logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Barbie and the idiots

Barbie and the idiots

Cactushoney


Tulay

"Ako po si Pedro, isa po akong pulubi at hindi po ako masamang tao. Nais ko lamang pong humingi ng tulong, para sa kaibigan kong pangit na bulag."
Sunod-sunod ang pag-akto ni Juan, bilang isang pangit na bulag, dahil sa totoo ay pangit lamang siya at hindi bulag.
Inabot na ni Pepe ang mga sobre sa bawat pasahero ng jeep. Ang iba ay bigla na lamang nakatulog at ang ilan ay parang naging abala na tila hindi sila naririnig. May mga naghuhulog naman at rinig pa ang kalansing ng dalawang piso na inilagay sa sobre, ang kalansing nito ay parang kaya na nitong makabili nang house & lot na may swimming pool.
"Maraming salamat."
Pekeng iyak ni Pedro na tila kulang na lang ay mahulog na ang uhog sa kaniyang ilong.
Matapos huminto ng jeep, agad silang bumaba. Umalalay pa kunwari sila sa pangit na si Juan, bago nagtago upang mabilang ang laman ng mga sobre.
"25 pesos lang mga tukmol," reklamo ng uhugin na si Pedro.
Matagal na nila itong ginagawa, lahat na ata sila ay naging isang bulag, pipi at pilay para lang makalakap ng pera na trenta pesos lang ang pinakamalaking nakuha.
Muli silang naglakad at nagbakasakali na may mapalimusan.
Si Juan ay isang ulilang lubos, tumakas siya sa bahay ampunan dahil ayaw raw niya ang paglalagay ng bayabas sa sinigang, na halos araw-araw ay ulam nila.
Si Pepe naman ay isang ulirang anak sana, ngunit anim na taon na sa grade 1 noon at dahil sa sobrang stress ng mga magulang, ay inatake sa puso. Tumira siya sa mga tita niya pero 'di naglaon ay pinalayas din.
Si Pedro ang dakilang kuya, kung saan nakipagsapalaran na bumaba sa bundok at napadpad sa Olongapo City, ngunit hindi makahanap ng trabaho dahil sa hindi marunong bumasa at sumulat.
Ang tatlo ay nagkakilala dahil sa iisang layunin at ang layunin iyon, ay hindi pa rin nila alam kung ano.
Marurungis at halos isang buwan ng walang ligo-ligo ang tropang kupal na kung saan ay araw-araw namamalimos.
Magulo at maraming tao sa panglengke ngayon, habang si Pepe ay nasa isang sulok ay may dalang plaka na may nakasulat na, 'Barya para sa bulag'. Habang si Juan naman ay nangangalabit sa mga taong namimili, para lang mabigyan ng kahit piso. Si Pedro naman ay nagbebenta ng plastic bag na binili lang niya ng piso at ibinibenta ng tres. Isang dakilang negosyante.
Natapos ang magulo at maingay na araw ng palengke, kung saan iilan na lamang ang taong bumibili at dumaraan. Umabot ang tanghalian at nakalikom lamang sila ng higit singkwenta.
"Tingnan niyo ang bag ng lalaki na 'yon. Sabihin mo bukas ang bag niya baka manakawan siya." Napatingin sila sa itinuro ni Juan.
Maganda ang tindig ng lalaking ito, nakasuot ng polo shirt na blue at may backpack na kulay gray. Maputi at mukhang mabango, malayong-malayo sa tatlong mga feeling pogi na walang ligo-ligo.
"Mukhang Englishers, hindi ako marunong. Ikaw na lang Pepe, tutal nakapag-grade one ka," sabay tulak ni Pedro sa kaibigan.
"Sus, ang bobo niyo kasi. Ako na lang ba palagi? Alam ko naman na I'm genius. Dahil kapag always me, parang ako na lang palagi," pagmamayabang nito, habang inaayos pa ang buhok niyang parang pugad na ng ibon sa sobrang sapnot.
Sabay-sabay silang lumapit sa mayamang lalaki at kinalabit ito.
"Hey, you!" maangas na saad ni Pepe. Halatado naman ang pangungutya sa mata ng lalaking ito, na tila ngayon lang nakakita ng mga pangit na pagala-gala sa kalye.
"What?"
Agad nagkatinginan ang tatlo. Napalunok si Pepe dahil mapapasabak ito sa pag-English.
"Your bag is open sesame," tila kampante sa kaniyang sinasabi. Manghang-mangha naman ang mga kaibigan niya dahil sa pagsasalita nito ng English.
"Ibang klase ka talaga Pepe," bulong ni Juan at talagang iniidolo ang kaibigan. Minasahe pa ni Pedro ang balikat ng matalinong si Pepe.
"S-sorry? I don't understand," agad napanganga ang tatlo.
'Patay, ano raw sabi niya?' kabadong bulong ni Pepe sa sarili. Napatingin siya sa dalawang ulaga na nakaabang sa sasabihin niya.
"Yes. Just...just yeah. The bag...the bag is open then, they, their. Punyeta! 'Yong bag mo bukas, baka manakawan ka! Burarang nilalang!"
Matapos nito ay padabog siyang umalis doon, dahil pakiramdam niya ay dudugo na ang kaniyang ilong.
"Bakit ka nagtagalog? Ang akala ko ikaw ang pinakamagaling na Englishers sa buong kalawakan ng universe?" Napahinto siya sa tanong ni Juan.
"You know, pagod na ako. Ang hirap kaya gumana ng brain ko kapag pagod na gutom pa," pa-cool na saad nito. Dahil nga mga ulaga ang dalawa, para silang mga aso na tumatango sa sinasabi ng matalino nilang tropa, na anim na taon sa grade one.
"Inasal na lang kainin natin," aya ni Pepe.
"Sige gutom na rin ako," pagsang-ayon pa ni Juan habang hinihimas ang tiyan. Agad silang nagtungo sa tindahan ni aling Dadal na palaging masungit sa kanila.
"Anim na inasal." Inabot ni Pepe ng anim na pisong bayad. Piso isa ang inasal at dahil wala silang gaanong pera ngayon, wala silang kanin.
Mahirap ang buhay, kung kaya't iniipon nila ang perang napapalimusan, upang may ipadala sa kapatid ni Pedro. Kaya naman nilang magtiis, kaya madalas na junk food lang ang pagkain nila, para lang makatulong sa kanilang kaibigan.
Nakaupo sila sa isang gilid habang pinapanood ang mga taong nakapila sa sakayan ng jeep. Pagod na pagod ang mga ito at tutok sa cellphone.
"Ayan mahirap sa may bahay no? Sasakay ka ng jeep para bumalik sa bahay, samantalang tayo kahit saan pwede matulog," saad ni Juan na tila proud pang bawat kalsada ay pag-aari nila.
"Tara na nga, baka maunahan pa tayo ng iba sa tutulugan natin."
Matapos nito ay agad silang tumayo upang magtungo sa gilid ng Goldilocks, para roon sana maglatag, ang problema ay naunahan na sila ng matandang uhugin na si manong Dodong.
"Hoy! Lugar ko na ito, maghanap kayo ng tutulugan niyo. Mga pangit at mababahong pulubi."
Hindi lamang pala ito baklang ulikba, maarte rin ito na feeling rich at mabango. Ang baklang ulikba na feeling sexy malaki naman ang tiyan pero hilig mag-croptop.
"Baklang ulikba na ito. P'westo namin 'yan, agaw ka nang agaw!" asik ni Pepe at halos gusto nang sipain sa mukha ang baklang ulikba, mabuti na lamang ay naawat siya ng kaniyang mga ulira at mabubuting nilalang na kaibigan.
"Masama ang pumatol sa hayop, maghanap na lang tayo ng ibang lugar," saad ni Pedro.
"Hoy! Sinong hayop?" maarteng tanong ni mang Dodong at tinaas pa ang kilay na parang may drawing ng uling.
"Ikaw taong hayop, tikbalang!"
Matapos itong isigaw ni Pedro, agad silang napatakbo dahil alam nilang hahambalusin sila ng matandang baklita.
Sa katatakbo nila ay nakarating sila sa tulay. Hingal na hingal silang napatigil doon. Lumingon pa sa paligid bago sila bumaba, dahil wala naman nagbabantay ngayon, dito na lang sila matutulog.
"Wala tayong mga karton," angal ni Juan.
"Sa susunod, hihingi tayo ng mga karton para naman hindi ka na magreklamo," gatong ni Pepe.
Sumiksik pa sila sa gilid para roon matulog.
Sa sampung taon nilang magkakasama ay ganito ang kanilang buhay sa araw-araw. Kung hindi ka mauuna sa pwesto ay mauunahan ka ng iba, kung hindi ka makakapanglimos magugutom ka at kung hindi sila lalaban sa buhay maaring mamatay sila.
Sa araw-araw naging sanay na rin siguro sila sa mga pangungutya ng mga tao sa paligid nila, sa mga panlalait at sa mga pambibintang na hindi naman nila ginagawa.
Ito ang buhay nila, ang buhay sa likod ng marangyang buhay ng iba. Sa likod ng pag-aaksaya ng pagkain at pagtatapon ay may mga kagaya nilang itutulog na lang ang gutom, at kahit isang pirasong tinapay ay kaya sa buong maghapon.
Madilim na ang paligid pero may iilan pang dumaraang sasakyan. Pero bakit tila hindi sila makatulog?
"Sa tingin mo ba, magbabago pa ang buhay natin?" biglang tanong ni Pedro.
"Hindi natin alam, kahit naman mga bobo at palaboy tayo, hindi naman nawawala ang pag-asa sa akin, always thank positive," matapos itong sabihin ni Pepe, umupo ito na sinundan naman nina Juan at Pedro. Napalumbaba silang tatlo at natulala sa kawalan, habang inaamoy ang mabahong tubig sa ilalim ng tulay.
"Sana may isang taong ihulog ng langit—" naputol sa paghiling si Juan, matapos may mahulog sa tulay, dahilan nang pagbulabog ng tubig. Mabilis silang napatayo at sumilip sa itaas.
"Patay na 'yan, hayaan na nating tangayin ng tubig," rinig nilang usapan at matapos nito, agad ring umalis ang mga masasamang tao.
"Kuhanin niyo," utos ni Juan habang hawak sa damit ang taong hulog ng tulay.
Matapos nilang makuha ang taong ito, agad itong pinagsasampal ni Pepe.
"Teka! Anong ginagawa mo?" awat ni Pedro.
"Sa napanood ko, sinampal niya 'yong nalulunod," katwiran nito at babalik na sana sa pagsampal nang muli siyang pigilan. Umalis na lamang siya at umupo sa tabi ng walang malay na lalaki.
Maputi ang lalaking ito–well, hirap silang mawari kung lalaki ba ito, dahil sa mahaba nitong buhok na kulay ginto pa. Puno ng bugbog ang mukha nito, halatang mayaman siya dahil sa suot nitong damit. Marahil ay napagdiskitahan ito ng mga tambay.
"Paano natin siya magigising? Patay na ba siya?" pag-aalalang tanong ni Juan.
"Pedro, ang kili-kili mo." Hila ni Pepe sa tinawag niyang pangalan.
Ang kili-kili ni Pedro ang may pinakamalakas na kapangyarihan, kaya ito ang naisip na paraan ng matalinong si Pepe, upang magising ang hulog ng tulay na mayamang lalaki at hindi nga siya nagkamali. Kakalapat pa lang ng kili-kili nito ay napatingkayad na agad ang mayamang lalaki.
"Buhay ka pa?" tanong ni Juan na mukhang hindi makapaniwala.
"Help me," panghihina na wika nito. Matapos nitong magsalita, agad nagturuan ang magkakaibigan kung sino ang kakausap sa Englishers na ito.
"Someone trying to kill me. Help me, please."
Hirap man sa pagsasalita ay pinilit niya itong banggitin. Ngunit mas nahirapan ang tatlo at tila sila na ang matutuluyan.
"Don't talk, you boy never...never just sleep. Tommorow...tommorow is another day," aligaga na saad ni Pepe.
Hindi na nila alam ang gagawin, dahil bukod sa may mga sugat ang lalaki ay Englishers pa ito. Hindi nila alam kung paano kakausapin at kung ano ang mga sinasabi.
Anong gagawin ng tatlong boplaks sa mayamang Englishers? Ito na nga ba ang sasagot sa kahilingan ni Juan sa ilalim ng tulay? Ito na nga ba ang hulog ng langit para sa kanila? O ang hatid nito ay sakit ng ulo para sa kanila?

Komento sa Aklat (422)

  • avatar
    Naddie

    good job in writing this story, author 😊

    20/04/2022

      1
  • avatar
    UniqueToh826

    Nice story. Keep it up po.❤❤

    20/04/2022

      2
  • avatar
    Sharamae

    Very Nice story💙 Keep writing po😊

    20/04/2022

      2
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata