logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5 One reason

Ipinkit ko ng mariin ang aking mga mata habang ninanamnam ang lamig ng simoy ng hangin. Napakalamig nga talaga at kulang na lang ay parang magyeyelo na ang buong paligid. Ang lamig ay tumatagos na rin sa suot kong jacket.
Kahit medyo madilim pa ang paligid ay nakikita ko ang usok na lumalabas sa aking bibig sa tuwing ako’y humihinga.
Humikab ako. Plano kong hindi pumsaok ngayon. Wala naman akong gagawin sa school. Kahit magpinta ay malamang hindi ko doon magagawa dahil sa maraming mga estudyanteng pakalat kalat sa paligid.
Saktong alas sais nang umalis si Lola. Madilim pa nga pero kailangan na niyang pumasok. Iyon ang batas sa pamamahala ni Don sa kaniyang taniman ng mga strawberry. Maaga ang pasok, at maaga rin ang uwi.
Maaga rin naman akong nagsimula sa pagpipinta. Ngayong araw ay sigurado akong matatapos ko na ito dahil sa hindi pagpasok. Ito na lang ang aatupagin ko para hindi maumay sa kaka-upo lang sa bahay.
Painting is addicting and beautiful. That’s what it makes enjoyable.
Malapit ng magtanghalian nang mapansin kong paubos na ang kulay berde at puti na kulay ng pinta. Naisipan kong bumili na lamang ng pinta sa pinakamalapit na bookstore. Kahit sabihin kong malapit ay dalawang sakayan pa rin naman ng jeep papunta doon. Ayaw ko na sanang lumabas ngunit kailangan kong matapos na ito. Anong silbi ng pag-absent ko kung wala akong gagawin?
Pauwi na ako nang mahagip ng aking mga mata ang pamilyar itim na SUV na nakaparada sa palaging bakanteng kalsada. Iyon ang SUV na palagi kong nakikita sa planta nila Don. Kailangan ko pang lumapit ng husto upang makumpirma nga ang aking hinala.
Mabilis akong napatakbo ng bahay nang maproseso ng aking isipan ang nakita. Walang ibang pupuntahan ang may-ari ng SUV na iyon kung hindi sa bahay lang dahil si Lola lang naman ang taga rito na nagtatrabaho sa planta.
Kung bakit narito ang may-ari o ang driver ng SUV ay siyang tanong. Pumunta naman sa trabaho si Lola ah. Anong ginagawa nila rito?
Humahangos na nakarating ako sa bahay. Nakita ko ang Don na nasa labas ng bahay at nakaupo sa kahoy na upuan sa labas kasama ang lalaking nakaitim sa kaniyang tabi. Nakatayo naman iyon at parang isang estatwa na hindi gumagalaw.
Inayos ko muna ang aking itsura bago lumapit. Tinago ko ang aking mga nanginginig na kamay sa likod dahil sa nararamdamang kaba.
Lumipat sa akin ang tingin ng Don. Nagulat ako nang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Sa pagkaka-obserba ko ay hindi ganito ang Don na kilala ko sa planta.
“Finally…” sambit ng Don sa mahinang tinig.
Ang isang ngiti na pilit kong ipinapakita ay naging isang ngiwi. Mas lalong nanlamig ang aking mga kamay.
“Magandang hapon, Don. Naparito po kayo? May problema po ba sa planta?” sunod-sunod kong tanong.
Umiling ang Don.
“Wala naman, iha. Pwede mo ba akong papasokin muna sa bahay niyo bago ko sabihin ang pakay ko?” mahinahong pabor ng Don.
Napatango ako at aligagang binuksan ang bahay. Mabilis kong tinakpan ang canvas na tinatapos ko palang tsaka inilagay iyon sa gilid kasama ng mga pinamili kong pinta. Ang ilang mga gulay na binili ko ay mabilis ko namang inilagay sa lababo.
Hinarap ko ang Don na ngayo’y komportable na palang nakaupo sa maliit na upuan ng aming munting kusina at nagsisilbing salas na rin.
“G-gusto niyo po ba ng ma-iinom?” tanong ko.
Hindi ko alam kung paano asikasuhin ang Don gayong bihira lang kaming magakaroon ng bisita. Isa pa ay palaging may kasamang yaya si Don kahit na saan siya magpunta.
Wala sa akin ang tingin ng Don. Sinundan ng aking mga mata ang kaniyang tinitgnan. Gusto ko na lamang magpalamon sa lupa nang makitang sinusuri niya ang aking mga pinta. Kasama na roon ang mga mukha ni Callum! Nakakahiya!
“Sino ang pintor ng mga iyan, Lara?” tanong sa akin ng Don nang hindi nililipat sa akin ang tingin.
Nagdalawang isip pa ako kung sasagotin ko ang kaniyang tanong o hindi. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Anong gagawin ko? Hindi ko pwedeng sabihin na ako ang pintor ng mga iyon at sabihin kinababaliwan ko ang kaniyang apo!
“A-ako po..”
Ngumisi ang Don.
“You like my grandson?”
Nanlaki ang aking mata. Mabilis akong umiling.
“No!"
Ang kaba na kanina ko pang nararamdaman ay mas lalo pang lumakas. Hindi ko alam ang sasabihin! Nahuli na ba ako?!
“Ahm…Mga c-commission po iyan na hanggang ngayon hindi pa nakukuha.”
Nananalangin ako sa sana paniwalaan niya ang aking ginawang rason.
Tumango ang Don. Hindi ko alam kung hihinga na ba ako ng maluwag dahil parang pinaniwalaan niya ang aking rason o hindi pa dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin siya.
“So, these paintings is where you spend your money? Ang sinasahod mo sa aking planta, Lara?”
Tumango ako. Muling umupo ang Don sa kaniyang kinauupuan kanina. Nagpakawala ako ng mabigat na paghinga.
“Some. Tinatago ko ang iba para sa pagpunta ko ng college, Don.”
Naglumikot ulit ang mga mata ng Don. Ikinabahala ko na baka hindi nito magustuhan ang nakikitang itsura ng bahay namin dahil napakarangya ng kinalalagyan niya. Nakatira siya sa isang malaking mansion. Walang wala ang bahay namin kumpara sa kanila.
Isang dahilan kung bakit nakapahirap abotin si Callum….
Mahabang katahimikan ang namayani. Nagtimpla na lamang ako ng juice para sa Don habang hinihintay siya na magsalitang muli. Hindi ko alam ang sasabihin.
“I am here because… I want you to leave the plantation, Lara.”
Natulos ako sa aking kinatatayuan. Hindi nag-sink in sa aking isipan ang sinabi ng Don.
“P-po?”
“You heard me right, Lara,” aniya sa sumeryosong tono.
Pinakawalan ko na ang aking mga kamay na kanina pa nanginginig. Nang-gigilid ang aking mga luha. So, Callum really took the action. Huh!
He is so unfair!
“Bakit po, Don? As far as I now, I have good reviews mula sa mga tao sa planta niyo. I work really hard. Nakikita niyo naman po ‘yon hindi ba?”
Nanginginig ang aking boses. Hindi ko alam kung paano ako nakakapagsalita ng maayos gayong labis labis na ang kabang ang nararamdaman.
Nangangati ang aking mga dila na magtanong. Si Callum…
But I know better. Pagtatakpan niya ang kaniyang apo!
Tumayo ang Don at inayos ang kaniyang suot na makapal na sweater. Humaharang na ako sa kaniyang daraanan upang alamin ang rason.
Hinarap niya ako. Umangat ang gilid ng kaniyang labi. Ang kaniyang isang kamay ay dumantay sa tuktok ng aking ulo. Hinahaplos iyon na parang isa tuta.
“At your age, Lara. Hindi ka na pwedeng magbuhat ng mga mabibigat na bagay. Napakabigat ng trabahong ginagawa mo sa planta. Maybe someday, ikapapahamak mo. Besides, those kind of works don’t suit to a lady,” pagpapaliwanag niya.
Hindi ko naman kailangan ng paliwanag ng Don. Why would he care if this work might be a danger for me someday? Goddamn it! Kailangan ko ng trabaho!
Hindi ako nakaimik. Umalpas ang ilang mga butil ng luha sa aking pisngi. Ilang segundo akong napatitig sa kawalan bago napagpasiyahang sundan ang Don na papaalis na.
“If not a harvester o kargador. Pwede po bang maging maid na lang ako sa inyo, Don?” tanong ko.
Bumaba ang aking boses sa pang huling salita. Lumalabas na ang aking pagkadesperada. Nag-iipon ako! Kailangan ko ng pera...
“You are not qualified, Lara.”
Napapikit na lamang ako ng mariin. How could he? Minsan mo na nga lang ako mapansin sa ganito pa. What the hell? Nakakainis!
Nagmamadaling bumalik ako sa bahay upang magpalit. Nagpupuyos ang aking kalooban sa pinaghalong inis at galit. Ang plano kong umabsent ay hindi ko na lamang itutuloy. Kailangan kong makausap si Callum.
Kung hindi siya namo-mroblema ng perang iiponin para sa pag-tungtong ng college. Pwes ako, oo. Kung kailangan kong isuli sa kaniya ang sampung pisong pamasahe noong nakaraang gabi ay gagawin ko mapaki-usapan ko lang siya.
He is so heartless!
Agad na tinungo ng aking mga paa ang classroom namin. Ang aking pagtakbo na ginawa ay mas lalong pinatambol ang aking puso. Nangangati ang aking mga kamay sa inis at galit.
Mabilis ang pagtahip ng aking dibdib nang marating ko ang classroom. Unang nahagip ng aking mga mata si Aki na nasa pinaka-unang upuan at abala sa ginagawang pag-aayos ng mga papel.
Nakita ko si Callum sa teacher’s table na nakayuko. Batid ko’y natutulog siya.
Malakas na ibinagsak ko ang pinto at nilock iyon mula sa loob. Napa-igtad si Aki at tumingin sa akin na may mga nanlalaking mga mata.
“Hoy! Ba’t hindi ka pumasok?”
Hindi ko pinansin si Aki. Dumiretso ako sa tabi ni Callum. Tinapik ko ang kaniyang balikat ng dalawang beses. Nang mag-angat ito ng tingin ay mabilis na dumapo ang aking palad sa kaniyang pisngi.
“What the fcvk!” mura ni Callum.
Mabilis ang ginawa niyang pag-tayo at hinarap ako. Namumula ang kaniyang mga mata. Mula sa pinaghalong galit at pagkagising sa aking ginagawa.
I can see anger through his eyes. Kung galit siya ay mas galit ako. Hindi makatarungan ang kaniyang ginawa!
“Lara!” sigaw ng dalawang boses.
Si Aki at Cedrick iyon na kasama naming nasa classroom. Hindi ko napansins si Cedrick kanina.
Lumapit sa akin si Aki at hinawakan ako sa aking braso.
I can see fire starting to get wild.
“Anong ginawa mo?!” sigaw ni Callum sa aking mismong harapan.
Animo’y bingi ako sa kaniyang paningin.
Nagsimulang manggilid ang aking mga luha. Naiiyak ako... Dahil sa galit. At sa pakiramdam na kawawa.
“What the fvck did you do, Callum?!” sigaw ko.
Hindi ako nagpatinag sa kaniyang malakas na pagsigaw at sa kaniyang mga tinging napakalamig.
“Potangina, Lara! Ikaw iyong gumising sa akin ng isang malakas na sampal tapos tatanongin mo kung anong ginawa ko?!”
Pinagdikit ko ng mariin ang aking mga labi. Nanginginig na rin ang aking mga labi dahil sa pagluha. Sinampal kong muli si Callum. Ngunit hindi katulad ng kanina ay mas mahina na iyon.
Pakiramdam ko kasi ay nanghihina ang aking kamay sa sobrang panginginig. Kaba. Takot. At galit..
“Fvck,” mura niya.
Marahas na hinablot ni Callum ang aking isang braso. Hinila niya ako palabas ng classroom at naglakad ng walang paroroonan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Ramdam ko ang kaniyang galit sa kaniyang paghila sa akin. Pakiramdam ko ay mababali ang aking isang braso sa higpit ng kaniyang hawak.
“Callum! Saan mo dadalhin si Lara?” rinig kong sigaw ni Aki sa aming likuran.
Alam kong nakasunod lang sila sa amin dahil sa lapit ng boses ni Aki. Ang mga matang nanonood sa aming eksena ay mukhang hindi alintana ni Callum.
Shit. Magiging laman ako ng chismis nito e.
“Callum, bitawan mo ako!”
Pilit kong hinihila ang aking braso. Ngunit mas lalo lamang humihigpit ang kaniyang hawak sa tuwing ako’y nagpupumiglas.
Hindi siya nagsalita. Bagkus ay mas binilisan pa niya ang kaniyang paglalakad.
“Callum!”
Malakas na sigaw ni Cedrick nang marating namin ang parking lot. Humarang si Cedrick sa dinadaanan namin ni Callum at nakipagsukatan ng tingin sa kaniyang kaibigan.
“What’s wrong with you, bud? Babae yan!”
Itinuro ako ni Cedrick. Hindi ko alam kung concern din ba sa akin si Cedrick o ayaw niya lang talagang magkaroon ng gulo dahil magkakaroon sila ng bad record sa Principal’s office bago ang graduation.
Though, kahit hindi sila kasali sa away namin ni Callum ay sigurado akong madadamay pa rin sila. The fact that both Cedrick and Aki are the president. Both witnesses at mas mature ay dapat kaya nila kaming patigiling dalawa ni Callum.
Sa sitwasiyon naming dalawa ni Callum ay mukhang malabong mangyari iyon. Dahil walang mag-papapigil sa aming dalawa ni Callum.
Unless, kapag umamin si Callum sa kaniyang ginawa ay saka lamang ako titigil.
“You are out of it, Cedrick. Away naming dalawa ‘to ni Lara. Walang makikialam,” mariing bigkas ni Callum.
Imbes na umalis ay mas lalong humarang sa aming dinaraanan si Cedrick.
“Anong gagawin mo, Callum? Reign yourself, buddy. Babae si Lara,” ani ni Cedrick.
“Tumahimik ka na lang pwede ba, Cedrick? This is between me and Lara. Tutal mas mukhang lalaki pa siya kaysa sayo sa lakas ng sampal.”
Mabilis akong napasabat sa kanilang usapan.
“Excuse me? Sinampal kita hindi sinapak. Ang lalaki nananapak, ang babae nananampal!”
But a girl.can also punch.
Tumaas ang aking isang kilay. Pakiramdam ko ay a-atakihin ako sa puso dahil sa sobrang inis. Sumabog na ako kanina pa ngunit sasabog na ako sa pangalawa pa.
“Change your fashion style, then. That would be better.”
He rolled his eyes. Nangangati na ang aking mga kamay na muli siyang sampalin.
“Tarantado ka! Bitawan mo ang kamay ko!”
Sinulyapan lamang ako ni Callum gamit ang kaniyang malamig na titig bago akong hinila muli.
Kusang umatras si Cedrick sa gilid upang padaanin si Cedrick. Nag-mamakaawa ang aking mga mata habang nilalagpasan namin si Cedrick.
Kibit balikat lang ang kaniyang itinugon sa akin. Nang balingan ko si Aki ay kiming ngiti lamang ang isinagot sa panalangin ko.
Shit! Nasa peligro ang buhay ko! Ngayon ka pa ba tatahimik, Aki?
For pete’s sake. Callum has anger management issues! Baka mamaya hindi na ako maabotang buhay. Ang tanga mo kasi, Lara. Nagpadala ka sa galit mo. Damn…
Nang marating namin ang loob ng library ay saka lamang ako binitawan ni Callum. Tahimik ang loob dahil walang kahit sinumang tao roon. Ang pagsara lamang na ginawa ni Callum sa pinto ay siyang naglikha ng ingay sa napakatahimik na paligid.
“Let’s talk, Lara,” aniya.
Nakipagtagisan ako ng titig sa kaniya. Sa aking batas ngayon, ang unang mag-iwas ay siyang talo sa away na ito.
“Potangina mo, kausapin mo ang sarili mo mag-isa.”
Pumunta ako sa pinakadulong parte ng mesa kung saan mabibigyang distansiya ko ang pagitan naming dalawa.
“Pagkatapos mo akong sampalin? Ngayon naman minumura mo ako?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Pinagkrus niya ang kaniyang braso sa kaniyang dibdib. He didn’t even dare to blink. “Just wow, Lara.”
Kinilabotan ako sa kaniyang mas lumalamig na titig. Nasa loob na kami ng library ngunit parang ramdam ko pa rin ang lamig sa labas dahil sa kaniyang mga tinging ibinibigay sa akin.
Kumuyom ang aking kamao.
“Anong gayuma ang ibinigay mo sa Don para sundin lahat ng sinasabi at hinihingi mo?”
Pinakalma ko ang aking boses. Nanliit naman ang kaniyang mga mata.
“I’m his grandson, Lara. Normal lang na ibigay sa akin ni Lolo lahat ng gusto ko.”
Spoiled, huh?
“I guess normal na talaga siguro sa inyong mga mayayaman ang pagiging hambog. Makasarili at walang pakialam sa mararamdaman ng iba. You are too spoiled, Callum,” sabi ko.
Hindi ko pinansin ang pagpiyok sa aking boses.
“What?”
“Does one of your request is about getting rid of me, Callum? Ang paalisin ako sa planta dahil sa kagustuhan mo?”
Kumunot ang kaniyang noo. Saglit lamang ay nag-iwas siya ng tingin at pinaglandas ang kaniyang dila sa kaniyang labi. Kuminang iyon dahil sa kaniyang laway at sa ilaw na nagrereflect sa basa niyang labi.
Hindi siya umimik.
“Tell me, Callum. Why do you hate me? Sagotin mo naman para alam ko ang rason kung bakit at matanggap ko ang pagpapaalis niyo sa akin sa planta.”
“You really wanna know, why?”
Paninigurado niya.
Dahan dahan naman akong tumango.
“Oo.”
“No need. Kulang ang isang oras kung isa-isahin ko lahat ng rason. It will take days and years para malaman mo.”
Kumirot ang aking dibdib. Does that mean he’ll hate me forever?
“Just…just tell me one r-reason.”
He stared at me. May emosiyon na lumampas sa kaniyang mga mata na hindi ko kayang pangalanan.
“Ang pangit ng…” he paused. Ang kaniyang mata ay nagtaas baba at para akong sinusuri, “ang pangit ng ugali mo,” he finally said.
My heart ache than it already was. Ugali? Sa pagkakaalam ko ay mabait ang trato ko sa mga taong nakakahalubilo ko.
He changed his words… It was my face he was talking about.
Sa huling pagkakataon ay nilunok ko ang pride ko. Bumagsak na lamang ang aking mga tingin sa sahig. I stared at it for a few seconds. Nang mapakalma ko na ang aking nananakit na puso ay saka lamang ako nag-angat ng tingin.
“Okay… Congrats ha. Napakaaga ng pamasko ng Lolo mo sa ‘yo.”
Tinungo ko ang pinto at nauna ng lumabas sa library. Hindi na ako lumingon pa sa kung saan ako nanggaling.
If only I don’t like him... My heart wouldn’t ache this much. Kahit pa sana ilang beses niya akong bulyawan. O pahirapan. I would really let him.
Pero ibang sitwasyon ang kinaroroonan ko. By his simple actions. And words. Parang ilang bilyong mga punyal ang tumatarak sa aking dibdib dahil sa sakit.
If only I could be no one in someone’s story who doesn’t care about anyone at all even to her bully… Hindi sana masakit. Nakakasawa lang sana.
Why do I even feel this anyway? Ano ba kami? Enemies? Probably…
“Hey, sinaktan ka ba ni Callum?”
Sinalubong agad ako ni Aki nang pumasok ako sa classroom.
Kapwa silang dalawa ni Cedrick na naghihintay sa bungaran ng pinto.
Katahimikan lamang ang isinagot ko kay Aki.
“Wazzup, Lara. Hindi naman siguro naging bakla si Callum diba? You know pumatol ng babae.”
Pinulot ko ang aking bag. Huminga ako ng malalim. Baka mamaya ay madamay na ang dalawa. Mabuti kung uuwi na lamang ako. Ayaw kong maabotan pa ako ni Callum dito sa classroom.
Ayaw kong makita ang kaniyang mukha.
“W-we just talk,” nanginig ang aking boses.
“You sure? Your voice sounds husky. Namamaga rin ang mga mata mo. Your eyes are so red. Including your lips and your cheeks. Para kang nagblush on sa sobrang pula,” sabi ni Aki habang sinasabayan ako sa paglalakad.
Napansin niya pa pala iyon.
Hindi na sumunod si Cedrick. Mukhang hihintayin na lang niya si Callum sa classroom. They are friends after all. Siya na ang kakausap sa kaniya.
Lumiko ako sa hallway papunta sa gate 2. Nahihiya akong lumabas sa gate 1. Sa ginawang eksena ni Callum ay alam kong ako na ang lamang ng bibig ng mga tao simula ngayon. O baka kanina pa.
“I’m going, Aki. Mark me absent the next days. Sa Friday na lang ako papasok.”
“If that’s what you want. Pupunta na lang ako sa bahay niyo. Tell me every details I need to know,” sabi niya.
Tumango na lamang ako at kumaway na bago binuksan ang gate 2. Nang makarating ako sa labas ay malakas akong suminghap sa hangin. Sa ginawa ko ay para akong nabunutan ng tinik sa aking lalamunan. Natauhan ako sa ginawang katangahan.
If I didn’t do that. Hindi ko pa malalaman…
If that means forever. Then, it’ll be the day until he dies.

Komento sa Aklat (104)

  • avatar
    LI NG

    The story is very nice

    21/07

      0
  • avatar
    Kira Lawas

    wow

    17/07

      0
  • avatar
    Dominguez Jay

    nice story

    05/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata