logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 7

Nagising ako nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakadagan sa aking bewang. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang makita ito. Nagulat ako nang gumalaw ito at mas nilingkis pa ang kaniyang kamay sa aking bewang.
Hinayaan ko munang kumalma siya at makatulog muli ng mahimbing bago ko dahan-dahang tinanggal ang pagkakayakap ng kamay niya sa aking bewang.
Nakakasuka naman 'tong lalaking 'to. Napaka-abusado.
Lumabas ako upang kumain ng breakfast. Tinuruan ako ni Marco na kung sakaling mauna akong magising ay dumiretso lang ako rito upang kumain. Nang matapos ay naisipan kong dalhan na rin ng pagkain si Marco.
"Morning," bati ko nang makita siyang nakatutok sa laptop niya. Tinaas ko ang tray na dala ko. "Breakfast."
"Thanks," tipid niyang sagot.
"Alam mo, napaka-abusado mo," asik ko.
Tinaasan niya ako ng kilay na parang nagtataka kung bakit nasabi ko 'yon.
"Well, nilingkis mo lang naman ang kamay mo sa bewang ko kagabi pa. Higpit-higpit ng yakap mo'ng abusado ka."
"Do you hear yourself?" nandidiring tanong niya.
Medyo hindi ko gets 'yon, ah.
"Ewan ko sa'yo, Abusado," pasiring kong sabi.
Kumuha ako ng mga damit na ipang-bibihis saka pumasok sa banyo upang makapagpalit. Gusto kong maligo ngayon dahil ayon sa nalaman ko kay Marco, bukas na raw kami aalis dito.
Hindi ko inakalang darating ang araw na ito. Itong araw na nagtatrabaho ako pero parang masasabi kong pasarap lang ang ginagawa ko dahil maghihintay lang ako ng malaki kong sahod sa isang buwan at magpapanggap bilang asawa ni Marco.
"Via, come here," tawag ni Marco.
Nagtatakang tiningnan ko siya ngunit wala nang nagawa kung hindi ang lumapit na lang din sa kaniya.
"Bakit?"
"Let's go on swimming," sagot niya sa tanong ko.
Nanlalaki ang mga mata at ngiti ko nang marinig iyon. Hinila ko ang kamay niya palabas ng villa.
"Tara na!"
"Calm down, Girl, the sea won't escape," natatawang saad niya.
Napangiti ako nang makita na naman ang tawa niyang 'yon. Hindi ko na lang pinahalata sa kaniya ang pagka-amaze ko dahil baka mawala na naman na parang bula.
"Alam ko pero excited talaga ako, eh," sabi ko.
Tumawa ito. "You have all day, Aven."
"Oo na, oo na pero halikana noong dumating pa tayo rito ko gustong maligo eh kaso ayaw mo naman," panunumbat ko.
"That's why I'm giving you this whole day to swim and do whatever you want," nakangiting aniya.
"Talaga?" tuwang-tuwang tanong ko.
"Yup." Isinara niya ang kaniyang laptop at hinila na ako palabas.
Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at dumiretso na sa paliligo sa dagat. Nagtampisaw ako nang nagtampisaw hanggang sa mapagod ako.
Napansin ko si Marco na kanina pa nakatingin sa akin. Hindi kasi siya tumagal sa dagat. Takot daw maarawan at baka masira ang balat. Napakaarte niya. Napagdesisyonan kong umahon upang samahan siya.
"Marco," tawag pansin ko.
"Hm?" tanong niya habang ang paningin ay nasa karagatan.
"Bakit hindi ka tumagal sa tubig bukod sa pagiging maarte mo?" direktahang tanong ko.
"I wanna see your beauty from afar shining like a sea when reflected by the sun," matigas na ingles na sabi niya.
Nangunot ang noo ko. "Ano? Beauty lang naintindihan ko eh."
Pagpapatawa ko dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Ayaw kong lagyan iyon ng meaning dahil nakakatakot umasa sa taong walang kasiguradohan lalo pa at kontrata lang ang nag-uugnay sa aming dalawa.
Natawa ito at umiling-iling. Tinapik-tapik niya ang buhanging nasa gilid ng inuupuan niya na para bang niyayaya akong maupo roon.
"Bakit?" Naupo ako sa tabi niya, tinatanaw ang tinatanaw niya.
"Do you see that?" Itinuro niya ang alon na humahampas mula sa gitna ng dagat papunta rito sa dalampasigan. Tumango lang ako bilang tugon. "That wave is like my lovelife."
Napa-oh ako at kinunutan siya ng noo, hindi akalaing magbubukas siya ng topiko tungkol sa lovelife niya.
"Bakit naman?"
"My feelings for her is from the buttom of my heart coming out, wanted to tell her how much I love her to the core but as the wave goes at the shore, it always back at the center sea," malalim niyang saad.
"Bali, hindi mo kayang sabihin sa babae ang tunay mong nararamdaman sa kaniya?" paghuhula ko sa kahulugan ng sinabi niya.
Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "Yup."
"Bakit hindi ka gumawa ng paraan para masabi sa kaniya?" pagbibigay suhestyon ko. "O hindi naman kaya ay magpatulong ka sa mga taong nasa paligid mo tungkol sa kung paano mo magagawang umamin sa kaniya."
"I already did," mahinang sabi niya.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng maliit ngunit pinong pinong kirot sa aking puso dahil sa sinabi niya. Lumunok ako saka bumuntong hininga.
"Anong nangyari?" matamlay kong tanong.
Nagkibit balikat ito. "I don't know if it is working but I'll do my very best to make her feel how much I care for her, how much I love her."
Nginitian ko siya bago bumuntong hininga saka binaling ang paningin sa dagat. Pinanood ko kung paano humampas ang mga alon habang iniisip ang sinabi niya kanina. Hindi ko alam ngunit bigla akong napangiti ng mapakla nang maalala iyon.
Aminin ko man o hindi pero alam ko sa aking sarili na nasaktan ako sa pagkukwento niya tungkol sa taong mahal niya. Bigla akong napa-isip, kung may mahal na pala siyang babae bakit pa niya ako pinakasalan?
Pakiramdam ko ay naiiyak ako nang maalalang peke pala ang kasal naming dalawa. Parang pinupunit ang puso ko habang naninikip. Gusto kong humikbi ngunit hindi ko magawa dahil ayokong may masabi o mahalata siya.
"Via, kapag nakarating na tayo sa Manila magpapahinga muna tayo. Tomorrow will be the start of my work and I want you to do your duty as my wife," sabi ni Marco habang nag-da-drive. Tumango lamang ako sa kaniya upang pagsang-ayon. "Napag-isipan ko ang sinabi mo na rules kagabi. My rules are, you can't date someone except me. You need to bring me lunch in my office everyday, because as what I've said, wife's duties."
Tumatango-tangong nakikinig lang ako. "Paano naman pala, pwede rin ba akong magbigay ng rules? Para hindi naman unfair."
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Kitang kita naman ang gulat sa mukha ni Marco ngunit iniwas ko na lang ang aking paningin dahil sa hiyang naramdaman.
"Yeah, sure."
"Huwag ka ring makipag-date sa ibang babae kasi nga hindi ba sabi mo ang pangit tingnan na kasal ka na tapos nakikipagdate kapa sa iba?" patanong ko pang saad upang matakpan ang pagiging tunog selosa ko.
Matunog siyang ngumisi. "Of course."
"Oh, edi goods na," sabi ko.
"Iyon lang ang rule mo?" tanong niya.
Tinanguan ko lang siya. Napagpasiyahan kong matulog na langsa byahe dahil wala naman na akong itatanong o ikukwento sa kaniya. Bago ako nakatulog ay bigla na lang akong napatingala sa kalangitan.
Kamusta na kaya si Sky at Auntie Rose. Sana naman ay maayos na sila. Nalibing na siguro si Auntie Rosie. Bigla ko silang na-miss. Sana ay muli ko silang makita at makasama.
"Welcome back, Dear!" Masiglang sigaw ni Tita Cass.
Sinalubong kami ni Tita Cass at Tito Mark sa mansyon. Pagkarating namin ni Marco ay puro mga palamuting mga balloon ang bumungad sa amin. Kaagad na niyakap kami ni Marcos ni Tita Cass.
"Thank you po, Tita," pasasalamat ko.
Umakbay siya sa akin saka ako iginaya papasok sa loob. "Did you enjoy your honeymoon with Marco?"
Natawa ako dahil sa paraan ng pagkakabigkas niya. Para siyang teenager na kinikilig sa lovelife.
"Syempre naman po," nakangiting sagot ko.
Tumigil kami sa hapag. Nakahanda na roon ang mga pagkaing niluto raw ng mga cook dito. Kumain na lang din kami dahil nakakagutom din ang tatlong oras na byahe.
"Son, I'm expecting a grandchild," biglang sabi ni Tito Mark.
Naubo ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Dahil nagpapakitang tao kami ni Marco, kaagad niya akong inabutan ng tubig habang mahinang hinihimas ang aking likuran.
"Be careful," bulong niya.
Nag-angat ako ng tingin kay Tito at Tita, nanghihingi ng despensa ang mga mata. "Sorry po."
"Nako, Dear, hindi na rin naman iba 'yon. Mag-asawa na kayo ni Marco at ang purpose ng honeymoon niyo ay ang gumawa ng bata," natatawang singit ni Tita Cass.
"Mama!" pasigaw na saad ni Marco. "Don't terorize my wife."
My wife....
Hindi ko alam pero parang ang sarp pakinggan. Mukha itong musika sa aking tenga na paulit-ulit kong naririnig.
"Okay, sabi mo eh," natatawang ani Tita Cass.
Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa isa-isa kaming matapos. Nagpaalam muna ako sa kanila na magpapahangin lang sa garden. Nang pumayag sila ay dumiretso ako sa napaka-lawak na harden ni Marco.
Pinagmasdan ko ang mga bulaklak na nagsasayawan habang ang niyayakap ako ng malamig na simoy ng hangin. Lumapit ako sa isang upuan malapit sa taniman ng mga rosas at tiningala ang langit. Nagkikinangang mga bituin ang sumalubong sa akin.
Ang sarap ng ganitong klaseng tanawin sa pang-araw-araw. Hindi nakakasawa at nakakakalma.
Magandang gabi po, Mama, Papa. Sana po ay kasama ko kayo sa panonood sa tawaning nakikita ko ngayon ngunit alam kong mas payapa ang kinaroroonan niyo ngayon.
"Via, are you okay?" narinig kong tanong ni Marco.
Nilingon ko siya at nginitin. Tumango ako bilang tugon sa kaniyang tanong.
"Bakit ka nandito? Did mama offend you?" tanong niyang muli.
Umiling agad ako. "Hindi. Gusto ko lang makita ang magandang kalangitan habang nasa gilid ng mga magagandang rosas."
"You seem sad?" Umupo siya sa aking tabi.
"Hindi naman, naalala ko lang ang aking mga magulang," medyo malungkot kong pag-amin.
"Care to share?" maingat niyang tanong.
"Ugali na naming panoorin ang magandang kalangitan pagsapit ng gabi," pagkukwento ko. "Nasanay ako na tuwing gabi ay titingala sa langit upang kausapin ang aking mga magulang dahil ito talaga ang kadalasang ginagawa namin noong buhay pa sila."
"Don't be sad. Andito na ako para samahan kang manood ng kalangitan tuwing gabi." Inakbayan niya ako.
Nanatili kaming tahimik. Kapwa kaming nakatingin sa kalangitan habang ninanamnam ang kagandahan nito.
"Let's go inside, its getting cold here," bulong niya.
Tumango lang ako sa kaniya. Inalalayan niya akong tumayo saka kami bumalik sa loob. Bumungad sa amin sina tito at tita na kumakain ng chips.
"Ma, Pa, magpapahinga na po kami," paalam ni Marco.
"Okay. I'm sure you're tired," malungkot na sabat ni Tita Cass. "Restwell, Hija."
"Sige po. Akyat na po kami, Tita, Tito," paalam ko.
Nagbeso pa kami muna bago tuluyang umakyat. Hindi paman kami nakakahakbang ng malayo ay biglang sumigaw si Tita Cass.
"Oo nga pala, Mga Anak, naki-alam na kami rito. Nilipat na namin sa kwarto mo Marco ng mga gamit ni Aven so you can sleep tightly in each other's arm."

Komento sa Aklat (328)

  • avatar
    Bryle Terrence Santos Bayan

    nice story

    5d

      0
  • avatar
    Bhing Villarin

    nabitin po ako sa binabawa kong wife for hire wla na po ba itong karugtong? salamat po

    10d

      0
  • avatar
    Britanie Musni

    its so hot

    19d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata