logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2

“Ma!” Sa puntong iyon, lumingon na siya sa likod at naglakad papalapit sa akin.
“Oh. Inihatid ko lang ang ate mo dito sa labas.”
“Ma, sa susunod, wag niyong iiwanan ang cp niyo ah para just in case na may pupuntahan po kayo na di ko alam, matatawagan ko kayo at malalaman ko kung asan kayo. Akala ko kung ano ng nangyari sa inyo eh.”
Tumango lang siya pagkatapos. Di ko naman napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Mama. Alam kong hirap na hirap na rin siya sa mga nangyayari. Lalo na at ganito ang sitwasyon ni Tatay.
“Di ba may pasok ka? Bakit andito ka pa? Baka ma-late ka niyan.”
“Tiningnan ko ang relo ko. Pasado alas 8 na pala ng umaga. Napasarap ang tulog ko. Kailangan ko ng magmadali.
Pagbalik namin sa room, hinawakan ko ang kamay ni Tatay at humalik sa noo. Nagpaalam na rin muna ako kay Mama at nangakong babalik mamayang gabi.
Pagbalik ko sa bahay namin, agad-agad akong nagpalit ng damit, at naghanda ng mga dadalhin kong gamit. Habang naglalakad papalapit sa lugar na aking sadya, pinagtitinginan ako ng mga tao. Chismis dito, chismis doon. Palaging ganito ang eksena sa tuwing pupunta ako sa sakahan. Ilang linggo na rin ang nakararaan nang simulan ko ang gawaing ito. Ako muna ang humalili kay Tatay. Bukod sa pagsasaka, si Tatay din ang katiwala sa lupang ito na siyang pagmamay-ari ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Pero nang dahil sa nangyari, nahinto siya at 3 buwan ng walang-malay sa hospital. Base sa kwento ng mga kasama niya nung araw na iyon, katirikan daw ng araw nang bigla na lang si Tatay hindi nagising. Dahil sa ngalay ay nag-unat pa raw siya saka dahan-dahang naupo sa bangkito na nasa loob ng maliit na kubo. Maya-maya pa ay umub-ob ito at tila nakatulog. Malapit na silang kumain noon kaya nagsilapitan na rin ang kanyang mga kasama para mamahinga saglit. Nagtatawanan pa raw sila noon dahil nakatulog na raw agad si Tatay nang di pa kumakain samantalang sila raw ay di makatulog nang gutom. Dalawang minuto na at di pa rin daw gumigising si Tatay samantalang papalapit na sina Nanay at Ate dala-dala ang mga pagkain.
“Nora! Ang asawa mo, himbing na dine. Haha!”
“Mukhang pinagod mo ata kagabi kaya knockout agad oh! Ikaw na ang gumising at baka magalit pa sa amin. Ahaha!”
Agad tinapik-tapik ni Mama si Tatay sa balikat para gisingin pero di siya nagre-response. Nakailang tapik siya pero tila nasa kahimbingan si Tatay sa pagtulog. Napansin naman ni ate na parang namumutla na si Tatay kaya nagpanic agad sila. Pinagtulungan nilang buhatin si Tatay papunta sa isang bahay na may sasakyan upang dalhin sa hospital.
Ang unang buwan ay tunay na napakahirap sa amin. Si Mama kasi ang nagbabantay kay Tatay sa hospital at kami ni Ate ang naiiwan sa bahay. Wala rin kaming masyadong ipon kaya ang sakit sa bulsa ng mga gastusin sa hospital. Masakit man pero mas pinili kong mag-quit sa pag-aaral at maghanap muna ng work para makatulong man lang sa bayarin sa hospital. Noong una ay nagalit pa sa akin si Ate dahil sa ginawa ko pero dahil sa sitwasyon namin ay pinilit niya na rin akong intindihin.
“Ate, favor naman. Pwede bang wag na nating sabihin kay Mama yung about dito? Ayoko ng mag-isip pa si Mama eh.”
“Sige.” Malungkot niyang pagpayag.
“Pero, seryoso ka ba sa desisyon mo? Pangarap mo ‘to di ba? Pangarap ‘to ng pamilya natin na kahit ikaw man lang ang makapagtapos ng college.”
“Oo ate, decided na ako. Saka okay lang! Basta para sa pamilya natin.”
Gumawa agad ako ng biodata at pumunta sa bayan para magbaka-sakali. Tatlong araw akong naghintay pero wala pa ring tumatawag sa akin. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil sa bawat araw na wala akong trabaho, nangangailangan din ng gamot si Tatay sa hospital.
“Wala pa ring natawag sa’yo Bi?”
“Ate wala pa eh. Di ko nga sure kung may tatawag ba sakin o wala.”
“Try nating maghintay pa hanggang Monday. Baka matawagan ka na nun.”
“Pa’no kung wala pa rin? Try ko kayang kausapin si Ninong Ruel? Baka pwedeng ako muna ang pumalit kay Tatay sa pagsasaka. Ano sa palagay mo Ate?”
“Baliw ka ba??!! Mabigat na gawain yun! Sa liit ng katawan mong yan! Di kakayanin ng katawan mo yun!”
“Mas okay na yun kesa wala.”
“Di ka papayagan ni Tito, Bi!”
“Siguro naman maiintindihan niya ako. Talagang kailangang-kailangan eh. Magmamakaawa ako para lang pumayag siya.”
Ilang beses na panghihikayat at iyakan ang ginawa ko kay Ninong para lang payagan ako na maging kapalit ni Tatay sa sakahan. Ilang beses din akong napagalitan sa pagpupumilit ko dahil inaabot ako ng gabi paghihintay sa labas ng kanilang bahay. Pero tunay na pag may tyaga, may adobo. Este nilaga pala. Sa wakas ay pumayag na rin siya kapalit ng mga kondisyon. Tanging mga stocks lang ang aasikasuhin ko gaya ng mga abono at yung mga gamit sa bodega. Ako na rin daw ang bahala sa attendance at schedule ng mga tauhan sa sakahan. Halos mapayakap nga ako nun kay Ninong sa sobrang saya. Sa wakas ay makakatulong din ako kay Mama kahit papano. Si Ate naman ay patuloy pa rin sa pagluluto ng pagkain ng mga magsasaka tuwing tanghalian. Sapat lang para sa mga gamot ni Tatay. Mabigat pa rin ang 5 libong bayad sa private room ni Tatay. Di pa kasama dun ang bayad sa doctor at kung anu-ano pa pero bahala na.
Linggo, walang pasok ngayon ang mga kasama kong magsasaka, nagpunta ako sa bodega para i-check ang mga gamit at fertilizers. Dun ko napansin ang isang sakong pataba na nakahilig sa tabi ng wheelbarrow. Bukas ito at nangalahati ang laman. Dali-dali ko itong chineck at napansin kong karamihan sa mga sako sa kabilang sulok ay may mga bawas din. Isinara ko agad ang pinto at kinuhanan ng litrato ang mga sako. Pagkaraan ng ilang minuto, nakarinig ako ng mga boses sa labas, papalapit sa imbakan. Agad akong nagtago sa gilid at nakinig sa usapan ng mga paparating.
“Pare, naka-unlock.”
“Huh?! Iniwan ko yang naka-lock bago tayo umalis ah.”
“Teka, teka. Pare baka may nakamasid sa atin. Dali! I-check mo ang paligid. Di pwedeng may makaalam ng ginagawa natin dito. Papasok ako sa loob.”
Mas sumiksik pa ako sa sulok kung saan nakalagay ang mga wheelbarrow at ilang mga sakong kaka-deliver pa lang. Doble pawis ako dahil kabado ako sa kung anong pwedeng mangyari once na mahuli nila ako.
“Oyyyyyyy!!”
Isang boses ang narinig ko sa labas.
“O! Andrew! Wesley! Anong ginagawa niyo dito? Bukas pa ulit pasok niyo di ba?”
“Ah oho boss Rudy. Napadaan kami ni Andrew dito para i-check yung nakita naming anay sa may likod ng bodega.”
“Anay kamo?”
“Oho boss. Okay na ho ngayon, effective yung pang-spray ni Wesley sa bahay nila. Hehe!”
“Ah! Di ba may lason tayo dyan sa bodega. Bakit di pa yun ang ginamit niyo? Sabihin niyo kay Bianca bigyan kayo para malagyan niyo ulit pag meron na naman.”
“Oho boss Rudy sasabihin ko kay Bianca bukas. Ahhh, paalis na rin ho kami at baka mapagalitan pa kami ng mga misis namin pag-uwi. Baka akalain pa nilang nag-iinom na naman kami!”
“Naku, sabihin niyo lang ang pangalan ko ligtas kayo sa sermon. Hahahaha!”
“Sabi mo yan Boss ha!”
“Mga loko! Kapag kasama niyo lang ako. Hahaha!”
“Sige boss, mauna na kami.”
Di rin nagtagal at umalis na rin si Ninong pagkaalis nung dalawa. Siguro sa pagmamadali ay nakalimutan na nilang i-lock ang pinto which is thankful ako kasi di ako makakalabas pag nagkataon.
Dahan-dahan akong lumabas ng bodega at naglakad papalayo.
“Tsk! Pre, nasalisihan tayo.”
“Gawan natin to ng paraan kung hindi delikado tayo.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    lozarescatherine

    very interesting story ❤️🙂

    01/08

      0
  • avatar
    CortezBryan Carl

    skskzkzkxkx

    29/05

      0
  • avatar
    7136411

    kkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkdgcgc6dlokirft8y7t6gg85d7gud6g9g6huftguvysihudy8t5r8huduhyd8hyfigydiggóooiiijjkkkjkkkasddddddddddfrfrfrffrffffffrrtfftrfffffffffffffffffffddffffffffffffft

    03/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata