logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Ken

Malamig na hangin at madilim na ang langit, habang ang iba ay lumalabas na ng mall para umuwi. Ang tatlong pulubi naman ay nakaabang sa likod ng mall, para kung sakaling lumabas si Kitty ay agad nilang makukuha.
Nasa Pag-asa market si Barbie naghihintay, ayaw raw niyang makita agad siya ni Kitty para mediyo suspense raw ang eksena na parang sa movie. Hilig talaga nilang magpanggap na nasa isang movie scene, kaya lahat ay ihahalintulad nila.
"Ayan na si Kitty." Mabilis napatayo ang dalawa matapos itong sabihin ni Pepe.
Nakatalikod pa si Kitty habang nagpapaalam sa mga kasama niya.
"Paano mo nalaman?" Tanong ni Juan.
"Malamang tingnan mo 'yong buhok niya may tenga ng pusa. Hindi ba sabi ni Barbie na may suot na headband ba 'yon? Ewan ko, basta 'yong nasa ulo," paliwang pa ni Pedro habang kumakamot ng ulo.
Dahan-dahan humarap si Kitty na hinahangin pa ang buhok at tila may liwanag na nakatutok dito, may mga nalalaglag pang glitters mula sa kung saang lupalop ng daigdig. Laglag pangang nakatitig dito si Pedro at mabilis ang tibok ng puso. Tila bumagal ang mundo niyang nakatingin kay Kitty, habang naglalakad ito patungo sa pinagtataguan nila.
"Hello Kitty?" Halos mapatalon naman ito sa gulat ng biglang bumungad sa harap niya si Juan.
"Not hello Kitty, but Kitty Kitty." Maarteng saad nito mula sa boses nitong impit.
"Kiti-kiti?" Kunot noong tanong ni Pedro.
"Kitty Kitty, maarte dapat." Muling akto nito na parang may mahika sa kamay niya, habang isinusulat ang pangalan niya sa hangin. Nakatanga naman ang tatlong kupal sa kaniya.
"Ano bang kailangan niyo?" Tanong nito at may pakurap pa na tila pinagmamalaki ang fake eyelashes niyang pinakabit ng 200 pesos sa kaibigan niyang nag-aaral maglagay nito.
"Kailangan ka namin dalhin. Sumama ka." Matapos nito ay itinutok ni Juan ang kamay niya na parang baril.
"Ha? Teka!" Hindi mawari kung sumisigaw ba ito o nagvo-vocalize ng boses niyang parang kuting na naapakan ang buntot.
"Sumama ka na." Sabay hawak sa kaniya ni Perdo para hilahin na siya paalis.
"Tulong, kid–teka nga! Teka! Teka lang!" Gigil na palo nito sa kamay ng tatlong ulagang pulubi, dahilan para mapatigil ang mga ito.
"Hindi naman ito kidnaping kasi hindi naman ako bata, kapag naman adulting ang pangit." Napakamot pa ito sa ulo niya, at iniisip kung anong tawag kapag matanda naman ang gustong dukutin.
"Hayaan niyo na nga. Tulong! Tulong! Kinukuha nila ako." Pag-iinarte nitong hindi naman sumisigaw ng malakas. Marahil ayaw niyang masira ang maliit niyang boses.
"Tulong!" Muling bulong nito sa kawalan habang ang tatlo ay hinihila na siya palakad. Kakaunti na lang ang tao ngayon, kaya ang akala nila ay naglalaro lang ang mga ito.
"Tul–ano ba? Hindi ba dapat tinatakpan mo ang bibig ko? Mamaya may makarinig ng tulong ko." Matapos niya itong sabihin ay saka lamang siya tinakpan ni Pedro. Matapos nito ay nagpatuloy silang muli sa paglalakad, wala kasi silang pambayad sa tricycle kaya maglalakad na lang sila. Si Juan ay nasa likuran habang nagpapaka-feeling Cardo Dalisay sa imaginary baril niya sa kamay, si Pepe naman ang nasa harapan at hinahawi kunwari ang mga taong nasasalubong, samantalang nasa dalawa o tatlong tao lang naman ang nasasalubong nila sa daan.
Matapos nilang dalhin sa madilim na parte ng palengke si Kitty ay agad nila itong binitawan. Umikot-ikot pa ito na akala mo ay nasa isang pelikula.
"Saan niyo ako dinala?" Wala namang takip ang mata nito kung kaya't alam niya kung saan ang lugar na iyon. Nais niya lang talagang itanong para naman dagdag sa script niya.
"Gusto ka lang makausap ng isang taong mukhang kabayo." Hindi naman talaga dapat kasama ang kabayo pero nagustuhan lang ni Pepe itong sabihin.
Muli silang naglakad patungo sa gulayan at doon nila nakita si Barbie na nakaupo. Para siyang tumatae na ewan.
"Kitty Kitty?" Matapos itong sabihin ni Barbie ay agad napatakip sa kaniyang bibig si Kitty, isang kamay muna noong una at saka niya hinawak ang isa pa, napaatras din ito. Muli na namang tumugtog ang isang makabagbag damdaming kanta. Tumayo si Barbie at dahan-dahang lumakad palapit dito. Naiwan naman sa isang gilid ang tatlong ulaga at nakangangang nakatingin sa dalawa, habang ang mga ulo nila ay nakatagilid sa kanan.
Bumagal muli ang oras habang hinahangin ang buhok ni Barbie at feeling Catriona sa paglalakad palapit sa kaibigan.
"Barbie." Mahinang tawag ni Kitty mula sa boses nitong impit.
"Kitty." Mula naman sa malanding boses ni Barbie.
Tumakbo si Kitty at dali-daling niyakap ito. Tila isa silang magkapatid sa isang teleserye na matagal nagkalayo. Ang bawat yakap nila ay parang mga bata pa lang sila noong nagkahiwalay at matatanda na nang muling nagkita. Nag-iyakan sila na parang isa sa kanila ay napunta sa isang nakakaawang pamumuhay, na halos tatlong beses nadaya ang DNA test at ngayon, muli silang pinagtagpo ng tadhana at hindi na paghihiwalayin pang muli.
"Tingin niyo? Kailan sila matatapos?" Tanong ni Juan habang ang mga ulo nila ay nakatabingi pa rin.
"Hindi ko rin alam, pero bakit tayo nakatabingi?" Saka lang nila napagtanto ang kanilang ginagawa, nang tanungin ito ni Pepe.
"Ang ganda ni Kitty no?" Hindi talaga maalis ang tingin ni Pedro kay Kitty, dahil sa napansin ito ng mga kaibigan. Agad na nakatikim siya ng magtropang batok at suntok.
"Bakit ba?" Angal nito na napahawak pa sa ulo, dahil sobrang lutong at talagang lumagutok pa ang pagkakabatok sa kaniya ng dalawang ulaga.
"Tingin mo ba magugustuhan ka niyan? Ni hindi mo nga kaya isulat ang pangalan mo," saad ni Juan.
"Kahit na, love don't matter." Pagyayabang pa nito.
"Saan mo naman narinig iyan?" Kunot noong tanong ni Pepe.
"Sa dalawang babae kanina. Bakit? Magaling na ba ako mag-english?" Sabay ngiti nito na kita ang maitim nitong gilagid at muli na naman siyang binatukan ng dalawa niyang kaibigan.
"Kahit pa, hindi ka pa rin Englishers, mali-mali naman grahams mo," dagdag ni Juan.
Hindi pa rin natatapos ang drama ng magkaibang Barbie at Kitty, hanggang sa nainip na ang tatlo. Kailangan na rin nilang umalis, dahil baka dumating na ang iba pang pulubi na feeling may-ari ng palengke.
"Mamaya niyo na lang kaya ituloy iyan?" Awat ni Pedro. Noong una ay seryoso pa ang mukha sa pagsita sa dalawa, pero ng muli siyang tumingin kay Kiity na may mahabang pilik-mata ay napanganga na naman siya, na halos tumulo na ang laway.
Bumagal na naman ang oras at kahit pa man madilim ang paligid, para itong nagliliwanag sa kaniyang harapan. Bawat hawi nito ng kaniyang buhok ay may mga glitters na nahuhulog. Pumungay ang mga mata ni Pedro kasabay ng isang tugtugin na talagang masigla sa puso,  parang isa siyang prinsepe at nasa harapan na niya ang prinsesa na kay tagal niyang hinintay.
"Hoy laway mo!" Agad naman itong napatikom ng bibig matapos ihilamos ni Barbie ang palad niya sa mukha ni Pedro, inamoy naman ni Barbie ang kamay niya pero hindi pa man nailalapit sa ilong niya, amoy na agad ito.
"Maraming salamat sa inyo at inalagaan niyo ang kaibigan ko." Pasasalamat ni Kitty at ito na naman ang boses niyang parang kuting.
"Sino pa bang magtutulungan? Kahit naman maarte–" hindi na natapos si Juan ng si Pepe na ang sumabat.
"At mukhang kabayo ay matulungin kami. Nasa lahi na talaga namin noon pa man." Pagyayabang pa nito.
"Wow! Pogi niyo e, no?" Inis na saad ni Barbie.
"Wag na kayo magtalo. Sa boarding house ko na lang muna kayo, para makapagbihis na rin at nakapagpalit kayo ng damit." Matapos itong sabihin ni Kitty ay nag-abang na sila ng tricycle. May pambayad sila ngayon dahil may pera si Kitty.
Sa loob umupo ang dalawang kupal na si Juan at Pepe, sa likod naman si Pedro at Kitty habang ang Reyna ay nasa ilaas ng tricycle. Bawal ito, pero madaling araw na at wala naman daw makakakita at isa pa malaki ang balakang niya, hindi niya kayang makipagsiksikan sa dalawa.
"Kumapit ka ng maigi para hindi ka mahulog," utos ni Pedro kay Kitty na may pagpungay pa ng mga mata.
"Natatakot ako." Impit ulit na sabi ni Kitty. Ganito na talaga ang boses niya, hindi niya iniipit dahil talagang parang kuting ang boses.
"Narito ako para alalayan ka." Matapos itong sabihin ni Pedro ay agad kumapit si Kitty sa kaniyang braso at inihiga ang ulo sa balikat nito. Maharot talaga si Kitty kaya ganito siya kay Pedro, hopeless romantic ang peg.
Akala mo naman ay sobrang layo ng pupuntahan nila, iikot lang naman ng palengke at naroon na ang boarding house ni Kitty.
"Dahan-dahan lang kayo sa pagpasok baka maapakan niyo sila." Bulong ni Kitty sa mga kasama. Tumango naman ang mga ito at dahan-dahang lumagpas sa pagsubok na ito. May mga nakahiga kasi sa sahig at kailangan nilang humakbang sa uluhan. Mga nakakaawang nilalang, makakaamoy siya ng hindi kanais-nais mula sa tatlong kupal.
Matapos nilang humakbang ay talagang plakda ang mga natutulog, hindi ba naman nila kinaya ang amoy na kanilang pinagdaanan. 'Di bale, bukas paggising nila aakalain lamang nilang isa itong panaginip. Isang napakasama at masalimuot na panaginip.
Nagtungo sila sa kwarto ni Kitty at doon ay agad napahiga sa malambot na kama si Barbie.
"Ang saraaappp!" Gulong nito sa puting sapin ni Kitty na 'di naglaon na naging dirty yuck na ang kulay.
"May mga damit na naiwan dito ang dating nag-rent kaya may masusuot kayo." Sabay bukas nito ng aparador na tila nasa isang musical movie siya.
"Maligo na muna kayo." Sabay abot niya ng sabon sa tatlong kupal. Titig na titig pa ang mga ito dahil makalipas ang higit limang taon nilang walang ligo ay sa wakas, makakalasap na rin ng sabon ang kanilang katawan.
"Bilisan niyo lang at ako ang susunod." Utos ni Barbie na ngayon ay kasama na si Kitty na naghahanap ng damit.
Magkaibigan sina Kitty at Barbie noong mga bata pa lamang sila, ang yaya ni Barbie ay ang nanay ni Kitty. Masaya ang samahan nila simula pa noon hanggang sa nagpasya na ang magulang ni Kitty, na sa Olongapo na sila tumira. Sinula noon ay bihira na lamang sila kung magkita.
Sabay-sabay naligo ang tatlong kupal. Noong una ay hindi pa nila alam gamitin ang shower, pero noong nalaman na nila ay halos ayaw na nilang tumigil.
Kung may dark pa sa black ay iyon ang kulay ng tubig na dumadausdos sa katawan nila ngayon, marahil kapag naidilig ito sa halaman ay walang dudang patay kaagad.
"Ubos na ang sabon, hindi pala ito bumubula?" Sabay pakita ni Juan ng safeguard na maging ang sabon ay hindi kinayang tanggalin ang 99.9% ng germs sa katawan nila.
"Ang pangit ata niyan. Ito o tingin niyo?" Sabay kuha ni Pepe ng kojic soap na nakalagaay roon.
Sinubukan ito ni Pepe sa kanilang katawan, pero sad'yang maging ito ay hindi bumula.
"Mali naman kasi, ito kaya?" Agad silang napatingin sa Surf detergent powder.
"Tumatalino ka na Pedro." Pamamangha ni Juan habang nakatingin sa ginagawa ni Pedro. Pinabula niya kasi ang detergent powder na iyon sa balde at tama nga, dahil ito lang ang bumula sa katawan nila.
Tuwang-tuwa ang mga ulaga habang isinasabon ito sa katawan nila, sa pagkakataon na ito ay lumilinis na sila. Detergent powder lang pala ang uubra sa kanilang katawan na mukhang buhay na mantya.
"Masarap pa lang maligo no?" Tanong ni Pepe habang patuloy na nakatutok sa shower.
"Kaya nga, ngayon lang ulit ito," dagdag pa ni Juan na patuloy sa paglalagay ng sabon sa katawan.
"Sana nga matulungan na tayo ni Barbie, mag-aaral na sa pasukan ang kapatid ko kaya kailangan na ng pera." Mabilis napatigil ang dalawa sa sinabi ni Pedro.
"Makakapag-aral ang kapatid mo, ano pang ginagawa namin ni Pepe? Syempre parang magkakapatid na tayo." Sabay tapik ni Juan sa balikat ni Pedro.
"Kaya nga, what friends for our life." Pagyayabang pa ni Pepe na akala mo talaga ay tama ang pagkaka-English.
"Ang galing mo talaga, dakilang Englishers ka talaga." Pamamangha ni Juan. Taas noo naman si Pepe na talagang pinagmamalaki ang talino niya, anim na taon naman sa grade one.
"I know, nasa dugo namin ang talino. Kaso nasugatan ako, nawala tuloy lahat." Sabay-sabay silang natawa na talagang nagpapagaan ng loob nila.
Kahit palaging hirap sila sa buhay ay nagagawa pa rin nilang tumawa palagi. Ang dahilan nila ay hindi naman daw hihinto ang mundo at mababago ang sitwasyon mo kung iiyak ka lang. Kahit naman magpakalunod ka sa luha hindi magbabago ang mundong ginagalawan mo. Kaya kahit anong mangyari, itinatawa na lang nila lahat.
Matapos ang higit limang oras nilang ligo ay nagawa na rin nilang magbihis. Ngayon ay ibang-iba na sila, sad'yang hindi sila pangit. Mga walang ligo lang talaga.
Umaliwalas ang kanilang mukha at lumitaw ang mga tagong kagwapuhan, ngunit walang nagbago sa pagiging ulaga ng tatlong ito.
"Ang pogi natin." Pagyayabang nila sa harap ng salamin, ngunit napangiwi sila ng makita ang maitim nilang gilagid at dilaw na ngipin na parang naging pugad na ng masasamang elemento.
"Ito may toothbrush." Sabay kuha ni Pepe ng mga toothbrush na nakalagay roon. Toothbrush ng mga nakatira sa paupahan na ito.
Dahil marami iyon ay kinuha nila at ginamit. Sad'yang may namumuhay ngang kadiliman sa mga bibig nila, dahil ngayon ay kulay itim na ang bula at nais ng sumuko ng toothbrush na kanilang hiniram. Nakakaawang mga may-ari ng toothbrush, sabagay hindi naman nila malalaman kung hindi nila malalasahan. Yay!
Sa kabilang banda, abala ang magkaibang si Barbie at Kitty na naghahanap ng maaaring isuot nito.
"Thank you so much, tinutulungan mo pa rin ako." Napahinto si Kitty at marahang hinawakan sa kamay si Barbie. Kasama talaga dapat ang ganitong eksena, para sa makatotohanang drama.
"Maraming naitulong ang iyong mga magulang kung kaya't palagi akong narito para tumulong." Matapos nito ay may dramatic music na muling tumugtog. Ang mga mata nila ay nagkatitigan na para talaga silang magkapatid na nagkahiwalay ng matagal.
"Tulungan mo akong mahanap ang pumatay sa akin." Mabilis na nagpalit ng kanta papunta sa intense at mala-horror. Dilat na dilat ang mga mata ni Barbie, effortless kung maging isa siyang nakakatakot, dahil sad'yang nakakatakot na ang mukha niya noon pa man.
"Umayos ka nga. Akala mo dead ka na talaga, e." Sabay silang natawa matapos itong sabihin ni Kitty.
"Okay, seryoso gusto kong tulungan mong makabalik ako sa Hasyenda upang makuha ang mana na dapat ay sa akin."
"Gusto kong isama mo sina Juan, Pepe at Pedro pabalik sa Hacienda at kapag may pagkakataon ay susunod ako sa inyo. Kailangan rin natin malaman kung sino ba ang may nais patayin ako." Tumango si Kitty na isang pagsang-ayon sa nais ng kaniyang kaibigan.
Nagplano sila kung anong maaaring gawin nila. Kailangan bukas na bukas ay magtungo na sila ng Hacienda, kung kaya't kailangan nilang makabili ng damit at maayos ang tatlong ulaga. Hindi pa naman sanay ang tatlong iyon sa buhay mayaman.
Naputol sila sa pag-uusap ng biglang pumasok ang tatlo. Agad silang napanganga sa kanilang natunghayan.
Ang tatlong ulaga na pangit ay tila mga bida sa isang teleserye na may isang babaeng pinag-aagawan. Sad'yang ligo lang ang kulang sa kanila, tandaan! Hindi ka pangit, kulang ka lang sa ligo.
Laglag panga silang nakatingin sa tatlo, habang nagliliwanag ang paligid at tila mga anghel na ibinaba sa lupa upang magkalat ng lahi. Nakangiti ang mga ito at tanaw na hindi na kulay itim ang gilagid.
Ngumiti si Pedro kay Kitty at halos maging isang kuting ito na nais alagaan. Ang mga pilik-mata nitong nalalagas na ay patuloy sa pagkurap at pagtulis ng kaniyang nguso.
"Huy! Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Pepe at agad naman napatikom ng bibig si Barbie.
"Sana all nagbabago kapag naliligo," saad ni Barbie at tumayo na para siya naman ang maligo.
Sad'yang hindi na maikakaila ngayon ang kagwapuhan ng tatlong ulaga sa kanilang mga suot at sa kanilang kalinisan na detergent powder lang ang katapat, sa mga may ng toothbrush din pa lang hiram nila. RIP sa mga iyon.
Kinaumagahan ay maaga silang umalis, tulog na tulog pa rin ang mga nasa sahig. Mukhang 'di pa naalis ang sumpa na naamoy nila noong gabi.
"Pagpunta niyo ng Hacienda, sa kwarto ko may mga pera at alahas ako. Kuhanin niyo at bumalik kayo rito," utos ni Barbie. Hindi na pumasok si Kitty sa trabaho niya dahil sa pagnanais nito na makatulong sa kaniyang kaibigan.
Lumabas sila at may suot na balabal sa ulo si Barbie para raw walang makakilala sa kaniya.
"Mag-iingat ka Barbie." Sabay singhot ni Pedro ng kaniyang uhog.
"Ito naman makapag-drama. Babalik naman kayo, e." Sabay hampas nito sa braso.
"Hanggang sa muli, Barbie," paalam naman ni Juan.
"Ito namang si Juan akala mo mahabang panahon pa babalik." Sabay pisil nito sa pisngi. Palagi siyang nanggigigil sa pisngi nito at hilig niyang pisilin.
Humarap silang lahat kay Pepe na parang maangas sa suot niya at sa tayo niyang akala mo ay isang sobrang talino.
"Ops...don't goodbye to me, we go back to the palace," saad nito habang iniharang pa ang kamay sa mukha ni Barbie, nakatitig lang ang dalawang ulaga rito na talagang suportado ang katalinuhan nito. Si Kitty naman ay parang nangingisay na pusa sa katatawa.
"Anong sinasabi mo?" Kunot noong tanong ni Barbie.
Umayos ng tayo si Pepe at lumapit pa kay Barbie.
"You go there, hindi ka dragon. Kabayo ka." Mabilis naman itong nakatikim ng batok na sobrang lutong mula kay Barbie.
"Ikaw, umayos-ayos ka, kaltukan ko talaga ngala-ngala mo." Agad naman itong napaiwas ng muling mag-amba si Barbie.
"Tama na. Nasa dugo kasi nila ang matatalino." Pang-awat naman ni Juan.
"Ah? Bakit sa dugo pa napunta? Kawawa naman." Halos para silang tigre dalawa na naglalabas ng pangil.
Baka sa Barbie at Pepe talaga ang match in heaven.
"Umalis na nga kayo," utos pa ni Kitty at umirap pa.
"Paalam na," dugtong pa nito habang nasa bintana. Nag-aabutan sila ng kamay ni Barbie at habang palayo ang bus ay para na naman silang nasa isang pelikula kung saan kailangan siyang iwan para sa kinabukasan niya.
Agad napaupo si Barbie habang umiiyak at may sad music pa na nagmumula sa cellphone ng isang lalaki na nasa isang gilid. Nakasuot ng headset ang lalaki, pero hindi niya naisalpak sa cellphone.
Tanaw ni Barbie ang tuluyang paglayo ng sasakyan.
Sa kabilang banda ang tatlo ay tuloy-tuloy sa pag-iyak sa likuran na para rin silang nasa isang teleserye.
"Bakit tayo umiiyak?" Tanong ni Pepe.
"Hindi ko rin alam." Matapos nito ay umayos sila ng upo. Maging sila ay hindi alam kung bakit umiiyak, mukhang may epekto talaga ang pagpapaligo ng detergent powder at maging utak nila ay lalong nasira.
"Humiga ka lang sa braso ko." Napatingin ang mga mapupungay na mata ni Kitty na may pilantik na pilik-mata. Walang anu-ano ay kumapit ito sa braso ni Pedro at humiga. Sad'yang sa lahat ng marupok si Kitty na ang panalo.
Nagkatinginan naman ang dalawa at sila na lang ang yumakap sa kanilang sarili dahil sa inggit sa dalawa. Mga kaawa-awang nilalang.
Balik tayo kay Barbie na ngayon ay nasa sahig pa rin ang drama. Maya-maya pa ay may lumapit sa kaniya upang itayo siya, dahan-dahan siyang napatingin dito at muli na namang nalaglag ang kaniyang panty. Ang mga kamay nitong ubod ng tigas ay nasa mga braso niya.
"Tumayo ka, malamig sa sahig." Matchong-matcho ang boses nito at talagang nanghihina ang malanding bakla.
"Teme ke! Melemeg." Pag-aarte nito at mahinahong hinawakan sa pisngi si Ken pababa sa leeg nito.
"Huwag sa leeg, marupok ako." Halos matumba sila sa kalsada dahil sa pagiging malamya ni Barbie.
"Ako rin marupok. Ugh, aray!" Sabay kagat nito sa labi at malagkit ang tingin kay Ken, matapos niyang tumama ng mahina sa gilid ng jeep.
"Sorry, dahan-dahan lang pala." Sabay tingin nito kay Barbie mula sa mga mata nitong talagang aakitin ang sino mang tumingin dito.
"Shige, para hindi mashaket." Malanding salita ni Barbie.
Muling lumalabas ang kaniyang tinatagong kaharutan sa harapan ni Ken na talagang naghihimutok ang braso at matigas na matigas ang katawan. Ang maharot at malanding side ni Barbie ay muli na namang nabuhay.
Pero ano na kaya ang mangyayari sa tatlong kupal kasama si Kitty?
Ano kayang magiging ganap kapag nakilala na nila ang mga kamag-anak ni Barbie?
Sino nga ba ang kaagaw ni Barbie kay Ken?

Komento sa Aklat (422)

  • avatar
    Naddie

    good job in writing this story, author 😊

    20/04/2022

      1
  • avatar
    UniqueToh826

    Nice story. Keep it up po.❤❤

    20/04/2022

      2
  • avatar
    Sharamae

    Very Nice story💙 Keep writing po😊

    20/04/2022

      2
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata