logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Allergy

Awang ang aking labi habang tinatahak ang daang tinungo ni Ephraim kani kanina lang. Sumunod ako sa kaniya matapos kong basahin ang mensaheng iniwan sa akin ni mommy. Hanggang ngayon ay hindi pa lubos na napoproseso ng isip ko ang sinabi niya.
Everyone knows how much I like him. Alam ng lahat kung gaano ako karupok pagdating sa kaniya. Alam ni mommy ang posibleng mangyari kapag kaming dalawa lang ang magkasama. I might give myself up kapag natukso ako masiyado. Lalo na’t isipin manlang ay nanghihina na ako.
Bahala na.
Naabotan ko si Ephraim na nasa sala at prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa. Nakadekwatro siya at abala sa pagtipa sa cellphone.
Tumikhim ako para makuha ang kaniyang atensiyon. Agad naman siyang nag-angat ng tingin at ibinaba ang cellphone na hawak.
“Saan ka matutulog kung ganon?” tanong ko.
“Matutulog ako sa kung saan pwed,”sabi niya.
“May isa kaming guestroom. Doon ka na lang. K-katabi lang non ang kwarto ko,” halos bumaba na ang aking boses sa mga huling salitang sinabi.
It’s is very awkward. We are in a close room. I can’t act aggressively like what I have acted few days ago in the shore. Pakiramdam ko ngayon ay tinatamaan na ako ng hiya. To think of it na hindi manlang siya bumawi sa ginawa ko sa kaniya. Naaalala pa kaya niya?
Nagkibit balikat si Ephraim at sumandal sa likod ng upuan.
“What time do you usually sleep?” he asked.
Tumikhim ako. “Depende sa kung ano pang pwedeng gawin,” I answered honestly. Kung malaki nga sana ang buwan ngayon ay lalabas ako at magmumuni-muni.
“Like what?”
“Star gazing, moon gazing, photography, sunset, ocean, etc.” ibinaling ko ang aking tingin sa labas ngunit natatakpan na iyon ng mahabang kurtina.
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya.
“Ano pang tanong mo?” sinalubong ko ang kaniyang tingin.
“Wala na?” he siad unsure of what he had answered.
“Ikaw? Wala ka bang gagawin?”
“No.”
“Hindi mo dinala rito ang trabaho mo?” kumunot ako.
“Kaya kong bumalik sa bahay kapag kailangan kong tapusin ang trabaho ko. It’s not your business, so don’t mind it,” aniya na parang pinapalayas pa ata ako sa mismong pamamahay ko dahil sa kaniyang tono.
He’s still in college. Ngunit nag-ttrabaho na rin siya sa kompaniya ng kaniyang ama.
I scoffed. “Narito ka lang dahil pinapasamahan ako ni mommy sa’yo?”
“Hindi. .” he paused “Narito ako dahil pinapabantayan ka ng mommy mo.”
Pareho lang rin ‘yon.
“You can leave,” saad ko na alam kong makapagpapatigil sa kaniya.
Tumigas ang expression sa kaniyang mukha.
“Your mother had given a responsibility—”
“Don’t mind it. Hindi naman niya malalaman. Kakampi ko lahat ng mga kapitbahay, wala naman sigurong magsusumbong,” ani ko at mas pinatigas rin ang aking tono.
Alam kong pinagkakatiwalaan ni mommy si Ephraim kaysa sa mga kapitbahay.
“Hindi ka sigurado.”
“Bakit? May alam ka ba?” Inalis ko ang jacket na suot at itinapon iyon sa mahabang sofa. “Makakaalis ka na. Kunin mo na yan kung gusto mo, kung ayaw mo naman. Iwan mo muna at lalabhan ko,” sabi ko habang pinipigilan ang pagpupuyos na nararamdaman.
Umalis ako sa kaniyang harapan at nagpunta na sa aking kwarto.
Naiinis ako. Pakiramdam ko ay gusto ko ng kamuhian ang lahat. Why would anyone care about me? Sanay na akong hindi pinapakealaman.I can take care of myself ng ako lang mag-isa. Nasanay na akong palaging walang kasama. Bakit ngayon inihabilin pa nila ako sa ibang tao na siyang mas ikinaiinis ko? Wala ba talagang tiwala sa akin si mommy?
Hinablot ko ang tuwalya sa sabitan at tinungo ang banyo. Napagdesisyonan kong maghalf bath muna at aliwin ang sarili sa loob ng banyo ng ilang minuto habang hinihintay na tamaan ako ng antok.
Napapaisip ako kung ano ba talagang mangyayari kung gabi gabi kong makakasama si Ephraim dito sa bahay. It’s not like, we’ll going to talk. Pwede naman naming lagpasan ang isa’t isa at magkunwaring hindi magkakilala. Ngunit paano iyon kung ang lumayo nga tuwing lumalapit ako sa kaniya ay hindi ko magawa.
Naiinis ako. Hindi kay Ephraim kung hindi ay kay mommy. Why would she leave the two of us in one house? Who in their right mind would do that?
Kinabukasan, ay hindi ko nakita si Ephraim na nandoon pagala gala sa bahay. Umalis na kaya yon? Ang aga naman ata. Sabagay ay ang bantayan lang naman ako tuwing gabi ang inihabilin sa kaniya ni mommy. His only priority was to be with me everynight and guard me
Nakapagbihis na ako ng school uniform at handa nang pumasok sa skwelahan. After checking all the stuffs inside our house, pumunta muna ako sa likod ng bahay upang diligan ang mga halaman ni mommy sa garden. She left all the work on me so she can finally relax. It’s not like, pumunta siya ng Manila para talaga tumulong. Ang tanging aasikasuhin lang naman nila Kuya sa Manila, ay ang ampunan.
Ang ampunan kung saan lumaki si Ate Raphie.
Hanggang ngayon kasi ay pinaiimbestigahan nila ang tunay na mga magulang niya. Gustong gustong malaman ni Ate Raphie kung sino ang kaniyang tunay na mga kadugo. Many years had pass and there’s still no luck for them. They want her real parents to attend the wedding, although nandiyan naman yong mga umampon sa kaniya.
Kung ako nga rin ang papipiliin ay gusto kong tumulong. Kung nagmatigas lang ako noon ay nahanap na ni Ate Raphie ang mga magulang niya. But no, I don’t want to do anything for the sake of my happiness and freedom. I don’t want everything to mess up.
However, they don’t need to worry anything in their wedding.Matagal ng ayos lahat.Hinihintay lang nila ang resulta sa paghahanap ng tunay na mga magulang ni Ate Raphie.
Nang umandar na ang mga bangka at lumayo sa isla ay pinanatili ko lang ang aking buhok na nakalugay at tinatangay ng malamig na simoy ng hangin. Although, I can still feel the warmth of the sun piercing through my skin. Hindi gaya ng iba ay wala kasing silong ang bangka namin.
When we arrived at the shore, mabilis akong bumaba a tinungo ang daan papunta sa eskwelahan namin. Rumarami na ang tao at mukhang malapit ng magtime. I didn’t bother checking my phone ‘cause I left it in the house. I am not expecting any messages today anyway.
“Zaphira!” Nilingon ko ang president namin na isinisigaw ang aking pangalan habang tumatakbo palapit sa akin. Hindi na ako nagulat pa nang isang purse na medyo may kalakihan lang ang dala niya.
Lihim akong napailing. She doesn’t seem like a student willing to learn.
“Devina! Bakit?” tanong ko. Not even smiling nor greeting her goodmorning.
“Nasa iyo ba ang susi sa classroom natin?” she ask, smiling. Alam kong peke iyon dahil napipilitan lang siyang kausapin ako because I know, she needed something.
“Wala sa akin. Baka nasa principal’s office,” i said referring to her mom who’s our principal. Kaya siya may lakas ng loob magyabang dahil mama niya ang nasa taas.
“Wala sa mga key na nakasabit sa board niya. Nasa iyo raw sabi ng mga kaklase natin.”
I pressed my lips together trying not to manifest any emotion.
“I already said it. Wala sa akin,” pagdidiin ko “Baka nasa kaibigan mo?” tumaas ang isa kong kilay.
“Lahat tinuturo ka. Even, Ash.” she stated, mentioning her friend’s name whom I loath a lot.
Nakuyom ko ang kamao.Bakit ba dinidiin na naman nila na nasa akin ang susi? I had never touch it. Noong araw ng schooling ay nag volunteer ako na ako na ang hahawak sa susi.The teacher was hesitant at me, so she gave the keys to Devina, saying she is more responsible than anyone because her mother is in the highest rank.
Nakakainis lang dahil ginamit niya pa ang ina niya para lang maging sikat sa buong school at pagkatiwalaan siya lahat ng guro.
“Hindi ba’t ikaw ang taga-hawak ng susi? Bakit sa akin mo hinahanap?”
“Ikaw ang last na umuwi last Friday. Ikaw ang naglock. Malamang nasa iyo ‘yon.” Lihim na lang akong napangisi nang makita ko ang pagtigas ng kaniyang mukha at pagkawala ng kaniyang ngiti.
“Come on, Devina. We all know, that the door can be lock without using a key. Nakauwi ka na noon kaya paano ko makukuha ang susi mula sa’yo?”
Lumapit siya sa akin. “Did you lost it?” ramdam ko ang pagdiin niya sa kaniyang salita at ang pagpipigil ng inis na kaniyang ginagawa.
Mas lalo akong nainis dahil sa ginawa niya. “Or did you?” pabalik na tanong ko sa kaniya upang ibalik ang inis na kaniyang ibinibigay sa akin.
Inirapan niya ako. Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin habang rinig na rinig ko ang pagbitaw niya ng mga mabibigat na hininga. Tanda iyon na naiinis ko siya.
She suddenly leave making me loosen my rigidity. I saw how she clench her fist as she stormed out infront of my face. By the time I lost her in my sight, I had realize that she really lost the key.
She wouldn’t be pissed like that if I didn’t triggered her. Ipagpapatuloy niya lang ang pakikipagtalo sa akin hanggang sa makuha ang gusto niya. And that is, to try blaming me from something I didn’t do, not even a touch have I give in a tiny key.
I sigh. What a bad morning to welcome the day.
Noong araw na iyon ay napilitan kaming lahat na magklase sa gym dahil hindi namin mabuksan ang classroom. Walang spare key ang teacher namin. At lalong wala rin sa guard house. Devina had it, nawala niya lang.She wasn’t that responsible after all.Like the other teachers are expecting her to be.
I’m much thankful that we didn’t end up being detentioned because of having a feud.
Matapos iyon ay hindi ko na muling pinansin pa si Devina. Ayaw ko nang magsimula pa ulit ng away o gulo. As much as possible ay iiwasan ko siya.
Dumating ang hapon at maayos akong naka-uwi samin. Except that, I’m feeling more sticky because of the dried sweats that are sticked up in my skin. Pinakati pa nito ang mga pahilom ko ng sunburn.
Naligo ako at nilagyan ng cream ang mga sugat sugat ko.Nasa sala ako noon, dahil ako lang naman mag-isa. I didn’t worry about Ephraim suddenly getting in because it was still 5 pm and he will come at 6. That’s what mom says.
Hindi ko pa sinusuot ang damit ko at naglalagay na sa aking likod. Suddenly, I heard a loud gasp coming from my back.
I turned to see who it was.Nakita ko si Tita Loraine na nakatayo sa pinto habang nakaawang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata.
Mabilis akong tumayo at yumakap sa kaniya, not even minding I’m half naked.
“Tita!” I uttered.
“Anong nangyari sa likod mo?” she asked making me turn my back and let her check what she just saw.
Nagpatianod ako.Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ang kaniyang tanong.”N-na sunburn lang po tita.No need to worry about it,” sabi ko.Malapit na rin naman kasing mawala ang mga sugat ko.
“A sunburn?!” she asked in horror “Then, why is it like this? It’s horrible, ang laki ng mga sunburn mo, may mga sugat pa at namumula.”
“I’m treating it with a cream, tita.” Ipinakita ko sa kaniya ang cream na hawak ko.
Kinuha niya iyon at sinuri. “Hindi ba mahapdi?”
“A bit.”
“Kinamot mo ang mga iyan, Zaphira? That’s why it has wounded,” she uttered pointing the truth.
Tama siya. Kinamot ko nga ang mga iyon dahil sa sobrang kati. Hindi ko kasi maiwasan. Dagdag pa na medyo mahaba ang aking mga kuko kaya’t nagkasugat ang mga ito.
Tumango ako and she guided me towards the sofa.Tinulungan niya akong maglagay ng mga cream sa mga parte sa aking likod.Ang iba kasi ay hindi ko abot kaya ang ginagawa ko na lang minsan ay nag-aapply ng cream sa aking buong likuran.
I can feel how soft her hand is.And how gentle her hand as she applied the cream trough my skin. I can’t also stop but to compare her to my mother. She never done that thing to me. Anything that had to do with gentleness.Saka lang rin naman siya nagpapakita ng kabaitan sa tuwing umuuwi si Kuya.
“Ano nga palang ginagawa mo rito sa bahay, tita?” tanong ko para naman hindi mangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin.
“Ipagluluto ko kayo ng makakain niyong dalawa ni Ephraim ngayon.I bet you can’t do that, that’s why I’m here,” she bet.
I licked my lower lip. “I can actually do that, if there’s no disturbance,” ngisi ko trying to bet with her in a contest.
“Hmmm. . .” she chuckled “We can actually do that, until no Ephraim is showing.”
“Hindi naman po siya yong panggulo diba?
“We both know that he always mess at what he likes.”
Ngumiti ako “Where is he actually?” my forehead creased.
“Nasa bahay pa siya, preparing his thesis and finishing some papers from the company.” She answered making me confused.
“What papers?”
“Business thing.” Nagtatrabaho nga pala si Ephraim sa kompanya nila sa Manila. “Ano, game ka na?” tanong niya habang nakangiti.
“Sure, tita!” I said as glee was evident in my voice.
Tinulungan ako ni Tita Loraine na ayosin ang mga gagamitin namin. Puno ang ref nang iwan ako ni mommy kasama si Ephraim. She knows I can cook for myself because she really filled the refrigirator with bunch of foods. Hindi ako pwedeng kumain o bumili na lang ng mga pagkain sa karinderia. I don’t know why, iyon lang ang bilin sa akin.
Since, I and Tita Loraine are a different person. We decided to cook foods that are not the same, since we only have one item per things that we can possibly use.
I decided to cook, kare-kare and I had to use the pot, while tita Loraine decided to cook lapaz batchoy and use the pan for cooking. We definitely had two dishes for the meal. Since, medyo malawak naman iyong kusina ay nagsabay na rin kami na maghanda ng mga gagamitin. Nagsabay na rin kami sa pagluluto.
Sa mesa naghanda si tita ako naman ay sa kitchen counter na. No chair has assigned to the kitchen counter so Tita, has to move in the table. Mabilis kasi siyang mangalay, unlike me.
Minutes of preparing had passed and an undefining silence fed us. Hindi ko alam kung paano magsimula ng topic dahil mukhang pokus na pokus si Tia Loraine sa ginagawa. Ang pagtunog lamang ng mga gamit ang tanging naririnig sa buong kusina.
After a couple of more minutes¸Tita Loraine has already started to cook, habang ako pa ay abala sa paghiwa ng karne. After that, I joined her in the stove.
Mas nauna pang natapos sa akin si tita Loraine sa pagluluto. She has only estimated almost an hour of cooking. Ang sa akin ay lagpas isang oras.
Sa pabilisan ng pagluluto ay natalo ako ni Tita. And, the last thing we had to do is to arranged the table for dinner. Ang tanging hinihintay na lang namin ay ang pagdating ng judge ‘kuno’ namin.
We both sat and patiently waited.
“So, how was it?” Tita Loraine, asked while smiling and breaking the assembled silence we are experiencing since earlier.
I can see how tired she is. A little sweat is dripping down on her forehead.
“Is it really a competition?” I asked.
Mukhang hindi naman kasi nagtulungan kami sa pag-aayos.
“Sa pasarapan ng luto, oo,” she chuckled.
“Magkaiba naman tayo ng niluto, Tita.”
“Na-ah. Hindi natin kailangang magluto ng magkaparehong recipe para lang malaman kung sino ang mas masarap. It’s in the effort and how much love you put in it, Zaphira,” sabi niya.
Hindi ko siya maintindihan.
“Uhm. . What do you mean, tita?”
Ngumiti siya.”Kung hindi mo binilisan ang pagluluto at ginamitan ng effort at oras. Mas magiging masarap yon. If it still didn’t satisfy you, then put some love on it,” pagpapaliwanag niya.
So that’s how it is. Kung ganon ay sino ang mananalo sa amin ni tita? It’s not like, we are taking this challenge seriously. Katuwaan lang ito.
“Tita,” I paused.
“Yes?”
“Why does Ephraim needs to be the new CEO? Architecture naman ang kinukuha niyang course ngayon. It has nothing to do with business,” tanong ko. Hindi ko na napigilan ang kuryoso ko dahil noon palang ay laman na ng aking isipan ang tanong na ‘yon.
“Maybe, it’s better to keep quiet for the meantime, Zaphira,” she said, mysteriously. Leaving me more curious and unsatisfied.
Napatango na lang ako kahit na kating kati na ang aking dila na magtanong. Kating kati na rin ang aking tainga na makarinig ng sagot.
Tita Loraine, touched my hand making me ease my sudden feeling of tension. Sa paghaplos niya roon ay medyo nawala ang aking atensiyon sa tanong na gusto kong hanapan ng kasagutan.
“I’m sorry, I’m late.” Pareho kaming napalingon sa bungaran ng kitchen.Roon ay si Ephraim na nakatayo habang hinahaplos ang kaniyang nagulong buhok. Napatitig ako sa kaniyang mukha at hindi ko lubusang maiantala ang aking pagkabighani.Sa bawat araw na nakikita ko siya ay mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya.
Sa simpleng pag-galaw niya ay kinakikiligan ko ngunit minsan naman ay kinaiinisan.
“Here comes the judge!” napatingin ako kay tita Loraine.
“What?” nanlaki ang aking mata.
“He’s our judge,” ngumiti siya. “Tikman mo na, Ephraim nang sa ganoon ay makaalis na ako. Lumalalim na ang gabi,” iminuwestra ni Tita ang mga luto namin.
Lumapit naman si Ephraim sa lamesa at tinanaw mula sa gilid ang mga iyon.
“Sino ang nagluto ng kare-kare?” kumabog ang aking puso sa tanong niya.
Hindi ako umimik at hinayaan si tita Loraine na sumagot sa kaniya.
“This is my dish,” iniusog ni Tita ang Batchoy “And this is Zaphira’s,” ang akin naman ang iniusog niya.
Nakita ko ang saglit na pagtitig ni Ephraim sa kare-kare at sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang sandaling magtama ang aming mga mata.
Gosh! This is awkward! Hindi ko alam na si Ephraim pala ang magiging judge namin.And that means, isa siya sa mga pinagluto ko?
This is embarrasing! Ni hindi ko pa natitikman ang luto ko. Paano kung hindi pala ma-ayos ang timpla?
Nope. I’m confident with what I created.
“Nope.I’m not going to eat that,” nagulat ako sa sagot ni Ephraim. Nakatitig pa siya sa kare-kare habang sinasabi iyon.
“Ano?”
Ganoon na ba talaga niya ako ka hindi gusto? Kahit pagkain manlang na niluto ko ay ayaw niyang tikman? Damn.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ko ang biglaang pagdaan ng sakit sa aking mga mata. This is not the first time he declined me anyway.Dapat ay nasasanay na ako.
I turned my head to Tita Loraine.I heard her gasp and saw how her lips formed into an ‘O’.
“Allergic nga pala sa mani si Ephraim, kaya hindi niya makakain iyan. I forgot to tell you,” i can see pity in Tita Loraine’s eyes but somehow, there’s a glint of naughtiness in her eyes “Looks like, I won,” aniya.
Bahagya akong ngumiti para naman ay hindi mabasa ng ginang ang pagkadismayang bumalatay sa buong mukha ko. Ephraim just stand there, doing nothing. Hindi ko siya nilingon at naghain na lang ng kakainin ko. Natatakot ako na sa oras na magtama ang aming mga mata ay umiyak ako. It’s how soft I am. I cry over little things. Nakakahiya nga dahil napakaiyakin kong tao.
But, never will I show my crying face to anyone.
“Papalalim na ang gabi Tita. You can take some for your dinner,” sabi ko habang nakatalikod sa kanila.Binuksan ko ang ref at kumuha roon ng malamig na tubig pampakalma.
“Zaphira?” nilingon ko siya.
“Tita?”
“Can you lend me a spoon and a lunchbox.”
Hindi na ako sumagot pa at agad na kumuha ng lunchbox at kutsara. Ibinigay ko iyon sa kaniya ng hindi siya tinataponan ng tingin.
Abala ako sa paglagay ng kakainin ko sa food tray dahil sa kwarto ako kakain. Ayaw ko munang kasabay ngayon si Ephraim. Pakiramdam ko kasi ay napahiya ako.
Mula sa gilid ng aking mata ay nakitang kong kumuha ng isang kutsara si Tita Loraine sa kare-kare at isinubo.
Napailing na lang ako. Tutal ay mukhang ako lang rin naman ang kakain ng kare-kare at hindi ko iyon mauubos. Ibibigay ko na lang kay Tita.
“Sa kwarto na ako kakain, Tita. You can take all of that if you want, total ay wala naman pong kakain bukod sa akin,” sabi ko.
Ngunit agad akong napatigil at nilingon siya.
“Pwede ka ng mag-asawa, Zaphira,” sabi ni Tita habang nakangiti. Ngiting-ngiti siya habang ninanamnam pa ang kinakain.
Sa sinabi niyang iyon ay agad na sumilay ang ngiti sa aking labi.
“Nice joke,” rinig kong sabi ni Ephraim na may halong pagkasarkastiko. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko kita ang kaniyang mukha.
Nagkibit balikat na lang ako.
“Sige, aalis na ako. Thank you by the way,” nginitian pa ako ni Tita Loraine bago niya tinungo ang pinto. She gave me a wave before making her way finally.
Hindi ko na inubos pa ang oras ko at nagtungo sa kwarto.Umupo ako sa harap ng study table at doon nilapag ang aking pagkain. As much as possible for tonight ay ayaw ko munang harapin si Ephraim. Pakiramdam ko kasi ay wala akong mukhang maihaharap sa kaniya. Nahihiya ako.
I had known many things about him. Ngunit hindi ko alam na allergic siya sa mani. Kailan pa?
Napatitig na lang ako sa pagkain ko. Nawalan na ako ng gana.
Huminga ako ng malalim. Kailangang magkalaman ang tyan ko.Not a heavy meal but at least I’ll try to feed my worms inside my stomach.
Uminom ako ng tubig.Bago ko pa masimulang sumubo ay nakarinig na ako ng ilang mga katok sa labas ng kwarto. Pinag-iisipan ko kung bubuksan ko iyon o hindi. Kaming dalawa lang ni Ephraim ang nandito.Malamang ay siya iyong kumakatok.
Tumayo ako at napagdesisyonang buksan na lang ang pinto dahil sa mas lumalakas na pagkatok nito.
Nagulat ako nang bumungad sa akin si Ephraim at mabilis akong itinulak sa loob ng kwarto. Mas lalong naghuramentado ng aking puso dahil sa ginawa niya.
Pinigilan ko na lang ang aking inis na nagsisimula na naman tumaas ang lebel.
“Anong ginagawa mo rito? Nasa kabila ang kwarto mo, Ephraim!” saad ko ngunit hindi niya ako pinansin at tinungo na lamang ang study table kung nasaan ang pagkain ko.
“You can’t eat that.” aniya.
“I can eat anything I want, Ephraim! Bakit mo ba pinapakialaman ang pagkain ko?” lumapit ako sa kaniyang tabi.
“Well, not this one Zaphira,” nagulat ako sa sobrang pagdiin ng kaniyang mga salita. Inilayo niya sa akin ang tray ng pagkain.
“Kung naiinggit ka sa pagkain ko, pumunta ka sa kusina baka sakaling nagtira ang mama mo.”
Nilingon niya ako.
“Wala akong kinaiinggitan, Zaphira.”
“Then, leave! Pagkain ko iyan! Nagugutom na ako at gusto ko ng kumain!” bulyaw ko.Hindi ko namamalayan ang biglang pagtaas ng aking boses.
“Kumain ka pero hindi ang isang ‘to!”
“Ano bang pakialam mo sa kare-kareng niluto ko, Ephraim? I cooked that at kakainin ko iyan.”
“Well, share it with me,” napahinto ako.
“Ano?” nanliit ang aking mga mata.
“Pag-hatian natin ito.” Aniya habang hawak ang bowl ng ulam ko.
“Kumuha ka sa kusina. Mayroon pa roon.”
Kinuha ko ang bowl ngunit hindi niya iyon binitawan.Dumiin ang pagkakakuyom ko sa aking kamao. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pigilin ang aking sarili sa pagpupuyos.
“Ephraim… Naalala ko pa ang mga sinabi mong excuse kanina sa harap ni Tita Lorraine. Kaya ngayon, ibigay mo na sa akin ang ulam ko at ako na ang lalantak,” mahinahon ang aking boses ngunit may diin ang aking bawat salita.
Hilaw siyang ngumiti sa akin at hinila muli ang bowl ng kare-kare.
“I wanna taste it.”
Umusbong ang malaking gali sa loob ko.
“Allergic ka sa mani, Ephraim!” hindi mapigilang sigaw ko.
“May allergy ka sa mani!”
“That’s the point!” nagulat ako nang bigla rin niya akong taasan ng boses “Allergic ka rin sa mani, Zaphira!”
My mind burned with confusion.
“A-ano?” I stuttered.
Nababaliw na ba siya? Is this his way to get something he wants? What is it?! I can’t get what exactly he is ponting!
“Allergic tayong dalawa sa mani, Zaphira. Hindi lang ako, pati ikaw,” humina ang kaniyang boses sa huling salita. I can read his eyes. Nagmamakaawa na itigil ko na ang pakikipag-argumento sa kaniya at sumunod na lang.
“Liar. I have eaten kare-kare all my life ngunit kahit kailan ay hindi ako nag-ka allergic reaction sa pagkain non.”
“That’s because your mom uses almond nuts.” He paused. Unti-unting bumitaw ang aking mga kamay sa bowl. Hindi nag-sisink in sa utak ko ang sinabi niya.
H-how… Paano?

Komento sa Aklat (228)

  • avatar
    Geraldine Tamon

    she’s buetyfull story

    7d

      0
  • avatar
    Frias Eron

    cool

    15d

      0
  • avatar
    Bûåñg Kâ Kol

    the story I'd very good Nice 🙂👍

    18d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata