logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 4

Papunta ako ngayon sa office ni Marco. Nagluto ako kanina ng specialty kong chicken curry at naisipan kong dalhan siya nito rito sa opisina niya dahol 'yon ang request niya.
Hindi ko maiwasang hindi isipin ang sinabi niya kaninang ipapakilala niya ako sa mga magulang niya. Natatakot ako na baka husgahan nila ako. Hindi ako natatakot na baka hindi nila ako matanggap dahil wala naman kaming relasyon ni Marco tanging trabaho lang naman kaya kami magpapakasal pero hindi ko pa rin matanggal sa aking sarili na hindi matakot.
"Hi, Miss. Nandito ba si Marco sa loob?" tanong ko sa sekretarya niya.
Nag-angat ito ng tingin sa akin at nagulat man ay kaagad niya akong nginitian. "Ah, Yes, Ma'am. Kaso sabi ni sir huwag daw akong magpapapasok ng bisita ngayon pero since girlfriend ka naman niya, pasok ka na lang po ro'n."
"Sige, salamat," nakangiting sabi ko.
Nakangiti akong tinungo ang pinto ng opisina ni Marco dala-dala ang pagkaing niluto ko. Hindi na ako nag-atubili pang kumatok dahil sa excitement na naramdaman ko sa kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya akong dinalhan siya ng pagkain.
Nang mabuksan ko na ang pinto, nasurpresa ako dahil sa nakita ko. Nabitawan ko ang tupperware na dala kong may laman ng ulam saka dali-daling tumalikod at tumakbo papunta sa labas.
Omg!!!
Bumungad sa akin kanina ang mga manok na nagtutukaan. Hindi ako makapaniwala na si Marco, nakikipagtukaan sa babae. Halos mahubad na nila ang mga damit nila. Ang virgin eyes ko na imvirgin na! Parang ayaw iproseso ng utak ko ang mga nakita ko ngunit hindi ko maiwasang hindi mandiri.
Ilang beses akong bumuntong hininga upang maproseso sa aking utak ang mga nakita ko kanina. Grabe naman, hindi ko naman inakalang ang marangyang pagtatrabaho ko kay Marcos ay magdudulot ng matinding kalaswaang masasaksihan ko pa.
"Manang, where's Via?" narinig kong tanong ni Marcos.
Narito ako ngayon sa kusina, nagluluto ng mga pagkain dahil gaya nga ng sabi ni Marco ay pupunta rito ang mga magulang niya. Sobrang mahilig ako sa pagluluto. Sana kung nakapagtapos lang ako ng pag-aaral ay kumuha na ako ng kursong chef kaso hindi ako pinalad.
Nakarinig ako ng tikhim mula sa aking likuran. Nang lingunin ko, nakita ko si Marco na direktang nakatayo, nakatingin sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa koob ng bulsa nito.
"I know it was you earlier, I'm sorry if you witness that," sensirong sabi nito. "I wasn't expecting you to be in my office and my secretary, I told her not to let someone in."
Napalunok ako nang maalala na naman sa kung paanong posisyon ko sila naabutan ng babae kanina. Ayokong pag-usapan ang tungkol doon dahil ang awkward sa pakiramdam.
"Huwag na, hayaan mo na 'yon," dali-dali kong sagot at umalis sa kinatatayuan upanh kumuha ng plato. "Anong oras pupunta ang mga magulang mo? Naisipan kong ipagluto sila since ito ang hilig kong gawin saka ayaw ko rin na maabala pa ang mga katulong mo sa gawaing kaya ko namang gawin."
"Wow," bulalas niya. Kunot noong tiningnan ko siya. "I didn't know that you're capable of doing this choires."
"Syempre, hilig ko ang pagluluto saka hindi naman kasi ako laking mayaman katulad mo na sabihin mo lang may susunod na kaagad na katulong," nakangiting pagbibigay alam ko sa kaniya.
"What kind of life did you witnessed?" out of no where ay natanong nito.
Napaisip ako sa tanong niya. Kung pagbabasehan lang ang kahirapan, talagang mahirap ang buhay na kinagisnan ko lalo pa't wala akong mga magulang na gumabay habang nagkakaisip.
Kinuha ko ang mga paminta at asin upang lagyan ang niluluto kong pansit. Hinalo ko ito at tinikman. Nang maging okay na ang lasa ay pinabayaan ko muna ito at hinarap si Marco.
"Iyong matinding kahirapan n kung saan kailangan mong magtrabaho, mamalimos para lang makakain," nakangiting mapait kong sagot habang binabalikan ang mga mapapait na alaala ko. "Ang buhay na maaga kang namulat sa kahirapan, walang mga magulang na matawag kapag may problema ka o kapag kailangan mo sila."
"That what worst," hindi makapaniwalang komento niya. "I see childs and peoples living in poverty but a child without a parents guiding her or him didn't cross my mind. You're one hell strong and brave woman."
"Sus, maliit na bagay," natatawang sabi ko.
Natawa siya sa naging reaksyon ko. Kinuha ko na ang pansit na niluto ko at nilagay sa plato. Hinugasan ko lahat ng mga nagamit kong plato saka ako nagpaalam kina Manang Fey at Marco na aakyat muna ako upang magbihis.
"Babe, your clothes are ready in your bed," paalala nito.
Nagpasalamat ako sa kaniya saka nginitian si Manang Fey bago umakyat. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at kitang kita sa mukha ko ang dungis dulot ng apat na putaheng niluto ko.
Sana magustuhan ng mga magulang ni Marco at ni Marco rin mismo ang niluto ko. Gustong gusto ko talagang makapagtapos sa kursong pagluluto pero wala akong pera kaya't naisipan ko na na iipunin ko ang perang sahod ko mula kay Marco saka ipang-aaral sa aking sarili.
"Good evening, Ma, Dad," bati ni Marco sa mga magulang nitong kakarating lang. Nakipag-man to man hug si Marco sa tatay niya at nakipagbeso naman sa nanay niya bago bumalik sa kinatatayuan ko at inakbayan ako. "This is my girlfriend, Avianna Verlice but you can her Via."
Kitang kita ang seryoso sa mukha ng mga magulang nito. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil parang istrikta at istrikto ang mga ito. Hindi sila halos mabasahan ng emosyon dahil blanko lang ang mukha at hindi ngumiti man lang kahit saglit.
"Hello, good evening po, Ma'am, Sir," nakangiting sabi ko at umabante upang makipagbeso. Pagkatapos kong magbeso sa kanila ay inilahad ko ang aking kamay. "Via po."
Tiningnan lang nila ako at bumaling ng tingin ang ina ni Marco sa kaniya.
"Sa loob tayo mag-usap-usap," malamig na boses na utos nito at nauna silang maglakad papasok sa loob.
Nang malampasan nila kami, hindi ko maiwasang mapabuntong hininga dahil sa naging reaksyon nila. Nahalata ni Marco na kabado ako kaya't tinapik-tapik niya ang aking balikat.
"Don't worry, mabait sila," bulong niya. "Give them your precious smile."
Tumango lang ako sa kaniya. Minsan may side rin si Marco na sobrang sweet niya at mabait. Tama nga ang sabi ni Manang na marahil nagsusungit siya sa ibang tao ay dahil doon sa nangyari sa kaniya noong bata pa siya.
"Ma, Dad, si Via po ang nagluto niyang lahat," sabi ni Marco nang maabutan namin ang mga magulang niyang nakatitig sa pagkain.
Umangat kaagad ang paningin nila at direktang napunta sa akin.
"Really, Hija?" bakas ang pagkagulat sa mga mata ng mama ni Marco.
Nginitian ko siya at tinanguan. "Opo, Ma'am. Sana po ay magustuhan ninyo."
"Oh, what an excellent woman," nakangiting komento naman ng tatay niya. "Umupo muna tayo at kumain na dahil natatakam na ako sa mga niluto mo, Hija."
Bigla akong nakaramdam ng kaginhawaan dahil sa inasta nila. Marahil mukhang masungit lang sila kanina dahil inoobserbahan nila ang kilos ko. Maaaring kinikilatis pa nila ako kaya gano'n na lamang ang asta nila.
"So, Hija, kamusta naman itong unico hijo namin bilang kasintahan?" tanong ng ama niya habang kumakain. "Ang sarap ng pagkakaluto mo nitong adobo, ah. Are you a chef?"
"Hindi po ako chef, Sir," sagot ko sa kaniya na may ngiti sa labi. "Okay naman po bilang boyfriend si Marco. Matigas nga lang po ang ulo, walang galang sa ibang tao at napaka-sungit."
Tumikhim naman si Marco kasabay ng pagtikhim ng tatay niya. Si Ginang Crox naman ay malakas na tumawa habang tumatango-tango pa.
"Well, Hija, you can call Marco's dad as Tito Mark or Daddy Mark," sabat naman ng ina ni Marco. Inilapag muna nito ang kaniyang kobyertos sa plato saka itinutok ang paningin sa akin. "You can call me Tita or Mommy Cass. At saan pa ba magmamana ng masamang ugali 'yang si Marco? Syempre sa ama rin niya. But please be considerate, Hija, may trauma si Marco sa maraming tao."
"Opo, Tita, aware na po ako roon," sabat ko.
"You are?" gulat na tanong ni Marco.
Tumango ako sa kaniya nang may ngiti sa labi. "Yup."
"But how? When?"
"Ano ka ba, Marco, of course she's your girlfriend," sabat naman ni Tito Mark.
"I mean, I never opened my condition to her," pagtatanggol nito sa sarili. "Ikaw, Babe, may pagka-chismosa ka rin."
Malakas na tumawa ang kaniyang mga magulang dahilan upang samaan ko siya ng tingin. Hindi ko napigilan ang sariling mahampas siya nang sunod-sunod na ikinangiti ng kaniyang mga magulang.
"They resembled us when we were young, Hon," nakangiging sabi ni Tita Cass sabay hawak sa kamay ng asawa.
"Yeah."
"Yuck, My, Dy, you're so cheesy," nandidiring komento naman ng lalaking nasa tabi ko.
"Ano ba!" saad ko saka siya hinampas. "Huwag mo ngang sirain ang momment nila tita."
Nagtawanan kami at ipinagpatuloy ang pagkain. Sobrang saya ng mga magulang niyang kasama. Kitang kita ang saya sa pamilya nila. Habang nasa hapag kami kanina ay hindi ko maiwasan ang sarili kong hindi mainggit dahil hindi ko naranasan ang gano'n bonding kasama ang mga magulang ko.
Ma, Pa, sana po narito kayo ngayon. Sana naranasan din natin ang saya nila bilang isang pamilya.
"Why are you sad?" bulong ni Marco.
"Naalala ko lang ang mga magulang ko," malungkot kong sagot.
Hinimas niya ang likuran ng kamay kong nasa aking hita. "Don't be. You can treat my parents as your real parents, besides, soon they will be your parents too."
Nginitian ko lang siya saka tinanggal ang kamay niya sa kamay ko upang tumayo.
"Kukunin ko lang po ang desert na niluto ko para sainyo," nakangiting paalam ko.
"Nako, may desert pa?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita Cass ngunit bakas sa mukha nito ang galak. "Sobrang complete package mo na talaga, Hija. Maganda, mabait, sexy, at maalaga ka."
"Nako, salamat po, Tita," nakangiting sabi ko saka nag-bow para makakuha na ng kukunin.
Gumawa ako ng mais con yelo na desert dahil noon ay nagbebenta rin ako nito. Masayang kinuha ko iyon sa ref, nakatimpla na 'yon kaya nilapag ko na lang isa-isa sa harapan ng mga magulang ni Marco.
"What desert is this, Hija?" tanong ni Tita Cass.
"Mais con yelo po, masarap po iyan, Tita," nakangiting sagot ko.
"Indeed. Ngayon lang ako nakatikim nito," sabi ni Tito Mark nang matikman na. "By the way, Hija, kanina pa kita tinititigin, you look so familiar. Parang kilalang kilala ko na ang features mo. You look like our good friend, Amelia and Arnold. Right, Hon?"
Napatingin ako kay Tita Cass at nakatingin na pala ito sa akin na para bang pinag-aaralan ang mukha ko. Tumango-tango ito sa na paramg naniniwala sa sinabi ng asawa.
"Alam mo, your Tito Mark's right. Hayaan mo, Hija, minsan isasama kita kapag dadalaw ako sa kanila para makita mo sila," sabi naman ni Tita Cass.
Nginitian ko lang sila. Nagulat ako nang hawakan ni Marco ang kamay ko at iginaya ako patayo. Tulalang napasusunod na lang ako sa mga kilos niya, walang ideya sa kung ano man ang nais niyang gawin. Muli akong nagulat nang lumuhod ito sa aking harapan at may maliit na pulang box na kinuha mula sa kaniyang bulsa.
Napatakip ako ng bibig nang makita ang laman nito. Isang makinang at diamond na singsing ang nasa aking harapan ngayon hawak ng lakaking kakakilala ko palang.
"Will you mary me, Via?"

Komento sa Aklat (328)

  • avatar
    Bryle Terrence Santos Bayan

    nice story

    5d

      0
  • avatar
    Bhing Villarin

    nabitin po ako sa binabawa kong wife for hire wla na po ba itong karugtong? salamat po

    10d

      0
  • avatar
    Britanie Musni

    its so hot

    19d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata