logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kikiam

Ilang oras ang naging byahe papunta sa Iba Zambales, nakarating na rin sila sa wakas. Dahil wala naman silang ibang sasakyan kaya sa tricycle sila sumakay.
Agad silang sinalubong ng mga ulupong na bantay ng Hacienda de Doll.
"Hanggang dito na lang po kayo." Harang ng isang guard na malapad ang noo at malaking tiyan.
"Kailangan kong makausap si Don Demeanor." May accent pang saad ni Kitty habang ang mga kamay ay nakapilantik.
"Matagal ng patay si Don Demeanor." Deretsyong sagot ng malapad na noong guard. Humarap si Kitty sa tatlo at pinandilatan ang mga ito, bilang tanda na dapat silang sumunod sa pag-arte nito.
"Patay na ang inyong ama." Matapos nito ay napahawak sa bibig si Kitty at nag-umpisa ng mag-hysterical at ang tatlong ulaga ay gumaya sa kaniya.
Umiyak sila na parang mga nawawalang bata, naglulumpasay pa sa sahig si Juan at si Pedro naman ay inaalog-alog ang guard, si Kitty at Pepe ay nakatayo at umiiyak. Kung saan-saan pa umaabot ang kamay ni Kitty, sa bibig niya, sa ulo, sa dibdib, sa balakang at kung saan pang parte. Nais niya ata talagang maging artista.
Patuloy nila itong ginagawa hanggang sa dumating ang isang baklitang kalbo na kumikinang pa ang ulo sa araw. Sa kintab ng ulo nito ay pwede ng gawing solar charger.
"Anong nangyayari rito?" Galit na tanong nito at parang si Saitama. Well, malakas lang tama niya.
"Kamahalan, sila raw po ang mga anak ni Don Demeanor." Agad nanlaki ang mga mata nitong tumingin sa apat. Una muna niyang tiningnan si Kitty at inikutan ito.
"Hindi ba't ikaw ang anak ng katulong namin noon?" Agad napaiwas ng mukha si Kitty at nagpaypay pa para mawala ang amoy ng bunganga ng kalbong iyon.
"Sorry, favorite kong papakin ang bawang." Sabay abot sa kaniya ng isa niyang alalay na feeling famous, para namang nabagsakan ng langka ang mukha.
"Hindi naman ako ang anak ni Don Demeanor. Kung hindi sina Juan, Pepe at si Pedro." Matapos nito ay sabay nilang tiningnan ang tatlong nakatayo sa likuran nila.
"Imposible!" Sigaw ng kalbong ito.
"Totoo iyon. Sino ka ba?" Mabilis hinawi nito ang kamay ni Kitty na nakahawak sa braso niya.
"Don't touch me, kamay mong marumi. Wash wash muna, bago touch me!" Kanta nito mula sa boses niyang garalgal at parang nasa isang musical theater.
"Ako si King." Pagyayabang at taas noo nitong salita at tumingin kay Kitty.
"King?" Sabay-sabay na tanong ng apat.
"King Chiu." Matapos nito ay may pasabog na tunog at naiwang gulat ang apat. Hindi nila akalain na ang pangit na kalbo na ito ay King Chiu ang pangalan.
"King Chiu? Bakit ang pangit mo?" Tiningnan ito ni Pepe mula ulo mukhang paa.
"Ang tabil ng dila mo!" Susugod sana siya rito ng bigla siyang harangin ni Juan at nahawakan ang kaniyang dibdib. Napatingin pa siya sa dibdib niya at tumulay patungo sa kamay ni Juan, papunta sa gwapo nitong mukha.
"Ha! Hinihipuan mo ako!" Maarteng sigaw nito na nahihimatay pa kunwari at agad siyang pinuntahan ng kaniyang alipores na mukhang nabubog.
"Kamahalan." Pag-aalalang tugon nito, nakahawak pa sa kaniyang makintab na ulo si King at agad napatayo ng makita ang mukha ng kaniyang alalay. Muli siyang bumaling ng tingin kay Juan.
"Sino ka?" Sabay lapit nito kay Juan.
"Ako si Juan ang unang anak ni Don Demeanor." Malaking boses at magandang tindig na saad ni Juan. Agad humarap sa kaniya si King Chiu at sinuri ang buo niyang mukha.
"Juan? Juanito Alfonso?" Maarteng tanong nito na agad binulungan ng alalay niya.
"Sa ibang kwento iyon kamahalan." Matapos nito ay saka lamang niya nalaman na mukhang naliligaw siya ng kwento. Makintab lang ang ulo pero mapurol ang kukote ng baklang ito.
"Ikaw sino ka?" Matalim ang tingin nito kay Pepe.
"Ako si Pepe, the second after the first." Pagyayabang naman nito na parang isang tunay na Englishers at taas noo pa niyang hinarap ang kalbong si King Chiu.
"Ikaw?" Tumagos ang tingin niya kay Pedro.
"Ako si Pedro, ang bunso."
Matapos marinig ang pagpapakilala ng tatlo, agad tumalikod si King Chiu at paalis na sana nang bigla siyang hilahin ni Kitty.
"Kailangan mo silang papasukin. Nasaan si Barbie?" Agad napaharap sa kaniya si King Chiu.
"Patay na si Barbie." Deretsyong sagot nito.
"Hindi maaari!" Muli na naman itong nag-drama ngunit agad pinigil ni King Chiu.
"Sandali, mamaya na iyan. Hindi ako makapapayag na sila ay mga anak ni Don Demeanor na aking kapatid." Buo ang boses nitong daig pa ang hinukay sa kailaliman ng daigdig.
Dahil sa sinabi niyang ito, nagpalitan sila ng masamang tingin ni Kitty na sad'yang hindi rin magpapatalo. Para siyang isang pusa sa bubong na hindi papayag matalo nino man.
"Kailangan ipa-DNA test sila!" Sigaw nito para mediyo intense raw ang scene.
"Hindi ako papayag!" Sigaw na balik ni Kitty.
"At bakit?" Muling lumapit sa kaniya ang amoy bawang na hiningang si King Chiu.
"Dahil alam kong dadayain niyo ang DNA test." Kumunot ang noo ni King at titig sa mga mata ni Kitty.
"At sino naman ang nagsabi niyan?"
"Alam ko, dahil mahilig ako manood ng mga nawawalang anak. Kaya hindi mo kami maloloko." Pakikipagpalitan nito ng tingin kay King Chiu. Ang tatlong hampaslupang ulaga naman ay tutok sa kanilang dalawa.
Pa-intense na nang pa-intense ang titigan nila, maging ang mga nagbabantay ay nagpustahan na kung sino ang unang aalis ng tingin.
"Hindi ko na kaya." Matapos umalis ni King Chiu ay laking panghihinayang ng mga guwardiya na nagpustahan at pati ang tatlo ay napailing na lang. Dismayado silang lahat sa pag-alis agad ni King Chiu ng tingin.
"Pero ang bango ng hininga mo, anong gamit mo?" Napangiti naman si Kitty at agad itong sinagot.
"Asin lang ito, 'wag ka lang kasi mamapak ng bawang." Sabay taas nito ng kilay at mukhang nakumbinsi naman si King Chiu, pero muling nabawi ang ngiti niya ng maalala na hindi nga pala sila bati.
"Sige, hanggat hindi pa lumalabas ang DNA results, dito muna sila tutuloy. Pero hindi sila maaaring magpunta sa ibang parte ng mansion." Matapos itong sabihin ni King Chiu ay agad siyang umalis, habang ang kaniyang alalay ay nakasunod pa rin sa kaniya. Bumukas na ang malaking tarangkahan at pumasok doon ang apat.
Halos mabali ang leeg nila habang nakatingin sa mansion. Nakanganga at tulo laway na naglalakad ang tatlong ulaga, maya-maya ay biglang may sumalunong sa kanilang babae.
"Sumakay kayo rito." Alok nito sa kalesa. Dahil nga malawak ang Hacienda de Doll, kailangan nilang sumakay. Tanaw man nila ang mansion ay napakalayo pa rin nito.
"Ako pala si Ivana." Maarteng pagpapakilala nito sa apat.
"Ivana?" Tanong ni Kitty habang salubong ang kilay, matapos makitang flat naman ito.
"Ivana Aliwin, ako ang magiging bantay ninyo rito." Sabay ngiti ulit nito. Hindi mawari ang mukha nilang apat na nakatingin dito.
"Okay?" Nakangiwi na saad ni Kitty habang paakyat sa kalesa.
Muli na namang napanganga ang apat sa ganda ng tanawin. Ang mga magaganda at berdeng halaman, maging mga nagtataasang puno ang namamasdan nila.
"Halatang dito nakatira si Barbie," salita ni Pepe na bumasag sa katahimikan.
"Bakit naman?" Pagtataka na tanong ni Juan.
"Tingnan mo, maging mga kabayo kamukha niya." Sabay turo nito sa mga kabayong kumakain ng damo.
"Oo nga no? Kawawa naman ang mga kabayo, si Barbie pa naging kamukha." Umiiling na saad ni Juan at iniisip kung gaano kamalas ang mga kabayo at sa rami pa ng maaaring maging kamukha ay si Barbie pa.
Dahil tahimik ang dalawa, agad itong tiningnan nina Juan at Pepe.
"Sa susunod magiging ganito na kalawak ang ating lupain." Paghawi pa ni Pedro sa kaniyang kamay na mukhang nagdo-drawing sa hangin, habang si Kitty naman ay tuwang-tuwa sa mga pangako nito.
"Talaga? Tapos magiging ganiyan din kalaki ang ating bahay." Impit na boses na naman nito.
Napailing na lang ang dalawa at muling niyakap ang kanilang sarili upang hindi maramdaman ang pag-iisa. Mabuti pa si Pedro ay may nahanap ng mamahalin kahit hindi marunong magbasa at magsulat. Sana all.
Nang makarating na sila sa mansion, naroon na si King at nakaabang sa kanila. Bumaba na sila kasama si Ivana, para silang mga Prinsesa at Prinsipe.
"Juan, Pepe at Pedro, magbigay galang kayo sa inyong tito." May pilantik na kamay na utos ni Kitty. Agad naman nagpunta ang tatlo at nais mag-bless, ngunit agad umiwas ito at aambang babatukan sila.
"Sungit naman nito." Inis na saad ni Juan bago sila bumalik sa tabi ni Kitty.
"Sim–" hindi na natapos si King Chiu sa dapat niyang sasabihin nang may isang magandang babae ang bumaba mula sa kalesa. Agad silang napatingin doon at si Pepe ay tila napako na ang mga mata rito.
Bumagal ang oras habang patakbo ito, umuulan ng cherry blossoms at talagang lumiliwanag ang paligid, habang ang mga buhok nito ay sinasayaw ng hangin. Tumatakbo ito patungo sa kanila at maging ang puso ni Pepe ay tila hinahabol din nito.
"Mamah!" Bati nito at agad niyakap si King Chiu.
Napalunok pa silang lahat at nagtatakang nakatingin sa mga ito.
"Ha? Sino sila?" Gulat na gulat na tanong nito.
"Sila raw ang mga anak ni Don Demeanor." Matigas na boses na saad ni King Chiu.
"Ha? Talaga? Nakakagulat" Tila gulat na gulat ito sa kaniyang mga nalaman. Sa bawat tingin at takip ng bibig niya ay para siyang palaging nagugulat. Nakanganga pa rin si Pepe na nakatingin dito, kulang na lang ay pumasok na lahat ng langaw sa bunganga niya.
"Anak mo?" Tila hindi naniniwala si Juan sa mga tingin nito.
"Oo bakit? Magkamukha naman kami." Sabay pose nito katabi ang napakagandang babae na iyon.
"Bakit siya maganda ikaw...pangit?" Dagdag pang tanong ni Pedro. Hindi makapagtanong si Pepe dahil halos maging tuod na siya sa kaniyang nakikita.
"Ang bastos mo, a!" Muli na naman sana itong lalapit sa kanila ng harangin ito ni Kitty.
"Don't you ever try to hurt them." Kahit hindi naman dapat mag-English ay ginawa ni Kitty. Para raw maganda ang line niya at isa rin siyang feeling Englishers. Tinaasan lang siya ng kilay ni King Chiu at muling bumalik sa magandang babae.
"Ito nga pala ang anak kong si Empress." Taas noong pagyayabang ni King Chiu.
"Empress?" Sabay-sabay ulit nilang tanong.
"Empress shocking." Matapos nito ay bakas sa mukha nila ang pagkabigla. Kaya pala palaging tila gulat ito ay Shocking pala ang kaniyang apilyedo.
"Sige na, pumasok ka na sa loob at huwag na huwag kang lalapit sa mga hampaslupang sampid na iyan." Umirap si King Chiu at hinila na ang magandang si Empress Shocking papasok sa mansion, ang apat naman ay sinamahan na ni Ivana Aliwin para sa kanilang magiging silid.
Sa kabilang banda, kay Barbie naman tayo.
Mainit at maalinsangan ang kalsada habang siya ay kasama ni Ken na nagtatawag ng mga pasahero.
Kina Ken pala siya nakatira ngayon, sa isang maliit na tabing-tabing na bahay nakatira si Ken at silang dalawa lamang doon.
"Pawis ka na." Maarteng punas nito sa noo ni Ken pababa sa leeg, habang ang kanilang mga mata ay talagang titig sa isa't isa at ayaw pakawalan ang bawat isa.
"Salamat at palagi kang nariyan, Barbie." Mabilis naman napangiti si Barbie at inamoy ang pawis na balikat ni Ken. Malanding baklita.
"Hoy! Magtrabaho hindi puro harot!" Sigaw ng jeepney driver na kinainit agad ng ulo ng Barbie.
"Oh, Manggahan walo pa! Walo pa!" Sigaw ni Barbie at mabilis kinalampag ang gilid ng jeep.
"Oh, sa kanan. Usog ate, kas'ya pa isang pisngi ng puwet d'yan." Halos hindi na maipinta ang mukha ng mga nakaupo, dahil sa pagpupumilit ni Barbie na magpapasok pa ng mga pasahero. Gamit nito ang kaniyang malaking boses, na paminsan ay nagmamalandi kapag napapatingin kay Ken na talagang tuwang-tuwa sa ginagawa niya.
"Hoy isa na lang. Ikaw! Kapag hindi ka sumakay 'di ka na magkakajowa habambuhay." Panakot nito sa isang babaeng palagpas na. Dahil sa takot nitong maging single habambuhay ay isiniksik pa niya ang isang pisngi ng kaniyang puwit.
"Puno na!" Sabay hampas ni Barbie sa gilid ng jeep. Agad naman nagtungo roon si Ken para kuhanin ang limang pisong bayad sa kanila.
"Tara miryenda muna tayo," aya nito at dahil gusto naman ni Barbie, agad siyang pumayag.
"Tuhog?" Tanong ni Ken.
"Aw. Mashaket 'yon." Basta kapag ganiyan siya magsalita, sobrang arte niya kumilos at todo kapit sa braso ni Ken.
"Mapagbiro ka talaga." Halos mangisay naman siya ng marahang pisilin ni Ken ang kaniyang pisngi.
"Enebe." Sabay hampas nito at amoy sa brasong pawisan ng binata at tila bangong-bago siya rito.
Nagsimula na silang magtuhugan–este bumili ng tuhog-tuhog. Kahit ngayon lang siya makakatikim nito ay talagang nag-push siya dahil favorite raw ito ni Ken.
Iba talaga ang nagagawa ng love, ang mga bagay na hindi mo kinakain ay makakain mo. Sabi iyan ni Barbie habang sabay silang kumakain ni Ken. Talagang tuwang-tuwa siya kahit pa hindi ito ganoon kamahal na date, basta't kasama mo raw ang taong mahal mo.
Sarap na sarap silang kumain ng biglang dumating si mang Dodong, ang baklitang malaki ang tiyan.
"Hey babe!" Napatigil naman si Barbie sa pagsubo ng kikiam at tumingin sa malaking tiyan na baklita.
"Hoy! Anong babe, babe?" Sabay hila ni Barbie palayo sa baklitang ito.
"Sino ka naman?" Tanong ni mang Dodong mula sa malalim na boses at parang kargador na kawatan.
"I am Barbie de Doll." Sabay rampa nito na parang nasa isang pageant ng mga pangit.
"So? Ako ang nauna kay Ken." Hamon ng baklitang ulikba.
"My God! Si Ken ay para kay Barbie hindi kay Barney!" Sigaw nito, na-hurt naman ang feelings ni mang Dodong kaya tumakbo ito palayo na nag-drama pa noong una. Para na naman silang nasa isang pelikula na hindi alam kung sino nga ba ang bagay kay Ken. Si Barbie nga ba o si Barney?
Habang tumutugtog ang ma-drama na kanta ay dahan-dahang humarap si Barbie kay Ken, na ngayon ay gulong-gulo ang isipan.
"Barbie." Hahawakan sana nito si Barbie ng bigla siyang hinawi.
"No Ken, why did you do this to me? Akala ko ba ako lang? Ibinigay ko na sa 'yo ang lahat maging ang katawan ko!" Sabay dabog ng mga kamay nito na tila nandidiri na sa kaniyang sarili.
"Pakinggan mo muna ako." Pagmamakaawa ni Ken ngunit sobrang sakit na ng nararamdaman ni Barbie, kung kaya't hindi na niya alam kung ano at sino pa ba ang paniniwalaan niya.
"Tama na! Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na. Tama na Ken!" Matapos nito ay patakbo na sana siya ngunit naalala niyang hindi pa niya tapos kainin ang kikiam ni Ken, kaya agad niya itong inagaw at saka siya tumakbo palayo.
"Sandali." Habol sa kaniya ni Ken na hindi naman umaalis sa kinatatayuan niya. Hindi pa kasi siya bayad kaya hindi siya makahabol kay Barbie.
Sa sobrang sakit nang nararamdaman ni Barbie, tumakbo na lang siya nang tumakbo hanggang sa kung saan man siya dalhin ng mga paa niya at sugatang puso.
Nakakaawang Barbie, nagmahal lang siya ngunit labis ang sakit na naidulot nito sa kaniya. Mag-isa lamang siya ngayon dahil ang apat ay masaya sa mansion. Habang siya ay dinaramdam ang sakit na dulot sa kaniya ni Ken. Ang puso niya ngayon ay durog na durog.
Saan nga ba siya dadalhin ng puso niyang sugatan?
Anong mga kaganapan ang mangyayari sa tatlong ulaga at kay Kitty?
Sino pa ang makikilala nila at anong pangalan ng mga ito?

Komento sa Aklat (422)

  • avatar
    Naddie

    good job in writing this story, author 😊

    20/04/2022

      1
  • avatar
    UniqueToh826

    Nice story. Keep it up po.❤❤

    20/04/2022

      2
  • avatar
    Sharamae

    Very Nice story💙 Keep writing po😊

    20/04/2022

      2
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata