logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Guilty

After I confirm my allergy to Kuya Apollo ay medyo iniwasan ko si Ephraim. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa mga bagay na iyon. Ayaw ko siyang kausapin.
“Isang paalala pa sa inyong dalawa ay mapipilitan na akong i-expell kayo!” sabi ng guro namin nang minsan na naman niya kaming maabotan ni Devina na nag-aaway. She is saying those things actually in front of our classmates. Pinapagalitan niya kaming dalawa sa harapan nila.
Nakasara ang mga bintana at pinto ngunit mukhang hindi iyon sapat para walang lumabas na ingay mula sa loob ng classroom. Ang lakas ng boses niya. Nakakahiya!
Hindi na lang ako umimik at nagbaba ng tingin.
Lahat ng classmates namin ay napakatahimik. No one bravely utter a word. Takot lang nila na madamay sa galit ng guro namin.
“Ikaw, Devina,” binalingan niya ang babaeng katapat ko. “I expected you to be the peace leader because I thought you are responsible enough to lead your classmates. Heto at ikaw pa ang nagsimula ng away!” sabi niya.
Mukhang wala namang pakialam si Devina dahil nag-iwas lang rin siya ng tingin. Nakacross ang kaniyang mga braso at pinaglalaruan ang mga kuko. Kasabay nito ay ang pasimple niyang mga pagpadyak.
Tumalim ang titig ko sa kaniya. Walang manners!
“And you,” napaayos ako ng tayo.
“Yes ma’am?”
“Come with me in the library,” aniya at lumabas na.
Binigyan ko ng isang huling matalim na titig si Devina bago sumunod sa guro namin.Nang makarating kami sa library ay, agad akong pinaharap ng teacher namin sa mga nagtataasang shelves.
Anong gagawin ko sa mga iyan?
“This will be your punishment.”
“Ano?” gulat kong tanong.
Itinuro niya ang mga libro. “Ayosin mo, kung nasaaan ang literature ay doon lang mananatili ganon rin ang iba.”
“This is my p-punishment?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Just wow. Ang tataas ng mga shelves! Makakaya ko ba iyang mga ‘yan!? Mabuti sana kung katulad ko si Hermione para mas maging madali ang lahat. Isang wagayway lang ng stick ay nasa kaniya kaniyang pwesto na ang mga libro.
“No buts, dadalhin ko si Devina sa principal’s office. ”
At ano? Para mag relax na naman? Come on! Nanay niya ang nandoon! Sigurado ako kukunsintihin niya lang si Devina. Strikto ang principal namin. Lalo na sa akin.Iniirap irap lang din niya ako.But with her daughter. Like mother like daughter. Tsk.
Naalala ko noong last year.Nakabanggaan ko sila sa isang grocery store. Humingi ako ng pasensiya, but her mother just rolled her eyes and passed by me. See?
Mean girls.
Nang makaalis ang guro namin ay sinimulan ko ng ayusin ang mga libro. Kahit na nagrereklamo pa ako sa loob loob ay pinabayaan ko na lang.
Simula sa unang shelf ay nahilo na ako sa pinaghalo halong mga libro. Hindi sila naayos at wala sa mga tamang lugar.May mga libro na nasa unang shelf at dapat ay nasa fourth shelf.
Napahinga na lang ako ng malalim. I hate it! Mamimiss ko ang ilang klase ko! Hindi man lang ako excuse sa mga susunod pa.
Bakit ba kasi napakapapansin ng babaeng iyon at ako pa ang palaging inaaway? Kaonti na lang talaga ay mapupuno na ako. 
Kinuha ko ang limang pilosophy book na nasa second shelf at dapat na ilipat sa fifth shelf.  Hinanap ko kung nasaan ang mga kasama ng librong hawak ko. Mabilis na naglibot ang aking mga mata.  Gusto kong matapos agad para makaattend sa mga next classes ko.  Tough, kahit nandoon pa si Devina ay mas gugustuhin ko na lang makipagsukatan ng tingin sa kaniya kaysa ang malagyan ng mark na absent sa attendance. 
Napatampal na lang ako sa noo nang makita kung nasaan ang philosophy books.  Nandoon iyon sa pinakaitaas at hindi ko kayang abotin!
Naglibot ang aking mata at mabilis na dumapo iyon sa librarian. Si Mrs. Consuelo na mukhang kararating lang. Nagulat pa siya nang makita ako roon ngunit agad akong nagpaliwanag. Napatango na lang siya nang marinig ang mga rason ko.
“’Yong hagdan sa mga shelves, Ma’am. Hindi ko po mahanap,” pagsingit ko sa kung ano mang pinag-uusapan namin.
“Nasa bodega sa gilid ng ikawalong shelf. Kunin mo na lang doon, Zaphira. Tataposin ko pa ang pagpipirma sa clearance ng junior,” sabi niya at tumalikod na upang maupo sa kaniyang pwesto at nang makapagsimula na.
Hindi na lang rin ako umimik at mabilis na tinungo ang bodega. Mukhang mas maaga ang closing ng juniors ngayon kaysa sa aming mga seniors. Nagpapasign na silang lahat ng clearance ngunit sa amin ay hindi. Hindi pa tapos ang last semester test namin.Sa susunod na linggo pa iyon. Nakakainggit dahil mapapaaga ang kanilang bakasyon

Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita ang hagdan na sinasabi ni Mrs. Consuelo mula sa kwartong sinasabi niya. Puro mga lumang libro lamang ang nilalaman ng mga kahon ang naroon. Ipinalibot ko pa ang aking mata upang masuri kung nasaan nga ba nakalagay ang hagdan. Kusang dumapo ang mata ko sa isang pinto.
Sinunod ko iyon at binuksan para makita ang laman.
“AHHH!” Naphiyaw na lang ako nang makita ko si Ephraim na bigla na lang sumulpot sa harapan ko pagkabukas ng pinto. Napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang malakas na pagsigaw.
Nanlaki ang aking mata.”Ephraim, wala ka namang lahing kabute pero bakit ka sulpot ng sulpot?” tanong ko.
Nakakunot ang kaniyang noo. Ngunit hindi rin nakaiwas sa akin ang panlalaki ng kaniyang mata nang makita ako.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.
“Ako muna ang sagotin mo,” pabalik na tanong ko.
Buset! Mukhang aatakihin pa ako sa puso dahil kay Ephraim. Hindi na ata my heart went oops nangyayari sa akin kundi heart attack na. Huwag naman jusko. Kay Ephraim ko gustong bumagsak hindi sa langit.
“U-uhm. . . I’m here to give this back,” ipinakita niya ang hagdang hawak.
“Kanina ko pa hinahanap ‘yan,bakit mo hawak?” kinuha ko sa kaniya ang hagdan at tumalikod na. Ngunit agad rin akong napalingon pabalik. Nakatayo pa lang roon si Ephraim at hindi nag-iiwas ng tingin. Nakacross rin ang kaniyang braso sa kaniyang dibdib.
Nakagat ko na lamang ang loob ng aking pang-ibabang labi sa nararamdaman kong unti unting pamumula ng mukha ko. Nakajeans siya at t-shirt na mukhang kinulang sa pagkaluwag dahil sa sobrang pagkakasabog ng kaniyang mga nakadepinang braso.
Damn! He’s so hot with his posture!
“Anong ginagawa mo rito?” ipinilig ko ang aking ulo.
“Aalis na ako,” tumikhim siya.
What the hell? Aalis siya ng ganon na lang?
“Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, Ephraim. Anong ginagawa mo rito?” pang-uulit ko.
Nadismaya na lang ako nang makita ko ang kaniyang pagtalikod. Ano kayang gagawin ko para naman magkainteres sa akin si Ephraim? All my life nagawa ko ng magpapansin sa kaniya ngunit walang mga nagiging epekto. He’s not even falling for me like what I read from those romantic books I bought. Alam kong kinamumuhian niya ako.Hindi niya lang masabi because he’s not a man with his words. I would be really glad if he ever fall inlove with me.
“Oo,” nilingon ko ulit si Ephraim nang marinig ko siyang magsalita.
“Ano?”
“Oo ang sagot ko,” sabi niya habang nakatalikod pa sa akin.
“Sa tanong ko?” huminto siya sa paglalakad ngunit hindi ako sinagot “Ephraim, hindi nasasagot ng ‘oo’ ang tanong ko sa’yo. Kailangan ko ang paliwanag mo.” Huminto ang aking boses sa panghuling sinabi ko ngunit iyon yata ang nakakuha ng kaniyang pansin. Hindi naging sapat ang kahinaan ng boses ko para hindi niya marinig iyon.
Tama nga ako dahil lumingon siya. Sobrang lamig ng kaniyang mga mata. His lips were in a thin line.
“Bakit mo kailangan ang paliwanag ko, Zaphira?” tanong niya.
Nagulat ako nang humakbang siya paunti unti. Mas lalo akong naghabol ng hininga dahil sa ginawa niya.
“P-paliwanag?” pang-uulit ko. Daym! Bakit ko ba kasi nasabi iyon? Baka ay sabihin pa niyang wala akong karapatan para hingin iyon sa kaniya.
“You’re asking for it, tell me. Bakit mo iyon kailangan?” tanong ni Ephraim. Humihina na ang kaniyang boses at nagiging mahinhin iyon. Mas lalo akong kinabahan sa mas papalapit pa niyang presensiya.
Napalunok ako. Naghahagilap ng kung anong pwedeng sabihin. Nagsimulang maglikot ang aking mga mata.Iniiwasan ko ang mga titig niya.
Kung bakit ay, ano ba talagang ginagawa niya rito? Iyon lang naman ang tanong ko sa kaniya bakit hindi pa niya masagot?
Bago pa makalapit nang tuluyan sa akin si Ephraim ay mabilis na akong tumakbo papunta sa loob ng bodega at library. Dumiretso na ako sa ikalimang shelf at inilagay sa pwesto ang hagdan. Napasandal ako sa likod ng shelf at marahang hinaplos ang dibdib ko. Mabilis pa rin ang pagtibok nito. Pakiramdam ko ay hinihingal ako.
Huminga ako ng malalim. Inayos ko ang aking suot na uniporme at tinungo ang isa sa mga mesa sa loob ng library para kunin ang mga libro sa philosophy. Nang maabot ko pinakataas ng shelf ay isa isa kong nilagay sa kaniya kaniyang pwesto at inayos ang mga libro.
Inabala ko na lang ang aking sarili sa pag-aayos ng mga shelf. Umakto akong parang walang nangyari. Sa bawat pagbalik ko sa unang shelf ay napapansin ko ang mga pag-alis ni Mrs.Consuelo palabas ng library na siyang ikinatuwa ko.
Nakita ko ang isang libro sa pinakahuling shelf na malapit ng malaglag mula panghuli sa ikatlong row.Hindi iyon ang tunay na pwesto ng libro. Tinalon ko ang libro. Umatras iyon dahilan para mahirapan akong lalo. Tinatamad na akong kunin ang hagdan dahil may kabigatan ito. Pagod na pagod na ako ngunit nagmamadali akong matapos.
Tinalon kong muli iyon. Sa pagkakataong iyon ay nalaglag na ngunit sumapol sa mukha ko.
“Ouch!” Napadaing ako. Hinaplos ko ang noo ko kung saan tumama ang matalim na parte ng libro. Ang sakit!
Sumandal ako sa harap ng panghuling shelf. Pumikit ako at minasahe ang noo. Sa tuwing nararamdaman ko ang hapdi nito ay napapaungol ako. Shit! Ang malas ko sa araw na iyon. Nang maging okay ang aking pakiramdam ko ay pinulot ko ang libro. Napangiwi na lang ako nang makita kong napunit ang book cover nito. Hindi naman siguro iyon mapapansin ng librarian kung maaayos ko iyon ng maayos.
Huminga ako ng malalim. Pumunta ako sa likod ng shelf at nilagay sa tamang pwesto nito. Napadaan ako sa salamin na nasa isang gilid. Binuksan ko ang switch nito para mailawan ako. Itinapat ko ang mukha ko sa salamin para tingnan ang noo. Umawang ang aking labi.May bukol ito at medyo namumula pa.
Pinatay ko ang ilaw. Napatingin ako sa aking gilid nang makakita ako ng anino mula rito. Napasinghap ako.
“Ephraim!” napahawak ako sa aking dibdib.
Nakasandal si Ephraim sa shelf at nakacross na naman ang dalawang braso. Medyo madilim sa kaniyang kinalalagyan ngunit naaninag ko pa rin siya.
“Tapos ka na?” tanong niya.Kumunot ang noo ko.
“Anong ginagawa mo rito?” nagtanong rin ako. Akala ko ay umuwi na siya?
“Diba kailangan mo ng paliwanag ko? Sabihin mo,” he paused “bakit mo iyon kailangan, Zaphira?”
Nanlaki ang aking mata.Sa tagal ng oras ay hindi pa rin iyon nawawala sa isipan niya.
“Paliwanag isn’t the right word for my question, Ephraim. Nadulas lang ako. At isa pa, hindi ka dapatnandito,” nakagat ko ang aking labi para kasingungalingang sinabi ko.
“Then, why? Bakit ka nadulas?”
Bakit ba ang dami mong tanong?
“I was just out of my mind. Bakit ba hindi mo nalang hayaan iyong nangyari kanina, Ephraim?”
“Bakit ko iyon hahayaan kung hindi mo sinagot ang tanong ko, Zaphira?” humakbang siya palapit.
Napaatras ako.
“Hindi mo rin naman sinagot ang mga katanongan ko kanina? Ang sagot mo ay oo, ngunit hindi nasasagot ng oo o hindi ang tanong ko sa’yo Ephraim? The question is why, bakit mo iyon sinagot ng oo that’s why I need an explanation for that?”
Napasinghap ako.Naramdaman ko ang malamig na salamin sa aking likuran. Napasandal na ko roon dahilan sa wala na akong maatrasan. I’m doomed!
“Why are you so curious,hmm?” tanong niya.
Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman kong lang dangkal na lang ay maglalapit na ang aming katawan. Huminto siya nang pinagkrus ko ang aking mga braso sa aking dibdib.
Nanatili akong kalmado. Nakipagsukatan ako ng titig sa kaniya. Ngunit ako rin ang unang nagbawi dahil para akong napapaso sa uri ng mga titig niya. Napakalamig.Pakiramdam ko ano mang segundo ay magtutunaw na ako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Naasiwa ako dahil doon.
“Bakit ka narito?” tanong ko.
Narinig ko ang malalalim niyang paghinga.Afer a couple of seconds, he looked up , giving me a full show of his addam’s apple. Napalunok ako. Umaalon ang kaniyang adam’s apple. Nakakapanghina. Natutukso akong lapitan iyon at haplosin.
Bago pa muling tumingin sa akin si Ephraim ay kinuha ko na ang tsansang iyon para kumaripas ng takbo. I feel suffocated infront of him. It makes me feel uneasy. Sobra sobra na ang tibok ng puso ko. Agad akong napahinto nang higitin ni Ephraim ang aking braso at muling isinandal sa likod ng salamin.
Damn. Ang bilis niya. I never thought he have this fast reflexes. Ni hindi manlang siya umalis sa kaniyang kinatatayuan.
“Let me go, Ephraim!” I hissed. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
“Bakit ka ba tumatakbo, Zaphira? Ako ba, o ang mga tanong ko ang tinatakbohan mo?” tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at mas lalong nagpumiglas sa hawak niya. Sa sobrang pagpupumiglas ko ay nasiko ko ang switch ng ilaw ng salamin sa gilid dahilan para magkaroon ng kaunting liwanag sa pagitan naming dalawa.
“Ano ba, Ephraim! Nakakasakit ka na!” Naramdaman kong lumuwag ang kaniyang hawak. Iwinaklit ko ang kaniyang kamay at hinaplos ang aking braso.Namumula ito.
“Answer me, Zaphira.” Umalon ang kaniyang adam’s apple. Nakita ko ang pag-baba ng kaniyang tingin ngunit agad ring nag-angat. Lumambot ang kaniyang expression.
“Napakacommon ng tanong mo, dapat ay alam mo na ang sagot niyan Ephraim.”
“Not every question has the same answer. It depends on the reason, Zaphira.”
“Then, tell me. Bakit oo?” panghahamon ko.Nawalan siya ng imik.
Pinasadahan niya ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri.Humina ang kaniyang boses. Ipinatong niya ang kaniyang isang kamay sa switch. He leaned toward me and licked his lower lip.
“Oo, nandito ako para bantayan ka. . .Oo, nandito ako para alamin ang mga galaw mo. . .Oo, nandito ako para sunduin ka, dahil iyon—” I cut him off.
“Dahil iyon ang ustos ni mommy?” my face hardened.
Nakalipas ang ilang segundo bago siya tumango.
I laughed, sarcasticly.
“Can you just do something without anyone’s order? Nakakainsulto, ha.”
“Hindi mo pa kaya ang sarili mo, Zaphira kaya ka pinababantayan,” he said.
“What? Sa tingin mo ilang taon na ako? Kaya ko na ang sarili ko, Ephraim. Without anyone’s care or will, I can take care of myself!” pabulong sa sigaw ko. Gustong gusto ko ng sumigaw ngunit nag aalala ako na baka marinig kami ng librarian. Inis na inis na ako sa loob ko.
Lahat na lang ng ginagawa niya ay dahil utos ni mommy! Hindi ba pwede iyong kusa niya? It makes me feel insecure and humilliated.
“Well not this time, Zaphira.”
“I’m 18!
“I’m 20! Mas matanda pa rin ako sa’yo, Zaphira!”
Tumaas ang isa kong kilay. “So, what! Kailangan ba tawagin kitang Kuya?” I teased.
“Zaphira!” hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagbabanta sa boses niya.
“Kuya Ephraim! Ayos ba?”
“Isa Zaphira.”
“Mas matanda ka sakin, kaya dapat kitang respetuhin. Diba? Kuya Ephraim?” pinadiinan ko pa ang huli kong sinabi.
“Stop! Hindi mo ako Kuya!”
“Iyon ang sinabi mo, hindi ba?”
“Hindi mo ako kadugo! Stop calling me, Kuya. Nakakairita!” inis na sambit niya. Napangisi na lang ako. Hindi ba iyon ang gusto mo? Ang respetuhin kita?
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Natutuwa ako sa ipinapakita niyang asal. Inis na inis siya. Nakita ko ang nakakuyom niyang kamao.
“Umalis ka na. Bago pa may maka kita sa ating magkasama,” sabi ko.
He sigh. Mukhang wala siyang magagawa sa inis niya sa akin.
“I’ll wait for you. Pumunta ka na lang sa pampang. Hintayin kita roon. Sa gate 2 ako dadaan sa likod,” sabi ni Ephraim. Tumalikod na siya pero hinawakan ko siya sa braso para pigilan.
“Hihintayin mo ako ng m-maghapon?”
Tiningnan niya ang relong pambisig. “Sampung minuto lang kitang hihintayin,” saad niya. Siya na mismo ang kumalas sa hawak ko. Nakita kong dinaanan niya muna ang hagdan at siya na mismo ang nagpasok non sa bodega. Ang huli ko na lang narinig ay ang matunog na pagsara ng pinto.
Pinagdikit ko ang labi para pigilan ang paghiyaw. Ngiting ngiti akong pumunta sa table ni Mrs. Consuelo. Naabotan ko siyang nililigpit ang mga gamit sa bag niya.
Tumikhim ako para kunin ang kaniyang atensiyon. “Aalis na po ako,” pagpapaalam ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
“Zaphira! Mabuti naman at tapos ka na. Pupuntahan na sana kita pero nandito ka na,” sabi niya.
Damn. Muntikan na pala kami ni Ephraim.
“Ganun po ba?”
Ngumiti siya. “Bumalik ka na sa clasroom niyo and pack your things. Half day tayo ngayon,” saad niya.
Kumunot ang noo ko. “Bakit po?”
“I-uh. .” napatingin siya sa kaniyang relo “I have to go. May urgent meeting pa kami,” sabi niya at mabilis na isinukbit ang bag at lumabas. She left me dumbfounded.
Bumalik ako sa classroom. Nakita kong halos wala ng lamang studyante ang classroom namin. Ang natitira na lamang ay ang mga cleaners.
Nilapitan ko ang isa sa mga kaklase namin. “Uwian na?” tanong ko.
“Oo, may paparating na bagyo. Umaambon rin sa labas. Hindi mo pa ba nakita?” sabi niya. Paano ko makikita kung nasa library lang ako at hindi lumalabas?
Tumango na lang ako at nagpasalamat. Kinuha ko na ang bag ko at umalis sa classroom. Nang marating ko ang hallway palabas ng building ay nakita kong halos bahain na ang daan pababa sa gate 1. Basang basa iyon. Naiponan na rin ng tubig ang bawat baitang ng hagdan pababa. Malakas ang buhos ng ulan. Hindi kumikidlat at hindi rin malakas ang hangin. Thank god!
Agad sumagi sa aking isipan si Ephraim. Basang basa na siguro iyon.
Binuksan ko ang folded umbrella na palagi kong dala at sumulong sa gitna ng malakas na ulan. Dinahan dahan ko ang paglakad sa hagdan ngunit ng marating ko na ang buhanginan ay tinakbo ko na hanggang sa makarating ako sa pampang. Agad na hinagilap ng aking tingin si Ephraim. Nakita ko siya sa silong ng puno ng saging.
Napanganga ako. For real? Doon niya talaga naisipang sumilong? Isang malaking dahon ng saging lang ang nagsisilbi niyang payong. Nakabulsa ang kaniyang isang kamay at patingin tingin sa relo. Naglulumikot ang kaniyang mga mata.
Napailing na lang ako at tumakbo papunta sa kaniya.
“Ephraim!” tawag ko sa pangalan niya.
Napatingin siya sa akin. “You’re 5 minutes late,” sabi niya. Napanguso ako. Ang ganda ng pambati niya ha.
“What do you expect? Halos bumaha na nga ‘yong daanan,” sarkastikong sagot ko.
“Maghihintay tayo rito hanggang sa tumila ‘yong ulan,” saad niya habang nakatingin sa alon ng mga estudyanteng nagsisiksikan sa mga kubo kasama ang mga bangkero.
“Ikaw na lang kaya ang humawak ng payong. Nakakangalay e, ang tangkad mo,” iniabot ko sa kaniya ang payong. Kinuha niya iyon ng walang pag-aalinlangan.
Ang laki naman kasi niyang tao, bakit sa puno ng saging pa niya naisipang sumilong? May kubo naman e!
Inilagay ko sa aking dibdib ang bag ko nang maramdaman ang mga pagtalsik ng tubig ulan sa akin. Ang baba ng palda ko ay basang basa na rin. Tiningnan ko ang sapatos ko at napupuno na iyon ng buhangin.Ramdam ko ang naguumapaw na tubig mula sa loob nito. Kainis! It feel so uncomfortable. Babaho pa ang paa ko nito.
Yumuko ako. Tinanggal ko ang sapatos ko at binitbit. Hinayaan ko na lang ang paa kong ramdamin ang lamig ng tubig na bumabagsak sa buhanginan.
Bumagsak ang tingin ko sa paa ni Ephraim. Kanina pa pala niya hawak ang sapatos niya. Nakapaa na rin pala siya katulad ko.
“Sigurado ka bang titila pa ang ulan?” tanong ko sa kaniya.
“Not sure, though. We’ll have to take a risk. Huwag na nating hintayin na magkaroon pa ng malakas na hangin at kidlat bago tayo pumalaot,” saad niya na siyang agad kong sinang ayonan. We can’t stay like that for hours and do nothing. Walang mga pwedeng malapit na apartment sa Jordan kung mananatili man kami roon.Ma i-stranded lang kami.
Sinunod ko si Ephraim na naglalakad na. Narating namin ang isang bangka sa pampang malayo sa mga studyante at bangkerong nakasilong sa kubo.
“Hold this,” tinanggap ko ang payong na ibinigay niya.
Napasinghap ako nang bigla niya na lang akong hawakan sa baywang at buhatin para mapasakay sa bangkay. Sa ginawa ni Ephraim ay nababasa ang kaniyang damit. Mukhang wala siyang pakialam roon dahil hindi manlang niya ininda ang lamig ng tubig. Sumunod siya sa pagsakay at kinalikot ang makina.
Nag-iwas ako ng tingin. Sa tuwing napapadako kasi sa kaniya ang mata ko ay mabilis iyong bumabagsak sa katawan niyang basang basa na. His body looks so well defined and masculine. Mas naging maliit sa aking paningin ang t-shirt na suot niya. Hapit na hapit na iyon sa kaniya at mas lalong pinapaganda ang hubog ng katawan niya.
Tumingin ako sa harapan. Nagsimula ng umandar ang bangka at lumayo sa pampang. Hawak ko pa ng mahigpit ang payong nang sa ganon ay hindi ako mabasa masiyado. Ang bag ko ay basang basa na. Sigurado akong basa na ang mga notes na laman nito.
Naramdaman ko ang presensiya ni Ephraim sa likod ko. Nilingon ko siya. Nakatayo lang siya roon at diretso ang tingin sa dagat. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Wala na siyang pang-itaas.
Napakurap kurap ako at tumingin muli sa harapan. Sa buong byahe yata ay higit ko ang aking hininga dahil kay Ephraim na nasa likuran ko. Nakarating kami ng maayos sa Yato. Walang kahit na ano mang galos.
Dumiresto na kaming dalawa ni Ephraim sa bahay dahil medyo malayo pa siya sa bahay nila.Nakaligo na ako at nakapagpalit ay nakita kong nasa labas pa siya sa teresa.
Inaya ko siya sa loob at agad naman siyang sumunod. He had no choice because it’s getting cold outside. Nang maisara ko ang pinto ay sakto namang narinig ko ang mas malakas pa na pagbuhos ng ulan sa labas. Sinamahan pa nito ng paunti unting pagkidlat at lakas ng hangin. Sakto lang pala ang ginawa naming pag-alis sa Jordan. Kung hindi ay stranded na kami.
Pumunta ako sa kitchen. Nagluto na ako ng haponan at nakapag-ayos na. Pumunta ako sa sala at nakitang wala pa roon si Ephraim.
I followed the wet step I saw and It’s leading to the bathroom. Kumatok ako.
“Ephraim?” I knocked again. “Nanjan ka ba sa loob?” no one answered.
Pumasok na lang ako at tiningnan siya sa loob ngunit wala siya roon. Tiningnan ko ang nakasarang kurtina ng bath tub. Nanlaki ang aking mata nang makita ko siya roon nakaupo at nakapikit ang kaniyang mga mata. Nakatingala siya wearing nothing but only his boxers. Kitang kita ko ang namumukol niyang harapan. Gosh! My innocent eyes!
Demi God! Ano pa bang ginagawa niya at hindi pa nagbibihis.
Napalunok ako a muling pinasadahan ang katawan niya. Nagkikininangan ang mga braso niya dahil sa basa ang mga ito.
Tinapik ko ang kaniyang braso. “Wake up.”
Nagmulat siya. Nagtagpo ang aming mga mata at nakita ko ang pamumula ng kaniya.
“You okay?” tanong ko. He seems tired, though.
“Hmmm. .” he moaned.
Napakurapkurap ako at nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.Pakiramdam ko ay naaakit ako sa ginawa niyang pag-ungol.
“Dinner’s ready. Magpalit ka na,” tumalikod ako ngunit pinigilan niya ako gamit ang kaniyang mga kamay.
Nakanguso siya habang nakatingin sa akin. Malambot ang kaniyang mga tingin. “Wala akong pamalit.” I laughed at what he said. Realizing, we just both came from the island and he didn’t get any bag with him that contains his clohes.
Wala akong maipapasuot sa kaniya. Nakalock rin ang kabinet kung nasaan ang mga extrang gamit. Walang extrang towel na nakalabas kung hindi ang akin lang. Kinuha lahat ni Kuya Apollo ang mga damit niya at walang itinira kahit isa.
“I-uhm. . .” I whispered “would you mind,using my clothes for the mean time, if” I paused emphasizing the last word “they’ll fit you?” I offered.
Walang naging reaction si Ephraim at nanatili lamang ang titig sa akin.Hindi pa niya binibitawan ang kamay ko.Mahigpit pa rin ang hawak niya roon.
“Do you?” ngumuso ako.
I finally get the answer when he stood up and get out, making his way to my room. Mabilis ko siyang sinundan at naabotan ko siyang nakatiig sa nakasarang cabinet ko.
Nilapitan ko siya at ako na mismo ang naghalungkat ng damit na susuotin niya. Agad rin akong huminto nang may mapagtanto.
“You choose, or I’ll choose?” I asked. Iminuwestra ng aking kamay ang nakabukas kong cabinet.He was seeing freely everything from my cabinet. Except my undergarments. Lahat iyon ay nasa baba ng cabinet, nakalagay sa maliit na drawer.
“You choose,” he said. Pinag-isipan pa talaga niya, iyong lang naman ang sasabihin. Muli kong hinarap ang cabinet. Napangisi ako nang may maisip na kalokohan. Ang paglaruan siya.
Pumili ako sa mga gamit ko. Hinalungkat ko ang pinakailalim kung saan nakalagay ang mga damit na medyo maliit na sa akin. Pinili ko ang pink na sando na may pares na pink na leggings.
Nilingon ko siya.My jaw dropped when I saw him with my towel covering his body. What the fvck? Nagmukha lang isang maliit na panyo ang towel ko dahil sa hubog ng katawan niya.
Tinanggap niya ang ibinigay kong damit. Walang reklamo siya pumunta sa banyo ko at doon ay nagpalit. Nang lumabas siya ay napahagalpak na lang ako ng tuluyan sa itsura niya. He looks like an innocent baby wearing a girl’s clothes. Shit. He doesn’t look sexy with it. It’s just cute. Damn. Naaawa na ako sa kaniya dahil sa ginawa ko. Hindi manlang siya nagreklamo.
Umayos ako ng tayo at nagpunta sa likod ng pinto ng kwarto ko. Kinuha ko ang nakasabi na jacket roon ni Ephraim na hindi niya kinuha noong isang araw. Ibinigay ko iyon sa kaniya.
“Wear that. Naguguilty ako.” Ibinulong ko ang pang-huling salita.

Komento sa Aklat (228)

  • avatar
    Geraldine Tamon

    she’s buetyfull story

    7d

      0
  • avatar
    Frias Eron

    cool

    15d

      0
  • avatar
    Bûåñg Kâ Kol

    the story I'd very good Nice 🙂👍

    18d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata