logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2 On my will

“Bakit ka na naman nakatulala jan, Lara? You’ve been out of nowhere since the class started. Saan ba napadpad ang utak mo?”
Inabot sa akin ni Aki ang isang coke mismo at Nova. Imbes na umupo ay tumayo lamang siya sa aking harapan at malaya akong sinusuri. It’s been days since I saw Callum at the farm. Hindi ko alam kung anong mukha ang maipapakita ko sa kaniya ngayon. Nahihiya ako!
“Nakwento ko na naman sa ‘yo, Aki. No need to ask and repeat my words.”
Sumandal ako sa aking upuan habang nginunguya ang Nova chips. Nakalimutan na ba agad niya?
“It’s all about him again, Lara. Masakit na sa tainga.”
“I still didn’t utter his name, Aki. Huwag kang problemado okay?”
“Problemado ako okay? Your obssession towards him might gone wrong, Lara.”
“I can lead it right, Aki. Huwag kang mag-alala,” sabi ko ng nakangiti.
Tumayo na ako at pinampag ang nakusot kong sibilyan na damit. I know Aki’s just concerned. She’s my friend after all. I can handle my feelings right. Hindi pa naman ako iyong tipo ng babae na maghahabol kay Callum. Every one knows, but I didn’t confess. As long as I didn’t. Tama ang ginagawa ko. I know when to stop. It’s a part of high school life, normal lang magkagusto and it’s normal to me.
Baliw na ako kapag wala pa akong nagugustuhan.
Umakla agad sa braso ko si Aki nang makitang tumayo ako. Alam ko na agad ang ibig sabihin ng kaniyang naging inakto.
“May isang subject pa tayo, Aki. Hindi ako uuwi. Magc-cr lang.”
Kasabay ng kaniyang pag-ngiti ay ang pag-higpit ng kaniyang mga kamay na nakahawak sa aking braso.
“Sasama ako. I don’t want to be left out.”
“Sige.”
Dala ang Nova at mismo ay tinungo namin ang cr ni Aki. Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ng pinto ay nakasalubong na namin si Cedrick at Callum na papunta sa aming direksiyon. Napalaki ang aking mata at hindi agad alam kung ano ang gagawin.
I didn’t saw both of them since our first class started. Ngayon lang. Where did they go? Ngayon lang ba sila pumasok?
Kinurot ko si Aki sa aking gilid dahilan para mapadaing ito ng kaunti. Pinanlakihan niya ako ng mata kaya’t agad ko siyang sinenyasan na magpalit kami ng pwesto. Alam kong iiwasan lang ako ni Callum sa tuwing magkakabanggaan kami. He wouldn’t dare to lay a single touch on me. Kahit ang aksidenteng magkadikit lang ang aming balat ay iiwas na agad siya na para akong may isang nakakahawang sakit.
“Hi, Lara!” bati ni Cedrick.
Ngumiti ako at pilit na itinuon lamang ang atensiyon kay Cedrick. Nahihiya ako kay Callum. Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa kaniya kapag sinabi na sa kaniya ng Don ang ginawa ko noon? I begged for pete’s sake!
“Goodmorning, Pres!”
I tried my best to sound joyful as I can. Nakita ko na agad ang paglukot ng mukha ni Cedrick. Napakagat labi ako. Did I do anything wrong?
“You didn’t call me by my name last Saturday. Doesn’t mean I am the president of the class where you migrated, you can’t call me by my name.”
Napangiwi ako. I felt uncomfortable saying his name infront of him knowing Callum is with us right now. Pahapyaw kong sinilip si Callum. Gusto ko na lang magtago sa likuran ni Aki nang makitang nakatingin siya sa akin. Mabuti na lang at agad na pumagitna si Aki sa usapan.
“Hi, Cedrick!”
Binalingan ni Cedrick si Aki. Nawala ang kaniyang pagkakangiti at binati pabalik si Aki.
“You’re here,” sambit ni Cedrick ng walang emosiyong nakatingin kay Aki.
What’s wrong with them?
“Well, I think I’m supposed to.”
Ngumiti si Aki na mukhang hindi manlang kinilabutan sa tinging ipinupukol sa kaniya ni Cedrick. She looks unbothered.
“Saan kayo pupunta?”
Muli akong binalingan ni Cedrick. Muntik na akong mapangiwi nang maramdamang kinurot ako ni Aki sa braso. I gave her an unknowingly look. Pinandilatan niya naman ako ng mata at nagpalit palit ang tingin niya sa aming dalawa ni Cedrick. I can’t get what she mean.
“Girls comfort.”
Ako na ang sumagot. Mukhang wala ng balak si Aki na pagtuonan pang muli ng atensiyon si Cedrick.
“There was an accident at the girls comfort room. For now you can’t use that. Pwede niyo munang gamitin ang comfort room sa office ng Principal. I think she seldom use that.”
Kumunot ang aking noo. An accident?
Bumulong sa aking tainga si Aki.
“May intruders na nakapasok kahapon ng 5 pm. I heard they killed someone in the girls comfort room.”
Umawang ang aking labi.
“Killed!?” hindi mapigilang bulong na pasigaw ko.
Mahigpit ang mga guards ng school na ‘to. Paanong makakapasok ang mga intruders. And they say it was 5 when it happens. Sa mga ganoong oras ay halos wala ng tao ang buong school bukod sa ilang mga guro at sa guards.
“Rape and murder was the case.”
Muli akong napalingon kay Cedrick ngunit imbes na si Cedrick ay si Callum ang sinalubong ng aking mga mata. Why would he stare at me right now? I find it weird. Hindi ito ang gawain niya noon. Mag-iiwas siya ng tingin at hahanap ng mga kaklase naming lalandiin niya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makitang mas lumalalim ang titig niya sa akin.
“This is interesting.”
Bulong muli sa akin ni Aki at impit na napatili. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. What’s interesting? Finding out there was a crime happened in the school today? The teachers were so dumb to not adjourn the classes.
Umiling ako at tinanggal ang pagkaka angkla ng braso sa akin ni Aki.
“I need to pee,” bulong ko.
“You can go alone right?”
Kumunot ang noo ko.
“You insisted to go with me a few minutes ago. Ngayon pinapabayaan mo akong pumunta mag-isa?” tanong ko nang nakataas ang isa kong kilay.
“Well, what can I say?”
Pinanood ko lamang ang paglawak ng ngiti ni Aki. Segundo lamang ang lumipas ay nakita ko na ang papalayo nitong likod mula sa akin na tumatakbo sa ibang direksiyon.
“Aki!” sigaw ko at akmang susunod.
Napatigil lamang ako nang maramdaman ang mga kamay na humawak sa aking braso. Si Cedrick lamang iyon at pinipigilan ako sa pag-alis at pagsunod kay Aki.
“Let her.”
“No! She’s going at the crime scene!” sambit ko.
“Matanda na siya, Lara. If that thing interest her then be it. Hindi naman kami ang sisitahin ng mga pulis na nandoon.”
Hinawi ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin. Alam kong pinapanood lamang kami ni Callum at ayaw kong makita niya ang pagdikit dikit ko sa kaniyang kaibigan. He might misundertsand me by his judgements again.
“Susundan ko si Aki.”
May pagdiin sa aking salita. Muli kong hinawi ang kamay ni Cedrick sa akin. Tumakbo ako. Ngunit marahas ding napabalik sa kung saan ako nakatayo kanina dahil sa malakas na paghila sa akin. Kumunot ang noo ko. Cedrick was too harsh. Pakiramdam ko ay mapipisa ang aking braso sa kaniyang pagkakahawak.
Lumingon ako. Imbes na si Cedrick ay ang mukha ni Callum ang nabungaran ko. His hand was on my arm, tightly holding it like there is no reason to escape. At dahil matangkad siya at hanggang dibdib niya lamang ako, kailangan ko siyang tingalain.
Napalunok ako sa pagtatagpo ng aming mga mata. Bumagsak ang aking tingin sa kaniyang dibdib upang makaiwas sa pagka-asiwa. Ngunit mas lalo lamang akong na asiwa nang makita ang kaniyang malapad na dibdib. Damn..
“Let go…”
I tried to get my hands. Pinilit kong tanggalin ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa akin nang hindi siya dinadantayan ng kahit isang daliri lang.
“You are so stubborn aren’t you? Kahit ang presidente ayaw mong sundin.”
Nahimigan ko ang pagdiin sa boses ni Callum. He is doing it because I was commanded by his bestfriend to stay. Not because he cares.
“Dalawa ang presidente sa classroom na inuukupa nating lahat… I only have one classroom president who I obey when it comes to my sake. It’s only, Aki.” Sabi ko. Pilit ko pa ring iniiwas ang aking tingin.
Dumako ang aking mga mata sa kung saan ko huling nakita si Aki at wala na siya doon. I can’t see Cedrick’s presence either. Siya ba ang sumunod kay Aki?
“Teritoryo namin ang classroom na inuukupa niyo ngayon. Learn how to respect not just one but two presidents.”
Ngumiti ako. Ang pilit na ngiting gustong gusto kong ipinapakita kapag nakikipagplastikan sa isang tao.
“You are just a Vice president who does nothing but to stick with the president.” Panunuya ko.
Pinatunog niya ang kaniyang dila. I know that sign. Alam kong naiinis na siya sa tabas ng dila ko.
“Stop being immature. Grow up, Laraine.”
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Oh my! Ngayon ko lang narinig ulit ang paglabas ng aking pangalan sa kaniyang mga dila. Ilang taon ko na iyong hinihintay. It was so smooth.. Parang gusto ko na lamang ipaulit na bigkasin niya ang aking ngalan.
Huminga ako ng malalim. Stop your imagination, Lara. Hindi habang buhay ay tatawagin ka niya sa pangalan mo. Babalik ulit iyan sa pagtawag sa apelyido mo.
Hindi ko na kailangang pilitin sa pagtanggal ng kaniyang braso sa akin si Callum. Kusa na niya iyong tinanggal at parang napapasong naglakad paatras sa akin. He gave distance to ourselves.
Tumalikod ako at bumalik nang walang imik sa aming classroom. Kinuha ko ang maliit na paper bag kung saan nakalagay ang aking mga gamit at diretsong lumabas muli. As much as I crave for Callum’s atenttion, I don’t want a feud or any misunderstanding between us.
Nakita kong nakasandal lamang si Callum sa pinto ng classroom namin ngunit hindi ko na siya binigyan ng pansin. Dirediretso lamang akong naglakad sa mga hagdan habang paakyat papunta sa office ng Principal.
Aki is so weird. Anything that has to do with crime scenes ay gustong gusto niyang makita. Hindi na ako magtataka kung maging detective siya o isang pulis balang araw.Tho, days will pass and surely she’ll change her interest.
Kumatok ako sa Principal bago pumasok. Walang tao sa loob. Napakatahimik at tanging ang gumaganang electricfan lamang ang naririnig kong tunog. May ilang mga papel ang nakatambak sa ibabaw ng mesa ng Principal.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. The Principal is not here. Hindi ko pwedeng gamitin ang cr ng walang permiso niya. Napahinga ako ng malalim. Akmang lalabas na ako nang makita si Callum na papasok sa loob ng office.
Napamulat ako at hindi alam ang gagawin. Both of us in one room with no other than anyone else. Anong ginagawa niya rito?
Papabayaan ko na lang sana ang kaniyang presensiya at nagplanong umalis. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ay narinig ko na siyang nagsalita.
“Hindi mo nakita ang rest room?”
“Hindi na ako magpapalit,” sabi ko.
“Minus points kapag hindi nakapagsuot ng PE uniform.”
Napapantastikuhang nilingon ko si Callum. Nakatalikod siya sa akin at nakaupo sa harap ng Principal’s table.
“E anong tawag sa suot mo ngayon? I’m not just the one who is violitaing a rule for minus points.”
“A high score is a must. Balita ko nagsisimula ng magpatest ang UC para sa mga scholars nila.”
Napatigil ako. Hinarap kong muli si Callum dahil sa pagkuha niya ng aking interest. UC was my dream college school. It is an oppurtunity if I make it to be a scholar. I’m confident with my grades. There is no way I can’t pass. Tho, I still need to take a test to make sure.
“Then? Ano ba talagang pinupunto mo, Callum?”
“You need your points, Lara. Don’t waste it.”
Napaismid ako. “Wether I pass or not. Nakadepende iyon sa magiging score ko kapag nagtake ako ng exam.”
Pinanood ko ang pagtayo ni Callum at pagharap sa akin. Muntik na akong mapangsinghap nang makita ang kaseryosohan sa kaniyang mukha. Lalamigin ang kahit sino mang tagpuin ang kaniyang mga tingin.
“Hindi mo nakuha ang gusto kong iparating, hindi ba?” tanong niya.
“Nakuha ko… I know you hate me so much—”
“I want you out of the plantation, Laraine.”
Napahinto ako.
“A-ano?”
“Ang pagiging parte mo sa plantasiyon ay ikapapahamak ng Lolo ko, Lara. You are a disgrace to his busines. Pinilit mo siyang kunin kang trabahador sa murang edad. Now tell, me. We didn’t break a law did we?”
Napakurapkurap ako. His words got me. He was too harsh. Pakiramdam ko ay nanggigilid na ang aking mga luha. Why does his words can hurt me easily?
“As far as I know. I’m in legal age now and can do whatever I want. Past doesn’t define my future.”
“According to republic act No. 7610. Section 12 Employment of Children. Children below fifteen years of age shall not be employed except: When a child works directly under the sole responsibility of his parents or legal guardian and where only members of the employer's family are employed.”
Nalaglag ang aking panga sa kaniyang sinabi. How could he? He isn’t a lawyer to know the act. He is a student for pete’s sake!
“I am above 15 now, Callum! You don’t have the rights to tell me what that fvcking act is. I clearly know what I’ve gotten myself into.”
Hindi maiwasan ang pagtaas ng aking dugo sa ulo. He isn’t my moher for pete’s sake! I am the guardian of myself!
“Kung nauunawan mo katulad ng iyong sinabi, Lara. Leave my grandfather’s plantation— the farm,” aniya sa mas malamig na tono.
Muli akong natawa. He’s ridiculous!
Pinakalma ko ang aking sarili. Pumikit ako ng mariin at sa pagmulat ng aking mata ay sumilay ang matamis na ngiti mula sa aking mga labi.
“It’s useless uttering the law when you clearly undersand that I work with the sole responsibility of my guardian. Isa pa ay doon nagtatrabaho si Lola. You hate me? Sabihin mo lang, but I will never leave your grandfather’s plantation. He is the ruler. Siya lang ang susundin ko.”
Napalabi siya at tumitig sa akin ng matiim. Hindi rin nakatakas sa aking tingin ang pagtiim bagang niya.
“Well then, if he fire you. Will you leave?”
Nawalan ako ng imik. Don would never fire me like what he is saying. Tapat ang Don sa kaniyang mga trabahador at ganon din kami sa kaniya. We never put danger in his plantation. There is no reason he will fire me, unless…
“On my will,” sabi ko at tumalikod na.

Komento sa Aklat (104)

  • avatar
    LI NG

    The story is very nice

    21/07

      0
  • avatar
    Kira Lawas

    wow

    17/07

      0
  • avatar
    Dominguez Jay

    nice story

    05/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata