logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Gulo

Mainit at maalinsangang paligid, habang si Barbie ay nakatayo sa lilim at nagpapaypay ng sarili, ang tatlong pulubi naman ay nagtatawag ng pasahero sa jeep.
Inip na inip na itong nakatayo sa isang gilid habang ang mukha ay tinatakpan. Ang akala niya siguro ay may nakakakilala sa kaniya dahil isa siyang commerical model, pero ang totoo ay katawan lamang niya ang pinapakita sa TV.
"Nauuhaw ako!" Maarteng sigaw nito ngunit abala ang tatlo sa pagtawag ng mga pasahero.
Napairap pa ito sa hangin at nag-umpisang maglakad na parang isang bibe dahil sa tulis ng puwet. Tuloy-tuloy siya sa pag-cat walk ng muntikan na siyang masagasaan ng isang humaharurot na bike, mabuti na lamang ay nahila siya ng isang lovable, papable at jowable na isang barker.
Bumagal ang paligid at nag-umpisa nang umulan ng aliparo, masarap ang hangin at para siyang nasa isang Korean drama. Habang nakahawak siya sa matigas na braso nito ay titig na titig sa kaniya ang mga mata nitong tila nilulunod siya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nito na sa sobrang lambing ay halos malaglag na ang kaniyang panti na Victoria's secret daw, pero sa bangketa lang nabili ng tatlo isang daan.
"Ha? M-medyo mashaket sha paa. Awst?" Maarteng saad nito habang ipit ang boses at pakurap-kurap pa.
"Gusto mo bang buhatin kita?" Halos mahimatay naman ito sa tanong ni poging barker.
Maganda at matikas ang pangangatawan nito, kahit puno ng pawis ang katawan ay hindi maitatanggi ang kagwapuhang taglay nito.
"Shige me–" hindi na siya natapos sa pagsasalita ng biglang sumigaw si Juan.
"Barbie, tara na at ng makakain na tayo." Agad siyang napabitaw rito at matalim na humarap kay Juan.
"Epal ka rin e, no? Oo na susunod na ako." Masungit na taboy nito kaya napakamot na lang sa ulo si Juan. Muli nitong hinarap ang papable na barker.
"Salamat ulit, ano pa lang pangalan mo?" Sabay kagat nito sa labi at mahinang haplos sa naghihimutok na braso ng papable na barker.
"Ako si Ken." Mabilis napatakip ng bibig si Barbie at muling nag-drama na parang nasa isang pelikula.
"Ken? Ako ito si Barbie." Mangiyak-ngiyak nitong pagpapakilala habang si Ken ay marahang pinunasan ang kaniyang pisngi.
"Kay tagal din kitang hinintay, ngunit kailangan ko munang magtrabaho." Matapos nito ay agad siyang hinawi at naglakad na ito palayo.
Sinundan niya ito ng tingin at hinabol ng kamay na parang gusto niyang hilahin pabalik. Nakatitig lang sa kaniya ang tatlong ulaga at iniisip kung naapektuhan ba ng bugbog ang utak ni Barbie.
"Mahal ko na siya." Pagdadramang muli nito habang hinahagod ang kaniyang leeg na tila kaunti na lang, maghuhubad na ito.
"Ganiyan ba ang mayayaman kapag nabugbog?" Pagtatakang bulong ni Pedro.
"Hindi ko rin alam, baka talagang natamaan utak niya," sagot naman ni Juan.
"Nasusuntok ba ang utak?" Dalawa sila ay napatingin kay Pepe.
"Ano bang itinuro sa inyo noong nag-aaral ka?" Ulagang tanong ni Pedro.
"Absent siguro ako noon. Hayaan niyo na, kumain na tayo." Matapos nito ay agad nilang hinila si Barbie para kumain sa isang carenderia, mas marami ang nalikom nilang pera ngayon kaya may pambili sila ng kanin at hihingi na lang daw sila ng sabay.
"Wala bang matinong foods?" Pag-iinarte nito habang ang tatlo ay tuloy-tuloy lang sa pagkain.
"Kung hindi ka kakain, magugutom ka. Kung gusto mo umuwi ka na sa inyo." Matapos itong sabihin ni Pepe ay agad siyang napadighay sa mukha pa mismo ni Barbie, halos masuka naman ang maarteng bakla.
"Yuck! Kailan ba huling toothbrush mo?" Maarteng tanong nito habang nakatakip sa kaniyang ilong.
"Hindi ko alam, wala nga kaming pambili ng pagkain toothbrush pa kaya?" Napairap na naman ang maarteng si Barbie, dahil nawalan na siya ng gana kumain, si Juan na ang kumain ng pagkain niya.
Hindi maatim ni Barbie na makita ang mga taong ito na ganito ang ginagawa, hindi niya rin kayang magtagal sa ganitong pamumuhay. Naaawa siya dahil ang mga araw-araw nilang ginagawa ay pinandidirihan niya.
Dahil nasa Olongapo siya ngayon at sa Iba Zambales, ang kanilang Hacienda. Alam niyang kailangan ng malaking pera para makabalik sa Hacienda de Doll. Pero alam din nitong nanganganib ang buhay niya, kung kaya't nais niyang magpatulong sa tatlo para mahanap at makilala ang gustong pumatay sa kaniya. Pero hindi sa ganitong itsyura. Hindi sila makakapasok sa Hacienda kung ang itsyura ng mga ito ay kulang na lang tubuan na ng kamote sa katawan.
"Matapos niyan samahan niyo ako para puntahan ang kaibigan ko, na sa SM nagtatrabaho." Napabuntong hininga na lang ito at ibinaling ang tingin sa labas.
Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang familiar na mukha. Mabilis ang kabog ng dibdib niya at halos hindi na makahinga. Nagsasalita ang tatlo pero hindi niya ito marinig at maintindihan.
Naglalakad ngayon papasok sa loob ang mga pangit na lalaking nakasuot ng black leather jacket, kahit mainit hindi ito naging alintana sa kanila. Dahil sa takot agad nagtago si Barbie sa ilalim ng mesa. Napayakap ito sa kaniyang sarili dahil natatandaan niya ang mukha ng mga iyon, sila ang dahilan kung bakit siya nahulog sa tulay.
Matapos ang photoshoot niya noon, agad siyang kinuha ng mga ito at walang humpay na binugbog at pinagsamantalahan—well, maliban sa last. Hindi talaga siya pinagsamantalahan, binugbog lang.
"Huy, bakit an–" hindi na natapos si Pedro sa sasabihin niya ng biglang tinakpan ni Barbie ang bibig niya.
"Wag kang maingay, sila ang mga gustong pumatay sa akin." Agad nanlaki ang mga mata ni Pedro at napatingin sa mga lalaking naka-leather jacket kahit tanghaling tapat.
Ang mga sigang lalaki na malalaki ang tiyan at may mga nakakadiring balbas ay nagtitingin sa paligid, habang ang tatlo ay tila naging tuod dahil sa takot. Nanginginig ang hawak ni Juan sa baso habang pilit na umiinom. Napukaw nila ang attention ng mga pangit na malalaking tiyan na naka-leather jacket at agad silang nilapitan. Halos mabuhos na sa mukha ni Juan ang tubig nang kalampagin ng leader ang lamesa nila. Napatakip naman sa bibig si Barbie na nasa ilalim.
Nanunuyo na ang mga lalamunan at hindi alam ang gagawin ng tatlong kupal.
"B-bakit?" Panginginig na tanong ni Pepe.
"Kilala ko kayo!" Matigas na saad ng lalaki at lumapit pa ang tatlo nitong kasama upang palibutan ang tatlong ulaga. Halos napasigaw sila ng pumatong ang mabibigat nitong kamay sa balikat nila. Halos mabali ang mga buto nila, ngunit hindi sila makaapila dahil sa takot na baka bigla na lang silang tanggalan ng ribs, dito mismo sa loob ng Carenderia.
"H-hindi kami–" napapikit sa gulat si Pedro ng biglang sumigaw ang leader sa mukha niya mismo.
"Kayo! Kayo ang mga iyon!" Sigaw nitong umalingawngaw sa buong paligid. Halos maiyak na si Barbie sa ilalim at gusto ng lumabas para tulungan ang tatlo, pero hindi niya magawa. Isa lamang daw siyang hamak na mahinang babae at hindi kayang ipagtanggol ang sarili.
"Hindi, hindi namin alam ang sinasabi mo. Mga hamak na pulubi lang kami." Iyak ni Pedro habang ang uhog niya ay tumutulo na. Ganito talaga siya, sobrang iyakin at uhugin.
Habang umiiyak na silang tatlo dahil sa takot ay biglang natawa ang mga pangit na naka-leather jacket, dahilan para magtaka sila. Walang humpay sa pagtawa ang mga ito na kaunti na lang ay malalagutan na ng hininga. Nagkatinginan ang tatlo at bakas ang pagtataka. Maging si Barbie na nasa ilalim ay nagtataka kung bakit tila mamatay na ang mga ito sa katatawa.
"It's a prank!" Halos tumalsik naman sila ng hampasin sila ng mga ito sa balikat, kunwaring natawa naman ang tatlong ulaga dahil baka kapag hindi sila tumawa, bigla na lamang silang sikmuraan.
"Grabe nakakatawa." Pekeng tawa ni Juan at kita pa ang maitim na gilagid. Lahat sila ay parang mga robot kung tumawa at ang mga pangit na lalaki ay walang humpay sa katatawa. Mga feeling vlogger at hilig mag-prank.
"Don't forget to subscribe, like comment and share." Natatawang saad pa rin ng lalaki. Hindi man maintindihan ng mga kupal ay tumango sila. Sad'yang malalaki lang ang tiyan ng mga pangit na naka-leather jacket, hindi manlang nila naisip na paano makakapag-subscribe ang mga ito, e wala nga silang cellphone at YouTube account.
Nakahinga na ang tatlo dahil sa wakas ay paalis na ang mga pangit na malalaking tiyan.
"Grabe natakot ako roon," saad ni Juan habang nakahawak pa rin sa kaniyang dibdib.
"Ano ba ang sinasabi nila? Ano 'yong prank?" Nagtatakang tanong ni Pepe.
"Ibig sabihin no'n parang joke lang," sagot ni Barbie mula sa ilalim ng lamesa.
Dahil sa narinig, agad napatingin ang mga pangit na lalaki sa kanila. Paalis na sana sila ngunit bumalik sa pwesto ng tatlo. Ito na naman ang mga nakakatakot na tingin nila.
Nanunuyo na naman ang lalamunan ng tatlo at talagang kabado.
Walang sabi-sabi ay itinaob ng isang lalaki ang lamesa at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Barbie. Nagkatinginan pa ang mga pangit na lalaki at sandaling nag-loading ang utak. Saka lang nila napagtanto na si Barbie iyon, nang bigla silang paghahampasin ng tatlo ng ulaga. Agad namang hinawakan ni Juan si Barbie at hinila na ito patakbo.
Mainit ang tirik na tirik na araw at ang apat ay nakapaang tumatakbo, mula sa mainit na simento at hinahabol ng apat na matatabang pangit na lalaki.
May mga nababangga pa silang tao pero agad namang humahawi ang mga ito. Hindi naman dapat kasama ang panghagis ng gamit na madadampot, pero ginagawa pa rin nila dahil daw mas maganda sa scene. Nagsisigawan na ang mga taong nanonood sa kanilang pagtakbo, papunta sa lumang palengke.
"Kailangan ba itapon ang gamit?" Tanong ni Pedro habang tumatakbo.
"Napapanood ko sa tv, ganito ginagawa nila," sagot ni Juan na feeling Cardo Dalisay sa paghagis ng mga gamit sa mga pangit na lalaki. Hingal na hingal na sila pero patuloy pa rin sa pagtakbo.
Ang mga pangit na naka-leather jacket ay hinihingal na rin at hindi na sila kaya pang habulin. Sino ba naman kasing hindi hihingalin e, ang tataba nila at naka-jacket kahit mainit. Pero bakit kaya walang kotse ang mga masasamang tao na iyon?
Napansin nilang hindi na sila hinahabol ng mga iyon kaya agad silang napahinto sa triangle at napaupo sa sahig. Hindi triangle ang lugar pero iyon ang tawag nila.
Habol sila sa paghinga habang nakasalampak sa sahig. Pawis na pawis ang buo nilang katawan at naglalagkit. Nanlilimahid din ang mga libag nilang lumulutang ngayon, mga nakakadiring nilalang.
"Ngayon lang ako napatakbo ng gan'on." Hingal na saad ni Pepe.
"Kahit ako, nalapnos na ata ang paa ko." Agad naman itong tiningnan ni Juan.
"Bakit ba kasi gusto ka nilang patayin?" Tanong ni Pedro.
"Hindi ko nga rin alam 'di ba? Kaya nga humihingi ako ng tulong sa inyo." Ngayon ay mababakas na kay Barbie ang lungkot at pagmamakaawa. Dahil sa butihin ang kalooban kahit marumi ang katawan ng tatlong kupal, ay muli silang pumayag na tulungan ito.
Matapos nilang magpahinga at makakuha ng lakas ay nagplano sila ng mabuti kung paano nila makakausap ang kaibigan ni Barbie na sa SM daw nagtatrabaho. Kailangan nila ito para matulungan silang makapagbihis at makapag-ayos. Dahil sa palagay ni Barbie, kung sa dagat maliligo ang mga ulagang ito ay tiyak mamamatay lahat ng isda. Lalo na sa bangis ng powers ni Pedro na tila nasanay na lang ang ilong niya.
Ang butihin at busilak na puso ng kaibigan niyang ito ay ang kanilang pag-asa.
Paano nga kaya nila makukuha ang kaibigan ni Barbie at sa paanong paraan?
Ilang sabon kaya ang mauubos nila Juan, Pepe at Pedro bago bumula sa katawan nila?
Magkikita pa kaya si Barbie at Ken?

Komento sa Aklat (422)

  • avatar
    Naddie

    good job in writing this story, author 😊

    20/04/2022

      1
  • avatar
    UniqueToh826

    Nice story. Keep it up po.❤❤

    20/04/2022

      2
  • avatar
    Sharamae

    Very Nice story💙 Keep writing po😊

    20/04/2022

      2
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata