logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

INIHINTO ko ang sasakyan sa parking lot ng isang Cafe. Ilang oras narin ang dumaan habang nagda-drive ako. I'm already here in Bacolod. And it's actually refreshing.
Nang lumabas ako sa kotse, bumungad kaagad sa akin ang napakagandang tanawin. Nasa gilid lang ng kalsada ang Cafe, at ang tanawing tinutukoy ko ay nasa kabila nitong daan.
I can see the peaceful ocean right now. And with the sun already setting down, it's quite a view.
Iniangat ko ang camera na kanina pa nakasabit sa aking leeg. Talagang inihanda ko ito dahil nasabi narin ni Gwen sa akin na maraming magagandang tanawin sa Bacolod. She knows me a lot. I can't help but to take pictures of every thing I find beautiful.
Matapos kuhanan ng litrato ang tanawin, naglakad na ako papasok sa Cafe. Kakabukas ko palang ng pintuan natigilan na kaagad ako nang makita kung anong meron sa loob.
I blinked again and again. The walls are full of different characters from an animated movie. In every character, there's a quote that obviously comes from the movie where those characters are in. At ang mga kagamitan rin dito ay halos hango sa pelikula.
"Wow," I murmured to myself. I haven't seen a place like this before. Talagang nababagay ang pangalan nito sa lugar. This place is called Howl's Cafe.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Halos hindi ko parin magawang itigil ang pag-obserba sa lugar. Kapansin-pansing may pangalawang palapag pa. I wonder what's in there?
Nag-order kaagad ako ng maiinom at cake. Gusto ko sanang libutin ang lugar. Ngunit malapit ng dumilim. Ayaw kong gabihin sa daan kaya naman matapos makuha ang pagkain at maiinom, naghanap ako ng bakanteng mesa at naupo doon.
Habang kumakain, hindi ko mapigilang kumuha ng litrato sa paligid. I can also get another picture of the view outside since I'm just near the door.
Inilibot ko ang camera sa paligid, sinusubukang maghanap ng magandang anggulo. Ngunit nang tumuon ang camera ko sa pintuan sabay click, eksakto namang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang babae.
My eyebrows furrowed. Tiningnan ko kaagad ang kuha kong litrato. I'm sure the woman's in it so I was about to delete it. Ngunit nang makita ko iyun, natigilan kaagad ako.
I stared at the picture for a moment. Hindi ko man lang naigalaw ang kamay upang mabura ito. Napakurap-kurap kaagad ako. I can't get my eyes off of it.
No, it's not just the whole picture. Hindi ko maialis ang tingin sa babae. She's . . . naturally beautiful.
"Excuse me?" I blinked after hearing someone's voice. Ngunit sa isiping hindi ako ang tinatawag, nanatili akong nakatitig sa litrato.
"Mister?" My eyebrows furrowed. Sa pagkakataong ito, nag-angat ako ng tingin upang siguraduhin kung sino ba talaga ang tinatawag ng may-ari ng boses.
But I stilled after seeing her. I don't know why but I just gulped at the face of her, staring at me with a smile plastered on her pink lips. She's wearing a white t-shirt and a skinny jeans. May nakaipit rin na sun glasses sa gitna ng kwelyo niya. Her neck length hair was fixed into a bun just above her head. May mga natitira pang parte ng buhok niya sa likod dahil sa hindi ito kataasan.
"Uh, sir?" Pukaw niya saakin. Napakurap-kurap ako at napatingin sa kaniyang mukha. Even her face isn't covered with make ups.
"Y-yeah?" I answered.
"Pwede bang makita ang camera mo?" She suddenly asked making my eyes blink. Did she just say that she want to see my camera? Why?
Hindi parin ako nagsalita. Hindi ko alam kung bakit niya gustong makita ang camera ko. But as if she read my mind, she let out a chuckle and answered. "Don't get me wrong, Sir. I just saw you clicked your camera in front of me. Kaya gusto ko sanang makita ang camera mo."
"For what?" I asked.
Ngayon, siya naman ang napakunot-noo. "Of course, to delete my photo. It will be rude to take someone's photo without their permission, right?" She said and followed by a smile.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa camera. I always know the rules about photography. Alam ko kung anong tama o mali. But . . . I don't want to give it. For some reason, I don't want to delete her picture on my camera.
Instead of answering her, I just stared. Ilang beses na akong nakatanggap ng litrato galing kay Emman para sa mga model na pagpipilian ko. It's almost a week but still, wala parin akong nahanap. I want to find someone who will suit the theme. Someone who'll be able to pull a natural beauty. Hindi ganoon kasimple ang proyektong ito kaya mapili ako.
But now that I'm facing someone who got everything I required, what will I do?
"Mister?" Napakurap-kurap ako nang tinawag niya akong muli.
"Y-yeah?" I asked.
Her eyebrows furrowed, as if I just did something weird. Ilang saglit pa ay ipinilig niya ang ulo na para bang napagpasyahan nitong huwag iyong pansinin, "well? Can I have the camera, Mister?"
Again, I stared at her. Pwede bang humindi?
"Naku, huwag kang mag-alala. Hindi ko sisirain ang camera mo kung iyan ang iniisip mo. I just really want to delete my picture," sabi niya sa mahinahong boses.
"Can you not delete it?" I asked, subconsciously.
Napataas kaagad ang kilay niya. I cursed in my head. Seriously, Theo! Anong ginagawa mo? Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi kong iyun!
"I'm sorry, Mister. But I want to delete it," she answered firmly. "Alam niyo naman sigurong pwede kayong makulong sa ginawa niyong iyan?"
Napataas kaagad ang kilay ko. Makulong? Wow. She's going too far.
"Well, you don't have any evidence that I took a picture." Diretso kong sabi rito.
Mas lalong napataas ang kilay niya. Oh, damn. Mas lalo ko lang atang ginalit.
"Well, I have that camera." May diin niyang sabi habang tinutukoy ang camera ko.
I smirked. "But it's mine."
Napaawang kaagad ang labi niya. I heave a breath, trying to suppress the smile on my lips. I know that I'm the wrong one here. But why is she so fun to tease?
"Mister, may CCTV rito." Ilang saglit pa ay sabi niya. "This matter is just simple. Gusto niyo bang palakihin pa natin?"
I gritted my teeth and stared at her. Kulang nalang siguro bumuga siya ng apoy. Kaya naman napabuntong-hininga nalang ako at iniabot sa kaniya ang camera. Without hesitating, she get it.
Tinitigan ko siya habang binubura niya ang litratong nakuha ko. There's just something in her that I can't stop staring. Ni hindi ko man lang namalayan na sa pagtitig kong iyun, unti-unti ko na palang naiguhit ang mukha niya sa utak ko.
I carved it so well without me knowing it.
"Here," ibinigay niya kaagad ang camera ko. She still looks pissed. Wala naman akong ibang magawa kundi ang tanggapin iyun.
"May kailangan ka pa?" tanong ko sa kaniya.
Tinaasan niya kaagad ako ng kilay. Ilang saglit pa ay umiling siya, "no, thank you." She said, followed by a sweet smile. Well, a fake one.
"Boss Johanna!" From the counter, one of the employees called. Hindi ako lumingon dahil hindi naman ako ang tinatawag. Ngunit nang lumingon ang babaeng kaharap ko, napataas kaagad ang aking kilay.
"Bella," she waved her hand on her. Hindi na siya nagpaalam pa sa akin at naglakad na papaalis na sinundan ko naman ng tingin.
Johanna, huh?
Napailing-iling ako at itinuon ang tingin sa cake. Too bad. I forgot to ask her to be my model.

Komento sa Aklat (108)

  • avatar
    RaymundoKirby Brian

    wow

    17d

      0
  • avatar
    signareliphaz

    such a nice story and emotionaly dragging

    20d

      0
  • avatar
    TempleChiepie02

    the story is beautiful a truth behind your lies that's why I want to finish this story because I've experienced this too 🤭🥰🥰🥰

    09/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata