logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

Sabay kaming napalingon ni Dorothea na may mga Kalalakihan na sumusugod papasok ng St. Jago Church. Balot na balot ang kasuotan nila at puro itim ang kanilang kulay na pananamit.
"Mga iha tara na kailangan ninyo magpunta sa isang tagong lugar baka mapahamak kayo." Dumating si Father Timothy at inalalayan kami upang itago.
Nagkakagulo ang lahat at di alam ang gagawin. Tumakbo kami papasok sa isang kwarto sa dulo ng Simbahan, naroon din sina Carter at Camila magkapatid na tumutulong kay Father Timothy sa simbahan.
"Mukhang nilusob tayo ng mga kalaban." Halos lahat kami nakatingin kay Carter dahil sa kanyang sinabi.
"Pero sino naman ang lulusubin nila dito?" tanong ko.
"Hindi ko alam maaaring may hinahanap sila o may gustong malaman." Sabi pa niya.
"Dito muna kayo lalabas muna ako upang tignan kung nakaalis na sila." Tugon ni Father Timothy at lahat kami ay hindi umayon.
"Paano kapag po napahamak kayo? Dito nalang po kayo." Pagpigil ni Camila.
"Huwag kang mag-aalala sa akin, kaya ko ang sarili ko." Ngumiti siya sa amin bago lumabas sa pinagtataguan namin.
"Sino po pala kayo?" nagulat ako sa pagtatanong sa akin ni Camila. Isa din pala si Father Timothy ang nakakaalam na isa rin ako Prinsesa pero silang dalawa ni Carter ay hindi nila alam. Akmang magsasalita si Dorothea pero pinigilan ko siya siguro maasahan at makakapagtiwalaan ko naman sila.
"Ako ang Prinsesa ng Windsor nais kong ipabatid na sa atin atin lang ang tungkol sa pagkatao ko." Nanlaki ang mga mata nila dahil sa gulat, bigla silang yumuko sa akin ni Carter. Napangiti tuloy ako dahil sa kanilang tinuran.
"Maasahan ko ba kayo?"
Nagkatinginan sila ni Carter at tumango. Maya maya habang nagtatago kami marami ako nalaman sa kanila. Nakatira sila sa kabilang Bayan na kung saan mababa ang ranggo ng pamilya nila. Kaya sila nandito upang pagsilbihan si Father Timothy at ang Simbahan. Masaya ako at magalak kong nauunawan sa murang edad ay nagtatrabaho na sila. Magsasalita sana ako ng may kumatok sa pinagtataguan namin. Nilapitan ito ni Carter at sinilip mabuti na lang si Father Timothy iyon. Pinalabas niya na kami dahil wala na daw ang mga kalalakihan na umatake sa amin. Subalit napahinto at nagulat ako na makita na nasa Simbahan na rin sina Prinsipe Jv at ang kanyang Ama na, na Hari ng Chenely.
"May mga kasama ka pala Father Timothy," mungkahi ng Hari at sabay tingin sa amin nina Dorothea, Carter at Camila.
"Si Carter at Camila ay kapwang mga tagapagtulong sa aking Sumbahan. Maaga silang namulat sa pagtatrabaho. Si Dorothea ay tagapagsilbi sa Windsor Castle at si-" pinutol ko ang pagkakilala sa akin ni Father Timothy hindi nila puwede sabihin kaninoman ang aking pagkatao.
"A-aya po ang aking pangalan.Bago lamang po ako dito sa lugar na ito kaya paumanhin po." Sabi ko sabay yuko sa kanila sinenyasan ko sina Father Timothy, Carter at Camila naintindihan naman nila na kung ano pinapalabas ko. Tumango naman ang Hari at naglibot sa loob ng Siimbahan. Hindi niya siguro ako nakilala kanina sa Good hope Lake. At Nagkausap sila ni Father Timothy tungkol sa mga taong umatake sa amin kanina. Napatingin naman ako kay Prinsipe Jv na huminto sa mga kandila, buti na lang di niya ako nakilala. Sina Carter at Camila ay naghanda ng makakain para sa Hari at sa Prinsipe. At ako naman at si Dorothea ay lumabas na ng Simbahan.
"Mahal na Prinsesa, hindi po ba tayo uuwi sa Palasyo? Baka po nandoon na ang Mahal na Reyna at maghinala kapag hindi pa kayo nakakauwi." Bulong sa akin ni Dorothea napabuntong hininga naman ako, nagsabi kami sa isang Lalaki na hihiramin namin ang kabayo niya upang hindi na kami maglakad pauwi dahil delikado na. Pumayag naman ang Lalaki kaya sumakay na kami at walang alinlangan umalis ng St. Jago Church. Di na kami nakapag paalam dahil nag-uusap pa rin sina Father Timothy at King Rennedy.
Pag uwi namin dali dali kami dumaan sa likod ng Palasyo. Baka kase nandoon na ang Reyna. Nagpalit ako ng kasuotan at si Dorothea ay nag-asikaso na sa Palasyo. Gulat akong napalingon sa pintuan ng aking kwarto na may kumatok binuksan ko iyon at si Maddie lang pala.
"Nasa baba si Esperago Easton nakauwi na si Ama galing sa kabilang Palasyo pagkatapos pag-usapan ang mga taong naninira sa Windsor. May gaganapin na malaking selebrasyon sa Sabado kaya gusto ka niya makausap." Wika niya.
"Anong selebrasyon?" wala naman akong naaalala na may dapat ganapin.
"Annibersayo ng pagsasamahan nina Ama at Ina, sabagay hindi mo matatandaan iyon. Ang naalala mo lang kase ang iyong Ina. Wala na siya kaya dapat maging mulat kana." Sabay alis sa kwarto ko.
Sadya bang nakalimutan ko o wala lang ako pake. Samantalang ang Annibersayo ng pagsasamahan ng aking Ina at Ama ay wala na ba talagang silbi? Nakakainis, dahil iba na talaga ang prinsipyo ng aking Ama.
Pagkababa ko naabutan kong nakatingin si Esperago Easton sa mga larawan ng aming pamilya. Kahit papaano'y may mga alala pa rin ako ni Ina at Ama na magkasama sila. Mabuti na lamang pumayag ang Mahal na Reyna na maglagay ako ng mga larawan kahit na wala siya rito. Tumikhim ako sa likuran ni Esperago Easton at napalingon siya sa akin. Ngumiti siya at nagtaka naman ako sa mga mata niya, hindi siya siguro nakatulog ng maayos dahil marami silang ginagawa ni Ama. Matagal ng tagapag silbi ni Ama si Esperago Easton. Simula no'ng nandito pa si Ina narito na rin siya upang magsilbi. Nagtataka nga lang ako dahil maganda naman ang hanapbuhay ng kanyang pamilya kung kaya't bakit niya pinili na manilbihan sa amin.
"Matagal tayo hindi nagkita, Mahal na Prinsesa," panimula niya ngumiti ako at lumapit sa kaniya.
"Ibig mo daw ako makausap sabi ni Maddie."
"Oo. Magkakaroon ng isang malaking pagdiriwang sa Palasyo ninyo sa Sabado. Para sa Annibersayo ng iyong Ama at ng Mahal na Reyna. Gusto ko sana na ikaw ang mag-ayos ng lahat, alam kong mahusay ka sa mga ganoon bagay."
"Bakit hindi mo na lang ibigay ito sa mga tagapagsilbi?"
"Alam ko na maari iyon subalit kung mula sa iyo mas gaganda ang kalalabasan. Sana'y dinggin mo ang aking hiling." At napakamot pa siya sa ulo niya.
"Tsk, kung sabagay marami kana naitulong sa amin. Wala naman ako magagawa kung tatanggi akong muli dahil alam kong hindi ka makakapayag."
"May mga materyales at tela akong dala para bukas ay masimulan muna. Ang mga tagapagsilbi ninyo dito ay sila ay kikilos upang magluto magpatulong ka na lang kay Dorothea." Tumango ako sa kaniya.
"Sige na gabi na. Kailangan muna magpahinga."
*****
Kinaumagahan kinuha ko ang mga gagamitin ko sa pag-aayos sa Palasyo. Naalala ko kase ako rin ang nag-ayos sa Annibersayo ni Ina at Ama. Ngunit ngayon hindi na ito para sa kanila, para ito sa Ama ko at sa pekeng Ina ko. Binuhat ko ang kahon na naglalaman naman ng mga sinulid karayom at mga palamuti na gagamitin sa disenyo sa mga tela na ikakabit sa buong Palasyo.
Nang harangan ako ni Maddie sa pagbalik ko sa aking kwarto. "Nais kong magpasalamat dahil tumutulong ka sa gaganapin selebrasyon ng aking Ina at ng iyong Ama. Sana'y galingan mo sa pag-ayos, nabalitaan ko kase kay Ama na iimbitahin niya rin ang mga taga Cheneley at ang iba pa niyan mga kaibigan. Ayoko lang mapahiya sa kanila." Nainis ako sa kanyang sinabi bakit diko na lang tuluyan sirain ang selebrasyon na iyon para mapahiya sila. Kung puwede lang sana.
"Gagawin ko ang makakaya ko hindi ako mangangako." Sabi ko.
"Bakit hindi ka sigurado? Dahil ba hindi ito ang Annibersayo ng iyong Ama at Ina? Tsk ,kung gano'n iyon mararapatin kalimutan muna ang nakaraan mo magising ka sa katotohanan wala ka ng Ina." At tinaasan niya ako ng kilay.
"Kung wala ka ng sasabihin magandang manahimik ka na lang. Mauna na ako," tsaka ko siya iniwan at bumalik ako sa kwarto.

Komento sa Aklat (132)

  • avatar
    BaluyutJoy

    Yes ålz

    20d

      0
  • avatar
    MaglentePrincess Bianca

    so nice!

    30/06

      0
  • avatar
    Mary Grace

    Nice work

    15/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata