logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Ang Babae sa Contract

Ang Babae sa Contract

silent_reader


Kabanata 1

Kabanata 1
“Ms., pabili po nito.” Ipinatong ko sa counter yung papel kung saan nakasulat yung mga resetang kailangan kong bilhin. Ramdam ko ang pagpatak ng pawis sa aking katawan dahil sa labis na kaba.
“1,580 po lahat-lahat Ma’am.”
Kinuha ko ang wallet ko sa aking bag, binuksan, at nakita kong isang libo na lang ang pera ko. Naghanap pa ulit ako sa loob ng bag. Nagbabaka-sakaling may naligaw pa akong pera pero mga barya na lang ang aking nakita. Tumingin ako sa likod ko. Nakita ko ang mahabang pila ng mga tao.
“Ah Ms., pasensya na ha, isang libo lang kasi ang dala kong pera ngayon. Pwede mo bang isakto na lang?” pabulong kong pagkakasabi sa cashier.
“Ah ganun po ba? Alin po dito ang gusto niyong bawasan natin?”
“Kahit ito na lang Ms. Gawin mo na lang munang tig-lima tapos balik na lang ako sa susunod.”
“Sige po.”
Mabilis naman niya akong na-assist at iniabot ko na yung bayad. Nagkasukli pa naman ng limang piso at ibinulsa ko ito na. Napansin ko na napatingin siya sa mga kamay ko. Nakarinig din ako ng mga bulong-bulungan sa katapat naming pila.
“Ang dumi ng kamay niya oh.”
“Uy wag tayo masyadong lumapit baka may sakit yan.”
Habang yung mga nasa likod ko naman, kesyo ang tagal ko raw, mukha raw akong gusgusin at kung anu-ano pa. Dali-dali na lang akong naglakad palabas. Habang naglalakad, bumuntong hininga ako at tumingin sa langit. Wala akong makitang mga bituin at mukhang uulan pa yata. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang malapit na ako sa tawiran ay biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Wala akong dalang payong kaya tumakbo na ako.
“Bianca anak, akala ko kung napano ka na. Bakit ang tagal mo?”
“Pasensya na po at medyo mahaba po kasi ang pila. Kumusta na po si Tatay?”
“Di pa rin gumigising ang tatay mo. Di ko na nga alam kung gigising pa ba siya o hindi na.” Naupo siya at kinuha ang panyo sa kanyang bulsa para punasan ang kanyang mga luha.
Niyakap ko siya at hinaplos-haplos ang kanyang likod. Sa bawat paghikbi niya ay nadudurog ang aking puso. Namumuo ang mga luha sa mga mata ko pero pilit ko itong pinipigilan para hindi makita ni Mama.
“Ma, tanda niyo ba dati kapag may problema tayo? Di po ba palaging sinasabi ni Tatay na huwag tayong mawawalan ng pag-asa kasi makakaya nating lampasan yun. Kaya lakasan lang natin ang mga loob natin. May awa po ang Diyos.”
Habang nakaupo sa labas ng kwarto, dumating si Doc para i-check ulit ang kondisyon ni Tatay. Binati niya kami at dumiretso sa loob. Hindi naman nagtagal at lumabas na rin si Doc at lumapit sa amin.
“Mrs. Matagal-tagal na rin pong narito ang asawa niyo at hanggang ngayon ay wala pa rin po kaming nakikitang pagbabago. More on that, wala pa rin talaga siyang response.”
“Teka lang Doc. Ang ibig sabihin niyo ba ay dapat na kaming sumuko dahil wala rin namang pag-asa? Ganun ba Doc?”
“Mrs. tatapatin ko na po kayo. Tanging mga aparato na lang po kasi talaga ang bumubuhay sa asawa niyo. Matatagalan pa dito ang asawa niyo at sa pagtagal ay sa paglaki rin po ng gastusin niyo. Nasa sa inyo na po ang desisyon.
Tulala ako sa mga narinig ko at bumalik lang sa wisyo nung narinig ko si Nanay na muling umiyak. Sa labis na emosyon ay napaluhod na lang ako at nanghina sa mga narinig ko. Napakapit na lang ako sa laylayan ng damit ni Doc at nagmakaawa.
“Doc heto na po ang mga gamot oh. Kakabili ko lang po kanina. Di ko lang po nabili lahat dahil nagkulang po ako sa pera pero gagawan ko po ng paraan para mabili yung natitira pa. Doc, gawin niyo pa rin po sana yung makakaya niyo. Pakiusap po.” Pilit naman akong itinatayo ni Doc sa aking pagkakaluhod.
“We always do. It’s our responsibility hija, ang magligtas ng buhay. Pero lahat ng bagay ay may katapusan, hindi na namin hawak ang buhay na nakatadhana ng bawiin talaga. But, miracles can still happen at di ko yun inaalis sa inyo. Pero, after a week, wala pa ring response ang asawa niyo, please pag-isipan niyo ang sinabi ko kanina.”
Tinapik niya ako sa balikat at umalis.
Mga ilang sandali pa ay dumating na si Ate. Nagpaalam muna ako at sinabing may kailangan lang bilhin. Pero ang totoo niyan, gusto ko munang lumabas at mag-isip-isip.
“Umuulan na pala.”
Sa gilid ako dumaan para di ako gaanong mabasa ng ulan. Tamang tambay lang muna ako sa harap ng isang convenience store malapit sa hospital, umaasang titila rin agad ang ulan. Inilabas ko ang aking kanang kamay na kanina pang nakakulong sa bulsa ng jacket ko at isinahod sa pumapatak na ulan. Hindi ko alintana ang lamig ng tubig dahil pakiramdam ko ay ang init-init ng aking pakiramdam. Siguro, mga dalawang minuto ako sa ganung posisyon. Mas lalong lumakas ang ulan kaya nagdecide na akong pumasok sa loob.
“boogsh!”
Sa lakas ng banggaan namin, tumalsik ako at muntikan pang mapaupo sa semento.
“Anooo b—aa-a?!! Di k-a---a neemenn tuumitingiiin sa daaaan ehhhhh!!! Chooo! Choo!!”
Binubugaw niya ako na tila bai sang aso. Tumayo agad ako at bumwelong sisilong pero sinipa niya pa ang balikat ko dahilan para mapahiga ako at tuluyang mabasa ng ulan. Naalerto ang ilang kumakain sa loob at inawat si Kuya. Lasing na lasing siya at nagwawala. Isang babae naman ang tumulong sa akin at di ininda ang lakas ng ulan para alalayan akong itayo. Dumating naman ang isang kotse at isang naka-suit na lalaki ang lumabas. Dahan-dahan niyang isinakay si Kuya sa loob.
“Ms. may masakit ba sa’yo? Pagpasensyahan mo na ang mga ganung tao at talagang sakit lang sa ulo.”
Inabutan niya ako ng panyo para mapunasan ko ang aking mukha na noo’y basang-basa.
“Salamat po Ma’am. Punasan niyo rin po ang sarili niyo at nabasa rin kayo.”
“O siya hija, mukhang okay ka naman at walang masakit sa’yo. Mauuna na ako ah. Umuwi ka na rin agad sa inyo at baka magkasakit ka pa.”
Inalalayan muna niya ako para makaupo sa isang bakanteng upuan sa labas ng convenience store bago siya tuluyang umalis. May ilan namang good Samaritan na nagbigay sa akin ng towel at paying. Nagstay pa ako ng konting minuto para magpatila ng ulan. Maya-maya naman ay ambon na lang kaya nagsimula na akong maglakad para makabalik na ng hospital. Napadaan ako sa isang park. Hawak-hawak ko ang aking balikat at mina-massage ng kauntian habang patuloy na naglalakad sa kawalan. Nakakita ako ng swing at dun ay umupo muna. Inuugoy-ugoy ko ito habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa mala-kadena nitong hawakan. Di pa ako nakuntento at nilakasan ko ang pag-ugoy sa aking sarili hanggang sa naramdaman ko ang malalaking pitak ng tubig na dumadampi sa aking mukha. Isang malakas na ulan ang biglang bumuhos. Tumigil ako sa pagduyan at tumingala.
“Napaka-malas mo naman ata ngayon Bianca.” Bulong ko sa aking sarili.
Naiyak ako bigla. Halos mapahagulgol ako kasabay ng malakas na ulan. Nang medyo nahulasan na ako, tumayo na ako at naglakad-lakad. Ang tagal ko na sa labas at baka nag-aalala na sina Mama. Problema ko pa ang damit ko at basang-basa ako. Kusot-kusot ko ang aking kanang mata habang naglalakad. Medyo mahapdi na kasi dahil siguro sa tubig-ulan. Naaninag kong naka-green light naman kaya nagdiretso ako sa paglalakad hanggang sa may narinig akong malakas na busina, isang nakakasulong ilaw ang sumilaw sa aking mga mata dahilan para mapapikit ako. Siguro ay lambot na lambot na ako kaya hindi na rin ako nakaalis sa aking kinatatayuan.
Inaakala ko na talaga na paggising ko, nasa hospital na ako o baka naman di na ako magising pa. Pero, pagmulat ko, isang kotse ang nakatigil sa harap ko. May naririnig akong mga boses sa loob pero wala akong makita dahil nakatutuok pa rin yung ilaw ng kotse. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kotse para tingnan kung okay lang ba ang sakay nila pero dali-daling nagpaharurot paalis yung sasakyan. Pagbalik ko ng hospital, nakita ko na agad si Ate sa may entrance. Takang-taka siya sa itsura ko.
“Bakit ka nagpakabasa Bi? Kanina pa kitang hinahanap.”
“Wala akong payong. Naiwan ko sa bag. Hehe! Akala ko, titila yung ulan pero mas lumakas pa.”
Agad naman niyang kinuha yung towel sa bag niya at ibinigay sa akin.
“Dali! Magtuyo ka! Makita ka pa ni Mama na ganyan itsura mo naku.”
Higit-higit niya pa ako papuntang restroom para dun magpatuyo at magpalit ng damit.
“Bi, miss ko na si Tatay. Sana magising na siya no?”
Hindi ako umimik at patuloy pa rin ako sa pagtutuyo.
“Magigising pa ba si Tatay Bi.” Pagsasalita niya habang sumisinghot.
“Ano ka ba ate! (sabay bato ng towel sa kanya) Kayang-kaya yan ni tatay no?! Si tatay pa ba?? Tingnan mo mamaya, bubulungan ko na gumising na at napapasarap na ata ng tulog kaya ayaw pang gumising. Baka ayaw pang gumising kasi baka raw masermonan na naman ni Mama dahil sa sobrang pagpapagod. Hehe!”
“Lukarit ka talaga!” Sabay punas sa kanyang mukha.
“Oo nga pala, eto ang dalawang libo. Idagdag mo sa pambili ng mga gamot ni Tatay pati na rin sa pangkain niyo ni Mama bukas. Ipapadala ko na lang via gcash yung iba ha at wala pa ulit akong cash eh.”
“Teka, paano ka? May gastusin pa ba ikaw sa bahay?”
Tumango lang siya sabay thumbs-up!
Pagpasok namin sa room, nakita namin si Mama na nakatulog na sa upuan sa tabi ni Tatay. Hawak-hawak niya ang mga kamay nito. Nilapitan ni Ate si Mama at nilagyan ng kumot para di lamigin.
Kinabukasan, paggising ko, ako na lang mag-isa sa loob ng kwarto. Chineck ko muna si Tatay saka lumabas para hanapin si Mama. Tnry ko rin siyang tawagan pero naiwan niya ang cp sa loob. Hinanap ko siya agad at nakita ko sa may labas ng hospital, nakatingin sa malayo at tulala.
“Ma!” Sigaw ko.
Di niya ako narinig.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    lozarescatherine

    very interesting story ❤️🙂

    01/08

      0
  • avatar
    CortezBryan Carl

    skskzkzkxkx

    29/05

      0
  • avatar
    7136411

    kkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkdgcgc6dlokirft8y7t6gg85d7gud6g9g6huftguvysihudy8t5r8huduhyd8hyfigydiggóooiiijjkkkjkkkasddddddddddfrfrfrffrffffffrrtfftrfffffffffffffffffffddffffffffffffft

    03/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata