.
Tinanong ko si mama noon kung ginilitan ba ako sa leeg dahil may peklat ako pero sabi n'ya, bata palang ako ay 'andito na'to. Kaya hindi na ako nagtanong mag mula no'n
Bumalik nalang ako sa kama at humiga ulit. Nakatitig lang ako sa kisame at pilit inaalala ang lalaking 'yon. Siya lang nasa isip ko hanggang lumiwanag na.
Nang sumikat na ang araw ay bumangon na ako. Hindi ako nakabalik ng tulog dahil sa takot, pero okay lang. Hindi na 'yon mauulit mamaya.
Bumaba na ako at nagluto. Pagkatapos ay kumain. Bumalik sa kwarto upang maligo para pumasok sa trabaho. Mag-isa nalang ako nabubuhay sa pamilya namin... siguro? Hindi ko naman kasi kilala ang mga kamag-anak ko kaya gano'n.
Wala na akong magulang. Namatay sila no'ng highschool pa ako sa isang aksidente. I tried to find my biological parents at that time, pero hindi ko sila nakita. Yes, ampon lang ako pero hindi ako galit sa biological parents ko.
Iniisip ko kasi na baka may problema sila kaya nila ako pinaampon. Like financial problem, diba? Kadalasan 'yon naman ang dahilan ng mga magulang kaya pinapa ampon ang anak nila.
Tinuruan kasi ako ng mga umampon sa'kin na hindi dapat ako basta-basta mag tanim ng galit sa totoo kong mga magulang. May rason lang daw sila.
Dahil maaga pa hindi muna ako umalis sa bahay. Napaaga talaga ako. Nanood muna ako ng balita.
Napabuntong hininga ako dahil inaasan ko na 'to. Gaya nga ng inaasahan ko. May babae na namang pinatay at pinugutan ng ulo. Every monday din 'to. Pagkatapos kong managinip ay ito naman.
I know na hindi 'to coincidence. May rason ang lahat na nangyayari pero nasasanay na ako.
Hindi naman malayo ang opisina sa bahay namin. Hindi rin traffic kaya may lakas loob akong hindi pumasok ng maaga kaya kalaunan ay kumilos na ako para umalis.
Pagkadating ko sa opisina ay nag-trabaho agad ako. Nagsuot lang ako ng black pencil skirt na pinarisan ng white turtle neck shirt na pinatungan ko ng black coat.
Payroll ngayon kaya busy lahat ng tao. Excited lang ang mga 'yan kasi magkakapera na. Napangiti naman ako ng bahagya.
"Lovely tara na gutom na'ko." Paanyaya sa'kin ni Reshea, napatingin naman ako sa orasan. Luch break na pala, hindi ko namalayan ang oras dahil sa maraming ginagawa.
"Sige." Sagot ko. Niligpit ko muna ang nakalat na mga papel sa mesa at tumayo.
Since may canteen sa baba doon nalang kami kakain. Medyo puno ang elavator nang pumasok kami.
"Nakakatakot talaga 'no?" Tumingin ako sa gilid ko ng may nagsalita.
Tumingin ako sa ID niya. Accounting Office.
"Sinabi mo pa! Nako! Ayoko ng gabihin pag umuuwi." sabi ng kasama n'ya na taga accounting office rin.
"Same girl." Huling dinig ko at hindi na ako nakinig. Ang makinig sa usapan ng ibang tao ay hindi ko gawain. Pagkadating namin sa canteen ay nag-order na si Reshea. Since nagdadala ako ng baon hindi na ako bumili except sa tubig.
"Nabalitaan mo rin ba 'yon?" sabay upo ni Reshea sa harap ko.
"Yes." Ang tinutukoy n'ya ay 'yong babaeng pinutulan ng ulo.
"Nakakatakot naman... Kaya ayoko nang gumala rin baka isang araw ako naman ang biktima." Sabay himas sa balikat n'ya na parang kinikalibutan.
Hindi rin ako magtataka sa takot n'ya dahil sa mga nangyayari sa mga babae ngayon.
Maganda si Reshea. Maamo ang mukha na parang hindi gumagawa nang kalokohan pero ang totoo. Siya pa ang nangunguna roon. Maputi at makinis ang balat n'ya. Anak mayaman din kasi.
Actually, sila ang may ari nitong kompanya pero si Resh ay si Resh. Hindi n'ya ginamit ang pangalan ng pamilya nila para makakuha agad ng mataas na posisyon.
Mahaba rin ang buhok n'ya na may kulot sa dulo, kulay dark brown ito kaya mas bumagay sa maputi n'yang kutis.
Sa'kin naman ay tuwid na tuwid at kulay itim. Hindi masyadong maputi kaya minsan nakakahiyang tumabi kay Reshea.
5'2 lang ang height ko kaya pahirapan pag may inaabot ka na nasa taas. Hindi ko mayaman tulad ni Reshea. Kung tutuusin marami nga akong utang; Utang noon ng mga magulang ko na ako na ang nagbabayad.
Naisip ko ulit ang mga babaeng nabiktima. Hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang salarin kaya doble ingat na rin ang halos kababaihan. Ewan ko ba kung bakit may biktima pa rin?
Hindi ako takot lumabas. Takot ako sa panaginip ko. Napahawak ako sa leeg ko kaya napatingin sa'kin si Reshea na parang nagtataka.
"Okay kalang?" Ngumiti ako ng bahagya at tumango lang ako para hindi na siya magtanong.
She's my best friend since highschool, pero never kong sinabi sa kan'ya ang tungkol sa peklat na nasa leeg ko. Basta ang alam lang niya kaya palaging turtle-neck-shirt ang suot ko or may scarf sa leeg ko ay dahil may balat ako dito na malaki.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa taas at nagtrabaho.
9:30 pm din akong natapos sa trabaho. Kailangan kong mag overtime dahil sa mga utang. Tahimik na ang buong opisina dahil ako na lang mag-isa.
Tumayo na ako para umuwi nang bumukas ang elevator.
"Ma'am hindi pa pala kayo umuwi?" Tanong sakin ng janitor.
"Overtime kuya. Sige, kuya uuwi na ako." sumakay na ako sa elevator, pero bago pa sumara ang elevator ay natigilan ako sa sinabi sa'kin ni kuya janitor.
"Ma'am mag-iingat ka... lalo na sa kan'ya." saka ngumiti. Kumunot ang noo ko. Nagtataka sa sinabi n'ya. Biglang tumayo ang balahibo ko at kinilabutan kaya napayakap ako sa sarili ko. Habang palabas ako ay nasa isip ko pa rin ang binitawang salita ni Kuya. Pagkalabas ko ay sumakay ako ng taxi.
"Manong d'yan lang ho sa may poste." Papasok kasi sa'min at pahirapan ang paglabas pag may mga sasakyang pumapasok. Mga motorbike lang kasi ang kakasya.
Naglalakad na ako papasok. Medyo madilim dahil wala masyadong bahay. Papaliko sana ako nang may sumulpot na matanda kaya napaupo ako sa gulat.
"L-lola naman nakakagulat naman kayo." tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko.
"Iha." hinawakan ako ng matanda sa kamay.
"Mag-iingat ka sa mga makilala mo... Parating na siya... Parating na ang taong magpapabago ng buhay mo. Mag-iingat ka dahil papatayin ka n'ya." natakot ako sa sinabi ng matanda kaya winaksi ko ng mahina ang kamay n'ya.
Ngunit kinuha n'ya ulit ang kamay ko. Napatingin ako sa bagay na nilagay n'ya sa kamay ko.
"Itago mo ito para makilala mo ang taong magproprotekta sayo." nagtaka naman ako sa sinabi n'ya. Magproproteka sa'kin? Sino?
Teka, pa'no ko 'yon malalaman, eh, hindi ko naman siya kilala. Baliw ata 'to, eh.
Tinignan ko ang bagay na binigay n'ya. Disenyong buwan, full moon kumabaga ito, na may nakaukit na letter A.
"A?" Bigkas ko.
Tumingala ako sa matanda pero wala na siya.
"Nasaan 'yon? Multo ba 'yon?" kinilabutan ako sa naisip ko kaya nagmamadali akong umuwi.
Pagkadating ko sa bahay ay ni-lock ko lahat ng pinto at bintana saka pumunta ng kwarto at ginawa ang mga dapat gawin saka humiga.
Hindi na ako kumain dahil nawalan ako ng gana.
Kinuha ko ang 'yong bagay na bigay ng matanda. Tinitigan ko ito na para itong mamahaling ginto.
"Weird, parang ang luma naman nito." Maganda siya pero dahil sa disenyo n'ya na parang nag-fa-fade ay nagmumukha talaga siyang luma.
Nilagay ko nalang ito sa bag ko at bumalik sa pagkahiga. Hindi ko muna isipin 'yon baka isang takas sa mental lang 'yon. Pumikit na ako dahil sobrang nakakapagod ang araw na ito. Sana walang kababalaghang mangyayari bukas.

Komento sa Aklat (57)

  • avatar
    Di Ana Ra

    good novel

    16d

      0
  • avatar
    Cxav Rryginje Casonete

    ooiuyyvbb

    21d

      0
  • avatar
    Aedrich Czian Navor

    ddfckgf

    17/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata