logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6 Unknown

“How many times have you seen that side of him?” tanong ni Aki nang gabing pumunta siya sa bahay at ayain akong pumunta sa sky ranch.
Pareho naming tinataw ang makulay na ilaw ng syudad mula sa aming kinalalagyan. Ang hangin na mas lumamig pa ay isinasayaw ang aming mga buhok sa malamyos na pagsindak.
“Hindi ko alam… Maraming beses na yata,” sagot ko.
“Yet you still love him? Come on, Lara. Ikaw na ang nahihirapan. That’s unhealthy?”
Nagkibit balikat ako.
“It’s normal for puppy love, Aki. Mawawala rin kapag tumungtong tayo ng kolehiyo,” sabi ko.
Kumagat ako sa burger na hawak. Ginawa ko na lahat ng kaya kong gawin malibang lang ang sarili ko sa pag-iisip ng nangyari sa pagitan naming dalawa ni Callum.
Ayaw ko ng isipin iyon. Alam naman na ni Lola na hindi na ako pwedeng pumasok sa planta. Siguro nga ay si Lola pa ang unang nakaalam.
“Ilang buwan na lang ay hindi ka na matatawag na teenager, Lara. Yet you still call that thing ‘puppy love’? Grow up biatch. Do some research or read books.”
I know. I’m not dumb.
“Sometimes you just have to make a fool of yourself to avoid heart aches, Aki.”
Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam kung nararamdaman ni Aki ang nararamdaman ko. But I want her to feel the pain. To be able to understand the pain I’m feeling.
I feel so empty inside. Ang gusto ko na lamang gawin ngayon ay ang magpinta ng magpinta gamit ang mga itim na kulay. Dark colors which describe my moods… And what i currently feel.
Siguro ang pag-katanggal ko sa planta ay senyales na rin upang sumubok ng ibang gawain. I can’t just stick to one. Naghahanap na ako ng bagong trabaho.
Ngayon ay nae-expose na talaga ako sa buhay sa labas. It’s time to meet other people.
“I marked you present from those days you were absent.”
Napatigil ako sa pagnguya. Nilingon ko si Aki na nakasandal na ngayon sa railings.
“What? Wy did you do that?” tanong ko. “Mapapagalitan ka.”
“You are present but excuse. Excuse ang lahat dahil sa pag-gawa nila ng mga booths at sa pag-participate sa program sa Friday. And you are…” tumigil siya at pinasadahan ako ng tingin, “you are excuse because of heart ache trying to mend.”
Ngumisi siya. Napatawa na lang ako. Ngayon ay mas nagpapasalamat ako kay Aki. Kung wala siya. Mas mabigat ang problemang dadalhin ko.
“Well… I think so too.”
Sabay kaming napahagikgik sa aking sinabi. Isang demoniyong may konsensiya. Really, Aki?
Why so soft, biatch…
“Magkaibigan tayo, Lara. Sabay tayong babagsak at sabay tayong aangat. An attendance a day is equal to 10 points.”
“But it’s just 10 points, Aki. Pwede akong bumawi sa academics.”
“Gaga, hindi ka nga nag-aattend ng mga group projects na kasama si Callum.”
Tumawa ako sa biglang pag-ikot ng mata ni Aki.
“Well... I’m speechless.”
She know me too well. Mas kilala pa yata niya ako kaysa sa sarili ko. Minsan I can’t describe myself. Hindi ko alam kung paano pagtuonan ng atensiyon ang aking sarili.
Napag-usapan pa namin ni Aki ang mga gagawin sa program. Marami nga talaga silang paghahanda na ginawa.
Alas dyes na nang ihatid nila ako pauwi. Before leaving, Aki gave me a copy of the program records. Kapag kailangan ko siya ay alam ko kung saan siya hahanapin. The whole time, she will be spending time with Cedrick. Facilitating. At pag-entertain ng ilang mga guest.
May mapa rin na ibinigay sa akin kung nasaan matatagpuan ang mga booths. Talagang pinaghandaan nga nila.
Maaga akong nagising ng Biyernes ng umaga. Wala pang alas sais ay nasa skwela na ako kasama ang ilang mga studyante sa kanilang mga booths at naglalabas na ng ilang mga materyales para sa pagsisimula.
Sa bawat nadadaanan kong estudyante ay tumitigil sa ginagawa upang tumitig sa akin. I feel intimidated. Hindi pa rin siguro nawawala ang pagkalat ng nangyari sa pagitan namin ni Callum.
Pumunta ako sa gate 2 at umupo sa garden. Ilang sandali akong nagmuni-muni bago inilabas ang mga pinta na aking dinala. I’ve already expected this thing to happen. Mainit ako sa mata ng mga estudyante dahil sa nangyaring gulo.
Ayaw kong magpakita. I feel anxious. This garden is my safe place tho. Alam kong wala ng pupunta dito dahil magiging abala ang lahat sa pag-bisita sa mga booths.
Itinali ko ang aking buhok bago sinimulang pintahan ang malaking pader. I’m not doing vandalism. This is art. Kung may makakita man nito ay bihira lang. Dahil hindi naman talaga dinadaanan itong gate.
Besides, konti na lang ang mga taong nakaka-appreciate sa art. Ang kapangyarihan ng sining ay malakas higit sa anumang uri ng hindi paggamit ng kahusayan sa wasto.
Sa bawat paglandas ko ng brush sa pader ay sinasabayan iyon ng maganda at malamyos na pagguhit ng mga makukulay na linya. This place is so lonely. But the forming colors and images are making it more alive!
Inabala ko na lamang ang aking sarili. Lahat ng negatibong iniisip ko ay ipinagsawalang bahala ko muna. Tumigil muna ako nang mangalay ang aking mga balikat. Umatras ako para tignan ang kabuuan ng aking ginawa.
Napangiti na lamang ako nang makita ang kinalabasan nito. It looks like a realistic door way to the fantasy world. Nakabukas ang pinto at sa gilid ay mga bricks na nagsisilbing hamba. Ang gilid ng mga bricks ay napapalibotan ng mga halaman na kumakapit.
Beside of the door is a realistic well. With a bucket on the top. At may isang paru-parung lumilipad sa taas nito.
It’s so satisfying. Kahit kabisado ko na ang paraan ko ng pagpinta ay namamangha ako. Kakaiba ito kaysa sa mga naipinta ko na sa canvas. Deym…
Napabuntong hininga ako. Umupo ako sa damuhan at yumuko sa bench upang magpahinga. Medyo nangalay ang aking mga kamay, balikat at tuhod sa ilang oras na pagpipinta ng walang tigil. I need to rest.
Hindi ko namamalayan na nakatulog pala ako. Gumising ako na medyo mabuti na ang pakiramdam. Kumukulo na ang aking tyan dahil sa gutom. Siguro ay lampas tanghali na rin.
Niligpit ko na lahat ng aking mga gamit at umalis. Nagugutom na ako. Nagtungo ako sa classroom. Mabuti na lang at walang tao roon. Siguro ay nasa gymnasium pa ang lahat kung hindi pa tapos ang program.
Mabilis ang ginawa kong pagpalit ng damit dahil natalsikan iyon ng mga pinta kanina. Baka ay may bigla na ring pumasok nang hindi kumakatok.
Tho, nilock ko naman ang pinto sa loob. Pwedeng may may hawak pala ng susi ng classroom na isa sa mga kaklase namin. Tahimik naman ang paligid at wala akong naririnig na kung ano.
Nagmamadali akong lumabas upang kumain. Nagulat ako nang mabungaran ko sa pinto si Aki na akmang ipapasok pa lamang ang susi sa loob ng keyhole.
“Lara, you’re here!” masayang bati ni Aki.
“Ofcourse I am,” sagot ko habang pinapantayan ang hyper na boses ni Aki.
Ngumuso siya.
“Hindi kita nakita sa gym. Where have you been? Kakapasok mo lang ba?” sunod na sunod niyang tanong.
Mabilis naman akong umiling.
“No…Maaga akong pumasok. I just woke up,” sabi ko.
“Saan ka natulog?” tanong niya.
Para akong ini-intriga ng kaniyang mga tanong. Geez.
“Somewhere private,” sabi ko naman na mas lalo niyang ikinanguso.
Napahagikgik na lamang ako. Why so childish, Aki? Pagod kana ba? I wonder.. Nag-away na naman ba si Cedrick at Aki. This two is really something.
Napansin kong napatitig sa aking mukha si Aki. Natalsikan ba ng pinta ang mukha ko kanina? Shit. Hindi ko chineck!
“You put your hair in a bun…” mahinang sambit niya.
“Uhm…yes. Naiinitan kasi ako kanina,” saad ko.
Bigla akong kinilabotan sa biglang paglapad ng kaniyang ngiti.
“You are that girl!” hiyaw niya.
Bigla akong hinila ni Aki sa kamay. Tumatakbo kami at hindi ko alam kung saan kami paroroon.
Girl? Who? Anong pinagsasabi ni Aki?
Tumigil kami sa library ni Aki. Pumasok sa loob si Aki at naiwan ako sa labas. Nahagip ng aking mata ang senyales na nakadikit sa tabi ng pinto. At nakaturo sa loob ng library.
‘This way to photobooth.’
Sumilip ako sa loob ngunit natatakpan ang paligid ng mga mahahabang kurtina. Napahinga ako ng malalim.
Bumalik si Aki na may hawak na isang maliit na papel. Malaki ang kaniyang ngisi habang iniaabot iyon sa akin.
“Ngayon mo sabihin sa akin kung ano yan, Lara.”
Tiningnan ko ang papel at napagtantong polaroid iyon. Pinakatitigan ko ang litrato. Nanlaki ang aking mga mata.
No way! That is me, sleeping!
Mabilis na hinila ko pababa ang pagkakabun ng aking buhok at ginulo iyon.
“Saan mo ito nakuha, Aki?” tanong ko.
Nagkibit balikat lamang siya at itinaas baba ang dalawang kilay.
“Sa photobooth. May kumuha ng litrato sayo habang natutulog ka. Para kang nagpho-photoshoot jan. You are bautiful, Lara. Ang ganda ng pagkakakuha,” aniya.
I gritted my teeth. Kumuyom ang aking kamao sa kaba. Ang kapal naman ng kumuha ng litrato na ‘to nang hindi kinukuha ang aking permiso. Walanghiya!
Kahit naman sana ay ginising ako. Or the photographer should have captured the wall instead of me. Nakakahiya!
“Iyong pagkakakuha lang. Not me.” Pinaikot ko ang aking mata, “Sino?”
“Hindi ko alam. May anim pang natitirang polaroid doon at isang malaki. Litrato iyon sa iyo sa iba ibang anggolo.”
Lumukob ang inis sa aking dibdib.
“Kunin natin ang mga iyon,” sabi ko at akmang papasok sa loob.
Pinigilan lamang ako ni Aki sa braso. Maging kay Aki ay nagsisimula na akong mainis. Damn. Bakit pa niya ako pipigilan?
“Hindi mo pwedeng kunin na lang ang mga litrato mo, Lara. This,” iniangat niya ang polaroid na hawak, “It cost 30 pesos per polaroid, Lara. Multiply everything to 6 plus the bigger one is times two of the price of one polaroid,” aniya.
Pakiramdam ko ay sumakit ang aking ulo sa kaniyang sinabi. Wala akong naintindihan…Gosh, I hate numbers.
“Besides, wala namang ibang makakabili non dahil yong taong nasa picture lang ang hinihintay na mag-claim. Huwag kang mag-alala, your pics are safe.”
Ngumiti si Aki. Napakainosente ng kaniyang ngiti na kahit kinukumbinsi na ako ay hindi ko pa rin pinaniniwalaan.
Paniniwalaan ko ba? Wala akong pera pambili ng mga iyon. Kulang ang perang nasa bulsa ko.
I sighed in defeat. Siguro naman ay ibabasura nila iyon o susunugin kapag hindi ko kinuha. Kaya nga kasi tinawag na photobooth dahil sila dapat ang puntahan. Not the other way around.
Matapos kong kumain sa canteen ay dumiretso na lang ulit ako sa gate 2. Hindi na sumabay sa aking kumain si Aki dahil pinatawag agad siya kanina pabalik sa Principal’s office. Siguro ay doon na sila kakain.
Plano kong taposin na ang aking pinipinta bago umuwi. Tutal ay nakapag-attendance na ako sa umaga at hapon.
Hinihingal na humarang sa aking dinadaanan si Hailey. Tumigil ako sa paglalakad at gulat na tumingin sa kaniya. Bigla na lang kasing sumulpot!
“Kailangan ka ngayon sa Book Space, Lara,” hinihingal na sabi ni Hailey.
Nakahawak pa siya sa kaniyang dibdib.
“Bakit? Hindi ba iyong librarian ang nag-babantay doon?” tanong ko.
“Nope. May ibang inaasikaso ang Librarian sa faculty ng Filipino Department.”
“Tapos?” tanong ko.
Hindi ko pa rin nakukuha ang pakay niya.
Tumayo ng maayos si Hailey. She cleared her throat. Maganda at makakausap ko na siya ng mabuti.
“We can’t find where the Mythology books are. Hindi alam ni Callum kung saan nakalagay. Maybe you know dahil kayong dalawa naman ang nag-ayos,” sabi niya.
Pinalobo ko ang aking mga pisngi. Callum should know where those books are. Dahil nakaseperate ang mga iyon. Considering there are only 8 free books of mythology. Some are vintage books.
Kung sasabihin ko kung nasaan ang mga iyon ay hindi niya rin makukuha dahil nasa pinaka-ilalim ang mga iyon.
“Let’s go.”
Tumango si Hailey kaya’t sumunod ako.
Nasa malayo palang ay kitang kita ko na si Callum na hindi magkanda-ugaga sa pag-hahanap ng mga librong kailangan ng studyante. Maraming nakapila sa kaniyang harapan at mukhang hindi na alam ang gagawin.
May stand naman kung saan kailangan mo na lamang pumulot ng libro dahil nakadisplay naman. Ang kailangan lang ay hanapin kung ano ang interest mo.
Lumapit kami ni Hailey at mabilis na tumulong. May ilang mga estudyante ang mukhang nadismaya dahil hindi si Callum ang umasikaso sa kanila. Kapansin pansin kasi ang walang galang nilang paghablot ng libro sa aking mga kamay.
“Sinong naghahanap ng Mythology books?” tanong ko kay Hailey.
Nakayuko ako habang hinahalungkat ang pinaglagyan ko ng mga librong iyon. Naglabas akong ng lima at idinisplay sa mesa sa aming harapan.
Fiction books naman pala kasi ang mga nasa stand kaya mabilis naubos. Dinagdagan ko rin ang mga librong nasa stand.
“Nasa photobooth. Kukunin nila pagkatapos nila sa loob,” sagot ni Hailey.
Tumango ako. Inayos ko ang aking damit na medyo tumaas dahil sa ginawang pag-upo. Mabuti na lang at may suot akong jacket.
Hinarap ko si Hailey.
“Aalis na ako.”
“Teka… Baka dumugin ulit tayo mamaya. Stay,” pagpipigil sa akin ni Hailey.
Nakawahak pa ang kaniyang mga palad sa aking braso upang pigilan ako. Napatitig ako sa kaniyang mukha. Napakahaggard na ng isura niya.
Kanina pa ba sila magkasama ni Callum?
Huminga ako ng malalim. No choice ako kung hindi ang umupo sa at maghintay ng mga pupunta pa sa Book space.
Mula sa gilid ng aking mata ay kita ko si Callum. Katabi ko pala siya.
Kanina pa siya tahimik mula noong dumating ako. Kanina ko pa siya hindi sinusulyapan ng tingin at hindi pinapansin.
Ilang araw na ang lumipas. I don’t know if the fire still burns for him. Nawala na iyon sa aking isipan at naghahanap ng ibang mapag-papart time man.
Tho, I don’t feel any tension. Na-awkward dan lang ako.
“Hailey!”
Sabay sabay kaming tatlo na napalingon sa pinagmulan ng boses na iyon. Si Chaz ang kaibigan ni Hailey ang tumatawag sa kaniya.
Mabilis namang tumayo si Hailey upang salubungin si Chaz.
“Hi, Callum!” bati ni Chaz kay Callum ng nakangiti.
Bumaling ako kay Callum at nakita ko ang pag-ngiti nito. Napa-irap na lamang ako. Ang landi ha.
Chaz averted her gaze on me. Ngumiti ako ngunit sinimangutan niya lamang ako. Umirap akong muli. Ang taray. Punyeta!
Lumayo na lamang ako ng konti sa kanila upang hindi ko mapakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Ako na ang nag-adjust dahil ayaw ko namang maki-chismis.
Bigla akong nainis nang maalala ang pag ngiti ni Callum. Damn! Bakit hindi niya man lang ako mangitian?!
“Hi!”
Bumaling ako sa aking kaliwa. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na mukhang ako ang kinakausap. Gusto ko ang tangos ng kaniyang ilong. Gwapo siya pero wala pa ring makakatalo kay Callum.
“Hi?”
Iniangat niya ang papel na hawak. Kumunot ang kaniyang noo habang binabasa ang nakasulat.
“Are you, Laraine Sarmiento?”
Tumango ako.
“Bakit?”
Inilahad niya ang may kalakihang brown envelope na may design sa mga gilid na ngayon ko lang napansin na hawak niya. Napansin kong nakasara iyon gamit ang wax. It looks so vintage. Parang isang lumang envelope na galing sa sinaunang panahon na ginagamit sa pagpapadala ng mga sulat.
Wala sa sariling tinanggap ko iyon.
“May nag-iwan nito sa confession booth, Miss Laraine. His name is unknown pero nakasulat po kung saang University siya nag-aaral.” Ngumiti siya.
Napataas naman ang aking isang kilay.
“University?”
Tumango siya.
“Mula po sa UC.”
Umawang na lamang ang aking labi. Umalis na ang lalaking nagbigay sa akin nito. Napatitig ako sa hawak. Who the hell would give me such thing na mula pa sa ibang eskwelahan? To think of it na mula siya sa UC.
Unbelievable!

Komento sa Aklat (104)

  • avatar
    LI NG

    The story is very nice

    21/07

      0
  • avatar
    Kira Lawas

    wow

    17/07

      0
  • avatar
    Dominguez Jay

    nice story

    05/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata